SS1 : Ch.11 - The Truth

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

    Khrystyanna's Point of View

    Nasaan ako? Bakit ang dilim ng paligid ko?

    Naglakad ako ng naglakad. Hindi ko man alam kung nasaan ako o kung ano ang nangyayari, naglakad lang ako nang naglakad. Hanggang sa makakita ako nang liwanag mula sa kung saan.

    Tumakbo ako nang tumakbo para marating ang liwanag ngunit ng malapit na ako, may isang pares ng braso ang pumulupot sa aking bewang at humila sa akin pabalik sa kadiliman.

    "B-bitawan mo ako!" Sigaw ko habang sinisikap na kumawala sa mahigpit nitong yakap. Pero sa halip na lumuwag ang yakap n'ya'y lalo lang itong humihigpit.

    Natigilan ako dahil malinaw pa sa aking isipan kung saan ko iyon naramdaman. Hindi maaari! Humarap sa akin ang nagmamay-ari nang mga braso at nakita ko ang mapupulang mata na alam kong nakita ko na noon.

    "Khrystyanna, salamat naman at nagising ka na." Nakangiti nitong pagbati. Ipinatong n'ya ang kan'yang ulo sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kapanatagan sa ayos naming iyon. Pakiramdam ko, hindi ito ang unang beses naming magkasama sa ganitong ayos. Wala sa sariling hinawakan ko ang ulo nito at hinimas ang mahaba nitong itim na buhok. Agad ko naman itong tinigil ng mapagtanto ko na kung sino ang lalaking ito.

    Tinulak ko ito palayo sa akin. "S-sino ka?" Tanong ko.

    Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa. Mahaba ang itim na itim nitong buhok, matangos ang ilong at may mapupungay a'yang pulang mga mata. Pahaba ang mukha nito at patulis ang tenga n'ya. Napalunok ako.

    Oo s'ya nga ang lalaking iyon, dahil sa matangkad s'ya at malaki ang katawan nito tulad ng lalaking iyon mayroon din s'yang mapupulang mga mata na tandang-tanda ko.

    FLASHBACK..

    I am now seventeen at pagkatapos ng limang buwan ay kaarawan ko na.

    Napatingin ako sa mga taong nagsidalo sa Masquarade Ball.

    "Napakadami naman." Bulong ko sa aking sarili.

    May kamay na humawak sa bewang ko. Lumingon ako at isang pares ng gintong mga mata ang sumalubong sa'kin. Napangiti ako, dahil kilala ko kung sino ito kahit naka-maskara pa ito.

    "Tss. Kilala kita kahit naka-maskara ka pa." Binalik ko ang tingin ko sa mga tao sa ibaba. Ginala ko ang paningin ko, 'di ko alam pero parang may hinahanap ako.

    Isang pares ng mga mata ang nakita ko. Naningkit ang mga mata ko dahil napaka-pamilyar ng mga mata nito. Lalapitan ko sana ang lalaking iyon ng hilahin ako ni Kyle papunta sa malaking garden sa likod ng kanilang mansyon.

    Hinihingal kami pareho nang makalabas na kami. Tinanggal namin ang mga maskara namin at saka umupo sa malawak na damuhan.

    "Papayag ka ba kung magiging akin ka, Khrys?" Bigla s'yang nagsalita na ikinagulat ko.

    'Paano ko ba sasabihin ito?'

    Agad din naman akong napangiti sa sinabi nito at pinilit na ngumiti sa harapan nito. "Oh my Kyle, matagal mo ng naari ang babaeng nasa harapan mo." Hindi na s'ya iba sa akin. Pero hindi ko alam kung paano matutugunan ang pagmamahal nito sa akin. Hindi ako manhid para hindi malaman na iba na ang nararamdaman nito sa akin sa nararamdaman ko sa kan'ya.

    "Mahal kita Khrys." Anito.

    Ayokong saktan ang damdamin n'ya, ayoko manggit pero ayokong saktan s'ya.

    "Mahal din kita, Kyle." Sagot ko. Dahil kahit papaamo'y totoo naman ito.

    I like him so much. Sino ba ang hindi magkakagusto sa mabait at gwapong lalaking ito? Pero, 'di ko mapagkaka-ilang kaibigan lang ang turing ko dito. I feel like I am cheating or lying. Pero mahal ko si Kyle, bilang kaibigan, yun ang totoo.

    "AHHHH!!!" Napalingon kami sa pinaggagalingan ng mga sigawan.

    Tumayo kami at mabilis na pumasok sa kabahayan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang buong kapaligiran.

    Patay na ang lahat ng tao, bumabaha rin ng dugo. Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko sa nakakikita ko.

    Tumakbo ako at hinanap ang mga magulang ko. Pero wala na rin sila, kapwa wala ng buhay ang mga katawan nila at naliligo sila sa sarili nilang mga dugo. Namantsahan na ang puti kong damit dahil sa mga dugo na kumapit dito.

    Nakita ko ang katawan ng aking papa. Niyakap ko ito at humagulgol. "Papa."

    Marahan kong ibinaba ang katawan n'ya at tumayo. Sinira ko ang palda ko hanggang sa hita ko. "Hayup ka! Lumabas ka't harapin ako!" Sigaw ko.

    May matangkad na lalaking biglang sumulpot sa harapan ko. Tinitigan n'ya ako. Natigilan ako dahil pakiramdam ko, nakita ko na ang mga matang iyon.

    Biglang humarang si Kyle na agad din namang tumilapon na may mahabang sugat sa kan'yang pisngi.

    "Kyle!!" Humahangos akong lumapit sa kan'ya "Kyle!!" Agad din naman akong hinila ng lalaki at hinalikan.

    "Uhhhmmm " Ungol ko. Pero sa halip na makawala ako sa pagpupumiglas ko, tila lalong humihigpit ang yakap n'ya sa'kin.

    'Nasasaktan ako!!' Sa isip ko.

    At ng tumigil s'ya, AAAAAACCCCKKKK! "GAAAAHHHH !!" Napakasakit!! Para akong pinapatay, para akong binabalatan sa sobrang sakit. Pakiramdam ko'y hindi ko kakayanin.

    "T-tumigil ka!!" Patuloy ako sa pagpalag pero wala paring nangyayari. "T-tulong!" Nawawalan na ako ng lakas.

    At ng sa wakas ay tumigil na s'ya, he smirked at say something weird. "Soon, I'll take you to be my lovely wife. And soon, you'll be a monster like me." Then he's gone.

    End of Flashback...

    Nakasuot ito nang maitim na English Coat. Wala s'yang suot na damit pang itaas. Napalunok ulit ako.

    'Ano ba itong naiisip ko?'

    Bakit ko ba pagnanasaan ang lalaking pumatay sa pamilya namin ni Kyle ?

    Itinaas nito ang kamay n'ya at pumitik. Nagliwanag ang paligid. Pero sa halip na matuwa ako, napatanga ako sa mga nakikita ko sa aking harapan.

    Isang magandang babae na may kasamang lalaki . Kilala ko ang babae. S'ya ang lola ng lola ko. Pero bakit kasama n'ya ang lalaking ito na kasama ko ngayon?

    Sumunod naman ang lola ko. Ganun din, kasama rin n'ya ang lalaking ito.

    At ang huli, ay ang Masquarade Ball na nangyari mahigit isang buwan na ang nakalilipas.

    Nakatanaw ang lalaking ito mula sa malayo. May galit ang mga mata n'ya.

    Pinatay n'ya ang lahat ng tao sa loob. Hindi ko na namalayang napaluha na ako dahil, nakita ko kung paano nagmakaawa ang magulang ko sa harapan n'ya.

    Sumunod naman ay ang ginawa n'ya sa akin. Tinakpan ko na ang mga mata ko at humagulgol sa isang tabi.

    "Ano ba ang kasalanan ng pamilya ko sa'yo? Bakit mo sila pinatay?!" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. "Sino ka ba? Anong ginawa mo sa'kin? Bakit ako?"

    Sa isang iglap, nasa harapan ko na s'ya, pinupunasan ang mga luha ko. Tama ba ang nakikita ko? Nasasaktan s'ya?

    "Sila ang may kasalanan sa'kin. Kaya ginawa ko 'yun sa kanila." Niyakap n'ya ako. Hindi ko na magawang pumalag dahil hinang-hina na rin ako.

    "Sumama ka sa akin. Pakiusap." Bulong n'ya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro