Kabanata 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


You Got Me

"Bakit mo ba ako pinipilit na pumunta sa mansyon na iyon? Anong mapapala ko roon?" nakataas ang kilay na tanong ko habang nakasunod kay Rafaelle na parang tuta.

"To see your future home," simpleng sagot niya.

Naningkit ang mga mata ko sa mga sinabi niya. "How sure are you na magiging duchess ako? Ayoko nga, 'di ba? Mahirap bang intindihin 'yon?"

Huminto siya sa paglalakad sa tapat ng nakasaradong pinto. Isang napakataas na pinto na kung susukatin ay tatlong Principe Rafaelle. Isipin ko na lang kung gaano nga kalaki ang mansyon na ito kung saan tumira ang ama ko at ang aking stepmother at half brother. Ang sasarap na nga ng buhay tapos naghangad pa ng sobra, ayan tuloy.

"Sigurado ka bang mansyon pa lang ito at hindi palasyo? Ang laki!" sabi ko habang nakatingin sa kisame na may mga kakaibang painting at mga chandeliers na isang bagsak lang sa iyo ay magkakandalasog-lasog ang katawan mo.

"Of course, sa susunod ay dadalhin kita sa palasyo. Halos kasing laki ng palasyo ang mansyon na ito pero mas maraming dekorasyon at magagandang parte." Humarap sa akin si Rafaelle.

Tumitig siya sa akin. Ang mga mata niya ay nangungusap na parang sinasabi pa na tanggapin ko na lang ang pagiging duchess para wala na siyang maging problema.

"Don't look at me like that. Malapit ko nang isipin na may komisyon ka kapag napapayag mo akong maging duchess ng Bien. Ano bang mapapala mo kapag pumayag ako? Magiging hari ka ba?" Nagtaas ako ng kilay at pinagsiklop ang mga braso sa dibdib.

Lumapit siya sa akin. "You can help me," sagot niya na hindi ko maintindihan.

"Help? Saan?" Napalayo ako sa kanya. "Oy! Sandali lang!" Tinulak ko pa siya. "Hindi kita type, 'no?! Hindi kita pakakasalan!" Ngumiwi ako. Ayoko sa malambot!

Umalingangaw ang tawa niya sa buong main entrance ng mansyon. Sa sobrang tuwa niya ay mangiyak-ngiyak pa siya at napapahawak pa sa tiyan. Ang OA naman nito. Ano bang nakakatawa?

"Really? Sige, tawa ka lang dyan! Uwi na ako! Bye!" Akmang tatalikod na ako pero hinila niya ako pabalik. Napunta ako sa may dibdib niya at ang mga braso niya ay nakapalupot sa bewang ko. Nahigit ko ang hininga ko at napatitig lang sa mukha niya.

"So, you want to marry me?" Ngumisi siya at mas hinapit ako.

I am not scared when other men are doing this to me, I am used to it. Minsan ay ako pa nga ang gumagawa at walang hiya-hiya ko silang nahahalikan. Pero, ngayon...

Kinagat ko ang labi ko at pinakiramdaman ang dibdib na sobrang lakas ng kabog. For the first time, I can admit that I am scared. I am nervous. First time kong malito kung ano ang gagawin ko sa lalake. Hahalikan ko ba o malakas na titirahin ng tadyak ang pagkalalake niya. Hindi ko na nga alam kung saan ko pa nakuha ang lakas ng loob ko pagkatapos ko siyang mahalikan. This is new...

Naputol ang pagtitig ko sa kanya nang itulak niya ako nang malakas, muntik pa akong mapaupo sa sahig.

"Hindi rin kita type, 'no?! Kahit pwede pa, hindi rin ako magpapakasal sa iyo!" sabi niya at umiling-iling pa.

Tumayo ako nang tuwid at inayos ang sarili. "M-Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. 'Tsaka kung ano man ang pinaplano mong gawin ay wala akong balak tumulong. Mamaya, krimen pa 'yan at maka-meet and greet ko pa ang tatay ko sa kulungan." Umirap ako pero sa totoo lang ay nasaktan ako. Type kaya ako lahat ng lalake rito sa Bien. Ano ba namang lalakeng ito? Hindi naakit sa alindog ko.

Bigla siyang sumeryoso at nauna na lang sa paglalakad. Napakurap pa ako ng ilang beses dahil pakiramdam ko ay nasaktan ko yata siya sa sinabi ko. Ano bang nasabi kong mali? Na-offend ko ba siya na iniisip kong kriminal siya?

Mabilis akong sumunod sa kanya. Sa pinasukan niyang pinto ay nahati ang daan at hindi ko na alam kung saan siya sumuot. Pambihira! Anong klaseng tour guide 'yon?!

"Rafaelle!" sigaw ko na siguro naman ay narining niya.

"I'm here, idiot!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Umiling-iling siya at hinila ang kamay ko. O baka hindi ko naman siya na-offend. Siguro ay masungit lang talaga siya.

"Galit ka?" kausap ko sa kanya habang nakasakay kami sa elevator ng mansyon. Sosyal talaga! May sariling elevator!

"Kahit galit naman ako sa iyo, wala naman akong magagawa sa ngayon kung ayaw mong maging duchess." Bumuntonghininga siya.

Naintindihan naman pala niya ako, eh bakit niya ako pinipilit? May mangyayari ba kung hindi ako ang magiging duchess ng Bien? Ako na nga lang ba ay may natitirang karapatan sa Duchy na ito at ganito na lang niya ako pagpursigihan.

"Don't think that you are our only option to lead the Bien. They are people who are more willing to takeover, but the king wants to pursue you kahit na mahihirapan kami. After Yoseph, you are next in line to the rights to lead. At sa nakikita ng mga katunggali mo ngayon na hindi ka naman interesado na manahin ang ibinilin sa iyo ni Duke Harriston, lumalakas ang loob nila na basta-basta na lang pumasok dito sa Bien at sabihin na nasa mabuting kamay ang mga tao rito na akala mo ay sila na ang namumuno." Tumingin siya sa akin at huminga nang malalim.

"Huwag mong hayaang matulad ka kay Richart. He even admitted to himself that he is not enough. Higit pa rin sa kanya ang ama mo sa pamumuno kaya naman ang ama mo ang pinili ng mga tao noon kaysa sa hari ngayon. We can see your potential. We are rooting for you. Don't let this Duchy that your father and ancestors protect from the more evil ones than them for a long time. You will meet one of your competitors one of these days. Aalukin ka nila ng mga kung ano-anong bagay para isuko na lang ang Bien, sana lang ay hindi ka madaling matukso sa mga ganoon bagay dahil alam kong madali kang maakit ng mga lalake."

Saktong tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Diretso muli ang lakad niya sa mahabang pasilyo. Ang yabag ng kanyang paa ay nagsilbing musika sa napakatahimik na lugar. Nasaan na ba kaming parte ng mansyon na ito? Kailangan ko pa yata ng mapa. Kung dito man ako titira, malamang ay abutin ako ng isang buwan bago mamerya ang bawat sulok at pasikot-sikot ng higanteng bahay na ito.

"In case you change your mind you can occupy all the vacant rooms here. Lahat ng kwarto pwede mong baguhin ang disenyo at kahit pa ang buong mansyon. And one more thing..." He paused then faced me.

I blinked. "What?"

"You cannot bring your mother with you. You'll be staying here together with the maids, guards, and your chosen assistants. And soon your destined spouse." He nodded.

Kumunot ang noo ko. "Why can't I bring my mother here?"

He sighed. "It's in your father's will. If you can spare a little time, your father's attorney can read his will to you. Or you can visit him in jail."

Umiling ako. Ayoko!

"Sa sinabi mo ngayon, sa tingin mo ba ay mas lalo mo akong mapapayag na tumira sa bahay na ito. Aanhin ko ang ganito kalaking bahay kung ako lang mag-isa? Hindi ko ipagpapalit ang nanay ko rito." Umirap ako.

"I know. 'Di ko sinasabi lahat ng ito para mas lalong humindi ka sa pagiging duchess. I am readying you for all the consequences if you choose this life. A person with a big responsibility, sacrifice a big part of himself," sabi niya at lumapit sa akin.

"What did you sacrifice then? What did you choose to sacrifice to get what you are gaining right now?" Nanginig ang labi ko pero nakuha ko pang magtaas ng kilay at tarayan siya.

Bumagsak ang balikat niya at natulala sa isang sulok. Bumuga siya ng hangin bago ako sinagot. "I did not choose this life. Nagkamalay na lang ako na nandito na ako. I sacrifice the life to be with my mother and grow up in a peaceful place for the life I did not choose for me. Pero nandito na ako at kasama ang mga kapatid ko. I just hoped I grew up happier ang free." Nangningning ang mga mata niya at sa sandaling panahon ay namasdan ko ang kakaibang emosyon na nais kumawala sa loob niya.

Hindi na ako nagsalita. Kapwa kaming tahimik habang mabagal na naglalakad patungo sa isang bahagi ng palapag kung nasaan kami. He opened one of the big wooden doors with carvings and a golden handle.

Unang bumungad sa amin ang isang lalake na malaki ang ngiti sa akin. He has that ugly mustache and a creepy eyes. I don't like him. Sino ba 'tong feeling close na 'to? Ang pangit-pangit naman!

"Bienvenido mi encantadora sobrina! (Welcome my lovely niece!)" sabi nito at niyakap pa ako.

Langhap na langhap ko ang mabagsik niyang pabango na parang dumiretso yata sa utak ko at muntik pa akong masuka. Anong klaseng pabango 'yon?

Tinulak ko siya at akmang susuntukin pero pinigilan ako ni Rafaelle.

"As much as I want you to punch him, we cannot ruin your reputation to the people. Relax," bulong niya sa akin.

Kumalma ako pero hindi ko inalis ang pagkakakuyom ng kamao ko.

"Sino ba siya? Ang baho niya at ang pangit pa," pabulong na sabi ko.

Kumunot ang noo ng pangit na lalake. Hindi ko siya pinansin.

"He's is your uncle," natatawang sagot niya.

"What?!" sigaw ko at dinuro ang pangit na lalake. "Kamag-anak kitang pangit ka?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo niya at pinagtaasan ako ng kilay. "Yes, dear. Your manner is a bit disgusting." Ngumiti pa ng peke sa akin.

"And your smell is too disgusting," sagot ko naman at binigyan din siya ng pekeng ngiti.

Mahinang natawa si Rafaelle sa likod ko at nang balingan siya ng lalake ay biglang siyang tumikhim at nagseryoso.

"Lady Audrina, I present to you Lord Maxwell Guzman, your father's adoptive brother," sabi ni Rafaelle.

Biglang lumiwanag ang mukha ko. "Ampon siya? Naku! Buti na lang!" Pumalakpak ako. Hindi ko yata matatanggap na may pangit akong kamag-anak, eh ang gwapo naman ng tatay ko tapos pangit ang kapatid niya.

"What do you mean 'buti na lang'?" Tinaasan ako ng kilay ni Lord Maxwell.

Siniko ako ni Rafaelle at nilapit ang bibig sa tenga ko. "Be nice to him. Pwede ka niyang siraan sa mga taga-Bien."

Tumango ako. "Ano... Uhm... Buti na lang may uncle pa ako. Hehe!"

Hindi bumaba ang kilay niya hanggang sa tumikhim siya at inaya akong maupo. Wow! Bahay niya?

Gusto kong tanungin si Rafaelle kung ano ang ginagawa ng uncle ko rito pero nasa kabilang parte siya ng sofa at kaharap ko naman si Uncle Maxwell.

"It is so nice to finally meet you, Audrina. Ang akala ko talaga ay wala nang natitirang kamag-anak pa si Harriston. Akala ko talaga ay inubos na ng Royal Family ang salot nilang lahi." Ngumisi siya at pagkuwan ay natawa.

Nagsalubong ang kilay ko. "Excuse me? You are badmouthing the family who adopted you and put you in front of me."

Kahit naman ayaw ko sa pamilya ng tatay ko noong una. Noong hindi ko siya nakilala na tatay ko ay talagang kinamumuhian ko siya pero ngayon may konti na yatang simpatya siyang nakuha sa puso ko.

"Yes, wala naman dapat akong i-sugarcoat sa kanila dahil singaw na singaw na ang baho nila. You have your father's blood, you will be like him at the end of the day. You can just give up and let the duchy with me. You won't regret anything, I promise," taas-noong sabi niya na may nakakalokong ngisi.

Bumaling ako kay Rafaelle na nanlilisik ang mga mata kay Lord Maxwell at nang bumaling sa akin ay naging malambot ang emosyon sa mukha. He smiled then nodded. Is he letting me to decide?

Umupo ako nang maayos at hinarap ang mabaho kong uncle. "Are you sure that I won't regret anything if I let you lead the Bien?"

Tumango ang uncle ko na parang nanalo na yata sa grand raffle. "Yes, hindi ba at ayaw mo rin namang tanggapin ang pagiging duchess. And beside, it doesn't suit you at all. You are belong to dirty world you are in right now. Just stay there and let uncle handle the big things."

Gusto kong sampalin ang mukha niya para matanggal ang nakakainis niyang ngisi sa mukha. Sumandal ako sa sofa at nagde-kwatro sa harapan niya. Pinagsiklop ko rin ang mga braso sa dibdib ko.

"Okay, I surely won't regret anything." I paused then looked at the prince giving me a questionable look.

This is my evil Uncle Maxwell na wala namang kahit isang patak ng dugo namin ang magmamana ng Bien.

"But I am very sure that the population of Bien will regret every single minute of your leadership. And I am part of that population. Let our game begin, Uncle Maxwell." I smiled at him.

Napalitan kaagad ang ngiti niya ng pagkainis samantalang si Rafaelle naman ay ngiting tagumpay sa mga labi.

You got me, my soft prince.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro