Thirty- ninth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nang umalis si Beatrice halos wala na akong pahinga. Ginagawa kong umaga ang gabi para lang hanapin siya. Lahat ng koneksiyon ko ay nahingian ko na ng tulong pero katulad ko wala rin silang magawa. Umabot sa punto na pati kalusugan ko ay inabuso ko na. Kahit nagkanda-sakit-sakit na ako hindi pa rin ako huminto. Ang kompanyang pinaghirapan kong palaguin ay muntik ng mawala. Mabuti na lang may mga taong pang nagmamalasakit sa akin at tinulungan nila ako. Ang magulang ko ay ayaw akong tanggapin hangga't hindi ko nagagawa ang nais nila.

Sa limang taon na iyon sinigurado kong hindi makakalabas sina Dylan at Hana. Kung habambuhay akong maghihirap, habambuhay din silang magdurusa sa selda. Ngunit isang pangyayari ang hindi inaasahan nawala ang buhay ng isang inosente. Labis kong sinisisi ang aking sarili, dalawang buhay ang nawala dahil sa kagagawan ko. Akala ko hindi na ako makakaahon pa ngunit nung dumating sa buhay ko si Ace nagkaroon ako ng pag-asa.

Nabuhay ulit akong kasama siya, siya na lang ang natitira kong pamilya magbuhat nang iwanan ni Beatrice. Nagawa kong pagsabay-sabayin ang lahat hanggang ngayon hindi ko tinigilan ang paghahanap sa kaniya. Nahalungkat ko na ang buong Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Kahit anong paghihirap titiisin ko dahil naniniwala akong pinaglayo man kami subalit pagtatagpuin din.

Isang araw, tumawag sa akin ang driver ni Ace mahuhuli siya ng pagsundo sa kaniya dahil pinapagawa niya ang sasakyang nasira. Kahit abala ako sa opisina sinundo ko siya sa paaralan ngunit walang Ace akong nakita. Palinga-linga ako sa paligid hanggang nakatanggap ako ng mensahe nasa bahay na ang bata. Dumiretso na ako sa bahay, pagdating ko hawak ni Ace ang wedding photo namin ni Beatrice.

“Ace,” tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya nag-angat ng mukha patuloy itong nakatingin sa larawan at hinahaplos pa.

“I saw her kanina, Daddy. She's my Mommy, isn't she?” he asked.

Hindi ko sinagot ang tanong niya akala ko sabik lang siyang magkaroon ng Ina kaya hinayaan ko lang. Kinabukasan, tinawagan ako upang ipaalam na nawawala si Ace. Napamura ako ng malutong, pinagmumura ko sila dahil hindi nila ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho. Hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap, nawawala pa nga si Beatrice ngayon naman pati si Ace. Nilibot ko ang buong subdivision baka makita kong pagala-gala ang bata. Malapit na akong mawalan ng pag-asa mabuti na lang sinabi nilang nasa bahay na ito. Agad kong pinatakbo ang sasakyan, pagdating ko nakatanggap ng sermon ang mga kasambahay pati na rin ang mga taong inutusan kong magbantay. Tahimik lang ang mga ito at tinanggap ang sermon na ginawad ko. Sinabi nilang nasa kwarto si Ace kaya hindi ko mapigilang magsisigaw. Hindi ako galit sa ginawa niya, nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit dahil hindi ko nagagawang protektahan ito.

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang taong nakita ko sa loob ng kwarto. Pagkalipas ng limang taon muli ko siyang nasilayan, dumating na ang araw na kami ay muling pinagtagpo. May mga bagay na nagbago sa kaniya ngunit may bukod tanging nanatili. Ang dati nitong mahabang buhok ay hanggang balikat na lang. Ang medyo payat niyang katawan noon ay nagkalaman na. Kapansin-pansin din na mas lalong kuminis ang maputi nitong balat. Nakadagdag pa ang mamula-mula niyang pisngi. Ngayon ko lang siya napuna ng husto dahil noon ay hindi ko man lang matapunan ng tingin. Napangiti ako sa kaloob-looban ko, nagbago man ang panlabas niyang anyo dating Beatrice pa rin ang nasa harapan ko. Kung saan kinikilala pa rin ng ilong nito ang presensiya ko.

Gusto kong tawirin ang pagitan naming dalawa at sunggaban ng halik ngunit umaatras ako baka tumabingi ang mukha ko kapag ginawa ko iyon. Naalala kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kaniya kaya niya ako iniwan. Kahit na sinusungitan niya ako sa muli naming pagkikita ayos lang sa akin ang mahalaga bumalik na siya.

“Pakiusap huwag mong gamitin ang bata para sa pansarili mong kapakanan,” pakiusap niya. Alam ko ang tinutukoy niya pero gusto kong makita kung paano siya mainis mas lalo kasi akong nagagandahan sa kaniya.

Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na ngiti. “Gaya ng?” tanong kong mapang-akit.

“Alam mo na ang ibig kong sabihin,” sagot niya. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ginawa niyang pag-deadma. Tinaasan ako nito ng kilay saka nilagpasan.

“Beatrice,” tawag ko. Huminto siya, naglakad naman ako palapit sa kaniya. “Sa palagay mo ginamit lang talaga kita para makuha ang mana?” Nilapit ko ng husto ang mukha ko sa kaniya iyong tipong walang hangin na makakadaan.

“Oo, dahil galing mismo sa bibig mo,” mariin niyang sagot.

“May mga bagay na hindi ka pa nalalaman. Sana kapag nalaman mo iyon magbago ang pananaw mo sa akin. Don't worry hindi ko gagamitin si Ace para bumalik ka sa akin,” kindat ko. Nagkibit-balikat lang siya saka ako tinalikuran. “Kapag lumingon ka sa bilang kong tatlo, tayo talaga ang tinadhana,” bulong ko. “Isa, dalawa-” Hindi pa ako tapos magbilang lumingon na siya.

“Huwag ka ng magtangkang mang-akit dahil hindi ako madadala,” mataray niyang sabi. Napapailing na lang ako sa katarayang taglay ni Beatrice ngayon.

Pagdating ko sa hapag kainan naabutan kong nilalagyan ni Beatrice ng pagkain ang plato ni Ace. Tumango ako sa kaniya saka umupo na. Para kaming isang pamilya na sabay-sabay kumain.

“Daddy sorry,” sabi ni Ace pagkaupo ko. Nilingon ko si Beatrice at nakita ko itong nag-thumbs kay Ace. Narinig ko kanina ang pag-uusap nila at sa nakikita ko magaling mag-handle ng bata si Beatrice. Magiging mabuting Ina ito balang araw. Bigla akong nalungkot naalala ko ang aming anak. Kung hindi siya nawala magka-edad na sana sila ni Ace.

“I'm sorry din son,” nakangiti kong saad. Tipid na ngumiti sa akin si Beatrice. Namayami ang katahimikan sa aming dalawa samantalang palipat-lipat ng tingin si Ace sa amin.

“Mommy, puwede mo ba akong basahin ng story mamaya bago matulog?” tanong ni Ace. Sa katanungan niyang iyon nabasag ang katahimikan.

“Baby, puwedeng next time na lang? Kailangan ko na kasing umalis after dinner,” sagot ni Beatrice. Halatang pinag-iisipan nito ang sasabihin para hindi masaktan ang bata.

“Hindi ka po ba rito matutulog?” Mahinang umiling si Beatrice. “Bakit po?” tanong ni Ace ulit. Pinapanood ko silang nag-uusap habang kumakain.

“Baby, wala kasi akong damit na pamalit,” bulong niya kay Ace pero narinig ko naman.

“Nasa kwarto ni Daddy ang mga damit mo, Mommy. Kaya please rito ka na po matulog.” Napaubo si Beatrice sa sinabi ni Ace. Agad ko naman inabot sa kaniya ang tubig. Paglapag ni Beatrice ng baso nakarinig ako ng bulungan.

“Siya ba talaga ang asawa ni sir?”

“Oo, nakita ko sa kwarto ni sir ang mga larawan niya.”

“Bakit ngayon lang natin siya nakita?”

“Baka nasa abroad kakarating lang.”

Dahan-dahan kong binaba ang kutsara't tinidor. “Huwag kayong magbubulong-bulungan kung naririning lang din naman.” Nilakasan ko ng konti ang pagkasbi ko para marinig nila. Narinig ko na lang ang mga yabag nilang papalayo. Nakita kong tinakpan ni Beatrice ang bibig nito upang pigilan hindi matawa.

“Mommy, dito ka na po sleep ah. Palaging sinasabi sa akin ni Daddy na miss ka na po niyang makatabi,” diretsahang sabi ni Ace. Napaubo ulit si Beatrice kaya naman sinenyasan ko si Ace na tumahimik.

“Ace, finish your food,” utos ko na agad niyang sinunod. Baka kung ano-ano na naman ang sasabihin nito at ibuking pa ako.

After ng dinner dinala ni Beatrice si Ace sa kaniyang kwarto. Nilinisan niya ang katawan nito saka binihisan ng damit pantulog. Pagkasampa ni Ace sa kaniyang kama binasahan siya ni Beatrice ng bedtime story gaya ng request ng bata sa kaniya.

“Ay kabayo!” gulat na sabi ni Beatrice. Muntik pa itong matumba mabuti na lang at agad ko siyang nahawakan. “Bakit kasi nasa pintuan ka?” inis na tanong niya. Nakatulog na siguro si Ace kaya lumabas na siya.

“Ibibigay ko lang itong damit mo para may pamalit ka,” sagot ko pero hindi niya alam kanina pa ako nanonood sa kanila.

Kinuha naman niya ito at tiningnan. Napayuko siya na para bang tinatago niya ang kaniyang mukha sa akin. Akala niya siguro ay tinapunan ko na ang mga damit niya pero ang totoo tinago ko pa.

“Salamat dito,” tukoy niya sa damit. Pagkatango ko agad siyang tumalikod.

“Beatrice, thank you,” mahina kong sambit. Akala ko hindi niya narinig pero huminto ito at nilingon ako.

“Ginagawa ko ito para kay Ace at hindi para sa'yo.” Naglakad na ulit siya papunta sa guest room. Nakatayo pa rin ako sa aking kinatatayuan kahit nakapasok na siya.

Hindi ako mapakali dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ni Beatrice. Ngayon ko lang napagtanto na ganito pala kasakit ang nararamdaman niya noon sa tuwing binabalewala ko siya. Lumabas ako upang magpahangin. Pagdating ko sa hardin narinig kong may kausap si Beatrice sa cellphone.

Naikuyom ko ang aking kamao at nagpupuyos sa galit dahil sa matinding selos. Sobrang sweet nito sa kaniyang kausap at ngayon ko lang ulit siya nakitang masaya.

“Sino ka?” tiim-bagang kong tanong sa aking sarili.

Nang naibaba na nito ang cellphone agad ko siyang nilapitan. Dahil malamig ang ihip ng hangin napayakap ito sa kaniyang sarili. Tinanggal ko ang aking jacket saka pinatong sa balikat niya. Halatang nagulat ito sa aking ginawa.

“Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ko. Matagal siyang sumagot kaya tiningnan ko siya. Nakatingala siya sa langit habang nakapikit. Huminga siya ng malalim saka dinilat ang mga mata.

“Hindi pa kasi ako inaantok,” sagot niya habang nakatingala pa rin. “Ikaw?” tanong niya na hind nakatingin sa akin.

“Hindi ako makatulog. Iniisip kasi kita,” sagot kong nakatitig sa kaniya. Natahimik ito at dahan-dahan niyang binaba ang kaniyang ulo.

“Sige matutulog na ako,” nagmamadaling sabi niya. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang pero agad ko siyang hinawakan sa kamay at pinasandal sa pader. Kinulong ko siya sa magkabila kong braso kaya mahihirapan siyang makawala.

“The truth, Beatrice. Do you still love me or not?”




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro