Fifty-second Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hinihintay kong sagutin ako ni Beatrice ngunit sa itsura pa lang niya malabong mangyari. Sa ngiti niya na pilit at hindi makatingin ng diretso sigurado ako hindi niya kayang ibigay ang hinihingi ko.

“Matulog na tayo. Hindi ka puwedeng magpuyat,” sabi niya sa mahinang boses.

Galit ba siya? Nagtatampo o nalulungkot? Dahil kina Hana at Dylan nagkakaproblema na naman kaming dalawa. Hanggang kailan ba sila magiging balakid sa buhay namin ni Beatrice?

Tumalikod siya sa akin. Inayos niya ang pagkakalagay ng unan saka humiga na. Yayakapin ko sana siya patalikod nang pumasok sina Ace at Mirielle. Parehong may dalang unan. Patakbo ang dalawa papunta sa amin. Napabangon si Beatrice dahil sa ingay nila.

“Daddy, Mommy can we sleep here?” Ace asked.

“Daddy ngayon lang po kita makakatabi sa pagtulog. Puwede po ba?” nakangusong tanong naman ni Mirielle.

Nagkatinginan kami ni Beatrice. Nakaramdam ako ng lungkot ng agad niyang iniwas ang tingin. Wala akong nagawa kung 'di ngitian ang mga bata kahit kumikirot ang puso ko.

“Come to Daddy,” utos ko.

Binuka ko ang mga braso ko para yakapin sila. Nag-uunahan ang dalawa na makaakyat sa kama. Pagkasampa nila sabay nila akong niyakap. Muntik na akong matumba mabuti na lang hinawakan ni Beatrice ang likod ko.

“Matulog na tayo?” tanong ni Beatrice.

“Opo,” sabay na sagot ng dalawa.

Humalik ako sa pisngi ni Ace at Mirielle. Gano'n din ang ginawa ni Beatrice. Inayos niya ang pagkakumot nila. Hahalikan ko sana siya ngunit agad siyang humiga. Kahit man lang sana sinabihan niya ako ng goodnight masaya na ako. Makakatulog kaya ako nito ng mahimbing?

-----

Paggising ko wala na sila sa tabi ko. Alas siyete na pagtingin ko sa orasan. Late na ako nagising. Hindi ako nakatulog ng maayos. Pinagmasdan ko sila habang natutulog siguro madaling araw na ako dinalaw ng antok. Pagtingin ko sa side table may nakalagay na isang basong tubig. Kaugalian ko na kasing uminom pagkagising. Lihim akong napangiti kilalang-kilala talaga ako ni Beatrice. Nakahanda na rin ang damit ko at tuwalya. Nakapatong ang mga iyon sa ibabaw ng mini table. Handa na rin ang toothbrush ko pagpasok ng banyo. Lumawak ang ngiti ko sa labi dahil inihanda lahat ng iyon ni Beatrice. Ibig sabihin hindi siya galit. Kung hindi e ano?

Pagdating ko sa hapag kainan abala si Beatrice sa pagaasikaso kina Ace at Mirielle. Nilalagyan niya ng pagkain ang plato nila saka pinupunusan ang kanilang bibig.

“Good morning,” masaya kong bati.

“Good morning, Daddy!” sigaw ng dalawa.

Humalik ako kina Ace at Mirielle. Lumapit ako kay Beatrice at hinapit siya sa baywang. Akala ko tatanggalin niya ngunit hindi siya pumalag kaya hinalikan ko siya sa kaniyang noo.

“Good morning wife,” bulong ko.

“Good morning,” mahina niyang sabi.

Lumukso sa tuwa ang puso ko. Akala ko iiwasan niya ako at hindi papansinin. Ibig bang sabihin okay na sa kaniya? Umupo ako at si Beatrice na ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Nang sinimulan ko nang kumain umupo na rin siya. First breakfast namin na kumpleto at sama-sama.

Pagkatapos kumain inihanda niya ang gamot ko. Ililigpit pa sana ang pinagkainan namin nang hinawakan ko ang kamay niya.

“Hindi mo na trabaho iyan. Hayaan mo na sila ang gumawa.” Tukoy ko sa kasambahay.

Tipid siyang ngumiti sa akin. “Okay. Gusto mo ng kape?” tanong niya.

Umiling ako. “Gusto ko dito ka lang sa tabi ko.”

Namula ang pisngi niya kaya agad niyang binaling ang tingin sa mga bata. Nakatingin pala ang dalawa sa amin.

“Ace, hintayin mo ako dahil papaliguan kita. Pagkatapos mo si Mirielle naman,” untag niya.

Napangiwi si Ace sa sinabi ni Beatrice. “Mommy, big boy na po ako. Kaya ko nang maligo mag-isa.”

Magsasalita pa sana si Beatrice nang pinigilan ko siya. Mahina akong tumango sa kaniya. Nung kami lang ni Ace ang magkasama sinanay ko na siya. Ayaw kong umaasa siya sa iba kung kaya naman na niya. Hindi na umangal pa si Beatrice. Napunta naman ang atensiyon niya kay Mirielle.

“Okay si Mirielle na lang ang papaliguan ko,” nakangiti niyang wika.

Napanguso si Mirielle sa kaniyang narinig. “Kaya ko na rin po maligo mag-isa, Mommy. Nung nasa malayo ka tinuruan ako ni Ate Maya kung paano maligo at iba pa.”

Nalungkot ang mukha niya sa sinagot ng mga bata. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Napatingin siya ro'n. Nilapit ko ang aking bibig sa tainga niya saka may binulong ako.

“Malalaki na ang mga anak natin. Oras na siguro para gumawa tayo ng bago,” nakakaakit kong sambit.

Napasandal siya sa sinabi ko. Tinanggal niya ang kamay naming magkahawak saka niya ako hinampas ng mahina sa braso. Natawa ako sa mukha niya na parang kamatis sa pagkapula. Sinabayan nina Ace at Mirielle ang pagtawa ko kaya umingay sa buong mansion.

Tinuturuan ni Beatrice ang mga bata na magbasa samantalang abala ako sa trabaho. Pinapunta ko ang ilang empleyado para tapusin ang proyektong nakabintin. Dapat matapos namin bago sumapit ang kaarawan ko. Sa halip na ako ang bigyan nila ng regalo ako mismo ang magbabahagi.

Iniwanan ng gagawin ni Beatrice ang mga bata. Hindi naman sila umangal dahil nasisiyahan sila sa pagkukulay. Nagtungo siya sa kusina upang magluto ng tanghalian. Kahit may kasambahay kami ayaw niyang iasa sa kanila lalo na ang kakainin ko at ng mga bata. Hindi sa walang tiwala si Beatrice gusto lang daw niya na siya ang magluluto para sa amin.

Lalo akong napamamahal sa asawa ko sa pagiging maalaga niya. Hindi lang sa amin ng mga bata kung 'di na rin sa ibang tao. Natigil ako sa pagkain at pinatitigan siya. Siya ang babaeng unang minahal ko ngunit pinahirapan ko dahil lang sa maling paratang ko sa kaniya. Ang sabi ko noon hindi ko siya sasaktan at papahirapan. Lahat ng makakapagpasaya sa kaniya ibibigay ko ngunit ang hinihingi niyang kapatawaran para sa mga taong sumira sa buhay namin ay hindi ko kayang maibigay sa kaniya. Masama ba akong asawa?

“Ayaw mo ba ng pagkain?”

Napabalik ako sa reyalidad ng tanungin niya ako. Mahina akong umiling at tipid siyang nginitian. Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit na may bumabagabag sa akin. Pakiramdam ko okay kami na hindi. Malakas ang kutob kong may mali sa kinikilos ni Beatrice. Pinapakita niyang okay siya ngunit sa kaloob-looban niya ay hindi.

Pagsapit ng gabi habang nagpapahinga ako sa hardin hindi ko namalayan ang pagdating ni Nanay Flor. Dinalahan niya ako ng kape. Sakto malamig ngayon ang simoy ng hangin.

“Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang asawa mo?” sunod-sunod niyang tanong.

“Pinapatulog niya po ang mga bata,” sagot ko.

Umupo siya sa kaharapan kong upuan. Nakatingin siya sa akin ngunit ang klaseng tingin na ay may gustong ipahiwatig. Binaling ko sa iba para hindi ako mahalata.

“Alam ninyo kilalang-kilala ko na kayong mag-asawa. Mayroon kayong hindi pagkakaunawaan. Nagpapansinan nga kayo ngunit may kulang. Tinanong ko si Beatrice pero wala siyang sinabi kaya ikaw na lang ang tatanungin ko. May problema ba kayo? Magsabi ka sa akin ng totoo,” mahaba niyang salaysay.

“Sinabi niya akin na magsimula ulit kami ng panibagong buhay. Bilang isang masaya at kumpletong pamilya. Ngunit bago namin gawin may pinapakiusap siya sa akin. Gusto niyang patawarin ko sina Hana at Dylan.”

Ginulo ko ang aking buhok. Napahilamos din ako sa aking mukha. Nahihirapan ako sa gustong ipagawa sa akin ni Beatrice. Mali ba ako kung hindi ko sila patawarin? Masama ba akong asawa para sa kaniya kung hindi ko pagbigyan ang hinihiling niya?

“Alam mo anak, lahat tayo ay nagawan ng mali, naapi, at pinagkasalahan ng ibang tao sa isang yugto ng ating buhay sa nakaraan o maaaring maging sa kasalukuyan. Ang kapatawaran ay madaling ibigay sa mga taong humihingi ng kapatawaran at nagsisisi. Ang hindi pagpapatawad sa kapwa ay pagpapakita ng sama ng loob, kapaitan ng damdamin at pagtatanim ng galit, mga katangian na hindi dapat makita sa mga taong may busilak na kalooban. Kung hindi natin pinatatawad ang mga nagkakasala sa atin, hindi rin tayo patatawarin ng ating Ama. Ang kapatawaran na dapat nating ipagkaloob sa ating kapwa ay nararapat na buo at walang kundisyon katulad din ng kapatawaran na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Primo, ano ba ang mahalaga sa'yo ang asawa mo ang pride mo?” Mahalaga sa akin ang asawa ko ngunit hindi ko kayang ibigay na patawarin sina Hana at Dylan. Mahirap para sa akin lalo na kapag naalala ko ang nagawa nilang kasalanan. “Anak, kung mahalaga sa'yo ang asawa mo gawin mo ang makakabuti para sa inyong dalawa.” Tinapik niya ang balikat ko saka ako iniwan na mag-isa.

-----

Sumapit ang araw ng kaarawan ko ngunit bago niyan natapos ko ng mas maaga ang dapat kong tapusin. Kasabay ng aking kaarawan ang pagbubukas ng pabahay project para sa mga pamilya na walang matirahan, nawasak ng kalamidad o gawa ng demolisyon. Ang proyektong ito ay under sa foundation ng Lolo ko na aking pinagpatuloy. Mahigit isang daang pamilya ang mabibigyan ng masisilungan sapat upang magsimula sila ng bagong buhay.

Katuwang ko ang aking pamilya masaya namin ginupit ang ribbon bilang pagbubukas. Mga empleyado at mahahalagang tao lang sa buhay namin ang imbitado. Walang mga press o media dahil ayaw ko ng exposure. Maraming kumuha sa amin ng larawan gamit ang kanilang cellphone. Larawan ng isang masayang pamilya at puno ng pagmamahalan sa bawat isa.

Pagkatapos ng konting seremonya wala akong kaalam-alam na may hinandang surpresa para sa kaarawan ko si Beatrice. Alam niyang hindi ko pinagdiriwang ang kaarawan ko pero heto nagawa niya akong surpresahin. Maraming nakahandang pagkain para sa maraming tao. May mga palaro para sa mga bata at matatanda. Akala ko hindi magiging masaya ang araw na ito para sa akin. Katulad ng dati ordinaryong araw lang para sa akin. Pero dahil kay Beatrice lumulukso sa saya ang puso ko lalo na kasama ko ang mahahalagang tao sa buhay ko. Napako ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad siya kasama ang mga bata na may dalang cake.

“Happy birthday, Primo. Mag-wish ka muna bago mo hipan,” utos ni Beatrice.

Nakatitig ako sa mga mata habang sinasambit ang aking hiling. Dahan-dahan kong hinipan kasabay nang palakpakan ng mga tao. Hinalikan ko sina Ace at Mirielle saka niyakap ng sabay. Humarap ako kay Beatrice at masuyo siyang hinalikan sa labi. May tumulong luha sa kaniyang pisngi kaya agad ko siyang niyakap.

“Thank you for making me happy on my birthday. I love you so much, wife.” I whispered.

Humigpit ang yakap niya sa akin kaya napangiti ako. Hindi pa rin humihinto ang palakpakan ng mga tao. Ito ang isa sa hindi malilimutan na kaarawan ko maliban nung nabubuhay pa si Lolo.

Nang uwian na hinahanap ko si Beatrice at ang mga bata. Kanina pa ako paikot-ikot ngunit hindi ko sila matagpuan. Nagpunta ako sa parking lot at natagpuan ko silang tulog sa loob ng kotse. Magkayakap silang tatlo at mahimbing ang kanilang pagtulog. Halatang napagod sila sa buong maghapon.

“Alam mo ba anak si Beatrice ang lahat ng gumawa. Talagang hindi niya pinaalam sa'yo dahil kokontrahin mo lang. Nais lang niya na maging masaya ka sa kaarawan mo,” nakangiting saad ni Nanay Flor. Pareho kaming nakangiti habang pinagmamasdan ang mag-iina kong tulog na tulog.

“Nanay, when I met Beatrice I know she's the woman I want to spend the rest of my life. I will do everything for her.”

“Kung gano'n. Handa ka na bang magpatawad?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro