Chapter 10: Scandal

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa school ay hindi na kami masyadong nagpapansinan ni Christian. Sinubukan ko ring hindi masyadong ma-distract sa klase niya para hindi na rin ako nagpupunta sa condo niya para magpaturo. Mahirap na at baka masundan pa ang picture na iyon at makilala na ako.

"Sabi ni Sir Christian may asawa na raw siya," sabi ni Leslie sa akin habang nasa cafeteria kami at nagla-lunch.

"H-hindi naman malayong meron nga, matanda na rin naman siya." Nagbaba ako ng tingin.

"Sabagay, siya kaya yung kasama niya roon sa picture na kumakalat?"

Bumuga ako ng hangin at hindi na pinansin ang mga sinasabi niya. I'm sure na sinabi lang ni Christian na may asawa siya para lang magtigil na ang mga rumor na may girlfriend siya na nandito lang sa school namin. Ang bilis talaga ng mga ganyang balita.

Malapit nang mag-end ang semester na ito kaya sana hindi na lang lumabas kung sino ba talaga ang kahalikan ni Christian doon sa picture.

"Tarra, buti at nakauwi ka kaagad. Nakalimutan kong sabihin na mayroon tayong dinner with Simon," sabi ni Tita Lorraine pagkarating ko sa bahay.

"Baka hindi po ako makasabay, tita. Pagod po ako at saka kailangan ko pong mag-review para sa exam namin," sagot ko.

Umiling siya. "Hindi pwedeng hindi ka dumalo. May mahalaga tayong pag-uusapan."

Kinabahan ako.

"Sige po, tita." Tumango na lang ako at umakyat na sa kwarto ko.

Ayoko ng naiisip kong dahilan ng dinner na iyon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako maka-focus sa dapat kong gagawin. May mga mensahe sa akin si Christian pero hindi ko iyon ma-reply-an.

Malapit na ang final exam namin, mukhang babagsak yata ako sa subject ni Christian pero ang sabi niya ay gagawan na lang niya iyon ng paraan para kahit papaano ay pumasa pa rin ako. Susubukan ko pa rin ang makakaya ko para naman hindi ko siya maabuso.

"Nice to see you again, Simon. Let's just forget what happened in the past and move forward, shall we?" sabi ni Tita Lorraine.

Wala akong imik habang naghahapunan kami pero panay ang tanong sa akin ni tita at Simon ng kung anu-ano. Gusto ko na lang matapos ang dinner na ito at sana ay walang mangyari na hindi ko gusto.

"Tarra, Simon said he is willing to marry you despite what happened to your former cousin," Tita Lorraine said.

Ang tindi ng pag-iling ko. Sinasabi ko na nga ba. "Ayoko po, tita."

Nagulat sila sagot ko pero nanatili akong matigas. Pinakita ko sa kanila na hindi ako kagaya ni Lucy na sunud-sunuran lang sa kanila.

"You know you have to. Huwag ka nang magmatigas at maging suwail kagaya ni Lucy!" sigaw sa akin ni tita.

"Hindi naman po iyon tama, tita. Hindi ako magpapakasal sa lalakeng gumahasa sa pinsan ko!" Tumayo ako.

"Sit down, Tarra!" utos ni lola.

"Shut up, you have no other choice. Just accept your fate," sabi pa ni tita.

"Tarra, you don't have to worry. Hindi ka matutulad sa dati mong pinsan kung hindi ka lang magiging pasaway." Ngumisi si Simon.

"No!" I shouted at him.

Umiling ako. This is not my fate. No one will dictate who will I marry.

"No! Hindi niyo po ako mapipilit. Itakwil niyo na lang po ako kung gusto niyo pero hindi ako magpapakasal kay Simon!" Nagtatakbo ako sa labas.

Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nagtatakbo lang ako. Gusto kong lumayo sa kanila, gusto kong yumakap kay Christian. Gusto ko siyang makita ngayon.

Napahinto ako sa isang convenience store. I grabbed my phone in my pocket and dialed his number. He immediately answers my phone.

"Tarra, thank God, you answered. What happened? Hindi mo sinasagot ang mga text ko." He sounded so worried.

Suminghot ako. "I want to see you, please. I want to see you," paulit-ulit kong sambit.

"Where are you? Why are you crying?" I heard that he picked up his car key.

Sinabi ko kung nasaan ako at nang makuha niya iyon ay mabilis siyang nagmaneho papunta sa akin. He didn't end the call, he was just comforting me while he was driving. And when I saw his car parked right in front of me, I stood up and wait for him.

Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Kahit nagtataka siya sa nangyayari sa akin ay hindi na siya nagsalita o nagtanong pa. Hinayaan niya lang akong yakapin siya hanggang sa mahimasmasan ako.

"What happened?" He gave a bottled water.

"Tita Lorraine wants me to marry Simon Ferrer." Parang bata akong nagsusumbong sa kanya. "Sabi ko ayoko pero sabi niya ay wala akong magagawa. Christian, tulungan mo ako. Si Simon, he raped my cousin. Baka gawin din niya iyon sa akin."

Nag-igting ang panga niya. "No one will touch you if you don't want to. I'll talk to your family."

"No, hindi pwede. Kapag ginawa mo 'yan, malalaman na nila na may relasyon tayo. I don't want to ruin you, Christian." Hinaplos ko ang pisngi niya. "Itanan mo na lang ako," biro ko ka pa sa kanya.

"You want to run away with me?" Hinuli niya ang kamay ko.

"I will if that is possible." Iniisip ko pa lang na magkasama kaming titira sa isang bahay ay maligaya na ang puso ko.

"Pwede naman. Kaya kitang buhayin, kaya kitang dalhin sa malayong lugar. Sabihin mo lang kung saan at tutuparin ko iyon. Hindi ako papayag na maikasal ka sa iba lalo na at sa isa pang rapist." He kissed my cheek.

Ang swerte ko talaga. Kung madali lang talagang gawin ang sinasabi niya ay baka nga gawin na ko iyon. Baka sumama na lang ako sa kanya at mamuhay kami sa malayong lugar. Ngayon ay naiintindihan ko na si Lucy, naiintindihan ko na kung bakit nagawa niyang sumuway kay Tita Lorraine. Kapag na-in love ka talaga, no rules will exist anymore. Ang tagal na naming hindi nagkikita ni Lucy, miss na miss ko na siya.

"I don't want to steal your life away. Dito ang buhay mo, Christian. Hindi ko maaatim na makita kang mabubuhay sa isang lugar na hindi naman para sa iyo. Susubukan kong kausapin sila ulit." I kissed his lips once.

"Just tell me if they did something bad, I'll get you there, immediately," he said and then kissed me again.

"Tarra Vincenza?!"

Kaagad kaming naghiwalay ni Christian at nilingon kung sino ang tumawag sa akin. She was one of the faculty teachers at our university and was known to have a great crush on Christian.

"Sir Christian." Halos malaglag ang panga niya sa nakita.

"Ma'am Ceria," tawag ni Christian sa kanya.

Lumayo siya sa amin at umiling. "The University Admin will know about this. You both know the rules!" she said and ran away.

This day is so fuck up!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro