III

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"ANO bang pinagkakaabalahan mo diyan?" Tumayo siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin, then naupo siya sa tabi ko... as in sa tabi ko talaga, walang espasiyo sa pagitan namin.

Ilang beses akong napalunok, ngayon lang kasi may tumabing lalaki sa akin ng ganito.

Naramdaman niya siguro na nabigla at medyo hindi ako kumportable sa bigla niyang pagtabi sa akin. "Pasensiya na," hingi niya ng paumanhin at bahagyang umusod palayo sa akin.

"Okay lang naman, medyo nabigla lang ako," aniko.

"Sana hindi mo isipin na I took advantage of you..."

"No, hindi..." agad kong sabi.

Tila ba nakahinga siya ng malalim matapos marinig ang sinabi ko.

"Ano nga ulit iyang ginagawa mo?" tanong niya at bahagyang sumilip sa notedpad ko. "Woah! Ang galing mo pa lang mag-drawing."

"Salamat."

"Sino sila?" tukoy niya sa nasa drawing.

"Just a random drawing," sagot ko.

"Hindi mo ba lalagyan ng kaperaha iyang babae?" tanong niya. At 'yong tinutukoy niya ay 'yong nasa drawing ko, 'yong babaeng mag-isang nakaupo sa tulay.

Umiling ako. "Hindi na siguro..." sagot ko.

"Bakit naman? Look, parang ang lungkot-lungkot niya."

"Paano mo nasabi na malungkot siya? Dahil ba mag-isa lang siya? Para sabihin ko sayo... hindi lahat ng nag-iisa ay malungkot. At hindi naman lahat ng may kapareha ay masaya. Hindi lang naman kasi pag-ibig ang nagpapasaya sa isang tao. Iba-iba ang puwedeng maging dahilan ng kasiyahan natin, maaring pamilya, bagay or 'yong hilig nating gawin," mahabang wika ko at habang nagsasalita ako kay ramdam ko ang malalim niyang pagtitig sa akin.

"Yea, you are right," sang-ayon niya.

Nabalot kami ng katahimikan. Inabala ko na lang sarili ko sa pagtapos ng ginuguhit ko. Habang itong lalaking katabi ko, pinanood ako sa ginagawa ko.

Nang matapos ko na ang iginuguhit ko, isinunod ko na ang tula na patungkol dito sa aking iginuhit.

-
Tadhana, ako'y iyong pansinin
Makinig sa aking sasabihin
Hiling ng puso ko'y iyong dinggin
Kung may lalaki mang para sa akin
Sana'y tunay niya akong mahalin
At huwag paluhain

Pero, kailan ba siya dadating?
Kailan ko siya makakapiling?
Handa naman akong maghintay
Pero huwag naman sa puntong paa ko'y magpantay
-

"So, you're into writing poem too, huh?" manghang tanong niya.

"Oum. At nagsusulat din ako ng nobela."

"Wow... just wow!"

"Ang OA naman ng reaksiyon mo, parang ngayon ka lang nakakilala ng writer," natatawang sabi ko.

"Ngayon lang nga talaga."

"Hindi ka mahilig magbasa ng libro 'no?"

"Yea. Pero ngayon nagkakainteres na ako."

"Mabuti iyan. Napaka saya kayang magbasa, bukod kasi sa maraming kang bagong matutunan ay kaya ka rin nitong dalhin sa ibang mundo."

Tumango-tango siya. "Mas lalong akong naingganyo. Pero teka, may nai-publish ka na into book?" tanong niya.

"Oum, marami-rami na rin," sagot ko.

"Saan ko naman mabibili iyang mga libro mo?"

"Self publish ako, kaya sa akin ka na directly bumili."

"Sige, bibili ako. Bigyan mo ako ng lahat ng kopya ng libro mo."

"Hindi nga?-Seryoso ka?"

"Yep."

"Oh my!" Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napigilan na yakapin siya. "Thank you. Promise hindi ka magsisisi sa pagbili ng mga libro ko, kasi talagang worth to buy and to read ang mga iyon."

"I know, halata naman kasing napakagaling mong magsulat."

"Gusto kong makabawi sayo..." aniko.

"Hey, hindi na kailangan," aniya.

Tumayo ako at hinatak siya patayo. Dinala ko siya sa kama at pinaupo dito.

"Iguguhit kita," aniko.

"Ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Oum. This is my way of saying thank you to you."

"Well, sino ba ako para tumanggi 'di ba? Lalo na kung ganiyan kaganda ang guguhit sa akin."

Sinimulan ko na ang paguhit sa kaniya.

"Paalala ko lang sayo ginoo, puwede ka namang gumalaw," ani ko sa kaniya, masiyado niya kasing kinarir ang pagiging estatwa niya.

"Alam kong magaling kang mag-drawing pero gusto ko lang makasigurado na guwapong-guwapo ako diyan," aniya.

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. "Hindi ka naman mahirap i-drawing dahil napaka perfect ng mukha mo."

"You mean, napaka guwapo ko?" Ang pagkaaliw ay naglalaro sa kaniyang mga mata.

Muli akong natawa. "Uh-hmn."

Nag-focus na ako sa pagguhit sa kaniya hanggang matapos ito.

"Akong-ako iyan, ah!" Manghang sabi niya habang pinagmamasdan ang drawing ko.

"Maganda ba? Nagustuhan mo ba?" tanong ko.

"Yea, sobra."

"Masaya ako't nagustuhan mo."

"Ibibigay mo ba 'to sa akin?" tanong niya.

"Oum."

"Ipapa-frame ko 'to at ilalagay ko sa kuwarto ko."

Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa drawing ko. Kitang-kita ko sa kaniya na labis niyang nagustuhan ang ginawa ko.

"You know what, ngayon lang may gumuhit sa akin..." aniya.

"My pleasure to draw you..."

"Kanina pa tayo nag-uusap, pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo," aniya.

"I'm Kisha," pakilala ko.

"Kisha..." banggit niya sa pangalan ko. "Your name is like you... beautiful."

"Thank you. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko rin.

"Alev," pakilala niya.

Ang guwapo ng pangalan niya, bagay sa kaniya.

Sumapit ang paglubog ng araw pero hindi pa rin bumabalik ang kuryente.

"Akala ko ba babalik din agad ang kuryente?" tanong ko kay Alev.

"Baka nagkaroon na ng malaking problema," sagot niya.

"Sa tingin mo aabutin kaya ng umaga?"

"Hindi ko rin alam," sagot niya. "Pero sana, kasi gusto pa kitang makasama..." bulong niya kaya naman hindi ko ito narinig ng malinaw, hindi ko na rin siya tinanong pa kung ano 'yong sinabi niya.

Nang tuluyan nang kinain ng dilim ang kalangitan, dumilim na rin dito sa kuwartong kinalalagyan namin.

Pareho na lang kami ngayong nakatanga sa kawalan, pero nanatili kaming magkatabi.

Hindi na ako makapagsulat o makaguhit dahil madilim nga 'di ba?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro