Chapter Thirty-Two// Sports Fest

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Luke's POV

"Luke, ang kapal ata nang make-up mo." Christie sabay hawak sa mukha ko, marahan ko itong inalis at ngumiti. 

May narinig naman akong tumawa kaya nilingon ko ito, si Louise lang pala.

"Anyare sa face mo?" Louise at tumingin saming tatlo, "Or ninyo?" Pangaasar niya.

Napakamot nalang si Dustin sa ulo niya. 

Nasa lounge ng dorm kami nakatambay, wala kasing morning classes kaya kumpleto ang lahat. Nakaupo kami sa malaking sofa at kaharap halos lahat nang ka dorm mates namin. Dumaan naman si Chloe na hawak-hawak ang isang apple na may kagat na, pero tumigil siya sa harapan namin at tinignan kami nang maayos tapos bigla siyang umiling.

"Ano? Mukha na naman yung problema?!" Inis kong sabi sa kanya, pero parang wala siyang pakealam kahit na halatang iritado na ako.

Napa-'tsk' siya at binigyan ako nang pat sa kaliwang balikat ko. "Boyfriend? Crush? O Ex?" Tanong niya habang naka rest ang kamay niya sa balikat ko.

"Agh!" Inis kong sigaw sabay marahas na tinanggal ang kamay na nakapatong, pero tinawanan lang ako nang mga ka dorm mates namin.

"Seryoso," Chloe sabay upo sa carpet, "May problema kayo? Hindi naman kayo over maka make up ah!"

Sus! Kung pwede ko lang sabihin ang totoo!

Napa gasp bigla si Louise at tumabi kay Angelo pero nakatuon ang atensyon niya saming tatlo.

"What?" Iritadong tanong ni Angelo.

"Don't tell me na naooffend kayo sa mga sinasabi ko or," Bigla niya namang itinuro ang lahat nang dorm mates namin, "kaming lahat na mukha kayong lalake?"

Nag agree silang lahat, while ang iba ay panay sorry pero napatahimik kaming tatlo at sabay na tumawa, seriously.

"Kung hindi yan, edi ano?" Singit ni Christie tapos tumingin sa mga ka dormmates namin. "Yan lang ata ang possible na explanation." Dagdag pa niya.

"Gusto lang namin e try yung heavy make-up na tutorial." Pagpalusot ni Dustin.

"Oo nga, nakita lang namin sa YT kaya ginaya namin." Angelo.

"Turns out na ang panget pala namin tignan." Sabi ko at nag-act na nalungkot.

Nagulat naman ang mga babae at nag-sorry.

"Uh, hindi naman sa panget, na-na..." Kinakabahang sabi ni Christie tapos tumingin kay Louise, asking for help.

"W-We just find it, uh," Louise habang nakatingin kay Chloe.

"Nabaguhan lang kami." Chloe at kumagat sa apple.

Ang ganda niya kahit walang make-up na suot.

"Oo! Nabaguhan!" Pag aagree nang lahat tapos tumawa nang napaka-awkward.

Dahil nga napaka-awkward na yung situation, dumating talaga sa punto na nagsi-alisan ang iba naming dorm mates hanggang sa kaming anim na naman ulit ang naiwan sa lounge.

"Mag ready na kayo para sa school." Chloe sabay tayo.

"Duh, ready na kami." Pagiinarte ni Angelo.

"Such a biatch." Louise at napairap kay Angelo.

"Gurla, I'm kidding!" Angelo sabay pangungulit kay Louise.



Chloe's POV

"Ms. Jimenez, please gather all the student sa quadrangle." Our Principal said.

"Yes, ma'am." Sagot ko naman at pumunta sa announcement room kung saan nandoon ang isang microphone na naka-connect sa mga speakers all around the campus. Binuksan ko ito at tinap nang tatlong beses.

"Attention," Sabi ko at inadjust ang volume, "Students, please proceed to the quadrangle immediately, again, please proceed to the quadrangle immediately." 

With that, umalis na ako sa announcement room at nagmadaling pumunta sa quadrangle. Habang papunta ako, nakita ko ang mga students na lumabas sa kani-kanilang classroom while ang mga officers ay nag gui-guide.

Pagdating ko sa quadrangle, agad kong nilapitan sina Louise at Christie.

"Anong e aannounce?" Rinig kong tanong niya kay Christie.

Nagmadali namang nag skim sa notes na ginawa ni Christie tapos napa-aha!

"So, anong meron?" Tanong ko noong nakalapit na ako sa kanila. Lumingon silang dalawa sakin, si Louise normal lang while si Christie ay nakangiti.

"Malapit na ang sports fest." Christie.

"Wow, this month na pala yun?" Amaze na sabi ni Louise at tinignan ang mga notes ni Christie, "Ang bilis naman ata nang panahon." Dagdag niya.

Tumahimik naman kaming lahat nang lumapit na ang principal namin sa mic.

"Good afternoon students," Principal at ngumiti, "I would like to remind all of you that starting next week ay Sports Fest na nang Glamour Academy."

Pumalakpak naman lahat nang estudyante at may iba pa nga naghiyawan.

"As always, by dorms ang competition. But this school year, ang dorms within the same year level lang ang magco-compete."

Narinig naming napa-'ayos!' ang ilan, may past scandal kasi kung lower level, like, freshmen vs sophomores and juniors vs seniors. Noon, may rumor na bias daw masyado o maraming advantage ang higher levels, like, ang sophomores and seniors. So, we changed it.

"This week will serve as "Training Week," classes will resume once our Sports Fest end. Thank you." 

Nagsipalakpakan ang lahat and nag start nang hanapin ang mga dorm mates.

"Mamimili na naman ulit tayo." Christie at napabuntong hininga.

"May list ba tayo sa mga sports na lalaruin?" Tanong ni Louise.

"Nakapost na yun sa website nang school, e check mo nalang." Sabi ko naman.

Agad kinuha ni Louise ang phone niya at hinanap ang list, "Oh! Heto." Sabi niya sabay pakita ito sakin.

SPORTS FEST LIST

Team Sports: Volleyball, Basketball, and Soccer.

Individual Sports: Chess and Archery

E-Games: League of Legends and Overwatch

Panlarong Pinoy: Luksong baka at Patintero

+ Cheer Dance Competition +

"Konti lang pala siya." Sabi ni Christie.

"Yep, compare last year." Louise.

Napalingon naman kaming tatlo nang may tumawag samin,

"CHEETAHS!" Sigaw nang mga ka-dorm mates namin kaya napatawa nalang kami.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro