Kabanata 34

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Torture

A tear fell from eye as I watched myself readying for my wedding. It was not the wedding I have imagined. Ni hindi nga pala ako nag-iisip na ikakasal ako balang araw pero noong dumating si Rafaelle, things have changed. Ngayon, hindi naman ako kay lalakeng mahal ko ikakasal. Akala ko ay ayos na ako pagkatapos kong paghandaan ang mangyayari. Akala ko hindi na masasaktan kapag dumating ang araw na ito. Nagsulputan ngayon sa isip ko ang mga alinlangan. Paano kung hindi na ako makaalis kailanman sa kasal na ito? Paano kung habang-buhay na ako matatali kay Benedict? Paano kung hindi ako matulungan ni Rafaelle?

Parang dinudurong ang puso ko. Natatakot ako baka ganoon ang mangyari. Baka pumalpak ang plano ko at tuluyan nang mauwi sa lahat ang mga sakripisyo ng mga tao sa paligid ko.

Sinuot ko ang isang simpleng wedding gown. Isang puting bestida lang ang pinili ko dahil hindi naman espesyal ang araw na ito sa akin. Kung pupwede nga lang ay magsuot ako ng itim. Dadalo sina mama, at ang mga prinsipe kasama si Rafaelle, wala nga lang si Principe Raguel. Nandoon din ang mga duchess at ang mga anak nila. Pupunta rin ang hari at reyna. Nandoon sila para makiramay daw kay Rafaelle. Alam kasi nila na hindi naman totoo ang kasal na ito. Ang hari pa ang officiant namin.

"Ang saya mo siguro kaya ka umiiyak," bati ng stylist na kasama ko ngayon sa kwarto.

Ngumiti lang ako. Malayong-malayo sa pagiging masaya ang nararamdaman ko. Hindi ko yata magagawang ngumiti mamaya.

"Tama na muna ang iyak, masisira ang make-up mo. Ang ganda mo pa naman. Ang swerte ni Sir Benedict." Kinikilig pa ang make-up artist na ito. What if sabunutan ko ito? Ayoko nga sa kasal na ito. Talagang maswerte si Benedict samantalang ako napakamalas.

"Matagal pa bang ayusin ang buhok ko? Naiinip na ako," iritableng sabi ko. Wala naman akong pakialam kung magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao mamaya.

"Sandali na lang, Your Grace. Ikakabit na na lang ang veil." Natataranta na ang mga kasama niya pati siya.

Siguro ay nagtataka sila kung bakit ako nagmamadali gayung isang oras pa bago magsimula ang kasal at nasa labas lang naman ang venue. Ang request ko sa kanila ay gawin akong pangit sa make-up ko pero bakit kasi pinagandan ako? At bakit may make-up artist at stylist kasi sa una pa lang?! Nakakainis.

"Oh, bakit gumanda ako? Sabi ko papangitin niyo ako, hindi ba?" Umirap ako sa repleksyon ko sa salamin. Mukha pa tuloy akong excited sa punyetang kasal na ito!

"Your grace, by hiring us, we pledge to make beautiful because that's what our job's description. Sorry if we didn't meet your expectations and requests," paliwanag niya.

Inirapan ko siya. "One star ang rating niyo sa akin. Pasabi-sabi pa kayo sa website niyo ng "what client wants, client gets'. Hay naku! Kairita!"

Nalilito silang nagtinginan pero wala na akong pakialam kung mabaliw sila kaiisip kung bakit ako ganito ngayon. Mainit ang ulo ko. Naiisip ko ang unang gabi naming mag-asawa ni Benedict, nakakasuka! Magla-lock lang ako sa kwarto buong gabi at walang honeymoon na mangyayari!

"Kung pwede lang ay itatanan ko na lang si Rafaelle para makatakas sa hayop na Benedict na 'to!" bulong ko sa sarili ko habang palabas ng kwarto para magtungo sa garden.

Unang lumapit sa akin si Sammy na hindi rin maganda ang timpla pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat. Gusto nga raw niyang bigwasan si Benedict at tanggalan ng buhok sa buong katawan si Lord Maxwell. Ako naman daw ay gusto niyang kalbuhin sa sabunot dahil hindi ko man lang sinabi sa kanya. Nagtampo pa ang gaga, baka raw pinagpalit ko na siya. Hindi na raw siya ang best friend ko kung hindi si Raviro na. Ang drama!

"Sabihin mo lang sa akin kapag pinilit ka na naman ng gagong Benedict na iyon, talagang bibigwasan ko na siya." Pinakita pa niya sa akin ang kamao niya.

"Kapag binigwasan mo siya, siguradong malaking issue 'yon. Hindi ba nga noon ay tuwang-tuwa ka sa kanya. Magtataka 'yon kung bakit mainit na ang dugo mo sa kanya." Ngumuso ako.

Binaba niya ang kamao at malungkot na tumingin sa akin. "Sorry, a? Feeling ko, ako ang naging bad influence sa iyo. Imbes na pigilan kitang makipag-ano-ano sa mga kung sino-sinong lalake, ako pa ang nagtutulak sa iyo minsan." Bumuga siya ng hangin at binagsak ang balikat. "Kung alam ko lang na magiging duchess ka pala, e 'di sana pumasok tayo sa Ethics class. Hindi sana tayo nag-cutting para maghanap ng lalake. Sorry talaga. Nagi-guilty ako kahit sabihin mong hindi ko kasalanan." Niyakap niya muna ako bago umiyak.

Ayaw niyang pinapakita sa akin kapag umiiyak siya. Hindi raw siya ang bestfriend ko kapag umiiyak siya kaya umiiwas siya.

"Sammy, huwag ka nang umiyak. Gusto ko naman ang mga ginawa natin noon, eh. Hindi naman ako nagsisisi. I lived the life I wanted. Naging masaya ako. I've experienced extraordinary things with you. Siguro kung ibang tao ang best friend ko, magiging boring ang buhay ko. Thank you for always being there for me. Hindi ka dapat ma-guilty kasi masaya ako na palagi kang kasama. Ikaw palagi ang best friend kahit minsan nahuhuli ka sa chika ng buhay ko. Ayoko lang kasing madamay ka pa. Dapat naghahanap ka na rin ng lovelife mo. Ayokong problemahin mo pa ako." Hinawakan ko ang balikat niya para makita ko ang mukha niya.

Wala na siyang luha pero bakas naman ang pag-iyak dahil sa pula ng ilong at ilalim ng mga mata.

"Basta, mangako ka sa akin na kay Principe Rafaelle ka tatanda. Siya ang makakasama mo forever, hindi si Benedict." May pagbabanta pa sa boses niya.

"Hindi rin naman ako papayag kung hindi si Rafaelle." I smiled.

Hinawakan niya ang kamay ko para sabay na kaming makapunta sa kabilang dulo ng garden kung saan naghihintay si mama at si Principe Rafaelle. He smiled at me.

"Dapat nasa loob ka pa, mamaya pa magsisimula ang kasal," sabi ni mama nang makalapit kami.

"Naiinip na ako. Gusto ko na lang matapos ang araw na ito. Gusto ko nang matapos ang season na ito para makapag-file na ako ng annulment. Hindi pa man kami kinakasal ay kating-kati na akong hiwalayan siya." Napapadyak pa ako.

Nagtawanan sila. Tinuro ko si Rafaelle. "Bakit ka nandito? Dapat nasa harapan ka, hindi ba? Kasama mga kapatid mo."

"I just want to see you before you get married. Masama ba iyon?" Nagtaas siya ng kilay.

Parang hindi naman kami nagkita kagabi. Nakuha kong mahiya dahil sa impit na pagtili ni mama at ni Sammy. Ano bang nakakakilig?

"Tumigil nga kayo, para kayong pinagkukurot sa singit." Umirap ako.

"Kasal niyo talaga ng prinsipe ang inaabangan ko. Siguradong hindi lang garden wedding iyon. Baka nga sa Cathedral pa." Nagtaas-baba ang kilay ni Sammy.

"Bigatin din ang mga bisita, for sure. Sayang lang at hindi makadadalo ang papa mo." Mapait na ngumiti si mama.

"Magbi-video na lang tayo para mapanood niya. Iisipin ko na lang na nandoo siya sa espesyal na araw na iyon." Hinagod ko ang likod ni mama.

Tumingin ako kay Rafaelle. Alam ko ring gusto niyang matawa kagaya ko dahil hindi pa man ay pinaplano na ang kasal namin. Hay naku! Kahit ako ay hindi na makapaghintay.

"Magingat ka palagi. Lalo na ngayong ikakasal na kayo, magagawa niya na kung ano man ang gustuhin niya sa iyo. Tawagan mo ako palagi lalo na kapag mag-isa ka lang. Hindi ako aalis sa mansyon hanggang hindi natatapos ang kasal mo sa kanya. Wala akong pakialam kung mag-away man kami dahil sa pangingialam ko sa inyong dalawa. Hindi ko hahayaang galawin ka niya ulit nang labag sa kalooban mo." Niyakap ako ni Rafaelle pagkatapos sabihin ang mga bilin niya.

"Salamat at hindi mo ako iiwanan kahit ganito ang nangyari. Can't wait to be in your arms again. Konting araw lang naman. Sa susunod na linggo ay tapos na ang season na ito. We can finally proclaim Yeshua as the new heir of Bien. I can't to see how Benedict will react. His face will surely be hilarious." I hugged him back. Iyong mahigpit para hindi na siya makawala pero kasi, hindi naman iyon pwede.

"Pupunta na ako sa mga kapatid ko. I'll be watching you marrying someone else. Kahit na alam kong ang dahilan, masakit pa rin iyon para sa akin. Ako dapat ang unang lalakeng pakakasalan mo pero naiintindihan ko na iba ang sitwasyon natin kumpara sa ibang magkarelasyon. Kung kulang lang tayo sa pag-intindi sa isa't isa ay matagal na tayong sumuko." Binitiwan niya ako at kumaway na sa akin para magpunta sa upuan niya kasama ang mga kapatid niya.

Bumuntonghininga ako at nasa kanya lang ang tingin buong oras hanggang sa tinawag na ang pansin ko para umayos sa pwesto. This is it.

Gusto kong lamukusin ang mukha ni Benedict na nakangisi habang papalapit kami sa kanya. Nasa harapan ang hari at dalawa silang naghihintay sa akin sa dulo. Gusto kong umirap pero sobra na iyon kasi hindi na nga ako ngumingiti. Ang hirap pala na sapilitan lang ang kasal mo. Boring!

"Don't worry, Mrs. Reese. I will take care of your daughter. I will be a great husband and a companion. Tutulungan ko siya sa pamamahala ng Bien. She chose the right man," sabi ni Benedict sa mama ko.

Napangiwi ako nang halikan niya ang likod ng kamay ko. Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi niya kasi hindi naman iyon mangyayari. Managinip na lang siya ng gising. Never niyang makokontrol ang Bien.

Pinakiusap ko nga pala sa hari na sana iksian lang niya ang seremonya, iyong tipong pronounced na as man and wife. Kung pwede lang din ay wala ng kiss the bride. Nakakadiri kasi eh.

"By the power vested in me as a king of this nation. I know pronounced you man and wife. Greet your visitors and witness of your union." Kumindat sa akin ang hari. Mag-thumbs up sana ako pero hinawakan na ni Benedict ang kamay ko at hinila ako paharap sa kanya.

Walang sabi-sabing sapilitan akong hinalikan nang mariin. Sandali lang naman iyon kaya hindi ko siya naitulak dahil sa pagkabigla. Napahawak ako sa dibdib ko matapos ang nangayari. Napatingin ako kay Rafaelle na akmang susugod na pero pinigilan lang ng mga kapatid. Nakakuyom ang mga palad niya at nag-igting ang mga panga.

I'm okay, darling.

Hindi ko na ulit hinayaan pa si Benedict na mahawakan ako. Malaki ang pagitan namin sa isa't isa hanggang sa pag-upo. Ngiti lang ang binibigay ko sa mga bisitang hindi alam ang totoong setup namin. Wala naman kasi silang kasalanan kaya hindi dapat mabaling sa kanila ang pagka-badtrip ko. Pagod na pagod ako kahit nakaupo lang naman ako buong oras sa reception. Hindi nga rin ako makakain nang maayos. Iniisip ko ang mangyayari mamayang gabi. Ang kinakatakot ko ay baka hindi ko siya mapigilan at magawa naman niya ang gusto niya kagaya ng nangyari kanina.

Inabot sa akin ni Sammy ang isang cupcake. "Hindi pa kumakain."

"Gusto ko ngang mapagod talaga ako nang sobra para tulog kaagad ako mamayang gabi." Kinagatan ko ang cupcake.

"Tabi tayo mamaya matulog. Hindi ako aalis doon. Palagi na ako doon matutulog simula ngayon para hindi ka magapang ni Benedict. Sleepover tayo, sama natin si Principe Rafaelle." Humagikgik siya.

Gusto ko ang ideya niya pero hindi ako sigurado kung papayag ba si Benedict na palaging ganoon. Kaya ang dapat mabilis na lang lumipas ang araw para matapos na ang lahat ng ito.

Kinawayan ko si Rafaelle at ang mga kapatid niyang prinsipe. Nasa isang malaking table sila kasama ang hari at reyna. Buong pamilya nila ay nandito. Pati ang mga duchess.

"Gusto ko maraming cupcake sa plate ko," sabi ni Princesa Risha.

"Enough na iyon, anak. Masyado ka nang maraming nakain. Sasabog na ang tiyan mo, sige ka," pananakot ni Reina Iesha na mukhang namomroblema sa katakawan ng anak.

"Gutom pa ako. Next time na lang.
Kay Arie na lang ang cupcake doon sa table." Ngumuso ang prinsesa na puro icing ang bibig.

"Hindi matakaw si Arie, Risha," bulong ng hari.

Nagtawanan sila kaya nagtawanan na rin ang mga bata.

"Are you okay?" tanong ni Rafaelle.

Tumango ako. "Balak ni Sammy na mag-sleepover sa kwarto ko mamaya para hindi makapasok si Benedict. Sama ka?"

"Damn! That was my idea. Naunahan ako. Tayong dalawa lang dapat, eh." Ngumuso siya.

"Sira, sa tingin mo ba ay papayag si Benedict?" Kinurot ko ang tagiliran niya.

"I just want to protect you. Hindi mo alam kung gaano ko siya kagustong suntukin kanina nang halikan ka niya nang sapilitan. It is breaking me just thinking about how helpless you are and I am just standing there doing nothing. It's a torture, Audrina."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro