Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ma, mag-MOMOA daw po kami."

Napatigil si mama sa paglilinis ng mga lamesa sa carinderia. Kakasarado lang ng shop namin 'tas nahugasan ko na ang lahat ng mga platong pinaggamitan ng mga customers kanina. I got home early today because I want to help out my mother. Pagkauwi ko nga, yung kanyang likod ay basa na ng pawis eh hindi niya abot ito kaya pinunasan ko siya gamit ng malinis na twalya.

"Sinu-sino kayo 'nak?" Tanong ni mama bago nagpatuloy ulit sa paglilinis. 

"Sina Shaira po, 'tas si Castriel at Wyatt," Pagkukwento ko sa kanya. "Kilala niyo pa ba sila ma? Siya yung kaibigan ko sa klase 'tas kababata niya si Castriel." Hindi ko na namention si Asrow kasi hindi naman siya kilala ni mama at hindi naman kami magkaibigan.

"Ahh oo naman 'nak! May crush ka ba sa isa sa kanila?" Pagtatanong ni mama bago niya ako nginitian na parang nang-aasar.

Umiling ako agad. "Ma naman! Wala ho akong crush ngayon."

"Huwag mong sabihin na yung Clark pa din ang gusto mo, ha? Aba'y huwag kang magpakatanga 'nak! Gamitin mo ang utak mo palagi, 'wag puso." Pagpapaalala ni mama kaya tinawanan ko lang siya.

"Ma, matagal na po akong naka-move on do'n. Hayaan niyo na siya." Sabi ko bago ko siya nginitian. "Papayagan niyo na po ba ako sa MOA?"

Doon napakagat si mama sa kanyang ibabang labi. " 'Nak... Wala kasi akong extrang pera ngayon. Alam mo namand diba na may binabayaran pa kami ng papa mo ngayon? 'Yun kasi muna ang priority namin eh."

"Okay lang po ma! Meron naman akong extrang pera galing doon sa pinagtratrabahuhan ko po," I lied to her. I made her think that I still have excess cash even though I gave her all of my money last time.

"Pasensya na anak ha?" Halatang pinilit lang ni mama na ngumiti kahit nasasaktan siya para sa'kin. Niyakap ko nalang siya pagkatapos. I don't like seeing her sad or forcing her to smile after all. 

Nung dumating na yung Linggo, nagsuot ako ng grey sweater at itim na ripped jeans. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok at may pagkakulot ito sa pinakadulo, gawa ng natulog ako kagabi ng naka-bun. Hindi na ako nag-makeup pero nagpulbo ako at naglip tint para kahit papaano ay maaliwalas akong tignan.

Hindi daw kami magcocommute. Wyatt offered us a ride and he's also the one who's going to pay for the toll gate fee. Okay lang daw sa kanya kasi minsan lang naman daw kami gumala.

Pagkababa ko, nakita ko si mama na nagwawalis ng sahig sa loob ng bahay. Mukhang nakaalis na ulit si papa. Minsan ko nalang siya naaabutan sa bahay dahil madalas siyang umaalis ng maaga at uuwi ng napakagabi.

"Ma aalis na po ako," Pagpapaalam ko sa kanya bago ko dinouble check ang laman ng bag ko.

Tumingin siya sa'kin at bahagyang tumigil muna sa pagwawalis. "Wow naman! Anak ko ba talaga 'yan? Ang ganda-ganda mo!"

"Nagmana kasi ako sayo," Giit ko sa kanya, na ikinatawa niya nalang.

"Nambola ka pa talaga anak, grabe ka naman diyan. Magtext ka kapag pauwi ka na, ha? 'Wag kang mag-alala sa papa mo kasi sinabihan ko na siya tungkol sa lakad mo ngayon. 'Wag kang makipag-usap sa mga strangers ha? Kapag mag-ccr ka, dapat may kasama ka palagi kasi you'll never know!" Pagpapaalala niya. She was treating me like a kid.

"Yes mama, noted po." Sabi ko sa kanya at nginitian.

"Ay teka!"

Tumakbo siya saglit papunta sa dining table namin. May kinuha siyang puting envelope doon at tumakbo ulit siya papunta sa'kin. Agad niyang ipinaabot sa'kin yung envelope na 'yon, na ikinataka ko naman.

"Anak, hindi 'yan malaki pero 'yan nalang gamitin mo sa gala niyo ngayon, 'wag na yung ipon mo." Sabi niya sa'kin at nginitian ulit ako. "Binigay 'yan ng papa mo kagabi 'nak."

Nanlaki ang mga mata ko doon at agad 'kong ibinalik sa kanya. "Ma naman! Itago niyo na 'yan ni papa, meron akong extra dito."

"Ipunin mo nalang nga 'yan 'nak. Ayokong lumaki ka ng walang naiipon para sa sarili mo. Mas mabuti nang may extra kang pera na nakatago para kapag may nangyari, hindi ka na mag-aalala. Tsaka, ayaw naming magmukha kang kawawa kasama yung mga kaibigan mo kaya dalhin mo na 'to." Pagpupumilit nito at ibinalik ulit yung puting envelope.

Kumunot yung noo ko sa kanya. "Wala namang mangyayaring masama 'nay."

"Tignan mo yung oras 'nak oh! Baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa labas!"

Tama nga si mama, nalate na ako ng labing-limang minuto. Dahil sa pagpupumilit ni mama ay dinala ko nalang yung envelope at 'saka ako lumabas ng bahay. Susunduin daw nila ako makalabas ng village namin kaya naglakad ako agad papunta doon.

Wala akong planong gastusin ang isang libong pinadala ni mama sa'kin. I have money but it's only around four hundred pesos. Kaya ko naman 'yon ipagkasya ngayon, matipid naman ako.

Pagkalabas ko, agad 'kong nakita yung puting sasakyan ni Wyatt. Naka-tinted ito pero nahahalata ko naman na may apat na tao na nandoon sa loob. Ako ata yung pinakahuling sinundo.

I opened the door behind and I immediately saw Asrow's smiling face. Siya ang nasa gitna habang si Castriel naman ang nasa kaliwa nito. He was wearing a plain khaki shirt and black slacks. He has a black earring on his right ear and he has a black belt bag around his waist. 

"Hello Cal!" Masayang bati nito pero inirapan ko lang siya.

I went inside and was greeted by the others. Nakakagulat talaga na sumama pa sa'min si Asrow. He just happened to overheard our conversation about going to MOA and look at him now, he's coming with us to that place.

Umabot kami ng halos isang oras bago makapunta doon gawa ng traffic. Weekends din kasi kaya mas dumami yung tao sa kalsada, lalo na't walang pasok ngayon sa school at sa work. Wyatt parked his car through the underground tunnel of this mall. First time 'kong maka-experience ng ganun kaya hindi ko maiwasan kun'di mapamangha.

Sinalubong kami ng malamig na hangin mula sa aircon ng mall. It smelled nice here at MOA. Mukhang madaming shops dito 'tas punong-puno ng mga tao. Halatang ibang-iba ang mall na ito kumpara sa iba kasi sa sobrang 'laki niya. It's my first time arriving here so I couldn't help but get indulged in this mall even more.

"Hoy, bumili na muna tayo ng tickets bago mag-lunch!" Suhestiyon ni Shaira sa'min. Alas onse na kasi ng umaga at sa 'dami ng taong nandito ay mukhang mahihirapan kaming bumili ng tickets agad.

"I'm good with that," Wyatt answered before yawning.

Ipinalupot ni Castriel ay kanyang braso sa balikat ni Shaira. "TARA NA AT MAGSIWALAAN!"

"Hoy! Umalis ka nga sa'kin!"

"Nooo! Baka mawala ka pa dito ulit eh."

"NOON LANG 'YON, MALAKI NA AKO NGAYON!"

I couldn't help but laugh at the two of them again. Iba talaga yung samahan kapag magkababata kayong dalawa ng kaibigan mo.

Biglang sumulpot si Asrow sa gilid ko na nakangiti. "Hi naman diyan Miss Cally oh! Ba't ang snobber mo po ngayon?"

"Huh?" Inismiran ko siya, dahilan para matawa siya sa'kin. "Aren't you gonna wear something in order for people to not recognize you?"

Doon nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. He looked amused at my question. Muntikan ko na siyang mahampas nung sumilay ang ngisi niya sa bibig. "Why do you ask? Are you concerned about me now, Cal?"

"Ewan ko sayo!" Inirapan ko siya pero mas tumawa lang talaga siya! 

"Ewan ko sayo," He mocked and tried to imitate my voice. Dahil doon, nahampas ko na siya ng tuluyan sa kanyang braso. "Aray naman Miss Cally! Parang 'di tayo nagdate dati ah! Grabe naman pagkasungit mo!"

"It's not a date!" I hissed and defended myself. Grabe talaga yung topak ng lalaking 'to ngayon. He's extra playful today, which made me pissed off.

"Part 2 na ngayon ng date natin, 'wag mong kalimutan." He said before chuckling at me. Kinunutan ko siya ng noo kasi paano 'to naging date kung may kasama kaming iba?? "Diba sinabi ko sayo, MOA is also part of my fun life."

"Whatever," I told him and rolled my eyes.

"Sana matanggalan ka ng mata sa kakairap mo sa'kin,"

"Sana matanggalan ka ng bibig sa kakadaldal mo sa'kin," I fired back, which made him laugh even more! Habang naglalakad, napansin 'kong nakasilay sa'min si Wyatt pero agad naman siyang umiwas ng tingin nung nakita ko siya. Weird.

Tumaas kami ng palapag gamit ang escalator at dumiretso agad kami sa may movie theater. Tama nga ang hinala ko at ang haba ng pila doon. 'Di naman na nakakagulat, sa 'laki ba naman ng mall na ito? Tsaka bali-balita ko, maganda daw ang loob ng cinema dito kaya hindi ko mapigilan kun'di maexcite ng kaunti.

They decided to pick a romantic comedy movie. Nakapwesto kami sa pinakataas ng cinema, para kapag titingala yung ibang tao sa baba, makakakita sila ng mga magaganda at gwapong nilalang doon amp! 

The movie ticket was around 250 pesos so all I have left is 150 pesos. Ayoko namang galawin yung binigay ni mama sakin kasi alam 'kong mas kailangan nila ito. Gagalawin ko lang siya kapag kailangan na kailangan ko na siya.

Pumasok kami doon sa loob habang may dala-dalang tig-iisang popcorn at cokes. Sikat daw ang movie na ito sa social media dahil nakakakilig daw 'tas may nakakaiyak na scene pero ewan ko, hindi ko siya feel. It's just another one of the cliche movies they have made. Naging sikat lang siguro ito dahil sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga artista doon.

"Ma, pa, salamat ha? Kasi palagi kayong nandito para sa'kin. Ni minsan ay hindi niyo ako pinabayaan o 'di kaya, pinaramdam sa'kin na hindi niyo ako mahal." The character Kathryn was starring was called Chiara. Anak siya ng isang mayamang pamilya sa pelikulang ito.

"Anak ka namin eh, bakit ka naman namin pababayaan?" Her mother and father pulled her in for a hug, showcasing a perfect family on the screen.

Naalala ko tuloy sina mama at papa. Hindi man kami gaano kayaman ngunit magkakaclose kami tapos palagi kaming nandyan para sa isa't-isa. Naniniwala kasi kami na kapag may problema, palaging merong solusyon at nagkakaisa kami para malutas 'yon.

Tumingin ako sa kanan ko para kunin yung inumin na nakapatong sa arm rest. Sakto, nakita 'kong titig na titig si Asrow doon sa screen.

He looked... really sad for some reason.

Hindi ko napigilang mas lalong kabahin nung may nakita akong pumatak na isang luha sa kanang mata niya. Ang mas nakakapagtaka pa dito ay hindi naman nakakaiyak yung pelikula kaya bakit siya naiyak? Puno nga ng saya at katatawanan 'yun eh.

"A-Asrow," I whispered while trying to call out his attention. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko at ginawa ko 'yon.

Nakita 'kong pinunasan niya ng mabilisan yung kanang mata niya bago siya tumingin sa'kin ng nakangiti. "Hmm? Ano? In love ka na sa'kin, 'yun ba?"

Nagkasalubong ang dalawa 'kong kilay nung sinabi niya 'yon. "Ewan ko sayo!"

"Haha! Napuwing lang ako 'wag kang mag-alala," Sabi niya tapos mas lalo pa akong nginitian. Inalukan niya pa ako ng natitira niyang popcorn pero umiling nalang ako.

"H-Hindi naman ako nag-aalala..." I lied.

Pagkatapos ng movie ay tumambay muna kami ng saglit doon sa theater para magkwentuhan tungkol doon sa napanood namin. Si Shaira ay halatang kinilig doon sa movie kaya panay asar nanaman si Castriel sa babae. Wyatt looked really bored with the movie but he said that it's still fine. Sakto, habang nagkukwentuhan kami, may mga nagpapapicture kay Asrow dahil nakilala nila siya. 

At syempre, ako nanaman ang ginawang photographer.

"Okay na," Iritado 'kong binigay yung phone doon sa huling nagpapic sa kanya. She looked scared at my tone.

"G-Girlfriend po ba kayo ni Asrow?" Natatakot na tanong nito. 

Sasagot pa sana ako pero natigilan nung ipinulupot ni Asrow ang kanyang braso sa balikat ko at hinila ako papalapit sa kanya habang tinatakpan ang mukha ko. Hindi ko mapigilan kun'di maamoy yung kanyang matapang pero mabango na pabango.

"Haha! Pagpasensyahan niyo na kasungitan nito ha? Siraulo kasi 'to eh!" Natatawang saad ni Asrow sa babae. Kinurot ko siya ng patago sa beywang pero hindi siya nagreact.

"A-Ah sige po! Salamat po ulit!" Nagbabye na yung babae kaya binitawan din ako kaagad ni Asrow.

"What was that for??" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Inayos ko ulit yung pagkakahawi ng buhok ko, na nagulo nung hinila niya ako papalapit sa kanya.

"Baka may kumalat na rumor 'tas madamay ka pa," He explained. Pinasadahan niya ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok na parang sinusuklay niya lang ito. "I don't like having unnecessary issues."

"Wew, pero may binabayara-" Tinakpan niya bigla ang bibig ko at doon ko lang napagtanto yung muntikan ko nang sabihin sa kanya! I almost forgot the fact that Shaira and the others are here!

"Wow, close na close kayong dalawa ah." Nakangising sabi ni Shaira sa'ming dalawa. "Kelan ba kayo nagkakilala nitong kaibigan ko at paano?"

"Nung party ko," Diretsong sagot ni Asrow bago niya ako binitawan. He lied to them! Eh pero, hindi din naman namin masasabi na nagkakilala kami kasi... may narinig akong hindi kaaya-aya na nanggaling mismo sa kanya.

"Nakita ko siyang walang kasama kaya sinamahan ko. I don't want to make my guests feel lonely after all!" Masayang sambit nito bago niya ako binalingan ng tingin. Ugh, this is making me feel cringy!

"Ahh," Napapangiting ani ni Shaira bago siya tumingin sa'kin at nginitian ako ng saglit. Alam ko na agad yung nasa isip ng babaitang 'to.

Umalis na kami kaagad ng theater at pumunta-punta kami sa mga shops para mag-window shopping lang. Todo tingin si Shaira doon sa women's section 'tas nakita 'kong pinadala niya kay Castriel ang lahat ng mga damit na susubukan niya. Nakakaawa yung lalaki kasi dalawang baskets na punong-puno ng mga damit ang dala-dala niya.

Si Wyatt ay nakaupo lang mag-isa doon sa libreng upuan na may foam. Mukhang nakikinig siya sa mga tugtog kasi nakita 'kong nakasalpak ang earphones nito sa tenga.

Ako heto...

"Jusko po! Bakit 200 pesos na agad yung isang pinggan??" Gulat na gulat na saad ko doon sa nakadisplay na plato. Isang piraso palang 'yon pero ganun na agad kamahal! Hindi naman 'yun kagandahan eh!

"Ay ito, magugustuhan 'to ni papa." Binigyan ko ng pansin yung mug na may nakaprint na alak doon sa labas. Ang kaso nga lang, nasa halagang 250 pesos ito, halos katumbas na ng isang movie ticket ah! Tsaka ba't mas mahal pa 'to kaysa sa pinggan kanina?

"Cally, how old are you again?" Asrow asked me as he watched me looked at the kitchen tools and plates. 

"20," Sinagot ko naman siya agad kasi panay tingin ako sa mga magagandang baso. May isang set na iba-iba yung kulay nito! Eh ang mahal din, nasa 500 naman 'to. Grabe ka naman MOA!

"Why aren't you looking for clothes like Shaira? Talagang sa mga plato ka pa nagkaroon ng interes ha?" Binalingan ko siya ng tingin at napansin na pinipigilan niya ang kanyang sarili na matawa sa ginagawa ko.

"Wala namang masama ah?" Pagsusungit ko sa kanya. "May carinderia kasi kami kaya curious ako sa mga ganito. Baka may mahanap akong mura na maganda."

"This is an SM Department Store. There's no such thing as a cheap item here." He reminded me as he chuckled once more. May point nga naman.

Pagkabitaw ko ng basong tinitignan ko kanina, bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko at tinulak ako papunta sa Women's section, kung saan tumitingin si Shaira kanina. Punong-puno ito ng mga damit 'tas madami pang naka-sale.

"Check this section too," He said before putting both of his hands in his pocket.

Inirapan ko siya bago ako naningin-ningin. Ngangayon lang ulit ako nakatingin ng mga bagong damit. May mga damit naman kasi ako sa bahay na mukhang okay pa naman kaya hindi ko naisip na maningin ulit ng bago.

My eyes caught this lovely outfit. It was a black off-shoulders top with long sleeves, partnered with a simple plaid skirt. Nakasuot ito sa mannequin 'tas may nilagay pa silang shoulder bag sa balikat nito, na bumagay nga naman sa damit.

"Gusto mo?" Tanong niya sa'kin habang tinitignan yung kanina ko pang tinititigan. "Hmm... I'd say that this would look great on you because you have long legs."

Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Pervert,"

"Luh! Anong pervert ka diyan eh kapansin-pansin naman talaga yung pagkahaba niyan??" He has a point though. I really have long legs. Kung natripan ko sanang magmodel ay matagal ko na itong ginawa kasi may chance ako, eh pero hindi ko 'to trip so no thanks.

"Buti pa sa'kin may mahaba, eh yung sayo?" Nang-aasar na tanong ko bago ako tumingin sa ibang mga damit naman, leaving him speechless there.

"N-Naniningin ka ha! Grabe ka naman ate Cally!"

"Hoy anong naniningin?? Tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-ate mo!" Sinimangutan ko siya at 'saka ko siya inirapan ulit. Ugh.

May mga biniling damit si Shaira kaya pagkatapos no'n ay umuwi na kami. Naawa ako kay Castriel kasi siya ulit yung may bitbit nung mga pinagbibibili ng kaibigan ko. Wala akong binili doon kahit na may nagustuhan ako kasi gusto 'kong magtipid. Meron pa naman akong ibang damit sa bahay kaya okay lang.

The road was long. Naging matraffic dahil madaming tao na din yung pauwi ng ganitong oras. Papunta kami ngayon sa condo ni Asrow. Kakalipat niya lang ulit doon for some reason. Iinom ata kami ng alak 'tas makikitambay muna doon bago umuwi. 

We ended up falling asleep. Ako ang nasa gitna ngayon doon sa likod 'tas nasa kaliwa ko si Castriel at nasa kanan ko naman si Asrow. Hindi ko alam kung bakit ba ako nakatulog ng pakanan kaysa pakaliwa! Asrow ended up teasing me all ride when I found out that I've been sleeping at his shoulder for minutes, ugh!

Nang makarating kami sa condo ay namangha ako agad. Pwede atang tumira dito dalawa hanggang tatlong tao kasi malawak ang espasyo. Ang mga kulay nito ay nasa itim, puti, at gray lamang. Monochrome yung theme pero ang ganda tignan as in. Parang gugustuhin ko ding tumira dito.

"Iinom ba tayo?" Tanong agad ni Asrow pagkalabas niya ng kwarto niya. He changed his clothes into a plain white shirt and shorts, para mas komportable.

"Nako hindi! Baka maknock out agad si Castriel niyan!" Shaira said and laughed while the said guy glared at her. Mabilis kasing malasing si Castriel talaga.

"Laro tayo truth or dare," Suhestiyon ni Castriel bago niya binalingan ng tingin si Shaira. "Idadare ko agad 'tong monggi na 'to na magnakaw doon sa palengke nang mabilanggo na!"

"LUH EPAL KA!"

"Okay then, may bote ata ako dito teka." Pumunta uit si Asrow sa ibang kwarto para kumuha ng bote.

Umupo kaming lahat sa sahig niya at nakabilog kami para sa bote. I was sitting next to Wyatt while Castriel and Shaira are seated next to each other. Hay nako, bagay talaga sila. Sana maging sila na. Maag-aaway pa din kaya sila kahit sila na? I'm curious about that.

Dumating si Asrow na may dalang bote. Mas malaki yung espasyo kina Wyatt at Castriel pero pinilit niyang umupo sa maliit na espasyo na pagitan namin ni Shaira. Nginisian niya ako pagkaupo niya pero inignore ko siya.

"Sino mauuna?" Tanong ni Asrow pagkababa niya ng bote sa gitna naming lahat.

"Ako! Ako!" G na g 'tong si Castriel, to the point na bago pa magreact si Shaira ay naiikot na ng lalaki ito.

Tumigil ito kay Wyatt, na ikinadismaya naman ni Castriel dahil gusto niyang pahiyain si Shaira. "Anla! Pero okay lang. Oh 'tol! Truth or dare?"

"Dare," Sagot agad ni Wyatt ng hindi nagdadalawang-isip. Oh daredevil. 

"I dare you..." Napaisip-isip si Castriel ng magandang dare para dito. "... Ah! I dare you to call the most beautiful girl at your class and ask her out!"

"Uy, 'matic si Kimora 'yan!" Giit ni Asrow bago tumawa. Hindi ko kilala 'yon pero doon ko lang napagtanto na magkaklase nga pala sina Wyatt at Asrow.

"And if I refuse?" NAnigkit ang dalawang mga mata ni Wyatt. Singkit na nga 'to pero mas lumiit pa.

Ngumisi ng nakakaloko si Castriel. "Kiss the person on your right,"

Natahimik kaming lahat kasi yung nasa kanan ni Wyatt ay si Castriel mismo. Dumilim yung mga mata nito nang napagtanto niya na mali yung sinabi niyang direksyon.

"Ay tangina! Mali, mali! WTF BRO!" Singhal ni Castriel.

"Ungas ka! Ikaw ha, may pagtingin na pala kay Wyatt!" Pang-aasar ni Shaira. Nakitawa ako sa kanya 'tas nag-apir kami.

"Tangina mo, hindi tayo talo." Umiling-iling si Wyatt sa kaibigan niya.

"BRO NAMAN! NAGKAMALI LANG!"

"But I'll do it anyways," Kinuha ni Wyatt yung phone niya sa bulsa.

He immediately looked for that Kimora girl on Facebook. Pinakita niya sa'min magdamag yung screen ng phone niya para alam namin na hindi siya nandadaya. Chinat niya naman agad ito tapos tinawagan niya through Messenger. 

"Hello Kimora, I just want to say something to you through a call... Yeah, I know it's night time but this is important. Please hear me out... I-I like you, will you go out with me? ... Speed? Ay sorry speed nga." Wyatt said before Castriel hit him on his shoulder.

Inend ni Wyatt ang call agad at sinamaan kaming lahat ng tingin. "Nireject ako ng taong hindi ko naman gusto, mga ungas kayo."

Tinawanan namin siyang lahat bago siya nagspin ng bote agad. It landed on Shaira 'tas truth lang yung pinili ng kaibigan ko para play safe lang.

"Sino crush mo?" Wyatt asked before yawning.

"Syempre, yung ex niyang inutil!" Nakakalokong pang-aasar ni Castriel bago siya sinapak ni Shaira.

"Wala akong crush," Napapout si Shaira 'tas tumingin sa'kin. Nginitian ko nalang siya kasi kilala ko naman kung sino crush niya, manhid nga lang.

Kinuha ni Shaira ang bote 'tas halos ganun-ganun lang din yung ginawa namin maghapon. Some took embarrassing dares while some answered some weird truths. May nagdare nga sa'kin na kumain ng tatlong sili kun'di, ikikiss ko daw si Asrow ampota naman. Kaya todo inom ako ng tubig agad eh.

Ang gagaling ng mga kaibigan ko, to the max talaga.

"Truth or dare?" Tanong ni Castriel nung sa'kin nanaman tumigil yung bote. Ugh, I hate drugs!

"Truth," Sagot ko agad. Ayoko na ng dare ulit, please lang! 

"If you were to date a boy inside this circle, who would it be and why?" Nakangising tanong nito. Nakipag-apir naman si Shaira dito dahil nagustuhan niya ang tinanong sa'kin.

Napalunok ako ng malakas bago ako nag-isip. Date? Kapag date, parang kikilalanin lang naman diba? Hindi naman nila sinabi na gawin 'kong jowa diba? Of course, ekis na agad si Castriel dahil kay Shaira na 'yan. Ayoko namang sabihin na si Asrow dahil... Malamang aasarin niya nanaman ako maghapon at baka iblackmail pa ako!

The safest option would be...

"W-Wyatt," Mahinang saad ko, na ikinagulat naman nila. "Kasi uhm... Hindi siya mahirap kausapin tapos napapahanga niya ako sa mga drawings niya. 'Yun lang."

For a moment, I saw Wyatt blushed at my statement before he looked away to hide his embarrassment. Sinamaan ako ng tingin ni Shaira, kasi alam niya naman na nagsinungaling ako ugh. Wala din naman akong balak magkaroon ng ka-date muna kaya oks na 'yan!

"Marunong din naman ako magdrawing..."

Napatingin agad ako kay Asrow. He was staring at the bottle with a sad smile. I swear, narinig ko 'yon! Siya ang nagsabi no'n pero bakit siya nagkukunwaring wala siyang sinabi? He's acting innocent.

I couldn't help but get bothered by his words, bakit ba siya ganito?

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro