I

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ANG ganda naman dito. Buti na lang pala sumama ako. Buti na lang nagawa akong pilitin ng mga kaibigan ko.

Ayaw ko pa sana no'ng una, kaso my friends, ang kukulit nila. Ayaw akong tigilan kaya wala na akong nagawa kundi pumayag at sumama.

Pero buti na lang talaga sumama ako. Nandito kami ngayon sa isang private island, at grabe! Sobrang ganda dito. Animo'y isa itong paraiso. Asul na asul ang tubig sa dagat, at parang gatas sa puti ang buhangin na sobrang pino.

Ang sarap ng hangin, sariwang-sariwa, nadadala nito ang amoy ng karagatan.

Hindi rin gaanong mainit dito dahil nagkalat ang mga puno sa paligid.

This place is amazing, very relaxing ang ambience.

Ang tagal ko na ring hindi nakapunta sa beach to leisure.

Lagi lang kasi akong nagkukulong sa bahay. Kung hindi ako abala sa harapan ng laptop, ay sa harap naman ng papel. Kung hindi ako nagsusulat ng nobela at tula, nagdo-drawing naman ako.

Basta kahit anong may kinalaman sa papel at pangsulat, gustong-gusto ko, mahal ko.

"Kisha, nandito tayo para magbakasiyon, para mag-relax. Bakit may dala ka pa ring mga ganiyan?" Tanong ng kaibigan kong si Nina. At ang tinukoy niya ay 'yong sketch pad at lapis na dala ko.

"Alam mo naman iyang si Kisha, buhay niya na ang pagguhit at pagsulat. Hindi na natin maaalis sa kaniya iyan. Maiwan niya na ang lahat huwag lang ang lapis at notebook niya," gatong naman ni Christian. He's my friend too, he's a gay.

"Guys, baka kasi biglang may pumasok na new idea sa utak ko, mabuti ng prepared ako," aniko.

"Araw natin 'to, Kisha. Baka mamaya iyan na lang ang atupagin mo," wika ni Maya, kaibigan ko rin. Bale lima kami lahat. Tatlong babae at dalawang binabae.

Nginitian ko sila. "Don't worry, makakaasa kayong hindi ko sisirain ang bakasiyon natin," aniko.

"Gusto lang namin na makapag-relax ka. Lagi ka na lang kasing nagkululong sa bahay mo at nagpapakalunod sa mga ginagawa mo." -Nina

"Buti natatagalan mong mag-stay lang sa bahay, Kisha? Kung ako ikaw baka tinubuan na ako ng ugat sa katawan." -Christian

"Mga beshy, writer iyang friend natin. Siyempre ang mga writer gusto nila ng tahimik na kapaligiran at palaging nag-iisa para mas makapag-focus sila sa ginagawa nila," nakisali na sa usapan namin si George o tamang itawag sa kaniya ay Georgia, pero mas prapare ko talaga na tawagin siyang George.

"Ang mga writer din ba, walang time for love life?" -Maya

"My gosh, Kisha. You're twenty-five na but yet hindi ka pa rin nagkaka-boyfriend!" -Christian

"Wala akong time para sa ganiyan," aniko.

"At kailan ka magkaka-time? Kapag makunat na iyang kimchie mo?" -Nina

"Pustahan tayo hindi pa nakaktikim ng halik iyang si Kisha." -Maya

"Hindi pa talaga. Kaya nga nagtataka ako, e. Kung paano siya nagkakaroon ng ideya sa pagsusulat ng romance samanatalang no boyfriend since birth siya." -George

"NBSB ako, kasi choice ko iyon. Isa pa, hinihintay ko 'yong Mr. Right ko-'yong the one para sa akin."

"Friend, hindi na uso iyan sa panahon ngayon." -Christian

"Mr. Right? Walang ganiyan, friend." -Nina

"Mr. Right, only exist in books and movies." -Maya

"Huwag kang umaasa na ang magiging takbo ng love life mo ay mala fairytale or mga nobelang isinusulat mo." -Nina

"Ang kj n'yo naman," aniko.

"Friend, ayaw ka lang naming umaasa sa mga bagay na malabong mangyari sa reyalidad." -Christian

"May karanasan na kasi kami sa pag-ibig, friend. May mga nakarelasiyon na kami. Akala namin sila na 'yong the one para sa amin, pero hindi pala. 'Yong tipo na sa kanila na umikot 'yong mundo namin, pero sila din pala ang magiging dahilan para tumigil at mawasak ito." -George

"Pero magkakaiba naman tayo. Maaaring kayo, malas sa pag-ibig. Pero malay n'yo naman 'di ba, suwertihin ako." aniko.

"Sana nga, friend. Para naman kahit isa manlang sa atin wagi ang love life." -Maya

"Hayyy... mabuti pa mag-prepare na tayo, magpalit na kayo ng pang-beach o.o.t.d n'yo para makapag-swimming na tayo at ma-try ang mga activities dito." -Christian

"Mabuti pa nga. Ligong-ligo na rin ako. At gusto ko na ring ipangalandakan ang ka-sexy-han ko." -George

.
.
.

NAGTUNGO kami sa cabin na nirentahan namin para makapaghanda na at makapagbihis. Pagkatapos ay agad na kaming nagtungo sa dagat para maligo.

Sinubukan namin ang ilang activities na ino-offer nitong resort, katulad ng... diving, kayaking, snorkelling, surf skiing, water polo, banana boating, windsurfing, speedboat riding and many more. Kaya nang bumalik kami sa cabin ay pagod na pagod kami.

Kinabukasan naisip naman naming puntahan ang mga kalapit na isla.

"Guys, hindi pa ba kayo pagod?" tanong ko sa mga kaibigan kong hindi pa rin nauubusan ng energy.

"Bakit, Kisha, don't tell you're tired na?" tanong ni Maya.

"Oum. Super duper tired," sagot ko.

"E, may isa pa tayo isla na pupuntahan." -Nina

"Wala naman tayong magagawa kung pagod na talaga si Kisha." -George

"Pero 'yong isla na iyon ang pinaka gustong-gusto ko!" -Nina

"Me too." -Christian

Bigla tuloy akong kinain ng guilt. Madadamay pa sila.

"Ganito na lang. Kayo na lang kaya ang pumunta? Tapos hintayin ko na lang kayo dito," aniko.

"Ayos lang sayong maiwan mag-isa dito?" -Nina

"Oum." Tumango ako.

"Sure ka, friend? Matatagalan kami do'n." -George

"Okay lang. Magche-check in na lang muna siguro ako sa hotel habang hinihintay ko kayo."

At iyon nga, iniwan nila ako. Tulad ng sinabi ko, nag-check in muna ako sa hotel na malapit.

"Here's your room number and key, mam. Enjoy staying."

"Salamat," aniko.

Pagdating ko sa kuwartong nakalaan sa akin ay hindi ko rin nagamit ang susi na ibinigay sa akin dahil bukas naman ang pinto.

Ang weird. Hindi bale na nga lang. Pumasok ako sa kuwarto at agad na isinara ang pinto. Pero laking gulat ko ng...

...May lalaki dito sa loob ng kuwarto ko... Hindi lang basta lalaki kundi isang napaka guwapong nilalang.

My goodness! Sino ito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro