Kabanata 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Drag

Nagtatakbo ako palabas ng Principal's Office pagkatapos marinig ang kabaliwan ng pakening shit na prinsipeng iyon. May pahalik-halik pa sa kamay tapos may saltik naman pala. Sinong maniniwalang isa akong Duchess?

"Madam! Stay right there!" sigaw ng isang lalakeng nakaitim na tuxedo na humahabol sa akin.

Umiling ako at nagdiretso na palabas ng university bago pa nila maisipan na ipasara ang gate dahil mukhang seryoso pa naman yata ang mga ito. Ano bang mapapalan nila sa akin? Hindi nga ako Duchess!

"Audrina! Glad that I got you here!"

Hindi pa ako nakakalayo ay may humila na sa aking braso at halos lumuwa ang mga mata nang makita ang lalake kagabi. Ano na nga ang pangalan nito?!

"Let go of me! Hindi kita kilala!" sigaw ko at saka pilit na inagaw ang braso mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. Mas nataranta pa ako nang makita ang mga naka-tuxedo na lalake na palapit sa amin.

Sinamaan ko ng tingin ang lalake pero kinilabutan ako sa pagngisi niya. Sinulyapan niya ang mga lalake at saka tinunguan ang mga ito. What the?!

"Ano ba?! Let go of me!" Pumiglas pa ako pero tuluyan nang nakalapit sa amin ang mga lalake.

"I'll call His Highness," sabi ni Philip. Oo nga, Philip ang pangalan nito. Juts kasi kaya hindi ko maalala.

He will call who? His Highness?!

Pinasa niya ako sa mga lalakeng naka-tuxedo. Mahigpit ang hawak nila sa akin pero hindi naman ako nasasaktan. Gusto ko lang namang mag-exam ngayong araw na ito tapos ganito pa ang nangyari. Akala ko wala nang mas gugulat pa sa akin sa pa-true or false ni Ma'am Sanchez.

"Yes, Your Highness. She's with us right now...." Nilingon ako ni Philip at tumango-tango. "Got it," sabi pa niya bago binaba ang tawag.

Nagtaas ako ng kilay nang hinarap niyang muli ako. Dumating ang isang itim na kotse na may maliit na flag ng Cordancia sa harapan. Oh! I know this one! A VIP car! 'Yung pwedeng mag-park kahit saan, kahit sa gitna pa ng kalsada.

Binuksan niya ang pinto ng backseat at sinenyasan ang dalawang lalake na pasakayin ako roon.

"Wait lang naman! Ang mga gamit ko naiwan pa sa Exam Room. 'Tsaka hindi pa ako tapos mag-exam!" Parang wala silang narinig at muntik pa akong mauntog sa pintuan ng kotse dahil sa pagpiglas ko.

Kinindatan ako ni Philip nang sumakay siya sa driver. "Ayaw mo bang puro perfect score na ang makukuha mo sa mga subjects na iyon?"

Umirap ako. "Syempre gusto! Sino bang estudyante ang ayaw sa perfect score?! Pero ang mga gamit ko, ang mamahal binili ng nanay ko 'yon tapos iiwan ko lang." Sinipa ko ang likuran ng inuupan niya.

Dahilan ko lang naman iyon dahil nandoon naman si Sammy para kuhanin ang mga iyon. Huminto ang kotse sa tapat mismo ng bahay namin kaya nakahinga ako nang maluwag. Ang akala ko ay hindi na ako makauuwi ng buhay. Mabilis akong bumaba at pumasok ng bahay pero nasa may pintuan pa lang ako ay napahinto na ako dahil nandoon ang maginoong prinsipe kausap ang magaling ko ina na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Ano naman ba ito?

"Audrina," tawag sa akin ni mama at saka hinila ako papasok.

Tinuro ko ang prinispe. "Bakit ka nandito? Hindi pa ba tapos ang pang-uulol mo sa akin? Dadamay mo pa nanay ko? Hindi mo kami mauuto!"

Pinaupo ako ni mama sa pang-isahang sofa na katabi ng inuupan ng prinsipe. Pumasok si Philip sa bahay at saka pumunta sa likod ng sofa kung saan naroon ang prinsipe. Bumuntonghininga ako nang mapagtanto kung anong meron sa dalawang ito.

"You were with him the whole time?!" I shouted. Lumingon muli sa akin ang aking ina at pinandilatan ako.

"Calm down, Audri. I'll explain everything." Lumapit siya sa akin at pinisil ang balikat ko.

Hindi ako makapaniwala na mukhang may alam din itong nanay ko at ako ay mukhang tanga rito. "You better start now. Huwag mong sabihing Duchess nga ako kagaya ng sinabi ng mga baliw na ito!"

Bumuga ng hangin si mama. "You were not at first. Wala na rin sana akong balak banggitin pa sa iyo ang lahat. I was not expecting this to happen but I know you have a big claim to your father's legacy."

My father? Ang papa ko na hindi ko man lang alam ang pangalan?

"How about him? Anong kinalaman niya rito? Sino ba ang tatay ko?!" Nagtaas ako ng kilay.

Tumikhim ang prinsipe. "Your father is the former Duke of Bien, Harriston Guzman."

Literal na nalaglag ang panga ko at ilang minuto pa akong hindi nakapikit sa pagkabigla.

"Wala na dapat akong planong ipaalam pa ang katauhan niya sa iyo dahil iyon ang usapan namin bago ka pa ipanganak. I will keep you and his financial support. It was a big scandal. You were the illegitimate child, kakasimula pa lang niyang makuha ang loob ng mga tao rito sa Bien. You were a bad record for him. I said I wanted to keep you so bad. I didn't agree with his plan to abort you. I am glad that I didn't listen to him." My mother bursted in tears.

Eh, bakit siya ang umiiyak? Hindi ba dapat ako ang humahagulgol ngayon dahil anak ako ng kriminal na pumatay sa dalawang hari ng Cordancia, nagpagawa ng ilegal na minahan at ngayon ay nakakulong at tinuturing na pinakamataas ng uri ng kriminal sa buong Cordancia.

Napairap ako sa hangin. "Ano ngayon kung siya ang tatay ko? Wala naman siyang ambag sa buhay ko kaya bakit nandito ka ngayon?" Ngumiwi ako sa prinsipe.

"How sure are you na wala siyang ambag sa buhay mo? Ask your mother how the former duke helped to raise you." He smiled. 'Yung ngiting nang-iinis pa.

Tumingin ako sa aking ina na hindi makatingin sa akin ng tuwid. "Don't tell me sa kanya galing lahat ng mga kinakain natin?" tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumango.

"That's not all, right, Ms. Reese?" tanong ng prinsipe. Tumingin siya sa akin. "From the prestigious schools you have enrolled from kindergarten until senior high school. From the expensive clothes, furniture, delicious foods, your allowances, the apartments you lived. All those things are from the former duke. Siya ang bumuhay sa iyo hanggang sa lumaki ka at kahit nasa kulungan na siya ngayon ay tuloy pa rin ang pagpapadala niya sa iyo ng pera sa pamamagitan ng mga natitirang pera niya na galing naman sa mabuti dahil iyon nga ang napagkasunduan nila ng iyong ina kapalit ng pananahimik niya habang buhay tungkol sa iyo. But now, your time has come. You are destined to be a duchess," mahabang litanya niya.

Nakatitig lang ako sa kanya at nakikinig nang mabuti. He snapped his fingers to get me back to my senses. Para akong lutang dahil sa mga pinagsasabi niya. Ang akala ko ay maganda lang talaga ang trabaho ni mama kaya sa mga magandang school niya ako naipapasok at naibibigay lahat ng gastuhin. I can live my life I wanted because of my father, because of evil father.

Tumingin ako kay mama na hinihintay ang atensyon ko. She's crying and it doesn't change the fact that she hides the truth from me. I should have known. Karapatan ko 'yon.

"I don't want to be a duchess. I don't want to be like my criminal father. That's my decision," I said with finality.

Suminghal ang prinsipe. "We are not giving you options. Whether you like it or not, you will be a duchess of this Duchy." Nagtaas siya ng kilay.

"You must do it, Audri. Walang ibang gagawa kung hindi ikaw."

Napabalik ang tingin ko sa mama ko. Anong meron at nag-iba na ang ihip ng hangin ngayon? Ang akala ko ba ay wala ng pakialam sa akin ang ama ko dahil anak ako sa labas?!

"This is my life. You don't have a say in my decisions. Ayokong maging duchess and I will never be a duchess," matigas na sabi ko at iniwan na sila roon. Dumiretso ako sa kwarto at kinandado ang pinto.

My tears suddenly fell. Hindi ko naman nararamdaman na maiiyak ako kanina pero bakit umiiyak na ako ngayon?

So, naisipan na nilang ipakikilala sa akin ang ama ko dahil kailangan na niya ako? Ganyan ba siya katakot mawalan ng kapangyarihan kahit nasa loob na siya ng kulungan at nakuha niyang kainin ulit ang mga sinuka niya? He won't treat me as his daughter back then. He even planned to abort me. He didn't want me to live. I am his living mistake. At ngayon ba sa tingin niya ay ganoon ko lang siya kabilis tatanggapin pagkatapos ng mga nalaman ko at matagal ko ng alam sa kanya? He is an evil person. I did expect that my father is an evil because he left me and my mama but I didn't expect that he is more evil than I imagined. He will sit next to satan if he died, I am very sure.

After minutes of crying and pitying myself, I decided to take a bath and get some sleep after. Ayoko munang makipag-usap kay mama, baka mag-away lang kami. Narinig ko pa naman kanina bago umalis ang mga bwisit na bisita na kakauspan niya pa ako at kukumbinsihin. Excuse me, nagdesisyon na ako kanina at wala nang magbabago roon.

I opened my phone to check Sammy. Sampung missed calls yata ang natanggap ko sa kanya bago ulit ako nakatanggap pa ng mensahe sa kanya.

Sammy:
Punta ako sa bahay niyo. Nasaan ka na ba? Ang mga gamit mo nasa akin!

Ako:
Nasa bahay na ako. Dalian mo!

I need someone to talk to. Iyong hindi biased. Or baka naman naghahanap lang ako ng kakampi sa akin. Ah, basta!

"Audrina, can we talk? I want to tell you something." My mother knocked on my door.

Hindi ako sumagot at tumalikod ng higa sa aking kama. Binalot ko sa katawan ko ang makapal na kumot at niyakap nang mahigpit ang unan. Narinig ko ang buntonghininga niya bago tumikhim. I don't want to be like this to my mother. Pareho lang naman kaming biktima pero at least, she knew. Hindi siya parang tanga na naghihintay sa isang tao na dumating gayong wala namang pa lang balak sa umpisa pa lang. I hoped too much and that's my fault. Ang akala ko kasi may mare-realize rin ng papa ko na mali na iniwan niya kami, na babalik din siya at magpapakilala sa akin, that I will have a father soon. Masyado akong naniwala. Masyado akong umasa kasi hindi ko alam. Wala akong alam!

"He is the only man that I ever loved. Walang iba kung hindi ang papa mo lang, Audri. Marami akong nakasalong lalake sa kama pero sa kanya ako nakaramdam ng kasiyahan. We always share a good laugh after an intense making love. I just met him that day and we ended up in his bed." My mother sobbed.

Napahinto ako sa pag-iisip ng kung ano-ano at napaupo sa kama. Naghintay pa ako sa mga susunod niyang sasabihin.

"I know he was a duke. Waitress lang ako sa mamahaling restaurant na kinainan nila. It was a big party, Audrina. He is always smiling every time he sees me coming. Kahit pagod ako sa kakabalik-balik ay hindi ko iyon nainda dahil natutuwa ako tuwing lumalapit sa mesa nila. I didn't realize that I am enjoying his company. I waited for him outside to thank him for his big tip. Alam kong imposibleng makausap ko siya dahil sa rami ng importanteng tao na nakapaligid sa kanya. And you know what he did once he saw me waiting for him outside? Pinaalis niya ang mga taong kumakausap sa kanya hanggang sa kaming dalawa na lang. He said I was beautiful kahit naka-uniporme pa ako at marusing pa ang itsura. I fell for that, Audrina, because he was the first one to appreciate me. Wala akong pag-aalinlangang sumama sa kanya noong gabing iyon. Hindi ko naisip na baka dala lang iyo ng alak na nainom niya. Hindi ko na rin naisip na baka ginagamit niya lang ako dahil nasundan pa iyo ng maraming gabi hanggang sa dumating ka na," kwento niya at saka bumuga ng hangin.

My mother was a fool!

"I didn't regret anything, Audrina. Wala akong pinagsisihan dahil nandito ka ngayon. After him, you give colors to my life. Alam kong hindi mo ako paniniwalaan kung sasabihin ko sa iyo na he did care for you. Siya pa ang unang nakaisip ng ipapangalan sa iyo noong malaman niyang babae ka. He gave you the name Audrina. Alam ko na, na sa mga oras na iyon ay may pakialam siya. Don't hate him too much, baby. Siguro kung hindi lang siya duke ay baka isang masayang pamilya tayo ngayon," sabi pa niya.

Hindi ako nagsalita at ganoon rin siya hanggang sa tuluyan na lang siyang umalis. I still don't get why she wanted me to be a duchess. Alam naman pala niyang magulo ang buhay kung magiging duchess ako pero bakit gusto niya pa akong ipasok sa ganoong sitwasyon?

My phone vibrated once again. Ang akala ko ay Sammy pero unknown number iyon.

Unknown:
I'll visit you again tomorrow. I'll drag your hair to the mansion if necessary.

Kumunot ang noo ko. Ang prinsipe ba ito o si Philip? Hindi naman siguro mananabunot si Philip. Napangisi ako.

Ako:
Mahal na prinsipe, bakla ka po ba? Why naman mananabunot?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro