Kabanata 36

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


For now

"Are you ready?"

Tumingin ako kay mama na pinili kong mag-ayos ng buhok ko para sa magiging piging sa pagtatapos ng season of picking. Sa wakas ay matatapos na rin ang pinakamahirap na panahon para sa akin. Makalalaya na rin ako sa nakasasakal na lugar na ito pati na rin kay Benedict.

"Hindi na ako makapaghintay sa mga magiging reaksyon ni Benedict. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang nag-iisang magaling maglaro dito. Kung babagsak ako ay isasama ko siya." Ngumisi ako at tumingin muli sa salamin.

Rafaelle already ordered an annulment case at naibigay na rin ang ebidensya na kinuha namin. Kaya lang ang sabi niya mababa na ang anim na buwan na paghihintay sa resulta. Hindi rin sigurado kung maaprobahan ba pero maaari naman daw umapela. Pinaubaya ko na iyon kay Rafaelle, alam kong hindi niya ako bibiguin.

"Kung ano man ang mangyari pagkatapos ng araw na ito, tandaan mong nandito lang kami ng papa mo at ni Sammy." Hinalikan niya ako sa pisngi at lumabas na ng kwarto.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan ng nilamon ng katahimikan ang buong paligid. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto na ilang buwan ko ring naging tahanan. Maraming maganda at hindi rin magagandang pangyayari sa kwartong ito. Natawa ako nang maalala ang unang pagkakataong nakita ni Rafaelle ang mga laruan ko. Hindi ko makalimutan ang mukha niya habang hawak ang vibrator na ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan.

Tumayo ako at pinuntahan ang cabinet kung saan ko tinatago dati ang mga laruan. Alam kong siya rin ang nagtapon ng mga iyon dahil siya lang naman ang kilala kong pinag-iinitan ang mga laruan ko. Kaya naman nagulat ako nang mamataan ang vibrator ko. Bakit bumalik?

Nakabalot pa ang mga iyon ng makapal na plastic. Para siguro hindi makita ng iba. May sulat pang kasama na nagsasabing, "I gonna give this back. I know you miss them. Sorry for hiding them for a short time. -Rafaelle". Napangiti ako sa sarili. Hay naku, kahit kailan talaga ang mahal na prinsipe napaka-generous.

Pinasok ko sa naka-impakeng gamit ko ang mga laruang iyon at isang beses pang pinagmasdan ang kwarto. Mami-miss ko ito pero hindi na ako babalik. Mas gusto ko ang dati kong buhay pero mas gusto ko ang magiging buhay ko kasama si Rafaelle. Ano kaya magiging buhay ko kasama siya? Magiging  maligaya siguro ako nang sobra.

"Huwag mo munang isipin 'yan, Audrina. Kasal ka pa kay Benedict at kailangan mo munang madispatya ang hayop na iyon," bulong ko sa sarili ko.

Bumuntonghininga ako. Ang daming nangyari ay hindi ko akalaing mai-in love ako sa isang prinsipe. Ang tunay na nagpabago sa buhay ko ay nang malaman kong isang dating duke ang tatay ko at ako tagapagmana niya. Hindi ko akalaing ganito pala ang buhay na ilalaan sa akin Diyos. Parang nakasakay sa rollercoaster. Hindi man puro masasaya ang nangyari at least, nakilala ko ang taong gusto kong paglaanan ng panghabang-buhay.

"Audrina, magsisimula na tayo. Nakaayos ka na ba?" Kumatok pa ng isang beses si Rafaelle sa pinto bago iyon binuksan.

Nakagat ko ang labi ko nang makita kung gaano siya kagwapo sa suot niyang tuxedo. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang nakapormal. Hindi lang basta tuxedo ang suot niya, isa iyon sa mga kadamitan nilang mga prinsipe tuwing may isang mahalagang pangyayari ang magaganap sa bansa.

"You look very beautiful, darling. Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon sa paraan kung paano kita nakikita. You never failed to bloom in eyes," he said then put his arms around me.

"Binobola mo na naman ako, nakikita ko ang sarili ko sa salamin." Umirap ako.

"But your heart doesn't beat as my heart does. Your eyes can't see what eyes can see. Sinabi ko na ito sa iyo noon, bakit hanggang ngayon nagdududa ka pa rin?" tanong niya.

"Because it's too good to be true. I never expected that a man can compliment a woman without sexualizing her. You are very pure, my darling." I kissed his lips for a second.

"And you are very proud." He smiled then took my hand. "Come on, the ceremony will start very soon. Ayokong ma-late ang isa sa pinakaimportanteng tao roon. Ang pinakamamahal ko."

Nag-init ang buong mukha ko dahil sa mga papuri niya. Sanay na sanay na ang tenga ko pero parang palaging bago pagdating sa puso ko. Palagi yata akong mamamatay sa kilig kapag kasama ko si Rafaelle. Bago kami dumiretso sa event hall ay pumunta muna kami sa silid kung nasaan si Yeshua at Laura. Nakahanda na si Yeshua at suot na rin niya ang tradisyonal na damit na ginamit ng isang duke. Ginto ginamit panghabi ng disenyo at may mga dyamante rin. Nakakatakot isuot, baka malaglagan ng isang diamond.

"Our Royal Security will be fully alerted in case there is something unexpected happen. Before the king announce who will inherit the Bien, Marcus, of the Royal Guards will escort you to the main entrance. Siya lang ang dapat niyong samahan at wala ng iba," sabi ni Rafaelle sa mag-ina.

Pumasok ang isang Royal Guard na si Marcus. Nakakatako sa lapad ng katawan ang lalakeng ito kaya napaatras ako. Napatingin naman sa akin si Rafaelle at nagtaas ng kilay.

"We will leave you here until you are signalled to go to the event hall. Laura and Yeshua, this is a great honor that you choose to fulfill our request. Audrina and I will be forever grateful. You don't know how much you will help us." Yumuko si Rafaelle sa mag-ina at ganoon rin ang ginawa ko.

"Maraming salamat, Laura." Ngumiti ako sa kanya.

"And Yeshua, your father made an unforgivable sin to our country, but he is a good friend. I'll never forget to tell you his story." Tinapik ni Rafaelle ang balikat ng bata at tiningnan ako.

Tumango ako sa kanya at sabay kaming lumabas ng kwarto. Ito na ang pagkakataon kung saan dudurugin ko si Benedict.

"Are you ready, my duchess?" nakangising tanong ni Rafaelle nang nasa tapat na kami ng malaking pinto ng event hall. Nilahad niya ang palad sa akin. Malugod ko iyong tinanggap bago sumagot.

"Born to be ready, my prince."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay bumukas na ang malaking pinto. Nagpalakpakan ang mga tao pagkakita sa amin. Ngumiti ako sa mga kakilala ko. May mga pinayagan ding mga media sa loob ngunit kakaunti lamang. Sa harap namin ay ang apat apat na prinsipe, ang hari at ang reyna, ang dalawang prinsesa, ang mga duchess, at ang mga anak nila. Kumpleto ang buong Royal Family, kaya pala napakataas ng seguridad.

Nandoon na rin si Benedict sa may bandang unahan na upuan. Doon ang pwesto niya katabi ni mama dahil parte na siya ng malapit kong pamilya. Ang mga Royal Council ay malaki ang ngiti sa aming dalawa ni Rafaelle. Nandoon din si Leo kaya siniko si Rafaelle na simaan ako ng tingin. Pikon talaga.

"Lady Audrina Guzman y Reese," anunsyo ng hari bago ako pinapunta sa pwesto ko. Naghiwalay kami ni Rafaelle para makaupo siya katabi ng mga kapatid niya. Nasa pinakaharap ako at nasa likod ko sina mama malapit ako sa mga prinsipe.

Dumating ang Archbishop at sandaling binasbasan ang pagtitipon na nagaganap. Sa sobrang dami kong pinagdasal ay hindi nagkasya sa nakalaan na oras ang mga panalangin ko. Sinunod na kantahin ang Cordancian Anthem.

Pagkatapos ng pangunahing seremonya ay ang opening speech ng reyna. Kumindat siya sa akin bago nagsalita. Alam niya naman kasi na hindi ako magiging duchess pagkatapos ng araw na ito.

"Buenos diaz, Cordancia. Today we will be written in the history of our beloved country. Bien, as we all know, have been soaked in the dirty mud because of the people who have a great obsession with power. The Great Duchy of Bien needs to regain its good reputation by giving the Duchy a great leader, a fresh start for every Cordancian residing in this land. A leader who can protect the Bien from tyranny that will be brought by the people with corrupted minds and selfish hearts. By the end of the day, the Duchy of Bien will be under by a new leadership that will save the land from shameful past."

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob kasama na ako. Yeah, a new leader with fresh beginning will be great for Bien.

Pinatayo kaming lahat bilang senyales ng pag-uumpisa ng main event. Ngumiti sa akin si Rafaelle at nag-thumbs up pa. Ibig sabihin ay nasa labas na sina Yeshua at Laura. Tumunog ang trumpeta at kasabay no'n ay ang pagbukas muli ng pinto. Kahit hindi ako tumingin ay alam ko na kung sino ang mga iyon. Napatulala ako at napangiti sa sarili.

"Lord Yeshua Guzman y Hernandez and Lady Laura Hernandez," anunsyo nila.

Lumapit sa akin si Benedict at hinawakan nang mahigpit ang braso ko pagkapasok pa lang ng dalawa.

"What is this, Audrina?" mahina pero may diin na tanong niya.

"Giving what you deserve. Nothing," humalakhak ako na kaming dalawa lang ang nakarinig.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at saka itinulak siya palayo. Ngayon alam na niya siguro kung bakit may dalawang upuan sa pwesto ko. Ang isa ay para kay Yeshua.

Ngumiti ako sa pamangkin ko at iminuwestra ang pwesto niya. Nag-curtsy siya sa mga kaharap niyang parte ng Royal Family. Si Laura naman ay tumabi kay mama.

"Ladies and gentlemen, here, we gather to end the season with a great accomplishment. Today, we will witness how the Bien will pass to its new leader. I have here the legitimate report and was signed by the former duke, Harriston Guzman, that his sole heir will be Lady Audrina Guzman y Reese. However, because of some circumstances, Lady Audrina Guzman y Reese is not eligible to lead the Bien. I hereby declare Lord Yeshua Guzman y Hernandez, the son of the late Lord Yoseph Guzman, a grandson of the former duke, Harriston Guzman, a direct descendant as new heir of the Great Duchy of Bien. By the time he reach  the age of 17, he will be pronounced as the new Duke of Bien. Signed and marked by your king and queen. King Richart of Cordancia and Queen Iesha of Cordancia."

Nagdiwang ang lahat. Ang palakpakan ng mga tao ay nakabibingi. Walang mapagsidlan ang tuwa ko dahil sa wakas ay nasa mabuting kamay na ang Bien.

"Stop this nonsense!" sigaw ni Benedict na umalingawngaw sa buong event hall.

Masama akong tumingin sa kanya. "Who are you to disagree with the decision of the majority?"

"You tricked me Audrina, but this is not enough to end me." He smirked.

"What? You will use our sex video to threaten me once again. I am no longer a fool, Benedict. I have done enough. Go, spread what you have. I don't care anymore. I will face the consequences of my actions and so are you." Pumikit ako nang mariin.

"So be it, Audrina Reese."

At sa isang iglap lang ay laman na ng balita sa buong Cordancia ang kumalat na sex video namin ni Benedict. Hindi lang ito ang magiging pagtatapos ng pagsakal sa akin ni Benedict. Katapusan na rin ito ng pag-asang pwede pa kami ni Rafaelle pagkatapos nito. After this, I will be a laughing stock. Hindi ko na pwedeng pakasalan si Rafaelle.

"Sir Benedict Freidch, you are arrested for filming and leaking a private video of you and Lady Audrina in public without her proper consent under the newly implemented Cordancian law."

Dumating ang mga Cordancian Cops at hinuli si Benedict. That law...

Naiiyak ako tuwing naiisip ko kung paano nagkaroon ng ganoong batas sa Cordancia. It was all because of Rafaelle.  He made that law. He proposed that law for me. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-iyak. Ako lang iniisip niya palagi at ito ako, walang ginawa kung hindi ang pagdudahan siya. I don't deserve him at all.

"You are free, Audrina. Finally," sabi niya  sa akin at saka ako niyakap.

Umiling sa akin ang hari at alam ko na kaagad ang gagawin ko. I pushed him away. Nagtaka pa siya noong una.

"I need to stay from you until my issue is no longer the main topic of Cordancia. Hanggang sa makalimutan ng mga tao na hindi ako karapat-dapat sa iyo. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong makasama ka na pero hindi pa pwede. Kailan pa nating magtiis. Sana ay sapat na isang taon para makalimot ang mga tao. Sana sapat na isang taon para mapawalang-bisa ang kasal namin ni Benedict. After that, I'll have you again. Nakakapagaod maghintay pero para sa iyo magtitiis akong muli."

Lumayo ako sa kanya at umiwas nang subukan niya pa akong hawakan.

"Goodbye for now, my prince, my darling, my love."

Tinalikuran ko siya at sumakay sa sasakyan na minamaneho ni Rachim.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro