Forty-sixth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa mga oras na 'yon naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Hana. Ang sinasabi niyang pinatago ni Lolo Acio. Ito ba ang tinutukoy niya? So, it means hindi siya nagsisinungaling. Natawa ako sa kaloob-looban ko. Puwede pa lang magbago ang masamang damo.

'People change and I am one of them, my wife.'

Muli akong napaluha nang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Primo. Sa matagal na panahon kong pagkakakilala sa kaniya hindi ko pa pala siya lubos na pinagkakatiwalaan. Hindi nga ba Beatrice o ayaw mo lang paniwalaan na nagbago na nga siya? Dahil ang totoo natatakot kang magtiwala ulit sa kaniya.

Napabalik ako sa reyalidad nang bumukas ang pinto ng operating room. Lumabas ang doktor na nagopera sa kaniya. Nagsidatingan na rin ang mga taong malalapit sa buhay niya. Lumapit kaming lahat upang malaman ang kalagayan niya.

“The operation was successful but he was hit hard in the car accident. According to the current data, he is in a deep coma. Whether he can wake up depends on his will.”

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Kamuntikan pa akong matumba mabuti na lamang at maraming dumalo sa akin. Hindi ko inakala na ganito ang sasapitin ni Primo. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko sinabi ang kasinungalingan na 'yon sa kaniya wala siya ngayon sa hospital. Minsan masama ang 'di pagsabi ng katotohanan dahil magdudulot ito ng masamang epekto sa tao.

Pinahid ko ang aking luha at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko ang mukha niyang may sugat. Ang bawat natamo niyang sugat sa katawan ay ang pagkasugat din ng aking puso.

“Primo, ako ito. Primo, naririnig mo ba ako? I will always be with you and love you. I will always be by your side and never leave you. Primo, kung naririnig mo ako, please answer me. Primo, dapat gumising ka na. Dapat gumising ka kaagad.”

Hinagkan ko ang kamay niya saka hinalikan. Hinayaan kong mabasa ang kamay niya ng mga luha ko. Tahimik na nakamasid sa amin ang mga mahal namin sa buhay. Mababakas sa mga mukha nila ang kalungkutan.

“K-kasalanan namin ito ng Daddy mo. Kung hindi ka namin pinabayaan hindi ganito ang mangyayari sa'yo.”

Mangiyak-ngiyak si Tita Amelia. Sinisisi niya ang kaniyang sarili. Dinaluhan siya ni Tito Simon upang pakalmahin. Kung titingnan mo matatag siya pero ang totoo bagsak ang balikat niya. Pareho silang mag-asawa na nasasaktan habang pinapanood si Primo na nakataray at wala pang malay.

“W-wala po ibang sisisihin dito kung 'di ako. Hindi naging maganda ang pag-uusap namin kadahilanan para maaksidente siya. Nasaktan siya ng husto dahil sa mga sinabi ko.”

Muli akong napahagulgol. Naramdaman ko na lang ang paghagod ni Enan sa likuran ko. Niyakap naman ako ng aking mga kaibigan.

“H-huwag na tayong magsisihan. Ang dapat natin gawin ngayon ay manalangin upang tuluyan ng magising si Primo.”

Kapansin-pansin ang kakaibang tono ng boses ni Tito Simon. Halatang pinipigilan niyang hindi maiyak.

“Magpahinga ka muna, Beshie.”

“Wala pang laman ang tiyan mo.”

“Kumain ka muna. Kami muna ang magbabantay sa asawa mo.”

Sunod-sunod na pagsasalita ng tatlo. Umiling ako. Hindi ko siya puwedeng iwan. Gusto ko ako ang una niyang makita kapag nagising na siya.

“Hayaan na lang muna natin siya. Bibili na lang ako ng makakain niya.”

Tinig 'yon ni Enan na hindi ko kinalingon o tinanguan man lang. Sa mga oras na ito wala akong pinapakinggan dahil kay Primo lang ako nakatuon. Tulad nga ng sinabi ni Enan hiyanaan nila ako. Umuwi muna sila upang makapagpahinga. Babalik daw sila kinabukasan.

Titig na titig ako kay Primo nagbabakasakaling may sign na magigising na siya ngunit nabigo lang ako. Dinala ko ang kamay niya sa pisngi ko saka ko dinama. Napapikit ako pakiramdam ko siya mismo ang humahawak. Napadilat ako ng bumukas ang pinto.

“Beatrice.”

“Cristal.”

Sabay naming tawag. Siya ang heart surgeon na pinsan ni Primo. Dito rin siya nagtratrabaho kaya puwede niyang dalawan si Primo anytime. Tiningnan niya ang monitor at napatingin sa akin.

“Normal ang vital signs niya. Nakausap ko ang doktor ni pinsan hopefully magising na siya.” Sana nga gumising na siya. Dalangin ko na magising na siya bukas. Pero kung ako ang tatanungin gusto ko ngayon na. Nasasaktan akong nakikita siyang nakaratay at wala man lang akong magawa.
“Huwag kang mag-alala magigising siya. Masamang tao kaya  'yan kaya hindi basta-basta mamamatay.” Napailing ako. Hindi na nga maganda ang kalagayan ng pinsan niya nagawa pa niyang biruin. Kung naririnig lang siya Primo baka kanina pa sila nagbangayan na dalawa. Bigla siyang tumahimik at naging seryoso na ang mukha. “Kumusta ka na pala, Beatrice? Ang tagal din nating hindi nagkita. E, iyong-”

Agad ko siyang hinawakan sa kamay upang hindi niya ituloy anuman ang sasabihin niya. Naunawaan naman niya ang nais kong ipahiwatig kaya mahina siyang napatango.

“Okay lang wala ka dapat alalahanin.”

Nginitian namin ang isa't isa. Tumagal pa si Cristal ng ilang minuto. Umalis lang siya ng makatanggap ng tawag tungkol sa pasyente niya. Tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko sa bulsa ng uniporme ko ngunit wala ito. Kinuha ko ang bag at nandoon lang pala. Isang text galing kay Nanay Flor. Pupunta raw siya mamaya upang dalhan ako ng pamalit na kasuotan. Ibabalik ko na sa loob ng bag ko nang makita ko ang envelope na binigay sa akin kanina ni Atty. Ferrer. Nawaglit sa isipan ko dahil sa daming iniisip.

Dahil sa kuryusidad binuksan ko ito. Isang kulay bughaw na box ang laman. Binuksan ko ng dahan-dahan. Tumambad sa akin ang kwintas na may crown pendant at naka-engrave ang pangalan ko. May kasama itong usb. Kumunot ang noo ko. Bakit naman ako bibigyan ng ganito ni Lolo? Para saan itong usb? Mabuti na lang dala ko ang laptop. Araw-araw kong dala para madali ang pagtuturo ko.

Lumayo ako sa kama ni Primo. Sinaksak ko ang usb at naghintay ng ilang segundo. Nang binuksan ko isang video na ni-record ni Lolo Acio.

“Beatrice, mahal kong apo. Ginawa ko itong video dahil hindi ko alam kung kailan ako kukunin ni Lord. Huwag kang magalit kay Lolo sa mga sasabihin ko. Apo, kung dumating man ang panahon huwag kang magalit kay Primo. Ginawa niya ang bagay na 'yon dahil sa pagmamahal niya sa'yo. Alam kong mahal mo siya at hindi mo siguro alam na mahal ka rin niya. Lumapit siya sa akin at nakiusap. Kung puwede raw siya ang magbigay ng mga kondisyon sa aking last will and testament. Una nagalit ako dahil buhay pa ako pinapagawa na niya sa akin. Ang ilalagay ko raw na kondisyon, makukuha niya ang kaniyang mana kapag pinakasalan mo siya. At tuluyang mapapasakanya ang MonteCorp once na nagkaroon kayo ng anak. Hindi ko siya maintindihan hanggang tinanong ko. Ang sagot niya 'yon daw ang naisip niyang paraan upang mapasakanya ka. Hindi niya kayang sabihin sa'yo ng harapan ang kaniyang nararamdaman dahil natatakot siyang hindi mo tanggpin ang pagmamahal niya. Alam ko sinabi ko sa'yo noon na hindi karapat-dapat ang pagmamahal mo sa kaniya dahil sasaktan ka lang niya. Pero nagkamali ako Beatrice sa apo ko. Sa pinasulat niyang mga kondisyon napatunayan kong wagas ang pagmamahal niya sa'yo. Sinubukan ko siya, sinabi kong hindi ko gagawin ang gusto niya. Ang sabi niya sa akin, walang halaga sa kaniya ang mana kung wala ka rin sa buhay niya. Ang kabilin-bilinan niya sa akin huwag ko raw ipaalam sa'yo. Pero hindi ko naman kayang maglihim sa'yo apo kaya sinabi ko sa pamamagitan ng video. Isa pa ang kwintas, pinagawa niya mismo para ibigay sa'yo after graduation niyo. Sinabi niyang magtatapat na siya ng kaniyang pagmamahal. Isang araw nagulat na lang ako nang makita kong tinapon niya ito. Hindi niya alam na pinulot ko upang ibigay pa rin sa'yo. Sana maabutan ko pa at makita kung tama ang naging desisyon kong sundin ang inutos niya.”

Hindi ko namalayan na basa ng luha ang aking pisngi. Napatingin ako kay Primo na wala pa rin malay. Hindi pala kagagawan ni Lolo ang lahat kung 'di si Primo. Gano'n ba niya ako kamahal? Ang akala ko pinakasalan niya ako dahil sa mana pero ang totoo upang mapunta ako sa kaniya. Matagal na pala niya akong mahal pero hindi ko man lang napuna.

“P-Primo.”

Napahagulgol ako. Nang dumating si Nanay Flor natataranta siyang pumasok. Agad niyang pinuntahan si Primo pagkatapos ay ako.

“B-bakit anong nangyari?”

Kinakabahan siya at pilit akong pinapakalma. Panay ang punas niya sa mukha ko gamit ang panyo. Pinatitigan ko siya kahit walang tigil ang pagbagsak ng luha ko.

“N-nay, nagkamali po ako.”

Muli akong napahagulgol. Niyakap niya ako ng mahigpit. Walang tigil kakahagod sa likuran ko. Para akong bata na pinapatahan ng Ina.

“Anuman ang tinutukoy mo huwag mong isipin. Hindi ka nagkamali.”

Humiwalay ako sa pagkayakap at lumapit sa higaan ni Primo. Sumunod din si Nanay Flor. Hinawakan ko ang kamay ni Primo at saka hinagkan.

“A-alam niyo po nung nire-revive siya ro'n ko napagtanto na mahal na mahal ko siya. Kahit anong pagtanggi at pag-iwas ang gawin ko nanaig pa rin ang pagmamahal ko para sa kaniya. Hindi ko kayang mabuhay na wala na siya.”

Nakatitig ako sa kaniya habang walang tigil sa pagluha. Inayos ko ang aking sarili ng may pumasok na nurse upang i-check siya. Kalaunan umalis na rin si Nanay Flor at ako na lang ulit mag-isa.

Maaga pa lang dumating si Enan. Marami siyang bitbit na pagkain. Kahit paborito ko pa ang mga dala niya wala talaga akong gana. Hindi rin ako nakatulog. Binantayan ko siya magdamag.

“Kumain ka muna kahit konti.”

Hindi niya ako tiningilan hanggang napapayag niya ako. Todo asikaso niya sa akin. Sa nakikita ko hindi lang kay Primo siya nag-aalala kung 'di para rin sa akin.

“Enan, pakidala rito si Mirielle. Baka matagalan bago ako makauwi sa Baguio. Sabik ko na siyang makita.”

Si Mirielle lang ang tangi kong gamot. Kapag kasama ko siya hindi ako makakaramdam ng anumang pagod. Siya lang ang makakatanggal ng kalungkutan ko ngayon. At kung madala ko siya rito baka....

“Sige.”

Ginawaran ko ng yakap ang pagpayag ni Enan. Kahit kailan hindi niya ako pinabayaan. Palagi niya akong sinusuportahan. Nirerespeto rin niya anuman ang desisyon ko.

Gabi na nang dumating siya kasama si Mirielle. Kanina pa dumating ang magulang ni Primo. Magkasabay lang sila ni Nanay Flor na kasama si Ace. Agad kong niyakap ng mahigpit ang anak ko. Sa pagyakap ko pa lang agad nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Napatingin siya sa kama ni Primo.

“Sino po siya, Mommy?”

Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at lumapit kami kay Primo. Umupo ako at pinaupo ko naman siya sa kandungan ko. Nakangiti sa amin ang magulang ni Primo at si Nanay Flor. Samantalang hindi maalis ang tingin ni Ace kay Mirielle.

“Baby, remember iyong kwento ko sa'yo about sa lalaki na may blue eyes?”

Mabilis siyang tumango. Tumingin siya sa akin.

“Naaalala ko po iyon, Mommy. Sabi mo pa nga pareho kami ng kulay ng mata.”

Tumango ako at ginintilan ko siya ng halik. Kinuha ko ang kamay ni Primo at saka ko pinatong do'n ang kamay ni Mirielle. Nagtataka siyang napatitig sa akin.

“Yes baby. Dahil siya ang Daddy mo.”


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro