Kabanata 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Impress

Hindi ko na alam kung tama pa ba ang pagbangga ko kay Lord Maxwell na mukhang tototohanin ang pagiging magkaribal namin. Ang sabi kasi ni Rafaelle, hanggang hindi ako opisyal na naitalaga bilang Duchess ng Bien ay maaari pang magbago ang lahat. Pwede akong maalis bilang first line of succession kung mapapatunayan na may nagawa akong isang bagay na hindi maaari sa isang parte ng maharlikang pamilya. Malay ko ba kung ano ang mga pinaggagagawa ko noon, hindi ko naman inaasahan na magiging duchess ako balang araw. Kagaya na lang ng lagi kong sinasabi, gusto kong makontrol ang buhay ko. Ayokong didiktahan ako ng isang posisyon o antas ng buhay.

"Did you already decide what you will wear on that small ball?" tanong ni Rafaelle nang walang pasabi siyang pumasok sa silid ko.

Umiling ako at binalik ang tingin sa mga magagarang gown na nakalatag sa kama ko. Lima iyon, dalawa ay victorian style dress at ang tatlo ay ang mga pausong style Queen Iesha, iyong simple pero malakas ang dating. Wala naman sa mga damit na ito ang gusto kong suotin. Hindi ganito ang mga sinusuot kong damit at pakiramdam ko ay pangit-pangit ko kapag ganyan ang mga damit ko.

"Pwede bang hindi na lang pumunta? Pagod pa ako dahil sa klase namin kanina ni Miss Amita." Bumuntonghininga ako.

Kumunot ang noo ni Rafaelle. "Hindi pwedeng wala ka roon dahil inaasahan ng mga mamayang pamilya sa Bien ang pagpunta mo. I heard that Lord Maxwell will attend that ball too. You need to be there dahil kung hindi ay baka makuha ni ng tió mo ang suporta ng lahat ng nandoon."

Umirap ako sa hangin. "Bakit kailangan pang kumuha ng suporta ng iba kung mismong ang hari na ang nagpasya na ako ang ilagay sa posisyon?"

Umiling siya. "Hindi mo naiintindihan ang lahat. Ang hari ay nagsisilbi sa bansa at hindi para sa sarili niya. Oo, magagawa niyang piliin kung sino ang ilalagay sa pwesto pero hindi siya bingi sa hinaing ng tao. Pwedeng mabago ang desisyon niya kung merong punto ang marami."

Tinaas kong tingin ko. "Marami na akong hindi naiintindihan sa umpisa pa lang pero nandito pa rin ako at tinanggap ang mga sinasabi niyo. Hindi pa man ako duchess ay para na akong tuta na sunud-sunuran lang sa iyo. Bawal kong malaman ang ganito! Hindi pa oras para malaman ang ganito! Litong-lito na ako at hindi ko alam kung kaya ko pa bang ipagpatuloy--"

"I'm bisexual," mahinang sabi niya na ikinatigil ko.

Umurong lahat ng emosyon ko nang sabihin niya iyon. Parang nawala ang lahat ng sasabihin ko dahil sa biglang pag-amin niya na hindi siya straight. May halo siya! Pero bakit ba ako nagulat? Sa umpisa pa lang ay may hinala na kami ni Sammy na baka nga pusong babae ang prinsipe.

"T-Talaga?" tanong ko ng wala sa sarili. Gusto ko na lang sampalin ang sarili ko dahil sa tanong kong walang kwenta.

Tumango siya. "Hindi iyon katanggap-tanggap, hindi ba? Siguradong itatakwil ako ng mga kapatid ko lalo na ang kuya kong si Rachim. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari kaya hindi ko mailabas ang sarili ko. Kaya kailangan ko ang tulong mo." Inabot niya ang kamay ko.

Bahagya akong natawa, ang mga mata ko ay nagtutubig dahil dapat kanina ay iiyak ako. Moment ko dapat kanina, eh.

"Paano kita matutulungan? Wala akong magagawa kung ayaw ka nilang tanggapin." Yumuko ako. Wala akong alam sa mga bagay na ganyan.

"Meron, Audrina. Noong sinabi ni Richart na isa kang tao na iba ang prinsipyo sa mga katulad namin, napaisip ako. Kaya tinanggap ko ang trabahong ito, kahit alam kong magiging mahirap ang pagkumbinsi sa iyo ay ginawa ko kasi alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin. Malakas ang loob mo at--"

Pareho kaming napatayo nang tuwid nang pumasok si Miss Amita. Pinagmamasdan niya kaming dalawa at nilapitan si Rafaelle.

"Su Alteza, you are not allowed to visit the lady while she is preparing," sabi nito at tinaasan ako ng kilay.

Kay Rafaelle ang lambot ng boses, pagdating sa akin nagiging dinosaur. Rawr!

"M-Magbibihis na ako, Principe Rafaelle. Wait for me outside," sabi ko at kinagat ang labi pagkatapos.

Oo na, naaawa na ako! Pero hindi ko naman alam kung anong tulong ang kailangan niya. Wala akong alam sa kahit ano. Sa pagiging duchess nga lang ay hirap. At saka isa pa, makasarili ako. Ayokong nadadamay sa gulo ng ibang tao dahil kung sa una pa lang ay wala na akong responsibilidad sa kanila ay hinding-hindi ko sila pagtutuonan ng pansin.

Pero kay Rafaelle...

"What are waiting for, Miss Audrina Reese?! The time is almost up and you are still not dressed! Venga! (Come on!) Faster!" Kunot ang noo ni Miss Amita habang inaabot sa akin isang mermaid red metallic dress na nalalaglag ang dalawang malapad na strap sa balikat. Sweetheart cut din ang dibdib kaya medyo kita nang kaunti ang cleavage ko. Ayos na naman pala ito.

Malalim ang iniisip ko habang inaayos ni Miss Amita ang buhok kong kinulot niya muna at pagkatapos ay ginawang isang messy bun. Iniisip ko habang ginagawa niya iyon ang hirap ng kalooban ni Rafaelle habang tinatago ang tunay na siya sa paligid ng mga maton niyang kapatid. Ganoon ba kahirap umamin?

Sabagay, ako, hindi ko rin maamin sa mama ko na nawala na ang virginity ko. Sobrang tagal na pero wala pa rin akong lakas ng loob. So, paano ko nga siya matutulungan kung pareho kaming duwag? Anong magagawa ko para sa kanya? Bakit naman kasi ako pa?! Ang dami-dami ko na ngang gagawin, eh!

"Smile!" malakas na sabi ni Miss Amita na nagpabalik sa akin sa ulirat.

Tapos na pala siya at hindi ko man lang namalayan. Ngumiti ako kagaya ng gusto niya. Sa lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ay wala man lang kahit isa ang nasunod. Ang sabi ko noon ay wala magsasabi sa mga gagawin ko, walang magdidikta sa akin, pero ngayon, pati pagngiti ay kontrolado. Pangako ko sa mama ko na magkasama kami hanggang sa nabubuhay kaming pareho pero ngayon, hindi kami magkasama. Ang sabi ko pa man din noon ay I will live my life the way I wanted to but look at me now.

Ganito ba ang kalooban ng Diyos sa akin? Parusa ko ba ito dahil madalas ay hindi ako nakikinig sa mama ko? Dahil hindi ko iningatan ang sarili ko? Dahil palagi akong nagsisinungaling?

"I know you are still questioning your surroundings. Kung bakit nandito ka. You are not meant to be a duchess but here you are. Maybe, something special is waiting for you in the near future, maybe you are redirected to your mission and purpose in life because you were lost for a very long time. Life is not what we always wanted it to be. Kadalasan salungat sa atin ang daan na gustong ipatahak sa atin at dahil sa sobrang galit natin sa paligid dahil hindi natin nakuha ang gusto natin, hindi natin nakikita kung gaano kagandang daan ang tinatahak natin. Look always at the beauty of life." Tinapik ni Miss Amita ang balikat ko bago ako tinulungang tumayo.

"Dahil kung nakatingin ka sa mga nangyaring hindi maganda sa iyo, hinding-hindi ka sasaya at makapagpapatuloy," bulong niya pa at sinenyasan na akong lumabas.

Ayos lang naman ako kung tutuusin. Ayos pa ako dahil kahit papaano ay alam pa rin ng nakararami kung ano talaga ako. Pero si Rafaelle...

Nakangiti niya akong sinalubong sa labas ng aking silid. Ang mga ngiti ay parang walang tinatagong kung ano. Totoong-totoo. Siguro ay nasanay na lang siyang magtago. Siguro sa tagal ng panahon ay natutunan na niyang itago sa bawat ngiti ang totoong siya.

"I will be your escort tonight. We will represent the whole Royal Family in this event. As much I want to say that be at your best manner, you won't do it, right?" Nakataas ang isa niyang kilay pero mapaglaro ang ngisi.

Umirap ako. "You know that much, huh?"

Inalok niya sa akin ang kanyang braso. Walang alinlangan ko iyong tinanggap. Magandang-maganda ang bihis niya na parang bumagay pa sa suot kong damit. Nagtaka pa ako? Lagi naman siyang presentableng tingnan.

Kaagad niyang inipit sa pagitan ng kanyang tagiliran at braso ang kamay ko. Nawala tuloy ang panlalamig ko.

"Be yourself, then." Tumingin siya ng isang beses sa akin at nagsimula na sa paglakad nang mabagal. "Because I cannot do that."

Nawala ang ngiti ko at nilukob ng kalungkutan ang puso ko. Naalala ko bigla sa kanya ang isa kong kaibigan na kagaya rin niya pero hindi kasing ganda ng kapalaran niya ang naging kapalaran ng kaibigan ko. Kahit anong gawin naming pagdamay sa kanya dahil lagi na lang siyang sinasaktan ng tatay tuwing sasabihin niyang isa siyang bakla. Napagod siya, hindi naman siya natulungan ni Sammy. Wala kaming nagawa dahil wala naman kaming magagawa. Hindi ko rin alam kung bakit hirap tanggapin ng iba na hindi lahat ng lalake ay nakatadhanang maging matigas at tuwid.

Hindi namin natulungan ni Sammy ang kaibigan namin dahil wala kaming kapangyarihan. Ang kaya lang naming gawin noon ay manahimik dahil kahit gaano pa kalakas ang sigaw namin ay walang makaririnig.

"Are you okay, Audrina?" tanong ni Rafaelle habang bumabyahe kami.

Tumingala ako para hindi tuluyang pumatak ang luha ko. "Malayo pa ba tayo? Naiihi na ako, eh."

Mahina siyang natawa. "Medyo malayo pa." Tumingin siya sa bintana ng sasakyan para tingnan ang tinatahak naming daan. "Walang kabahayan at puro puno. Gusto mong huminto para makaihi ka?" nang-iinis niyang tanong.

Siningkitan ko siya ng mata. "Anong akala mo sa akin? Bata? Tumigil ka nga! Titiisin ko na lang." Umirap ako.

Ilang minuto kaming hindi nag-imikan. Ako ang huling nagsalita kaya siya dapat ang mauna ngayon. Hindi ako makatitiis na ganito katahimik hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin. Mukhang malayo pa naman din.

Kinalabit ko siya. Kaagad naman niya akong nilingon.

"Pagkatapos ng sinabi mo sa akin kanina ay hindi mo nana ako pinatahimik. Bakit mo pa kailangang sabihin iyon? Bakit kailangan mo na naman akong bigyan ng isa pang pasanin? Hindi pa nga natatapos ang isa, eh! Nakakainis!" Kinagat ko ang labi ko. "Ayan tuloy! Gusto na kitang tulungan!"

Lumiwanag ang mukha niya at unti-unting sumilay sa mga labi niya ang napakagandang ngiti. "Talaga? Totoo ba 'yan? Pumapayag ka na?"

Bumuntonghininga ako. "I want to help you dahil hindi ko iyon nagawa sa kaibigan ko. Hindi ko nagawang pahabain pa ang buhay niya dahil nanahimik lang ako. Wala naman kasi akong kapangyarihan noon. Wala akong boses na pwedeng pakinggan ng marami. Simpleng babae lang ako noon na pariwara pa para sa iba. Kung tutulungan kita maalis ang bigat sa dibdib ko na matagal ko nang dala-dala. Maibibigay ko na sa kagaya mo ang mundong hindi naranansan ng kaibigan ko." Yumuko ako kaya pumatak ang mga luha ko. Ang tagal na rin mula noong huli ko siyang iyakan. Iyon naman kasi ang bilin niya sa amin bago siya mawala, huwag daw namin siyang iiyakan. Kaya kahit mahirap, hindi ko siya iniyakan. Ngayon na lang ulit.

"Pero Rafaelle, hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano magsisimula, kung saan ako magsisimula. Wala akong alam sa lahat ng ito. Gustong-gusto kong matulungan ko pero sa paanong paraan?"

Hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa mukha ko hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mansyon. Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang panyo na kasing bango niya. Marahan niyang pinunasan ang mga luhang bumasa sa mga pisngi ko.

"Hindi mo kailangang mataranta. Lagi kong sinasabi sa iyo na nandito lang ako," sabi niya kasabay ng pagbukas ng pinto ng sasakyan sa gilid niya.

Nauna siyang bumaba at inabot ang kamay sa akin. Kagaya nang una niya pag-alok, malugod ko iyong tinanggap at nagpaubaya sa marahan niyang paghila sa akin palabas. He kissed the back of my hand before stepping up on a four-step stairs.

"You don't have to think big immediately. Unti-unti, Audrina. Hindi naman ako nagmamadali. Ayokong madaliin ang lahat sa iyo para sa sarili kong kapakinabangan. This is your moment and I don't want to steal. I want you to see the beauty of being a duchess. Hindi puro pasanin lang ang isang tungkulin. Hindi iyon ang dapat mong maramdaman."

Huminto kami sa tapat ng mataas na pinto at pareho kaming tumayo nang tuwid. Tumahimik ang loob ng mansyon na parang hininto ang lahat para sa aming pagpasok. Kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"If you want to help me, you have to be a duchess first. You have to be..."

"And... Duchess of Audrina Reese of the Great Duchy of Bien." Isang boses ang nanggaling sa loob ng mansyon at pagkatapos ay bumukas ang malaking pinto na gawa sa mamahaling kahoy.

Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng mga panauhin at gara ng paligid.

Nilapit ni Rafaelle ang kanyang bibig sa aking tenga. "And to do that, you have to impress all of them."

Nalaglaga ang panga ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro