Chapter Thirty// J?D?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chloe's POV

Since nag-tie kaming tatlo ay may special game raw para malaman kung sino talaga ang winner. Hindi sinasabi ng MC kung anong klaseng laro ang gagawin namin pero pinaghawak kamay kami na magkaharap at dapat titingin sa mga mata nang partners namin.

"Ok, para malaman ang winner, say something good sa partner mo. Kayong dalawa mismo ok?" MC.

Hindi na kami nagtanong pa, nauna kami ni Luke at ako ang unang magsasalita.

"Funny ka." Sabi ko sa kanya na natatawa.

Nagtilian naman ang mga tao kaya napatingin kami sa screen, isa itong parang device na nag me-measure sa heart rate mo yung, kung tumataas ba ito o hindi. (Hindi ko alam ano ang tawag nito basta nasa weekly idol po ito.)

Pero hindi namin alam kung kaninong tibok yun.

"Chloe, look at me." Mahinang sabi ni Luke kaya tumingin ako sa mga mata niya. "You look really beautiful today."

"You're kind." Sabi ko, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko!

"My type of girl." Sabi niya with a smile.

"You remind me of someone." Totoo naman e!

"You remind me of someone that I really adore." Sabi niya

Magsasalita pa sana ako nang pinatigil na kami ng MC. Ang may-ari nang heart rate turns out to be Luke at ang highest namin is 89.

"Not bad." Sabi ko sa kanya.

"Yeah."

Sumunod samin ay sina Christie at Dustin,unang nagsalta si Dustin na may ngiti sa labi.

"Ikaw ang isa sa mga pinakamagandang babae ang nakita ko." 

Tumili kami nang tumaas ang heart rate nito.

"Ikaw ang pinaka easy-going na nakilala ko and I really like you." Sabi ni Christie.

"Ikaw din and ang bait mo." 

"Ang cute nang ngiti mo."

Biglang tumaas muli ang heart rate at kaming mga nanonood hindi alam kung kanino ba talaga ang nagmamay-ari sa tibok sa screen.

"Ang ganda nang boses mo."

Tila naguguluhan naman si Chrisitie pero nagsalita ulit siya.

"Funny ka at malambing."

Namula naman si Dustin at tumaas lalo yung heart rate at ang time nila ay tapos na. Naghiyawan naman kami dahil sobrang taas nang heart rate nito, naging 136 beats ito and nireveal nila na si Dustin ang may hawak nito kaya mas nagtilian ang mga tao.

"Amazing~" Sabi ko kay Luke, siya naman tumawa lang.

"Ohhh~ Ang cutie couple natin ay may 136! Ano naman kaya ang score nang hot couple natin? Heto na sila!" MC

Nagtawa naman ako sa code name nang dalawa at naghiyawan naman ang iba.

"Bagay nga sila, pati yung iba kinikilig." Bulong ni Luke sakin kaya nag thumbs up ako bilang agreement.


Louise's POV

Kami na ni Angelo at todo hiyawan naman ang lahat, well except for Chloe dahil nakikita ko siyang tumatawa like she really enjoys this.

Naghawakan naman kami nang kamay ni Angelo at tumaas na agad ang heart rate sa screen kaya hiyaw na naman. I saw him smirk at nilapit ang sariling mukha sa mukha ko.

Tumawa nalang ako dahil nga baka isa ito sa plan niya, para kiligin ang sarili niya.

"You look really stunning." He said with his seductive voice.

"I like you." Sabi ko.

Tumaas muli ang heart rate at doon ko namalayan, parang tibok ko ata ito?!

"I love you." 

Naramdaman ko muli ang tibok nang puso ko kaya tina-try kong pigilan ito. Kaya bumaba nang kaonti yung heart rate.

"Uh, mahal din kita, walang halong biro." Sabi ko.

Ano ba 'tong pinagsasabi ko?! 

Pinakalma ko muli ang sarili kaya bumaba ulit ito, narinig ko ngang sumigaw si Chloe nang "Ay? Ano ba yan?"

"Louise, will you marry me?" Biglang sabi ni Angelo.

Nagsitilian naman ang lahat at bumilis ang tibok nang puso ko and I'm so happy nang last na pala yun but at the same time, kinakabahan.

Ang score namin ay 130.

"Shz." Mahina kong sabi.

Naramdaman ko naman napaakbay si Angelo sakin.

"Akala ko hindi ka sa'madaling-kinikilig'type." Sabi niya sakin.

Napairap nalang ako at tinanggal ang kamay niya sa pagka-akbay.

"Heart rate belongs to Louise!" Sigaw nang MC.

"Oh~ Louise ha!" Pang-aasar ni Christie sakin.

"Shut up." Pagtataray ko.

Nanalo na sina Christie at Dustin, habang tinatanggap namin ang prize para sa 2nd place ay napansin kong may bracelet pala si Angelo, e co-compliment ko sana kaso baka malisya lang ang makukuha ko sa konting compliment kaya hindi ko nalang ginawa.

After sa awarding, may free foods kaming natanggap at konting picture taking. Umalis naman sina Christie at Dustin dahil e hahati daw nila ang prize in a private way.

"Cash ba yun?" Tanong bigla ni Luke.

"Ewan." Chloe at bumalik sa pagkain.


Christie's POV

Umalis kami ni Dustin dahil e hahati namin yung chocolate in a peaceful manner.

"Tayo nalang ba ang nandito?" Tanong ko.

Si Dustin naman ay sumilip sa labas at bumalik sakin.

"Ok na ang lahat." Sabi niya.

Agad naming nilabas ang chocolates at hinati ito, fair & square!

"Isa sayo nitong toblerone at isa sakin... m&ms..." Habang hinahati ko ito may biglang dumaan na butiki kaya napasigaw ako at muntik nang matumba buti nalang nasalo ako ni Dustin.

Naka hawak siya sa waist ko at sobrang lapit nang mukha namin and it feels like, an de ja vu ako.

"We shouldn't be here, you know, baka iba ang iisipin pag may pumasok dito." Sabi niya.

Nagsitayuan lahat nang mga balahibo ko at lumayo nang kaonti sa kanya.

"I-Ikaw." Mahina kong sabi.

No, napaka impossible naman kung siya yun.

"What?" Nagtatakang tanong niya.

His face... His voice...

"Ikaw..." Bumuntong hinga naman ako at tinignan siya sa mga mata. "... isa ka sa mga bumugbog kay Benjamin hindi ba?" Tanong ko.

Napatulala naman siya at tumawa.

"Ikaw yung nakakita sakin hindi ba?" Kinakabahan kong tanong.

Lumapit naman siya sakin kaya umatras ako, hanggang sa na corner niya ako sa pader. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong;

"I don't really remember." Sabi niya at kinuha ang prize namin. "Hatiin na natin 'to." Dagdag niya at ngumiti like nothing happened.

Dustin, I'm 100% sure na ikaw yung lalake but at the same time, may kahawig kang malapit sakin. Ang aura mo at ang mga kinikilos mo ay magkapareha lang sa kanya, ang dami ninyong similarities ni Justine.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro