Mistake 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata 9]

"Anong wish mo?" tanong ng batang si Leon kay Feliciana. Nasa edad apat na taong gulang pa lamang sila. Kasalukyang nakakasiyahan ang lahat dahil kaarawan ng ama ni Feliciana na isang prosecutor. Naroon din sa pagdiriwang ang buong pamilya nina Nightmare.

"Gusto ko ng doll house" sagot ni Feliciana, kasunod namang lumapit si Nightmare habang hawak-hawak ang paborito nitong laruan na robot. "Ako gusto ko ng isa pang robot" wika ni Nightmare, nakatayo silang tatlo sa malaking fountain sa tapat ng bahay ng Lolo ni Feliciana na kasalukuyang General.

"Ako naman gusto ko ng bike" saad naman ni Leon, nakatitig sila sa malinaw na tubig ng fountain. Habang nasa paligid naman nila ang iba pang mga bisita na karamihan ay mga negosyante at kaibigan ng mga magulang at Lolo nila sa Pulitika.

Ang Lolo ni Nightmare ay si General Cristobal Sallez, ang Lolo naman ni Leon ay si General Mandado Bautista at ang Lolo naman ni Feliciana ay si General Feliciano Medina. Ang kanilang mga Lolo ay matatalik na magkakaibigan mula elementarya, hayskul hanngang sa pumasok sila sa PMA (Philippine Military Academy).

Mas lalo pang naging matatag ang kanilang pagkakaibigan na sinubok ng iba't ibang misyon at digmaan. At ang kanilang mga anak ay naging matatalik ding magkakaibigan. Ang anak ni General Cristobal ay si Manuel Sallez na isang magaling at tanyag na Engineer, ang anak naman ni General Mandado ay si Fernando Bautista na naging pulis. Habang ang anak naman ni General Feliciano na si William Medina ay isang magaling na prosecutor.

Sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng kaarawan ni William Medina ay naroon ang tatlong bata na kanilang pinagmamasdan na nakatayo sa tapat ng fountain. Nakaputing balloon dress si Feliciana habang si Nightmare naman ay naka-blue na polo at si Leon naman ay naka-red na polo.

Ilang sandali pa ay may lumapit na photographer sa tatlong bata, binuhat nito ang tatlo paupo sa gilid ng fountain saka siya lumayo "Say cheese" wika ng photographer, sabay-sabay namang ngumiti ang tatlong bata at nakuha ang napaagandang litrato na bahagi ng kanilang masasayang alaala.

"Isa pa" anunsyo ng estranghero na may hawak ng camera na binili nila Audrey, humahakbang pa ito paatras at ilang sandali pa ay bigla itong kumaripas ng takbo papalayo.

"Hoy! G*go! Ibalik mo 'yan!" sigaw ni Leon sa lalaki dahilan upang mapalingon ang ibang mga tao na naroroon sa plaza. "P*tangina!" inis na bulalas ni Nightmare sabay hubad sa backpack niya at nauna na itong tumakbo upang habulin ang magnanakaw.

"Dito ka muna, wag kang aalis" bilin ni Leon kay Audrey bago nito inalis ang backpack sa likod niya at dali-daling tumakbo para habulin din ang magnanakaw. Agad namang dinampot ni Audrey ang bag ni Nightmare at Leon saka tumakbo rin upang habulin sila.

Napapatabi sa gulat ang mga taong papasalubong, ang ilan ay napapasigaw pa dahil sa takot. Itinutulak ng magnanakaw ang mga taong humaharang sa daan niya, maging ang mga paninda na naroroon naman talaga nakapwesto kung kaya't nagkalat sa daan ang ibang mga paninda.

"Maliintikan ka talaga sa'min kapag naabutan ka namin!" sigaw pa ni Leon, napalingon sa kanya si Nightmare na nauuna sa kanya, agad itong tumango at sumenyas na iikot siya sa kabilang gilid. Tumango naman si Leon bilang pag-sangayon.

Ilang sandali pa ay napalingon ang magnanakaw habang kumakaripas pa rin ito ng takbo, napansin niyang isa na lang ang humahabol sa kanya at nang muli siyang tumingin sa harapan ay laking gulat niya nang tumambad sa harapan niya si Nightmare na mabilis pa sa kidlat siyang sinunggaban.

Nabitiwan ng magnanakaw ang camera sa ere, dali-dalig lumundag si Leon upang saluhin ang camera na ilang segundo lang ay babagsak na sa lupa. Samantala, mabilis na binali ni Nightmare ang braso at binti ng magnanakaw sa pamamagitan ng isang malakas na hampas gamit ang kamao niya. Mariing itinuro noon ni Commander Dado at Ka Ferding sa kanila na dapat nilang pilayan muna ang kalaban kung kailangan pa nila ito ng buhay.

Napasigaw sa sakit ang magnanakaw, ngunit hindi pa nagtatapos ang lahat dahil nang masalo na ni Leon ang camera, tumakbo siya papalapit sa magnanakaw na nakahandusay na sa sahig at nagmamakaawa sa kanila. Tindyakan ni Leon ang lalaki "Nagkamali ka ng mga taong ninakawan" seryosong wika nito, tumalikod na sila ni Nightmare at napatigil sila nang makita si Audrey sa kumpulan ng mga tao at gulat na gulat sa mga pangyayari.

"Mga estudyante ba talaga 'yan? Grabe! Napabagsak nila ang mamang 'to" gulat na wika ng mga ale na naroon, marami ang nakasaksi sa ginawang iyon nila Nightmare at Leon. Ilang sandali pa ay biglang may paparating na mga barangay tanod, pumipito na sila mula sa di-kalayuan.

"T*ngina naman oh!" bulalas ni Leon, agad silang tumakbo ni Nightmare at hinila nila si Audrey papalayo. "Hoy! Magsitigil kayo!" sigaw ng mga barangay tanod na nasa lima ang bilang. Kinuha na ni Nightmare at Leon ang mga bag nila na dala ni Audrey habang kumakaripas pa rin sila ng takbo.

"Wait! Wait! Makukulong ba tayo nito?" kinakabahang tanong ni Audrey habang hawak ni Nightmare at Leon ang magkabila niyang kamay. "Hindi tayo makukulong, menor de edad pa tayo" tawa ni Leon sabay turo sa uniform na suot nila.

"G*ago ka talaga" wika ni Nightmare na medyo natawa dahil sa hitsura nila ngayon. Hinawakan ni Nightmare ng mas mahigpit ang kamay ni Audrey "Handa ka na ba lumipad ng totoo?" tanong nito na ikinagulat ng dalaga.

Tumawa naman si Leon "Narda, oras na para lumipad" wika nito sabay abot kunwari ng bato, naguguluhan naman si Audrey sa kanilang dalawa habang tumatakbo sila paikot sa plaza. Malaki ang plaza, nasa pinaka-sentro nito ang malaking fountain.

"Ha?" hindi maunawaan ni Audrey ang nangayayari, tumatakbo sila ngayon habang hawak-hawak ng dalawa ang kamay niya. "Lipad na!" saad ni Leon at nagkatinginan sila ni Nightmare sabay takbo ng mabilis. "Waahh! Wait!" gulat na wika ni Audrey dahil biglang bumilis ang takbo nila na animo'y lumilipad sila sa kalawakan.

"P*nyeta! Ibaba niyo ko" natatawang saad ni Audrey dahil hindi na sumasayad ang paa niya sa lupa. Inangkla ng dalawag binata ang braso ni Audrey at sabay nila itong binuhat upang mas mabilis silang makatakbo papalayo. Sa mga oras na iyon ay hindi nila ramdam ang panganib na baka mahuli sila ng mga tanod dahil mas nangibabaw ang tawanan sa kanilang mga labi.

***

"Ice cream?" kunot-noong tanong ni Nightmare sabay turo sa ice cream shop na nasa tapat nila. Nang matakasan nila ang mga barangay tanod ay nakiusap muna si Audrey na kumain sila.

"Mag-heavy rice tayo" wika ni Leon na akmang tatalikod na sana pero agad hinawakan ni Audrey ang balikat niya para pigilan siya. "Mag-iice cream tayo pampalamig ng ulo" giit pa ni Audrey sabay pasok sa ice cream shop. Wala nang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod na lang din sa loob.

"Welcome to our sweety cream cream ice cream shop" ngiti ng babae na nasa counter na naka-cosplay pa. Nakasuot ito ng pink dress na parang sa mga anime. "Sweety cream cream ice cream shop? Hindi ba parang paulit-ulit yung word na cream?" saad ni Leon, agad naman siyang sinagi ni Nightmare.

"Tumahimik ka na lang, mukhang si Ciana naman magbabayad" bulong ni Nightmare, nasa counter na si Audrey habang pumipili ng makukulay na ice cream doon. "Bro, ang sakit sa mata naman ng shop na 'to, puro pink at ang daming glitters" reklamo pa ni Leon, sabay kusot sa mata niya. Nauna naman nang umupo si Nightmare sa pinakamalapit na table.

"P*nyeta, ang daming kabayo sa paligid" dagdag pa ni Leon, mamimintas pa sana siya kaya lang dumating na si Audrey sabay lapag ng inorder nitong tatlong banana split. "Hindi 'yan ordinaryong kabayo, unicorn kasi 'yan" saad ni Audrey at naupo na sa gitna nila.

"Nasasaktan ang ego ko dahil sa sweety cream cream ice cream shop na 'to, mukha ba kaming mahilig sa unicorn?" buwelta pa ni Leon, agad namang hinampas ni Audrey ang matigas na kutsara na hawak niya sa ulo ng binata.

"Hindi tayo paghihinalaan ng mga tao dito, mukha lang tayong simpleng estudyate na gustong mag-ice cream" saad ni Audrey, magrereklamo pa sana si Leon kaso agad napatigil ito nang isaksak ni Nightmare sa bunganga nito ang kutsara na may lamang ice cream. Natawa naman si Audrey dahil sa ginawa ni Nightmare.

Ilang sandali pa ay biglang nilipat ng babaeng nasa counter ang channel ng TV, saktong balita na.

Anim na buwan bago ang nalalapit na Halalan ay naglabas na ng anunsyo ang Alay-Bayan Party na ang ieendorso nilang kandito sa pagka-Pangulo ay walang iba kundi ang kasalukuyang Senate President na si Feliciano Medina.

Sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa TV, nasa isang malaking press conference ang mga kaanib sa Alay-Bayan Party. Halos kulay berde ang suot ng lahat ng partido na siyang simbolo ng kanilang samahan. Magkakahawak sila ng kamay at nasa pinaka-gitna si Feliciano Medina na nakangiti at sinusuportahan ng lahat ng kapartido nito.

Ayon sa huling survey ay nangunguna si Feliciano Medina sa mga posibleng kandidato ng pagka-Pangulo sa nalalapit na halalan. Umani ito ng halos 82% votes mula sa isang libong tao na naging bahagi ng survey. Bagaman malaki ang pag-asa na manalo ang kandidato ng Alay-Bayan Party sa halalan, naroon pa rin ang kanilang paghahanda para sa anim na buwan na kampanya. Kristel Ong, CMZ News.

"Yes! Buti na lang tatakbo na ang pambato namin, siguradong mananalo si Feliciano Medina" nakangiting wika ng babaeng nasa counter.

Sa pagkakataong iyon, biglang nabalot ng katahimikan ang tatlo. Hindi malaman ni Audrey ang gagawin, lalo pa't magiging bahagi siya ng planong pagsira sa kanyang Lolo.

***

"Pasensiya na hijo hehe" wika ng isang matandang lalaki hawak ang apat na kulungan ng manok. Kasalukuyan silang nasa loob ng jeep at punong-puno na ito. Nang pumiglas ang manok ay nahampas si Nightmare sa mukha ng pakpak nito.

Alas-siyete na ng gabi, pagod na pagod na silang tatlo dahil sa maghapon na pamamasyal sa mall. Bukod doon ay ang mas lalong nagpapagod sa kanila ay ang nangyaring engkwentro sa magnanakaw ng camera kanina at ang paghabol sa kanila ng mga barangay tanod.

Halos puro mga malalaking lalaki na trabahador sa bayan ang sakay ng jeep, nakatingin ang lahat sa tatlong estudyante na mukhang naligaw sa kanila. Napapagitnaan ni Nightmare at Leon si Audrey na tulala lang dahil sa narinig na balita mula sa pagtakbo ng kanyang Lolo.

Ilang sandali pa ay pumara na si Leon nang madaan na nila ang gas station kung saan nila iniwan ang owner kaninang umaga. Pagbaba nila ng jeep, naabutan nilang sarado na ang gas station, patay na ang ilaw nito. Maging ang tindahan na katabi nito ay sarado na rin.

Tahimik lang silang naglakad pasakay sa owner, hindi rin naman malaman ni Nightmare at Leon ang sasabihin lalo pa't nagkukunwari silang hindi nila kilala ang totoong pagkatao ni Audrey. Nang paandarin na ni Nightmare ang sasakyan ay ayaw nitong gumana.

"Anong nangyari? Bakit ayaw umandar?" tanong ni Leon na nakaupo sa passenger's seat. "Ewan ko, nagloloko na naman siguro 'to" tugon ni Nightmare, ilang beses niya pang sinubukang paandarin ito ngunit ayaw pa rin.

"May toolbox ba dito sa kotse?" tanong ni Leon, napailing naman si Nightmare, "Na kay Ka Ferding 'yung toolbox"

"Dito kaya sa gas station" saad niya sabay lingon sa labas pero naalala niyang sarado na pala ito. "P*tek, paano na tayo?" inis na wika ni Leon, kinuha naman ni Nightmare ang cellphone niya na de-keypad.

"P*tragis, walang signal" wika ni Nightmare habang tinataas sa ere ang cellphone niya. "W-wala na bang ibang paraan?" biglang tanong ni Audrey na nakaupo sa backseat, sabay namang napalingon sa kanya ang dalawang binata.

***

"P*ta, gaano pa ba kalayo ang itutulak namin?" sigaw ni Leon, silang dalawa ni Audrey ang nagtutulak sa sasakyan habang si Nightmare naman ang nag-iistart nito. "Mahihiwalay na ata ang braso ko sa balikat ko" reklamo naman ni Audrey, sabay punas ng pawis sa noo.

Halos isang daang metro na silang nagtutulak ng sasakyan ngunit ayaw pa rin nitong umandar. Ang mahirap pa ay pataas ang kalsada dahil paakyat ito sa bundok. "Sandali na lang, mas lalo 'tong hindi gagana kapag puro kayo reklamo" banat naman ni Nightmare sabay lingon sa side mirror.

"Sandali! Sandali! Pahinga muna tayo" pakiusap ni Leon, napatigil na sila ni Audrey sa pagtutulak at napasandal sa likod ng sasakyan. "Dapat kasi nag-heavy rice tayo, tingnan mo nalusaw agad 'yung sweety cream cream ice cream sa tiyan natin" reklamo pa ni Leon, natawa naman si Nightmare at Audrey dahil gigil na gigil si Leon sa pangalan ng ice cream na kinainan nila kanina.

Sakto namang may mga dumadaan na iilang mga sasakyan, "Makisakay na lang tayo" suhestiyon ni Audrey sabay para sa dumaan na kotse ngunit nilagpasan lang sila nito.

Tumayo na rin si Leon at pumara rin ng ilang mga kotse na dumadaan, mga anim na kotse na ang dumaan ngunit hindi sila tinigilan ng mga ito. Ilang minuto pa ang lumipas, may dalawang provincial bus na dumaan ngunit hindi rin sila pinarahan.

"Haays, bakit ayaw nila tayo pasakayin?" reklamo ni Audrey, sumandal na lang ulit si Leon sa sasakyan nila. Samantala, bumaba na si Nightmare sa owner at sumandal na lang din sa sasakyan.

"Hindi talaga nila tayo paparahan kasi akala nila mga masasamang loob tayo, karamihan kapag gabi na hindi talaga tumitigil ang mga sasakyan na dumadaan dito" tugon ni Leon, bigla namang napatawa ng kaunti si Nightmare.

"Masasamang loob naman talaga tayo, may pa-akala-akala ka pa 'dyan" tawa ni Nightmare, natawa naman si Audrey dahil lagging nababara ni Nightmare si Leon. Ilang sandali pa, bigla nilang narinig ang humaharurot na mga motorsiklo mula sa di-kalayuan.

"Ayan, parahin natin" saad ni Audrey at akmang itataas na niya ang kamay niya pero pinigilan siya ni Nightmare.

"T*ngina, grupo nila Oyong" gulat na wika ni Leon, "Oyong? Sinong Oyong?" nagtatakang tanong ni Audrey, hindi niya rin maipaliwanag kung bakit bigla siyang kinabahan.

"Mortal na kalaban ng grupo namin ang mga pesteng grupong tinatag ni Oyong" sagot ni Nightmare. Napalunok na lang sa kaba si Audrey dahil nararamdaman niyang siguradong hindi maganda ang mangyayari.

"Mga adik sa droga ang mga 'yan, bagay na ayaw na ayaw kunsentihin ng grupo namin" wika ni Leon, nagulat si Audrey nang biglang tumigil sa palibot nila ang pitong motorsiklo sakay ang halos sampung kalalakihan na halos buto't balat na sa kapayatan. Punong-puno rin ng tattoo at piercing ang buong katawan ng mga ito.

"Mga g*ago! Nagkita rin tayo" halakhak ng pinaka-lider nila na si Oyong, mukha na itong tingting sa kapayatan, lubog ang mata at puro galis. Sumenyas ito sa mga bata niya na ilabas na ang mga patalim, kanya-kanyang labas ng matatalim na balisong, ice peak at kustilyo ang mga ito.

"Mukhang may chicks pa kayong kasama ah" tawa pa ni Oyong na sinabayan din ng tawa ng mga tauhan niya. Napaubo rin ang mga ito di-kalaunan dahil mukhang mababali na ang ribs nila sa kakatawa.

Dahan-dahan namang naglakad si Nightmare at Leon sa gitna, hinarang nila ang sarili nila upang protektahan si Audrey. "Hindi pa rin ba kayo nadadala? Oyong" buwelta ni Nightmare at dahan-dahan nitong sinuot ang itim na gloves na dinukot niya sa bulsa. Ganoon din ang ginawa ni Leon, nag-inat din ito ng leeg.

"P*ta, isang pitik lang natin dito, bali-bali na mga buto nito eh" kantyaw naman ni Leon na hindi rin nagustuhan ng mga kalaban. "Magtatakip lang kami ng ilong, ang babantot niyo talaga" pang-asar pa ni Leon.

"Ang yayabang niyo! Mga p*tangina kayong mga hinayupak kayo!" sigaw ni Oyong sabay utos sa mga tauhan niya na sabay-sabay sugurin si Nightmare at Leon.

Bago pa makasugod ang kalaban, nagkatinginan si Nightmare at Leon at sabay nilang isinuot ang itim na mask sa kanilang mukha. Sa pagkakataong iyon ay gulat na napatingin si Audrey kay Nightmare dahil sigurado siyang iyon ang lalaking nakatakip ang mukha noon na tumulong sa kanyang maibalik ang kwintas na pinaka-iingatan niya.

*************************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro