Chapter 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dad eventually got discharged from the hospital after a week or so. Pinatigil namin si papa sa pagtratrabaho para makapagpokus siya sa kanyang sarili. Nung una, pinaglalaban ni papa na kakayanin niya naman daw, pero hindi kami nagpatalo ni mama. Syempre, para sa kanya rin naman yung ginagawa namin.


Napagdesisyunan nalang nina mama at papa na magtutulungan sila para mas palaguin pa lalo yung carinderia. Tuturuan ni mama si papa magluto at kung paano yung tamang pakikipag-usap sa mga customers. 


"David, pinagluto kita ng ampalaya at chopsuey," Pinaghain ni mama si papa sa lamesa.


Kumunot yung noo ni papa. "Gulay nanaman?"


"Aba syempre! Maraming bawal sayo at dapat maiwasan natin ang paghina ng katawan mo." Pagdedepensa ni mama. Marami ngang bawal kay papa, katulad nalang ng tilapia, baboy, karne, at kung anu-ano pa dahil pwede ito maging dahilan ng paglala ng kalagayan ni papa. 


"Tutubuan na ako ng dahon eh," Pagrereklamo ulit ni papa. "Kahit isang kagat lang ng chicken, bawal?"


"Papa, bawal." Sumabat ako sa kanila. "Makinig nalang kayo kay mama, hindi na po kayo bata."


"Tama anak, tama." Tumango-tango sa'kin si mama at binigyan pa ako ng thumbs up.


Sumimangot sa'min si papa pero pinilit niya ang kanyang sarili na kainin yung gulay. Sumabay na rin ako sa kanila sa pagkain dahil may klase na ako ngayon. Natapos namin yung defense namin noong nakaraang Linggo at ngayon namin maririnig yung feedbacks nung bawat panelist na nakipagdebate sa'min. 


"Ma, pa, gusto ko sanang magpaalam sa inyo." Sabi ko habang kinakain yung chopsuey.


"Ano 'yun anak?"


"Balak 'kong kumuha pa ng shifts sa cafe, bale magiging Lunes hanggang Sabado yung pasok ko doon." Dire-diretso 'kong sinabi. "Nakausap ko na yung manager namin at pumayag na siya sa request ko."


"Hindi pwede," Sagot agad ni papa.


Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. "P-Po?" 


"Hindi kita papayagan 'nak, that's final." Sagot ulit ni papa bago ako tinignan sa mga mata. 


"B-Bakit pa? Eh kailangan din naman natin yung pera,"


"Anak, hindi ako nagtrabaho para lang makita kang masyadong nagpopokus sa pagtratrabaho; gusto kita makitang makapagtapos sa iyong gustong kurso. Ang pagtratrabaho ay dapat sa'min lang ng mama mo, dapat wala ka nang iniisip na iba pa kun'di yung pag-aaral mo."


"Mahirap maging working student, oo alam ko 'yan kasi ganyan din ako dati. Ayoko na sanang mahirapan ka pa anak," Pagpapaliwanag ni papa. "lalo na't malapit ka na makapagtapos ng pre-law."


"Tama yung papa mo 'nak, gagawan nalang namin ng paraan yung mga gastusin dito sa bahay." Pagsingit ni mama. 


"Maghahanap nalang din ako ng pupwede pang pagkakitaan para makaraos tayo," Nakangiting saad ni papa,


"... Ba't ba tayo may malaking utang?" Natanong ko nalang bigla.


Mom didn't look confused, while dad did. Hindi pa rin nasasabi sa'kin ni mama yung tungkol sa nakita ko, yung mga papel na punong-puno ng mga pangalan at kung magkano yung utang namin sa kanila. Nakailang tanong na ako sa kanya pero binabaliwala pa rin talaga.


"Anak, kumain ka nalang." Pilit na ngiti ang pinakita sa'kin ni mama. "Baka malate ka pa sa school mo. Diba may parating din kayong exams?"


Ayan nanaman siya.


She's ignoring my question again.


Bumuntong-hininga ako bago ako tumayo mula sa upuan at naglakad papunta sa sala para kunin yung mga gamit ko. Iniayos ko na rin yung istura at damit ko para hindi naman ako magmukhang basahan sa labas. 


Narinig ko yung unti-unting paglapit sa'kin ni mama. "Anak..."


"Aalis na po ako," I told her without looking at her.


"Anak, pasensya na ha?" Mapait na ngumiti si mama sa'kin. "Pangako ko sayo, sasabihin din namin ang lahat pag okay na. Sa ngayon, magtiwala ka lang muna sa'min."


How can I trust the people who doesn't even trust me back?


Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at nakita yung sinseridad doon. Nakita ko rin ang sakit at pagkalungkot doon, na hindi ko mawari kung saan nanggaling. Doon palang ay naging sigurado na ako sa isa sa mga tanong sa isip ko; may nangyari noon na nagdulot ng kahirapan sa aming pamilya.


"... Sige mama at papa, aalis na ako."


Nagpaalam ako sa kanila bago ako lumabas ng bahay. Siguro sa ngayon, aantayin ko nalang sila magsabi ng diretso sa'kin. There must be another reason why they didn't want me to know about it now, aside from the fact that they don't want me to see me stressing out from it. 


"Good morning, Cal."


Hindi pa ako nakakalingon pero alam ko na agad kung kaninong boses 'yon. ang mga balahibo sa aking balikat ay nagsitayuan ng sabay-sabay nung narinig yung lalaking 'yon.


"Ano nanaman kailangan mo?" I irritatingly asked him.


"K-Kamusta si tito?" Tanong ni Clark bago siya kumamot sa kanyang batok. "Narinig ko lang... Na naospital siya."


"It's none of your business," Sagot ko naman agad.


"Cal, alam 'kong hindi naging maganda yung pagtatapos natin pero simula bata palang ako, inalagaan na ako ng mga magulang mo na parang tunay din nila akong anak. Of course, I also have the right to know about their well-being." Pagdedepensa niya sa sarili.


Kumagat ako sa ibaba 'kong labi bago ko siya hinarap, "Well, you lost that right ever since you betrayed me."


Hindi na siya nagsalita ulit kaya umalis na ako. Clark and I haven't talked about closure. He never approached me about it. Hindi naman sa hindi pa ako nakakamove on sa nakaraan pero, ang sakit pa rin kung iisipin eh. 


He was my best friend since childhood. He knows almost everything about me like the food I like, my dislikes, the things that make me happy, sad, and scared, and so on. But that friendship of ours ended with him becoming a toxic partner to me.


I'm healed, but I'm not ready yet.


But if he does come to me to talk about closure first, then I might reconsider talking to him seriously.


***


Asrow Ventura
Pls update me abt ur dad, ty. ILY.

Cally Suarez
Do your best, I love you! Don't forget to eat your breakfast, okay? Message me when you have a free time!


Bumuntong-hininga ako sa recent reply ni Asrow. I sent out almost 20+ messages to him in the past few days and all he can ever give to me is this dry reply. Pero okay lang, dapat ko naman siya intindihin.


Yes, huwag kang magtampo, Cally. You can't feel this way. Mali 'yan.


"... I'd like to call out Ms. Suarez' group," 


Tinawag na kami sa harapan nung prof namin para sabihin sa'min yung feedbacks nung mga panelists. Hinila ako ni Shaira, kasama yung iba pa naming mga kagrupo, papunta sa harapan. Our professor looked at us sternly while skimming through our research paper.


Siya si professor Magnolia. Siya rin yung nagbigay ng deductions sa'min dati sa klase dahil nagbigay ako ng suhestiyon sa kanya. She basically humiliated me for stating an opinion. 


"Bluntly speaking, you're the group with the lowest score." Ngumiti siya ng peke sa'min. 


"Ma'am?!"

"Hala, bakit po?"

"Weh? 'Di nga?"


Umawang ang bibig ko habang nakikinig sa paliwanag niya. "You weren't able to defend your research paper well because of the many holes you left. You didn't revise your rationale, even when I already told you to do it. The research methodology you used here still lacks evidence and more cohesive explanations. Ano kami mga manghuhula? Nung huli niyo 'tong pinacheck sa'kin, sinabi ko na sa inyo yung mga parts na kailangan baguhin pero ano ginawa niyo? Wala!"


Kumagat ako sa ibaba 'kong labi. 


She never said... any of that when I asked her to check it.


"Pero ma'am, wala naman po kaming natatandaan na-" Shaira was cut off from speakking.


"Ms. Dela Valle, I'd suggest that you should be careful with your usage of words." She sternly said. "I always give comprehensive and easy-to-understand feedback to my students. I am sure that I have given you a clear instruction and still, you didn't follow it. My words are absolute so you better not accuse me of that."


"With that being said," Inayos niya ang kanyang salamin bago ako tinignan ng masama. "I am discontented with your leadership, Ms. Suarez. I expected more from you because you're our first choice in the possible valedictorian list, but I guess that's all you can ever give."


I could've sworn that she gave me an evil grin afterwards.


I didn't answer her anymore because knowing how immature she is, she might give us a bigger deduction. Pinaparevise niya sa'min yung papel, para kahit papaano ay hindi raw ganun kababa yung grado namin. Pinabalik niya na kami sa pwesto namin kanina at kita ko yung lungkot sa mga mukha ng mga kagrupo ko.


"What the fuck?! Ang sarap niyang sambunutan!" Inis na sinabi ng kagrupo namin.


"Hay nako! Ganyan siguro talaga yung mga matatandang dalaga na nagmemenopause! My gosh!" Nagpadyak ng paa si Shaira dahil sa panggigigil.


I bit my lower lip before facing the four of them. "... I'm sorry for this. I should've listened to her feedback more and maybe, we could've aced the defense."


"Luh, ba't ka nagsosorry?!" Tinaasan ako ng kilay ni Shaira. "Nandun ako nung nagbigay siya sa'tin no'n pero ni isa sa mga sinabi niya kanina, wala akong narinig noon! Halatang may galit sayo yung Magnolia na 'yun, grr! Irereport ko na talaga yung hampas-lupang iyan!"


"U-Uy baka marinig ka,"  Nag-aalalang sinabi ni Haelyn sa kanya.


"We aren't mad at you, Cally. We did our best naman eh, kaso yung prof natin alam mo na..." My other groupmate faked a laugh.


"Kaya nga, tama tama!" Ani ni Shaira, "Hays! Susumbong ko siya sa jowa mo,"


Kinunutan ko siya ng noo. "What good would that do?"


"What do you mean?"


"He doesn't even reply to my messages or call me back, so why are you expecting him to do something about this?" Pabulong 'kong sinabi at sinigurado 'kong ako lang ang makakarinig no'n.


"Ha??" Tanong ni Shaira. "Naglinis naman ako ng tainga kanina pero bakit wala akong naintindihan?!"


"Anyway, this is our problem. We shouldn't involve other people into this mess." I told them all. "We should try revising our paper later and we're going to pass it to the devil- I mean, professor Magnolia. I will email to you guys later the Google Docs so that we can collaborate on our work through the Internet. Is that okay?"


"Yes ma'am!"

"Syempre!"

"Ba't mo pa kinorrect eh demonyo naman talaga 'yun?"


Umuwi rin ako kaagad pagkatapos nung araw na 'yon dahil punong-puno nanaman yung carinderia namin, alam 'kong hindi kakayanin nina mama at papa na sila lang ang nag-aasikaso.


Nakakatuwa nga mga customers namin lately kasi kahit wala yung singer namin, si Asrow, ay pumupunta pa rin sila. Asrow's voice brought them here, but we made them come back for more because of our cooking and service. Nakakataba 'yun ng puso kasi lahat ng ito ay pinaghirapan namin at nagbunga ito ng magandang resulta. Parang nagiging parte na kami ng mga fast food chains dito sa 'Pinas. 


Pero kahit na masaya ako para sa business nina mama, may parte sa'kin na nalulungkot o nadidismaya dahil unti-unti ko nang nakakalimutan mag-aral. Lately kasi, maghapon na akong nasa nagtratrabaho sa carinderia dahil nahihirapan si mama maghanap ng trabahador. Kesyo malayo raw ito sa bahay nila, hassle, at maliit lang yung sweldo.


"Ma, ako na diyan." Sabi ko kay mama nung nakita ko siyang naghuhugas ng sandamakmak na mga plato at kubyertos.


"Nako 'nak, huwag na! Mag-aral ka nalang muna," 


"Eh ma, pagod ka eh." Halata ang pagkalungkot sa boses ko.


"Diba may exams ka pa? Go na anak, sige lang! Kaya namin 'to ng papa mo, huwag ka nang mag-alala." Nakangiting sambit niya sa'kin. 


"Ehhhhh," Pagrereklamo ko.


"Cally, 'di ka na bata uy." Mom chuckled at my reaction. "Tulungan mo nalang ang papa mo, matatapos naman na ako rito."


I sighed. "Kukuha nalang po ako ng orders. Mag-aaral nalang ako kapag wala nang masyadong tao."


She bitterly smiled at me after hearing that. "... Pasensya na anak,"


Nginitian ko lang si mama bago ako lumabas ng kusina at inasikaso nalang ang mga customers. Kinuha ko yung mga orders nung mga bagong dumating at pinasa ito kay papa, kasi siya yung naghahanda nung mga pagkain nila. 


I served customers here and there, pabalik-balik ako sa kanila at kay papa dahil sa dami ng orders. Nung medyo nakaluwag-luwag, umupo muna ako saglit at nagsimulang mag-aral kahit na maraming nagdadaldalan sa paligid ko.


Shaira Dela Valle
Uy, ito mga notes ko. Sana matouch ka kasi first time 'kong makinig sa klase.
Shaira Dela Valle sent a file.

Cally Suarez
Weh? Baka mali-mali 'to ha

Shaira Dela Valle
ASA! Anyway, pumasok ka bukas kasi may graded recitation! Bawal daw umabsent!


Kumagat ako sa ibaba 'kong labi. Hindi ako pwedeng umabsent bukas jusko. Ugh, sino ba kasi nagpauso ng graded recitations?!


Kinamot-kamot ko ang ulo ko habang dinodownload yung notes ni Shaira. In fairness, ang ayos nung mga notes niya! Talagang nilagyan niya pa ng iba't-ibang kulay ng mga highlighters and pens.


"Miss, palinis naman po ng lamesa niyo!" Tawag sa'kin nung bagong customer.


Agad 'kong iniwan mga gamit ko at kumaripas ng takbo papunta sa kanila, "Ah yes po! Sorry po for the inconvenience. I will clean it up na po."


Nilinisan ko naman agad ang lamesa nila. I also took their orders afterwards and passed it to dad so that he can prepare it. Ganun lang ang naging routine ko sa maghapon tapos sinusubukan 'kong magbasa ng lectures habang tinitiis yung ingay. Hindi ko nga alam kung may pumapasok ba talaga sa isip ko o wala.


Sinalubong ko yung araw ng may malalim na eyebags at magulong buhok habang papunta sa school. Maganda yung sinag ng araw ngayon. Nararamdaman ko ang pagdampi ng hangin sa balat ko, tila niyayakap ako nito sa lamig. Ang pagbubusina ng mga sasakyan at ang pag-uusap ng mga marites sa tabi-tabi ang nagpagising sa'kin para tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad. 


It was simply another day without Asrow.


I bitterly smiled at myself as I remembered how he left my recent messages on seen last night but it's okay with me. Halos isang buwan at kalahati na rin naman kaming ganito kaya nasanay na rin ako. Sinesendan ko nalang siya ng sweet and inspirational messages araw-araw, para kahit papaano may pinag-uusapan kami kahit kaunti.


Dumiretso muna ako sa cafe nung umaga na 'yon kasi makikipag-usap sana sa'kin yung manager namin tungkol sa pagtataas ng sahod ko. I've been doing a great job lately daw. I don't know if I truly deserve it or not, but I do know that I need it.


Pagkapasok ko ng cafe, may naaninag akong dalawang tao sa sulok. Huh? Sino sila? Hindi pa dapat bukas yung cafe ng ganitong oras dahil masyado pang maaga. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa bag bago ako unti-unting lumapit sa dalawang iyon.


Nung nakalapit ako, muntikan ko na mabitawan ang bag ko.


It was Suzy... and Clark... kissing each other.


"What the..." Bulong ko sa sarili. 


Mukhang napansin nilang nandito ako sa tapat nila kasi tinulak agad ni Suzy si Clark paalis at gulat na gulat na tumingin sa'kin.


"C-C-Cally! A-Ang aga mo naman, haha!" Halata ang pangangatog sa boses niya.


"... Siya ba yung jowa na sinasabi mo?" I asked in a low voice. I look at the asshole, who was quietly wiping his mouth. Nung nakita niya ako, bahagyang nanlaki ang mga mata niya bago siya tumingin sa ibang lugar.


"A-Ah oo, si Clark..." Nahihiyang pagpapakilala niya sa'kin. "... Alam ko naman na naging kayo dati, pero naka-dalawang taon na rin naman na, diba? Hehe, niligawan niya ako ng isang taon."


Suzy knows that he and I were a thing back then dahil nung baguhan palang kami, sinusundo ako ni Clark sa cafe tuwing weekdays. Palagi niya kami sinusuportahan dati pero ang nakakainis lang... Alam niya rin... kung paano sinira ni Clark yung tiwala ko sa kanya.


"Mag-usap tayo saglit Suzy," I told her sternly.


Tinanguan niya naman ako at pumunta muna kame sa employee's room, kung saan namin nilalagay ang mga gamit namin at mga damit na pamalit. Nilock ko ang pinto para makasigurado ako na hindi makakapasok yung lalaking 'yon.


"C-Cally, galit ka ba?" Nalulungkot na tanong niya. "Sasabihin ko naman na dapat sayo pero palagi ka kasing busy sa school at sa carinderia niyo,"


"I'll be blunt," Sabi ko. "... Hiwalayan mo na siya, he's not the right man for you."


Nanlaki ang mga mata niya. "A-Ano?? Paano mo naman nasabi 'yan?"


"You can't trust that guy Suzy, alam 'kong alam mo 'yan kasi alam mo kung anong katarantaduhang ginawa niya sa'kin noon." 


"H-How can you say that? Nagbago na siya, Cally. He's sweeter and more loyal than before!" She defended him. "Araw-araw niyang pinaparamdam sa'kin na mahal na mahal niya ako at walang iba!"


"Ganyan din siya dati, pero anong nangyari?" I scoffed at the way she complimented his courtship.


"Don't define his whole being just because of one mistake!"


Nanliit ang mga mata ko sa kanya. "Mistake? Are you saying that... cheating is a mistake? Pagkakamali lang ba talaga 'yon, Suzy?"


"Oo! Nagkamali lang siya, Cally! Hayaan mo na!"


"Cheating is an option, not a mistake. Tao siya diba? Dapat pinag-isipan niya muna bago gawin yung isang bagay!" I defended my side naman. "I'm saying this for your sake, Suzy. Maraming tao sa mundo, pero bakit ka nagsettle sa isang katulad niya?"


"Maraming tao sa mundo pero siya ang gusto ko," Sabi niya habang seryosong nakatingin sa'kin. "Bakit ka ba nangingielam??"


"Nangingielam ako kasi kilala ko yung lalaking 'yan! I don't want you to get hurt and lose yourself while dating him, Suzy!"


 "Grabe ka naman Cally. Hindi ka pa ba nakakaget over sa kanya? Move on! 'Wag ka masyadong magpa-victim kasi may pagkakamali ka rin naman dati! Puro ka trabaho, puro ka pamilya, kaya ayan! Nangaliwa siya sayo! But that will never happen to me kasi never akong magkukulang sa kanya!"


"Palagi kitang sinusuportahan sa mga bagay na gusto mo, kahit nung dati palang! Kahit nung first years palang tayo pero bakit ikaw, hindi mo ako kayang suportahan?" She bit her lower lip and looked at me with irritation in her eyes. "Si Clark lang yung pinakamaayos sa lahat ng mga nanligaw sa'kin at sa kanya lang nahulog yung puso ko ng todo."


"Hindi ako makikipaghiwalay sa kanya, kahit ang kapalit no'n ay yung pagkakaibigan natin. I don't want to be friends with a judgmental person like you!"


Tumakbo siya palabas ng pinto at iniwan akong mag-isa sa kwartong ito. All her words replayed in my mind... as my knees slowly gave up and let me sit on the floor. 


Her words made me question myself again... Cheating is a choice, but she viewed it as a mistake and even pointed out that I shouldn't be 'nagpapavictim'. But I just didn't want her to get hurt... I simply want her to be happy and contented with the person she chooses and Clark isn't the right guy for her.


Pero ewan ko na. Lately, hindi ko na alam kung ano pa yung tama at mali. Litong-lito na ako sa mga bagay kasi ang daming nangyayari. Isang araw masaya ako, pero bigla itong mapapawi na parang isang bula. Para na akong isang robot na sumusunod nalang sa flow. Saan pa ba dapat ako lumugar?


Tunay naman talaga na nag-aalala lang ako sa kanya kaya ayun yung mga nasabi ko pero ganun ba talaga ako kasamang tao para... mawala yung pagkakaibigan namin? She chose a cheater over a friend who's been with her for four years or less?


Love can truly make people fools.


Just then, nagvibrate yung phone ko at may nag-pop out na message sa screen.


Asrow Ventura
I'm otw there. I'm wearing a red shirt and khaki shorts.

Oh shit, wrong send!

I'm sorry for bothering you, Cal. Na-wrong send lang, sa kaibigan lang yan.


***


[A/N: Again, this story is not affiliated with UP or any other schools hehe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro