Chapter Fifteen - Life is Full of Contradictions

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

We are in such a hurry to grow up and then we long for our lost childhood.- Paulo Coelho

Candy Chan

5:30 pa lang ay nasa auditorium na kami ni Mart para panoorin ang play na "Let me Fall" kung saan gaganap si Mayel bilang bida. Buti na lamang at di kamahalan ang ticket at nailibre pa ako ni Mart. Maganda rin ang nakuha naming pwesto na nasa 3rd row kung kaya ay kitang kita ang stage. Kalahating oras ang lumipas at nagsimula na din ang play. Dumilim ang buong paligid at lumiwanag ang stage. "Ayan na, magsisimula na." sabi ni Mart saka niya inilabas ang mga baon naming pagkain at juice. Di na siya umiinom ng soft drinks para iwas sa laki ng tiyan kaya nakigaya na din ako. Nakapasa kasi si Mart sa try out at nagsisimula na din ang pagte training niya tuwing Tuesday at Thursday ng umaga kaya mas maaga siyang pumapasok sa mga araw na iyon. 

"Shhh." saway ko kay Mart dahil ayokong may mamiss sa play na ito. Bata pa lang talaga ako ay mahilig na akong manood ng mga play. Buti na nga lang at dala ko ang video cam ko kaya makukunan ko ang buong palabas. Mahilig kasi ako mangolekta ng mga video na kuha ko. Pangarap ko din kasi ang magkaroon ng sariling production company. Kaya nga lang dahil sa family business ay di Mass Communication ang kinuha ko. 

Nagsalita ang narrator at ilang sandali lang ay lumabas na din si Mayel. At sa unang scene pa lang na iyon ay mas naprove ko na ang galing galing ng best friend kong ito. I'm so proud of her. Sa part na nakipaghiwalay ang boyfriend ni Carrie a.k.a. Mayel ay bigla na lang hinawakan ni Mart ang kamay ko at maya maya lang ay naririnig ko na ang pagsinghot niya. "Bakit?" mahinang tanong ko.

"W-wala." aniya habang pinupunasan ang mga mata niya. Kung di ako nagkakamali ay naiiyak siya dahil sa pinapanood namin. May soft side din pala ang ngayo'y varsity player kong boyfriend na si Mart. Mas na realize ko na mahal na mahal ko ang taong 'to. Tinapik ko ang balikat niya at inakbayan siya at sumandal naman siya sa akin. 

"It's okay. Magiging okay din ang lahat." I assured him and then I kissed him on the forehead. Tumango siya sa sinabi kong yun.

Isang oras ang tinakbo ng play at nang ipakilala na ang mga gumanap ay nagkaroon ng standing ovation. Saka ko nakita na napuno pala talaga ang auditorium. Nagkatinginan kami ni Mayel at nagkawayan kami. Inabangan namin si Mayel sa likod ng stage at nang makita namin siya ay agad kaming nagyakap. "I'm so proud of you." sabi ko.

"Thank you friend. Kinabahan ako noong una pero okay naman di ba?"

"Okay na okay, nakunan ko nga ang buong play eh. Hayaan mo bibigyan kita ng kopya." sagot ko.

"Talaga? Teka ba't naman namamaga ang mata ni Mart?" puna ni Mayel.

"Kinamot niya kasi." sagot ko at sumangayon naman si Mart.

"Oo, grabe. Allergy ko ata 'to." dagdag pa niya.

"Mayel," sulpot ni Gene mula sa likod niya. "Excellent job. Di ako nagkamali sa pagpili ko sayo."

"Salamat." narinig kong sagot niya.

"Ano Mayel, una na kami sayo ah." pagpapaalam ko sabay kindat. These past few weeks kasi napansin ko na nagkakaigihan ang dalawa. At napansin ko din na mas masayahin na siya ngayon which is a good thing.

"So uwi na tayo?" yaya ni Mart.

"Yup, 7:30 na din eh. May pasok pa tayo bukas at isa pa malapit na ang midterm, magsisimula na din ako sa pagre- review ko." 

"Oo nga eh. Maaga din ang training bukas, di dapat mapuyat."

"Uyyy, naiyak ka kanina ano?" pangaasar ko sa kanya nang nasa jeep na kami. Nakaupo kami sa may harapan sa tabi ng driver kaya okay lang asarin ko siya.

"Oo kasi naman ayoko sa mga kwentong may naghihiwalay."

"So gusto mo palagi may happily ever after?"

"Oo, gusto ko ng ganoon. Ayoko din na maghiwalay tayo. Alam mo naman ang nangyari sa parents ko di ba? Ayokong magaya tayo sa kanila." Hindi ako agad nakapagsalita. Naisip ko, pwede kaya yung naiisip niya? Kakayanin kaya namin na ipaglaban sa lahat ng bagay o tao ang pagmamahalan namin? Wala pa kami sa twenties and there are still a lot of years to come, madami pa kaming pagdadaanan. Ayokong isara ang utak ko sa mga maaaring mangyari.

"Ayoko din na magkahiwalay tayo Mart." nasagot ko pa din sa kanya at narandaman ko ang mas mahigpit pa na paghawak niya sa kanang kamay ko.

"Magaral kang mabuti mamaya paguwi mo ah." paalala niya.

"Ikaw naman magpahinga na at ng makapagipon ka ng energy."

Mayel Domniguez

"You were really great in there." ulit ni Gene. Kanina niya pa inuulit ulit kung paano ko napahanga ang Deans at mga professors. 

"Thank you." tugon ko sa kanya tulad ng kanina ko pa ding sinasabi. Feeling ko nga para na kaming sirang plaka dito eh.

"Pasensya ka na kung paulit ulit ako ah. You know what mabuti pa kumain tayo, lets celebrate. Sumama ka sa amin, we are all going to Les Ladies Bar."

"Oh no, hindi na. I've got to go home na din naman eh. At isa pa malapit na ang exam, naga- advance study ako eh."

"C'mon, we will all celebrate there pero para saan pa ang pagce- celebrate kung ang pinakamagaling na artista ay wala?"Ayoko sanang sumama dahil wala naman talaga akong ka-close sa Youth Group na ito. Masyado akong marginalized, umuuwi ako pagkatapos napagkatapos ng practice at bukod kay Gene ay wala na naman talaga akong kinakausap pang iba. Mukhang di pa ako tanggap dito. I don't know why pero they make me feel like this. Minsan nga naiisip ko na naka guni guni ko lang. Yup, ang isang Mayel Dominguez ay nahihirapang makisalamuha sa ibang tao. 

"Tama siya Mayel." Si Eugenia, isa sa mga cast ng play. "Walang kwenta ang party kung wala ka. And besides there's still time to review." Di rin nagtagal ay napapayag din nila akong sumama sa kanila. Eventhough I'm really not a bar person. 

"Alright, I'll just give a call to my Mom."

Madilim ang lugar bukod sa dico lights, maingay dahil sa disco music at mga taong nagsasaya sa may dance floor. I never been in this place before. Amoy alak at beer kahit saan. I never thought na nagba- bar ang mga members ng Youth Group na pinasukan ko. "Okay lang yan Mayel, masasanay ka din. Ito ang lugar kung saan kami nagwa- wind up. We loosen up here even for a while lalo na pag sobrang nai-stress na kami sa lahat ng bagay. You're a part of this group now, welcome to Les Ladies. Ladies' night tuwing Huwebes kaya libre ang inumin para sa ating mga babae." si Eugenia ulit. Siya ang gumanap bilang Hannah, ang kontrabida sa play, ang nagtulak kay Carrie para mag drugs. Tama lang pala talaga sa kanya ang role niya, napangiti ako sa naisip ko. "Looks to me that you're already enjoying, so what do you wanna drink?"

"Kahit ano?"

"Okay let me deicde for you." aniya at tinawag niya ang isang waiter. "Two Margaritas, please."

"Margarita?"

"Yup, light na muna tayo." Umupo kami sa bartender's section. Punuan kasi at wala na halos maupuan. Ang ibang members ay nagpunta sa kanya kanyang mga sulok. One thing that really makes me wonder is Eugenia is talking to me now. Actually she never really bothered talking to me before. Kahit noong practice. "Wag kang magalala, di naman ako nangangain eh. first year ka palang right?" Tumango ako sa tanong niya.

"Business Management, ikaw?"

"Gragraduate na ako sa course na Eduaction, major in Biology. Ilang buwan na lang and I'm outta here." natatawa niyang tugon. 

"Ganoon? So excited?"

"Oo excited pero alam mo yun mas lalaki na kasi ang mundo mo eh. Dati akala ko ang school na ang mundo ko, now I have realized na mali pala ako. Mami- miss ko ang school, ang lahat about sa Campus natin. Akala mo natuto ka lang sa academics pero di mo alam na naa- attached ka na dito, na para bang ito na ang bahay mo, ang pamilya mo. Suddenly, naiisip ko, ayoko pa sanang grumaduate, ayoko pa huminto sa pagaaral."

"Pwede ka pa naman magaral di ba? Kumuha ng ibang course or something?" suhestiyon ko. Hindi ko pa ata naiisip ang mga sinabi niya. 

"I wanted to pero kailangan ko ng harapin ang tunay na mundo. Sabi kasi nila pag nakita mo na kung ang totoong mundo,kailangang kumita ng pera you know, makakalimutan mo din ang school na ito, suddenly it will be all memories."

Rainier Lacosta

Hindi ko na itinuloy ang kalokohan na naisip ko dahil una sa lahat ay ayoko ding makasakit ng ibang tao. Hindi rin maganda ang gamitin ko si Mia na naging mabuting tao sa akin, at isa pa mahal siya ni Rio. Ayokong sumira ng isang namumuong relasyon. Kahit naman di sabihin ni Mia, napapansin ko na importante sa kanya si Rio. Maybe I just have to accept this fate of mine. I-enjoy ko na lang ang pagiging binabae ko, habang nararandaman ko pa 'to. Baka pagsisihan ko kung sakaling mawala ang feeling na 'to.

Kagabi ay nakausap ko si Dad at nagtanong siya kung bakit wala pa daw akong girlfriend. "Dad, wala pa yan sa isip ko, I'm still adjusting to college life and besides, I have to focus to my studies first." tugon ko which is half true. Ang isa pang dahilan na hindi ko masabi ay wala na talaga akong interes sa babae sa ngayon.

"Oo nga pala, tumawag si Cathy kaninang 7 pm, wala ka pa kasi so binigay ko na lang ang bago mong number." We were eating dinner and he's speaking casually.

"Talaga?" I tried answering casually too. "I never thought of her for a while."

"Ang tagal niyo ding magkasama di ba?"

"That was eight months and a half I think. It never works out." Isinubo ko ang chicken curry na luto ni Inday at sinubukang i-focus ang sarili ko sa masasarap na pagkain na nasa hapagkainanan. Parang gutom na gutom ako na ilang saglit bago ko napansin na tumigil sa pagsubo si Dad. Kumunot ang noo niya.

"Your Mom also called, kung gusto mo daw sumama sa kanya sa Cebu sa semestral break."

"Sure, sasama ako. I really miss her anyway. Bibisitahin niya for sure si Lola. Kamusta na kaya sila?" Umiling lang siya na parang di niya alam. "Oo nga pala Dad, ba't nga pala kayo tuluyang naghiwalay ni Mom? You, two never tell the exact reason to me." Lagi lang nilang sinasabi sa akin na it will never work out anymore, di na ako masyadong nagtanong dahil kung gusto naman nila talagang sabihin sa akin ay gagawin nila yun pero sa tingin ko meron din akong karapatan malaman. Anak lang naman nila ako. 

"It's a long story son. It is something na mahirap na isalba." tugon niya na para bang wala ng interes ungkatin ang nakaraan. "Finish your food." Kilala ko si Dad, hindi siya dapat pilitin dahil magagalit lang siya at ayokong mangyari iyon.

"Okay, can you at least tell me kung sino talaga ang may kasalanan?" I tried once more.

"Definitely not me. Di ko alam kung ano pa ang kulang sa akin Rain." I think I better ask my Mom. 

Mart dela Serna

"Hi Baby! Kamusta training?" bati sa akin ni Candy nang magkita kami sa library. Doon kami madalas na nagkikita tuwing Tuesdays or Thursdays pagkatapos ng training ko. 

"Kakapagod at nakakainis."

"Bakit naman?" aniya na binaba ang binabasa niyang libro.

"Nakakinis si Coach eh. Grabe siya magsalita, alam mo yun? Sabihin na nating natre- training nga kami at syempre minsan nawawala ako sa focus, alam mo ba kung ano ang sinasabi niya?" Umiling siya. "Dela Serna, wala sa basketball ang puso mo, alam mo yun? Kung talagang mahal mo ang laro na ito, keep your focus. Put your mind on the game. Wag kang tatatanga tanga, %$#@*)"

"Ganoon?"

"Oo, okay naman sana na sabihin mo ko na keep your focus etcetera pero kilala ko ang sarili ko, bata pa lang ako mahal ko na ang laro na 'to. Siguro kulang pa ang effort ko para ipakita sa kanya na nasa puso ko ang laro na ito. Tapos magmumura pa." nagmamakatol kong kwento. Hinawakan ni Candy ang kamay ko at pinisil.

"Ganoon ba baby ko? Hayaan mo siya, siguro pakinggan mo na lang ang sa tingin mo ay makakatulong sayo, i- skip mo na lang ang mga masasamang salita na sinasabi niya, yung mga tipong di naman totoo." Sa totoo lang just her smile makes me feel better. She's really an angel to me.

"Thank you Baby, you're the best."

"So ano, nagugutom ka na ba? Kain na muna tayo." yaya niya. Tinulungan ko siya bitbitin ang mga gamit niya at saka kami naglakad papunta kina Aling Martha. Medyo makulimlim ang panahon at malakas ang ihip ng hangin,  madaming estudyante ang nagmamadaling pumasok o lumabas sa may gate pero mabagal kaming naglalakad ni Candy. "Oo nga pala sabi ni Daddy, kailangan ko na daw matutunan kung paano mamalakad ng Cafe namin na nasa Molino Branch, yung nasa Metroplaza banda, naaalala mo yung Cafe na yun di ba?"

"Oo, naaalala ko." Doon kami madalas tumatambay ni Candy pag Sabado noong nasa high school pa lang kami. 

"Tutal wala na naman akong ginagawa 7 pm onwards dahil tapos na ang klase ko, I was asked to report there at 7:30 pm, everyday."

"Ganoon ba?"

"Yup, and that means goodbye na muna sa mga outings chuva chuva." malungkot niyang sabi pero agad din namang nabawi nang sabihin niyang, "Pero alam mo excited na ako. Pangarap ko din naman kasi ang maging Manager. So acting as assistant Manager muna ako doon." Nakapagtrabaho na sa Cafe na iyon si Candy pero bilang cashier, dishwasher o bilang cook lang hindi bilang Assistant Manager.

"Wow, I'm so excited for you Candy."

"Wish me luck Baby."

Rio del Grande

Nakaupo ako sa park kasama si Mia. Malapit ang park na iyon sa bahay nila at dahil wala pa kaming balak umuwi ay tumambay na muna kami sa park na iyon para mag relax dahil ilang araw na din kaming walang oras para magmuni muni dahil sa page- review. Katatapos lang ng mid term exam at padating naman ang sport fest ng school. Sa buong teenage life ko, ngayon ko na lang ata naranasan ang mag review talaga. Dati kasi papetik petiks lang ako pero ngayon, may kung anong pwersa ang naguudyok sa akin na magaral ng mabuti, feeling ko inspiridong inspirado ako. Mas naiisip ko na ngayon ang hinaharap ko. 

"Ang lalim ng iniisip natin ah." sa wakas ay may nagsalita din. Di ko din namamalayan na kanina pa pala ako walang kibo.

"Wala lang, naisip ko lang kasi mas sinisipag na ako ngayon sa pagaaral at ipagmamalaki kong sabihin na ikaw ang dahilan Mia."

"Dios mio naman Rio, ang drama mo na naman ah." aniya na natatawa. 

"Bakit may mga ganitong moments naman talaga ako ah. Bawal ba?"

"Hindi naman."

"Ang bilis ng First sem no? Pagkatapos ng sport fest eh finals na agad." sabi ko habang sinisipa ang isang maliit na bato na nasa harap ko. 

"Oo nga eh tapos mare- realize mo na lang after ilang years na tapos ka na sa college tapos haharapin mo na ang tunay na buhay, maghahanap ng work tapos magiipon."

"Tutuloy ka pa din ba sa Tita mo na nasa ibang bansa?" Tumango siya. 

"Okay." maikli kong sagot.

"Minsan nga naiisip ko ayoko pa. Gusto ko nasa school na lang ako habambuhay kasi alam ko it will be a big jungle out there."

"Tama ka, kaya habang nandito tayo sa moment na ito, let's live it to the fullest right? Magpakasaya na tayo."

"Oo nga eh, eto na ang huling mga taon na nasa school tayo. Lubus- lubusin na natin 'to bago pa mahuli ang lahat."

Miabelle Basco

Naglalakad ako ng mapatingin ako sa bulletin board. Nursing Dept. Try out for Volleyball is now open, for those interested, pls proceed to volleyball court 5 pm today 6 Sept, look for Coach Ivan. Player ako ng Volleyball noong nasa highschool pa ako at gusto ko uli subukan ngayon, tutal nami- miss ko na din ang mapawisan at ang paghingal.

"Ano try out ka?" tanong ni Rainier na katatapos lang basahin ang nakapost.

"Gusto ko mag try out Rain!" excited kong proklama. Isa pa sa mga namiss ko ay ang mabilis na daloy ng dugo ko sa sistema ko pag naglalaro ako. Namimiss ko ang thrill, ang excitement. Eto ang madalas naming laruin naming ng kaibigan ko, ang kaibigan kong nagpakamatay dahil sa akin. Bigla kong tinanggal sa isipan ko ang huling naisip ko. Hindi ito tama, ayokong masira ang araw ko na ito dahil sa konsensya ko na madalas na akong hunting-in these past few days.

"Sige try out tayo, try out ka sa volleyball, ako dito sa badminton."
"Mahilig ka sa badminton?"

"Hindi naman, actually basketball talaga ang laro ko pero gusto ko naman i- try ang ibang sports. Try out ako mamayang 4 pm sa may gym. Oh my God, I'm so excited."

"Alam mo baklang bakla ka na talaga no?"

"Hindi naman masyado, kita mong nagpapalit na din ng sports eh, isipin mo na lang mas malalayo ako sa tukso kung doon ako sa less boys di ba?"

"O siya siya may point ka na, siguraduhin mo lang yan ah."

"Duh? Of course sister!"

Jake Constal

"Ano ba 'tol, relax relax ka muna. Kung di ang study room ang tambayan mo doon ka naman sa student council room. Chill 'tol!" sabi sa akin ni Mart habang niyaya niya akong maglaro ng computer sa computer shop. "Samahan mo na akong maglaro."

"Bakit ba hindi mo na lang isama si Candy?"

"Busy siya sa family cafe nila eh, gabi gabi na siyang nasa cafe dahil acting as assistant manager na siya doon." he explained. Mahilig din naman ako sa computer games at madalas nakakapaglaro ako noong nasa high school ako pero ngayong nasa college na ako, I can't find any time para maglaro. I am just too busy.

"That's great pare, kaya lang sino na lang ang magaasikaso ng study room?"

"Ayan naman si Mayel o." aniya. "Mayel, okay lang ba na hiramin ko muna si Jake sayo? Yayayain ko lang maglaro for a while. Mas nauuna na siyang tumanda sa ating lahat eh."

"Oo nga naman Jake, okay lang ako dito. Ako na ang bahala." Mayel assured. Mukhang mapapasubo ako dito ah. "C'mon, have fun naman!" dagdag pa nito.

"'Tol di naman kaya natatakot ka lang na matalo kita?"

"Hindi no, gusto mo kung sino ang matalo sa ating dalawa siya ang bibili ng snacks? Ano ha?"

"Aba aba, sige sabi mo yan eh. Tara na."

Napapayag din ako sa wakas ni Mart. Bumaba kami ng first floor at lumabas ng campus. Nagtungo kami sa pinakamalapit na computer shop. "'Tol, gusto mo talaga pumasok sa politics ano?"

"Isa yun sa mga pangarap ko pare. Huling politiko sa pamilya namin ay ang yumao kong Lolo, bata pa lang ako pinu- pursue na ako ng Lola ko. Walang hilig sa ganyan ang Daddy. Mas hilig niya ang magpalago ng negosyo kaya kahit sino sa mga kamaganak namin, ine- expect na ako uli ang bubuhay ng tradition sa pamilya namin." pagkwe- kwento ko. Sabi pa nga ng Lola ko, panahon pa daw ng kastila ay masasabing mga pinuno na ang mga kalahi ko.

"Ganoon ba? Okay yan naku, pag nandoon ka na sa malacanyang ah, wag mo kaming kakalimutan ah." pagbibiro niya habang papasok kami sa may computer shop. Maraming tao sa computer shop na pinasukan namin at dahil kulob ang lugar, naghalu- halo na ang pawis at init sa loob. At dahil walang bakanteng upuan kailangan pa naming maghintay ng thirty minutes para sa susunod na mababakante. Maiingay ang mga lalakeng nasa loob at naninibago ako. Bawat panalo nila ay katumbas ng hiyawan at tawanan, isama mo na ang pagyayabang. Parang ganoon ako dati pero somehow di ko na magising sa katawan ko ang pagkamahilig ko sa ganitong mga laro. Kailan nga ba ako huling naglibang? Ano ba ang mga pinagkakalibangan ko ngayon? Wala akong maisagot sa sarili kong mga tanong.

Nanonood si Mart sa mga naglalaro samantalang ako naman ay nagpupumilit na maglaro ng games sa cellphone ko. Magto- top score na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone. Tumatawag si Daddy.

"Hello, Dad? Anong problema?"

"Son," panimula niya. Nakikinita ko na ang malungkot niyang boes. "Pwede bang umuwi ka ng maaga ngayon? We just have to discuss a few things with you. Nandito din ang Mommy mo."

"Si Mommy? Di ba nasa Cebu siya?"

"Saka na namin ie- explain. You better get home now."

"Okay Dad."

Yun lang at nagpaalam na ako kay Mart. "What the naman tol?"

"Sorry importante daw talaga eh."

"O siya sige, sa susunod na lang natin ituloy to."

"Salamat pare."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro