Chapter 15: Ice Cream On A Tongue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"After Julian dumped her, she went straight to that monster," Christian uttered while we watched those two laughing like they did nothing wrong.

"H-hayaan na natin sila, 'di nagde-date tayo? Malapit na rin namang matapos ang lahat," sabi ko at hinaplos ang braso niya.

Tumango siya. "Right. What do you want to do next, babe?" Humarap siya sa akin nang nakangiti.

Dumaan ang dalawang babaeng akala mo ay mga modelo sa mga suot nilang damit. Kaaga kong tiningnan si Christian nang batiin siya ng dalawang iyon.

"Sino sila?" Hindi man lang ako naalalang ipakilala sa dalawang iyon hanggang sa umalis na lang.

Sa bagay, ano nga ba kami? Hindi naman kami mag-jowa. Nagse-sex lang kami pero wala kaming commitment sa isa't isa. Fuck buddies!

"Mga classmates ko sa Law School, gaganda na nila. Nakabawi na sila sa puyat," sagot niya at saka natawa.

"Hmm, ang gaganda ng legs nila, hindi ba iyon ang gusto mo?" Nagtaas ako ng kilay.

"Selos ka na naman, legs mo nga lang ang hinahanap-hanap ko. Tititigan ko pa lang, busog na ako." Kinindatan niya ako. "Sana pwede na si peanut mamaya."

Isang kurot na naman sa braso ang natanggap niya mula sa akin dahil sa sinabi niya. "Sore na ako, tang'na ka! Ikalma mo 'yang junior mo kung gusto mo pang magkalahi. Puputulin ko talaga 'yan!"

Kung wala lang kami sa mall ay pinagsasapak ko na siya. Ang mga empleyado ng mall ay panay ang bati sa kanya at napapangiti na lang sa tuwing binabati niya ang mga ito pabalik.

"Sir, mukhang happy ka ngayon, ah!" sabi ng isang security guard na nasalubong namin.

"Syempre, ang ganda ng ka-date ko, eh." Tinaas-baba niya ang kilay niya.

"Siya ba 'yong asawa niyo, sir?" tanong pa ng security guard.

Hinintay ko ang isasagot niya. Hindi ako nag-react o kung ano pa man, hindi ko nga rin siya tinitingnan, eh.

"Kung gusto niya akong maging asawa." Iyon ang lumabas sa bibig niya. "Ayaw pa niya, eh!"

Ako pa talaga ang may kasalanan.

"Payag ka na, ma'am. Ang bait ni sir ngayon kasi kasama ka niya," tukso sa akin ng security guard.

Bumaling ako sa kanya. "Bakit? Masungit ba siya dati? Masama ang ugali?"

Napatingin siya sa sir niya at napakamot sa ulo. "Medyo, ma'am. Hindi namamansin, busy kasi palagi."

"Oy, hindi naman. Busy nga lang talaga ako," angal ni Christian.

Natawa na lang ako sa kanya. Nagpaalam na kami sa security guard at naglibot pa sa mall. Noong unang date namin, walang katao-tao rito dahil pinasara niya kaya hindi ko masyadong ma-appreciate ang kalakihan nito. Ngayong, ang dami ng tao, mas masaya. Feeling ko normal lang kami, feeling ko rin talaga na mag-asawa kami lalo pa kapag nakakasabay namin iyong mga tunay na magkasintahan.

"Hindi mo t-in-ry maghanap ng iba sa loob ng tatlong taon? I mean, you can have all the women you want. Ikaw pa ang mamimili," biglaan kong sambit sa kanya.

"Don't even start, Tarra. Simula noong nakilala kita, nawalan na ako ng gana sa iba. Ginayuma mo yata ako," sagot niya at hinapit ako palalapit sa kanya.

"Hindi kita kailangang gayumahin, legs ko pa lang ay nasisiraan ka na ng ulo. Pero sayang, yung mga classmates mo kanina, parang bet kanila. They even looked at me probably wondering why I am with you in the first place." Yumuko ako at pinagmasdan ang kamay naming magkahawak.

"I am already in love with you, Tarra. Don't even try to push me away to someone else. It will not gonna work. Why don't we start over again? Promise, hindi na tayo magiging katulad ng dati. Wala ng rules na bawal tayong dalawa. Nothing's gonna stop us now."

Seryoso na sana pero bigla ba namang kumanta. Nakaagaw na naman tuloy kami ng pansin. Paano na lang kung may makakita sa kanyang mga kliente niya na sumasayaw at kumakanta rito sa mall na parang baliw?

"Tama na, Christian, masyado ka ng sikat." Hinawakan ko na ulit ang kamay niya. "Kapag umalis na ako, ligawan mo na si Ma'am Ceria, bet na bet ka no'n. Tingnan mo binibigyan ka ng groceries."

"Ikaw ang bet na bet ko, babe," gaya niya sa sinabi ko. "You are not going to iwan me or I'll get you pregnant before you leave. Do we have a deal, babe?"

"Seryoso ka talaga na bubuntusin ako, 'no? Paalala ko lang sa 'yo, Attorney Cabrini na 21 years old lang ako. Ikaw matanda ka na kaya maghanapa ka ng kaedad mo na pwede mong buntisin!"

"Dapat sinabi mo 'yan sa sarili mo noong nilalandi mo ako. Sana humanap ka ng kaedad mo na sasabay lang sa landing kaya mong ibigay," sabi niya at nagtaas ng kilay.

"Ikaw nga ang type ko kasi! Nakakainis naman!" Ang complicated ng utak ko!

"Then you are stuck with me, babe. Wala ng ibang lalake maliban sa akin. You are mine, mine alone. I don't share what's mine with others." Hinapit niya ako.

Pareho yata kaming nagsawa sa mall at inaya naman niya akong magpunta sa park kung saan ang unang date namin noong nasa landian stage pa lang kami.

"Peanut, iwan ka muna d'yan, ha?" kausap niya sa stuffed toy bago niya sinara ang pinto ng sasakyan.

"Siraulo ka talaga." Binatukan ko siya.

"Aray, nakakarami ka na, ah! May kapalit ang bawat sapak mo sa akin. Torrid kiss mamaya sa bahay, akala mo, ah!"

Kung makaasta ang isang ito, akala mo ay hindi isang respetadong abogado. Abogago rin, eh!

"Gusto mo ng ice cream?" tanong niya nang madaan kami sa nagtitinda ng soft-served ice cream. "Pero kukunin mo sa bibig ko gamit ang dila mo."

Natawa ang nagtitinda ng ice cream na mukhang nagulat muna sa sinabi ni Christian bago nagtatawa.

Nakagat ko ang labi ko. Kanina pa itong isang 'to. At talagang isang malaking ice cream in a cone lang ang binili. Dinala niya ako sa parte ng park na walang masyadong dumadaan. Naupo kami sa ilalim ng puno at saka niya kinain ang ice cream niya.

"Gusto mo?" tanong niya.

Talagang nagtanong pa siya. Inis ko lang siyang tinitigan at walang sabi-sabing kinagatan ko ang ice cream niya at hinalikan siya. I pushed the ice cream inside his mouth using my tongue. Ramdam ko ang pagngiti niya habang ginagawa ko iyon. We are eating ice cream this way, making me feel so hot and sexy. Nang maubos namin ang nasa bibig ko ay humiwalay siya sa akin at siya naman ang kumagat sa ice cream, siya na naman ngayon ang nagpasok ng ice cream sa bibig ko gamit ang kanyang dila. I will never eat ice cream in a normal way again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro