Forty-third Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Tinanggal ko ang pagkahawak ni Hana sa kamay ko. Matapang ko silang tiningnan na dalawa. “Ano na naman kasinungalingan ang pinagsasabi mo, Hana?” taas-kilay kong tanong. Sa dami ng ginawa niyang kasalanan at kasinungalingan mahirap ng magtiwala.

“Hindi ito kasinungalingan Beatrice, this time nagsasabi ako sa'yo ng totoo,” sagot niya.

“At paano ako maniniwala sa'yo? E, sinungaling kang tao,” diretsahan kong sabi.

“Iyong personal lawyer ng Lolo ni Primo alam niya ang tungkol do'n. Minsan nakita ko sila sa coffee shop namukhaan ko ang Lolo niya kaya palihim akong lumapit sa kinauupuan nila. Nakinig ako sa pinag-uusapan nilang dalawa, pinatago iyon ng Lolo niya kasi ayaw niyang malaman ni Primo,” paliwanag niya.

Napahilot ako sa aking sentido. Mabait si Lolo Acio at alam kong hindi ito gagawa ng isang bagay lalo na kung tungkol kay Primo.

“Alam mo Hana hindi ka lang sinungaling na tao, marites ka pa.” Agad ko silang tinalikuran.

“Beatrice!” tawag pa nito na hindi ko pinansin.

Kahit nasa taxi na ako hindi pa rin maalis sa isip ko ang nalaman ko. Aaminin kong nakaramdam ako ng pagkaawa kay Hana nung nakita ko siya. Hindi na siya ang sikat na modelo na tinitingala ng lahat. Ang magandang pangangatawan at mukha nito ay nawala na parang hindi siya ang nakita ko kanina. Sobra ang pinayat nito, nawala na ang makinis niyang kutis at napalitan ng ilang peklat. Gano'n din si Dylan para itong ermitanyo. Kahit sino maaawa kapag nakita ang kalagayan nila pero nung nalaman ko ang ginawa nilang kasalanan sa amin ni Primo napalitan iyon ng pagkasuklam.

Gusto kong ipahinga ang isip ko at lumayo sa lugar kung saan puro problema ang dala. Tutal weekend na bukas at naka-leave ako kaya napagdesisyunan kong umuwi sa Baguio. Magugulat si Mirielle dahil ang alam nito ay bukas pa ako makakauwi. Ngunit bago niyan may mahalaga muna akong dapat puntahan.

“Long time no see po Lolo, kumusta po?” pangungumusta ko. Kapansin-pansin na malinis ang puntod. May bulaklak na halatang bago at kandila na parang kakasindi lang. Nilapag ko ang dala kong bulaklak at sinindihan ang kandila. “Alam niyo marami akong nalaman sa araw na ito. Kaya pala gano'n na lang ang pagkamuhi sa akin ng apo niyo.” Huminto ako sa pagsasalita at natawang mag-isa. “May isa pa akong nalaman pero ayaw kong paniwalaan dahil sa inyo po ako naniniwala. Lolo ano po ang gagawin ko?” naguguluhan kong tanong.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto hanggang sa naisipan kong umalis na. Mahaba pa kasi ang biyahe ko papuntang Baguio. Sa haba ng biyahe hindi man lang ako inantok, nakatanaw lang ako sa bintana habang lumilipad ang isip kung saan.

“Huwag ka munang mag-isip ng masyado Beatrice. Ang isipin mo ay makakasama mo na ulit ang anak mo iyon muna at wala ng iba. Naintindihan mo ba?” tanong ko sa aking sarili. Tinuon ko ulit sa labas ang aking atensiyon. Ilang oras na lang at makikita ko na si Mirielle, sabik ko ng yakapin at halikan ang anak ko.

“Mommy!” masayang tawag ni Mirielle. Pagbukas ko ng pinto sa halip na ako ang magsurpresa sa kaniya ako tuloy ang sinurpresa niya. Kaagad itong tumakbo papunta sa akin at inulanan ng halik sa pisngi. Sa mga oras na iyon nawaglit lahat ang mga iniisip ko. “I miss you, Mommy.” Mahigpit ang pagkayakap niya sa akin na para bang mababali na ang leeg ko.

“I miss you more my angel.” Niyakap ko rin siya ng mahigpit, binuhat at saka pinaikot-ikot. Tawang-tawa si Mirielle sa aking ginawa. Puno ng kasiyahan ang mukha nito, namalayan ko na lang ang aking sarili na sumasabay sa pagtawa niya. Ang ngiti niya ang gamot mo sa lahat ng problema na aking hinaharap. “Tama na baka mahilo ka na.” Hininto ko ang pag-ikot sa kaniya saka pinaulanan ko ng halik ang pisngi. Panay ang tili nito dahil nakikiliti siya.

Binaba ko siya at pinatitigan ang kaniyang mukha partikular ang magandang kulay ng mga mata nito. “I love you, Mommy.” Hinapit niya ang mukha ko saka hinalikan ang tungki ng aking ilong.

“I love you more.” Hinalikan ko naman siya sa noo nito. Nabigla ako ng hinila niya ang aking kamay patungo sa hapag kainan.

“Para sa'yo Mommy,” nakangiti niyang sabi. Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko inaasahan na may nakahandang pagkain para sa akin at ang mas kinatuwa ko ay paborito ko pa.

“Ikaw ang nagluto baby para kay Mommy?” malambing kong tanong.

“Tinulungan po ako ni Ate Maya,” sagot niya sabay turo kay Maya na naka-peace sign sa akin.

“Hmm, teka lang. Bakit mo alam baby na uuwi ako ngayon? Dapat nga susurpresahin kita pero ako ang sinurpresa mo.” Pangiti-ngiting tinuro niya si Maya.

“Sorry Ate hindi ko po kasi natiis ang ka-cute-tan ni Mirielle kaya nasabi ko po,” pilit na ngumiti ito. Tinawagan ko siya habang nasa biyahe ako na uuwi ako ngayon. Kabilin-bilinan ko pa na huwag niyang ipapaalam kay Mirielle.

“Mommy, huwag kang magalit kay Ate Maya ako po kasi ang pumilit sa kaniya,” nakangusong sabi niya. Lumuhod ako at hinalikan siya sa nakanguso niyang labi.

“Don't worry hindi galit si Mommy kay Ate, ikaw pa mahal na mahal kita.” Niyapos ko ulit siya na halos mapiga sa sobrang higpit.

“Halika Mommy tikman mo ang niluto namin ni Ate.” Tinikman ko ang niluto nilang pasta to my surprise kalasa ng pagluluto ko.

“Masarap! Good job baby and Ate Maya,” saad ko. Pinagsaluhan namin ang niluto nila. After kumain nilabas ko sa dala kong bag ang pasalubong ko kay Mirielle. Matagal ko na itong binili tinago ko lang at sa paguwi saka ko ibibigay sa kaniya. “Baby, para sa'yo!” nasasabik kong turan.

Nanlaki ang mata nito at nagtatalon sa sobrang tuwa. “Wow! Disney Princess Doll!” tili niya. Mahilig siya sa mga princess doll siguro namana niya sa akin. Noong bata pa ako mahilig ako sa fairy tales at si Primo ang aking Prince Charming pero dahil sa pananakit niya sa akin physically at emotionally nawala na ang interes ko sa happy ending. Hindi na ako naniniwala na may Prince Charming pa sa panahon ngayon. “Thank you, Mommy.” Mabilis niya akong hinalikan saka agad nilaro ang bagong laruan nito.

Dahil napagod sa paglalaro nakatulog si Mirielle. Pinahiga ko siya ng maayos sa kama at inayos ang buhok na tumabing sa kaniyang mata. Sa pagtitig ko kay Mirielle naalala ko si Ace. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang numero ni Nanay Flor.

“Nay, kumusta po kayo riyan? Si Ace po kumusta siya?” sunod-sunod kong tanong.

“Okay lang kami rito anak. Si Ace ba talaga ang kinukumusta mo?” panunukso niyang tanong.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. “Kumusta siya?” mahina kong tanong.

Narinig ko ang paghagikhik niya sa kabilang linya. “Mabuti na ang pakiramdam niya, wala na siyang lagnat. Hinahanap ka nga niya.” Napahawak ako sa aking dibdib dahil bigla itong kumabog.

“Mabuti naman po, pakihalik na lang po ako kay Ace.” Nagmamadali kong binaba ang tawag baka malaman pa niya na tumawag ako.

Naisipan kong lumabas upang magpahangin. Pinikit ko ang aking mata at nilanghap ang malamig na hangin. Wala pang isang linggo buhat ng umalis ako pero agad kong namiss ang Baguio, siguro nasanay na ako na mamuhay sa lugar na ito. Tinanaw ko ang naglalakihang puno kasabay ng pagbuntong-hininga.

“Umalis ka na nakangiti ang mukha pero pagbalik mo halos hindi na maipinta.” Napalingon ako sa taong nagsalita.

Pilit akong ngumiti at sinalubungan siya ng yakap pagkakita ko. “Tatay Toni,” sambit ko sa pangalan niya. “Ano pong ginagawa niyo rito?” nagtatakang tanong ko.

“Titingnan ko sana ang apo ko hindi ko alam na umuwi ka pala. Sobrang miss mo na ang anak mo noh?” tanong niya pagkatapos naming magyakapan.

“Opo,” tipid kong sagot.

Gumuhit ang linya nito sa noo. “Dapat masaya ka pero sa nakikita ko iba. May problema anak? May nangyari bang hindi maganda sa'yo sa Maynila?” mapanuri niyang tanong.

Kinawit ko ang aking kamay sa braso nito at pinaupo sa upuan na yari sa kawayan. Pagkaupo naming pareho kinuwento ko sa kaniya ang lahat. Ang pinagtapat nina Hana at Dylan sa akin pati na rin ang tungkol kay Lolo Acio.

“Hindi ka ba naniniwala sa kaniya anak na mahal ka niya?” seryosong tanong niya.

“Tay mahirap po na paniwalaan. Sa lahat ng ginawa niya sa akin nagpapatunay lang na hindi niya talaga ako mahal,” sagot ko.

“Dahil sa ginawa niyang pagdurog sa puso mo masasabi mong hindi ka niya totoong mahal? Sabi mo nga sa akin nagawa niya iyon dahil akala niya nakagawa ka ng kasalanan. Sa palagay mo bakit gano'n na lang ang pagkamuhi niya sa'yo ng nalaman niyang pinagtaksilan mo siya? Pero nung nalaman niya ang katotohanan kinamumuhian ka pa rin ba niya?” Patuloy na tikom ang aking bibig at wala akong maisagot sa kaniya. “Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa mga mahal nila, kahit na hindi niya sinabi ang mga salita. Kung mahal ka niya ng malalim, hindi ka magtataka o magduda sa nararamdaman niya. Malalaman mo kung saan ka tumayo kasama siya at ang lugar mo sa buhay niya. Huwag hayaan ang mga salita na kumuha ng lugar sa mga aksiyon. Ang mga kilos ay mas malaki kaysa sa mga salita. Ang kasagutan ay nandiyan sa puso mo, Beatrice.” Mahabang pahayag niya.

Pagkatapos sabihin ni Tatay Toni napahawak ako sa aking dibdib at gano'n na lang kabilis ang tibok nito. Muli akong napatingin sa kaniya ngunit patango-tango lang siya.

“Ano ang sagot ng puso mo, Beatrice?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro