Seventh Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

“H-huwag mo sa akin ipamukha ang hinanakit mo kung wala naman akong alam sa pinaparatang mo sa akin, Primo. Ang pira-pirasong bubog na nagkalat ganyan ang  kalagayan ng puso ko ng dahil sa'yo. Alam kong kahit hindi na maibabalik sa dating ayos pinipilit ko pa rin buoin dahil ikaw ang mahalagang bagay sa buhay ko, pero patuloy mo pa rin akong binabasag. Alam ko sa sarili kong wala akong ginawa para saktan ka,” mangiyak-ngiyak kong sabi saka iniwan siyang mag-isa.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura ni Primo na may kasamang pagtatapon ng kagamitan. Mahihirapan akong maglinis pero saka ko na lang isipin ang bagay na iyon dapat ko munang gamutin ang sugat ko.

Ang hapdi, kirot at sakit habang ginagamot ko kagaya ng puso kong nasugatan. Mas mabuti pa ang sugat dahil paglipas ng ilang araw gumagaling pero ang pusong sugatan kahit ilang araw, linggo, buwan at taon ang lumipas hindi pa rin gumagaling. Pagbaba ko tahimik na ang paligid senyales na umalis na sina Primo at Hana. Nanghina ang buong katawan ko nang makitang magulo ang bahay parang dinaanan ng bagyo. Sa halip na panghinaan ng loob sinimulan ko na ang paglilinis para matapos agad at makapasok pa ako sa trabaho.

-----

“Good morning, Ma'am Bea!”

“Aray!” daing ko nang nahawakan ni Enan ang braso kong may pasa. Ginulat niya ako mula sa aking likuran. Pinaharap niya ako at napatingin sa kaliwang braso ko.

“Napano iyan at nagkapasa?” nag-aalalang tanong ni Enan na hindi nakatingin sa mukha ko. Nalipat din ang tingin nito sa kamay kong may benda. “Bea, napano rin ang kamay mo?” sunod na tanong nito sa akin.

“Mahabang kwento, Enan. Okay lang ako malayo ito sa bituka.” Pilit kong tinatago sa aking likuran para hindi na niya mapuna pero dahil may katigasan ang ulo si Enan nilabas niya buhat sa aking likuran.

“Hayz, anong okay halos hindi mo maigalaw ang braso mo. Dumudugo pa ang sugat mo, punta tayo ng infirmary baka magka-infection pa.” Inalalayan ako ni Enan hanggang sa makarating kami.

“Ako na ang gagawa,” nakangiting wika ni Enan sa nurse. Gagamutin na sana ng nurse nang kinuha ni Enan sa kamay nito ang panggamot.

“Hindi mo na kailangan gawin ito Enan baka naghihintay na ang mga estudyante mo sa'yo,” saad ko habang pinapanood ang ginagawa nito.

“Mamaya pa ang klase ko kaya may oras pa ako para alagaan ka.”

Nagtama ang paningin naming dalawa pero agad akong nang-iwas. Nakakaramdam ako ng kakaiba kay Enan hindi lang ang pagkakaibigan ang hangarin nito kung 'di mas higit pa ro'n. Paano ko sasabihin sa kaniya na may asawa na ako? Matagal ko ng gustong ipagtapat kay Enan ang estado ko pero kapag nalaman ni Primo baka ikapahamak ko. Hindi ako umimik hanggang matapos si Enan.

“Kaya ko na ito maupo ka muna riyan,” utos ko sa kaniya nang lalapatan niya ng ice ang braso kong nagkapasa.

“Bea, hindi kita tatantanan hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung anong nangyari,” pangungulit niya sa akin. Pinatitigan niya ako kaya hindi ako makagawa ng idadahilan.

“Bumangga sa pintuan itong braso ko. Kanina naman habang nagluluto ako dumulas ang kutsilyo sa kamay ko.” Pinatatag ko ang aking boses para hindi halatang kinakabahan.

“Kahit kailan talaga lapitin ka ng disgrasya,” napapailing na saad ni Enan. Mabuti naman at naniwala siya sa dinahilan ko. Lumapit siya sa akin, may dinukot ito sa bulsa ng suot nitong pants. “Happy birthday, Bea.” Nakangiti niyang nilahad sa palad nito ang isang maliit na kahon. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa pagkabigla.

“Grabe, sarili kong birthday nakalimutan ko.” Mapait akong ngumiti. Sa dami ng iniisip nakaligdan ko ang mahalagang pangyayari sa buhay ko. “Bukas pa naman ang birthday ko, napaka-advance mo naman masyado, Enan.”

“Dahil gusto ko ako ang unang bumati at magbigay ng regalo sa'yo.” Binigay nito sa akin ang maliit na kahon. Nanginginig naman ang aking kamay habang binubuksan. Kumislap ang aking mga mata katulad ng pagkislap sa kalangitan ang bigay nitong regalo. Isa iyong kwintas na may star na pendant. “Ibigay mo sa akin isusuot ko sa'yo,” utos ni Enan kaya naputol ang pagtitig ko sa kwintas. “You deserve to be happy, Bea. Ikaw ang nagbibigay liwanag sa buhay ko.”

“Maraming salamat, Enan. Mayroon na akong anting-anting para malayo sa disgrasya,” biro ko dahil bumibigat na ang atmosphere sa aming dalawa.

“You look perfect.” Enan said while looking at the necklace I was wearing.

Hinawakan ko ang kamay ni Enan na kinangiti niya. “Hindi ako mapapagod na magpasalamat sa'yo. Kung nararapat akong maging masaya dapat maging maligaya ka rin. Kung ako ang nagbibigay liwanag sa buhay mo, ikaw naman ang nagbibigay kasiyahan sa buhay ko. Maraming salamat dahil napakabuti mong kaibigan.”

Ang ngiti nito sa labi ay unti-unting nawala. Ayoko siyang pakitaan ng anumang pag-asa para sa huli hindi siya umasa. Mas mabuting maaga pa lang alam niyang kaibigan ang turing ko sa kaniya.

-----

Araw ng aking kaarawan, nakahiga pa lang ako sa kama nang tumunog ang aking cellphone. Napangiti ako nang makita kong sina Daddy at Mommy ang tumatawag. Inayos ko muna ang aking buhok saka sinagot.

“Good morning Daddy, good morning Mommy,” masaya kong bati sa video call.

“Happy birthday princess,” masaya rin nilang bati sa akin. “Go home later, maghahanda ako for your birthday. Invite your friends and co-teachers, pakisabihan na rin si Primo,” masiglang sabi ni Mommy. Tumahimik ako hindi ko kasi alam kung naalala ni Primo na kaarawan ko ngayon.

“May problema ba anak?” tanong ni Daddy. Napansin niya siguro ang bigla kong pagtahimik.

“Wala po. Sige po sabihan ko sila. See you later, I love you both.” Parehong may ngiti sa labi bago namin pinatay ang video call.

Inayos ko ang aking sarili at bumaba para magluto ng agahan. Patapos na ako nang bumaba si Primo may dala siyang maleta. Akala ko pupunta sa dining area pero dumiretso siya patungo sa kaniyang sasakyan. Hinabol ko siya bago pa makaalis.

“Primo!” tawag ko sa pangalan niya, pasakay na siya mabuti at napigilan ko.

“What?!” galit na tanong nito. Palagi na lang mainit ang ulo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa na masama.

“Hmm, hindi mo ba naaalala kung anong araw ngayon?” malumanay na tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at binigyan ng nakakatakot na ngiti. “I don't care. By the way, may business trip ako kaya huwag mo akong tatawagan!” Sumakay na siya at malakas na sinara ang pinto ng sasakyan.

“Birthday ko ngayon, Primo. Mag-ingat ka sa pupuntahan mo,” mahinang bulong ko habang tinatanaw ang papalayo nitong sasakyan.

-----

Dinner nang makarating kami sa bahay. Tinawagan ko ang aking mga kaibigan na may handaan sa bahay. Inimbitahan ko rin ang mga co-techers ko.

“Nasaan ang fake husband mo?” tanong sa akin ni Cindy. Nasa garden kami habang ang ibang bisita ay nasa loob.

“May business trip siya. Sasabihan ko sana na may handaan sa bahay at pinapapunta siya nina Mommy pero nagmamadali kanina na umalis. Nakalimutan niya rin na birthday ko ngayon,” malungkot kong sagot.

“Business trip? Sorry beshie pero nakita namin siya kanina na may kasamang babae sa parking lot ng mall!” naiinis na sabi ni Jenny.

“Baka hindi siya iyon. Namamalikmata lang kayo mga beshie.” Pagtatanggol ko kay Primo kahit alam kong hindi malayong nagsinungaling siya sa akin.

“Kami pa talaga ang hindi mo pinapaniwalaan. Heto beshie para maniwala ka na siya iyong nakita namin kanina.” Inabot sa akin ni Donna ang cellphone nito. Nakita kong pinagbuksan ng pinto ni Primo ang nakangiting babae. Hindi siya si Melissa, Sofia at Hana kung 'di ibang babae ang kasama niya. Binigay ko agad kay Donna ang cellphone nito dahil naninikip lang ang dibdib ko. “Ano naniniwala ka na? Hiwalayan mo na kasi siya beshie. Puro paghihirap na lang ang nararanasan mo sa piling niya. Kahit hindi mo sabihin alam namin na siya ang may kagagawan ng pasa mo braso at pagkasugat sa kamay.”

“Sorry mga beshie. Kahit palagi akong nasasaktan kay Primo siya pa rin ang laman ng puso ko. Alam kong marami siyang babae at balewala lang talaga ako para sa kaniya. Asawa lang niya ako sa papel at kapag nakuha na niya ang mana at ang kompanya basta na lang niya akong iiwan,” naluluha kong wika.

“Kaya nga beshie hiwalayan mo na siya. Tutulungan ka namin, para sa sarili mo gawin mo,” sabi ni Cindy habang hinahagod ang likod ko.

Nilapitan na rin ako nina Jenny at Donna upang gawaran ng isang mahigpit na yakap. Napahiwalay kami sa pagyayakapan ng tumunog ang cellphone ko. Pinapauwi ako ni Primo dahil may kailangan daw siya sa akin. Nagpaalam ako sa lahat nang dumalo bago umalis.

-----

“Dito ka ba nakatira? Sinong kasama mo sa bahay?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Enan. Siya ang naghatid sa akin pauwi.

“S-si Sir Primo ang amo ko. Salamat sa paghatid sa akin, Enan.”

Napansin ko ang pagkunot ng noo nito. Hindi ko sinabi ang totoong ugnayan namin dahil kabilin-bilinan ni Primo na walang ibang tao na makakaalam na mag-asawa kami. Nagpaalam na ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Naabutan ko si Primo na nakaupo sa sofa habang umiinom ng alak. Masamang nakatitig ito sa akin na anumang oras ay lalapain ako ng buhay.

“Kanina ka pa ba? Pasensiya na kung matagal akong dumating naabutan kasi ako ng traffic,” sabi ko habang nagmamadaling nilapag sa center table ang mga dala ko.

“Natagalan dahil sa traffic o dahil nakipaglandian ka pa sa lalaking naghatid sa'yo,” nagtiim-bagang na saad nito.

“Mali ka ng iniisip, Primo. Kaibigan ko lang iyong naghatid sa akin,” malumanay na wika ko. Ayaw ko ng patulan pa ang maling paratang nito sa akin. “Kumain ka na ba? May dala akong pagkain dito, may niluto rin ako kanina bago umalis. Ihahanda ko lang mabilis lang ito.” Yumuko ako ng bahagya para kunin ang pinaglagyan ng mga pagkain.

“Bago ba iyang necklace mo? Sino ang nagbigay?” madiin niyang tanong.

Napahawak naman ako sa kwintas na suot ko. “Regalo sa akin ng kaibigan ko.”

“Kaibigan o ka-ibigan?” nakangising tanong niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nagpunta ako sa kusina para iinit ang pagkain na niluto ko.

“Achoo!” Bahing ko dahil sinundan pala ako ni Primo sa kusina.

“Huwag mo ng sagutin, Beatrice. Alam ko naman na galing sa lalaki mo. Kahit noon pa man talagang malandi ka ng babae.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro