Twenty-fourth Tears

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Akala ko hindi magiging maganda ang araw ko ngayon. Nagalit si Primo nung kinausap ko siya, akala ni Enan galit ako sa kaniya, mas lalong gumulo ang isip ko dahil sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko. Pag-uwi nasiraan iyong taxi na sinakyan ko dahil do'n napilitan akong maglakad. Sa paglalakad ko nasaksihan ko ang dalawang aso na nagtatalik. Parang pinapamukha sa akin na wala kong sex life at muntik pa akong masagasahan. Ngunit hindi ko inakala na may magandang mangyayari rin pala.

Ang hindi ko inaasahang pagkikita namin ni Morris. Isa sa matalik naming kaibigan ni Primo nung high school. Kahit tumungtong na kami sa kolehiyo kami pa rin tatlo ang magkakasama nadagdagan nga lang dahil nagkaroon ako ng ibang kaibigan tulad nina Cindy, Jenny at Donna. Si Dylan naman ang naging bagong kaibigan ni Primo at hindi nagtagal naging bestfriend niya the same with Morris.

Kahit magkakaiba kami ng kurso tinitiyak namin na may nakalaan na oras para sa bonding naming magkakaibigan. Siyempre hindi rin kami pahuhuli ni Primo dahil may you and me time kami para sa isa't isa.

Graduation nung huli naming pagkikita ni Morris. Balita ko kinabukasan lumipad siya papunta sa ibang bansa. Doon siya nakapasa at nakabilang sa SWAT team, kaliwa't kanan ang napatumba niyang sendikato kung saan nakilala siya ng husto.

“Morris, ikaw nga!” masaya kong sambit habang papalapit siya sa akin. Lumabas pa talaga siya ng kaniyang sasakyan para lang lapitan ako at yakapin.

“Hindi nga ako nagkamali dahil hanggang ngayon matatakutin ka pa rin. Kumusta ka na, Beatrice?” tanong niya pagkatapos naming magyakapan.

“Heto matatakutin pa rin gaya ng sabi mo.” Mahina akong natawa. Natawa rin si Morris dahil sa sinabi ko.

“Pero ako ang natakot para sa'yo kanina. Kung hindi ako nakapagpreno at nagbusina baka nasagasahan na kita. Sa sobra mo ngang pagkatakot sinabihan mo akong asong ulol.” Walang tigil ito sa kakatawa, hindi pa rin siya nagbabago daig pa ang babae kung makatawa wagas. Nung tinaasan ko na siya ng kilay at sinimangutan agad siyang tumigil. Alam kasi niya na hindi na ako natutuwa kabisado na niya ang kilos ko. “Okay, I'm sorry hindi ko lang kasi makalimutan iyong itsura mo kanina.” Tumigil ito sa pagsasalita saka ginulo ang buhok ko. Ganyan ang paraan niya para mawala ang pagkainis ko. “Maiba nga ako, ihahatid na kita kung saan ang punta mo.”

Napatingin ako sa pambisig kong relo malapit ng magtanghalian. Hindi ko na hinintay pa si Morris na pagbuksan ako ng pinto, ako na mismo ang nagbukas at nagmadaling sumakay. Kung hindi ako makaabot sa lunch patay ako nito.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko gusto ko ngang sabihan si Morris na bilisan ang pagpapatakbo pero baka magtaka at ulanin ako ng tanong. Hindi ako sigurado kung may alam siya tungkol sa amin hindi naman yata nagkwekwento si Primo sa kaniya.

“Ituturo ko na lang ang daan at kung puwede pakibilisan. Salamat Morris.” Pilit ko siyang nginitian akala ko mapupuna niya laking tuwa ko na lang nang sinunod nito ang sinabi ko. Kinabahan ako ng malamang malapit na kami. “Ikaw, bakit ka pala nadayo rito?” Napatanong ako na wala sa oras para lang mawala ang kabang gumagambala sa akin.

“Dahil sa isang kaibigan. Kakauwi ko nga lang pero agad niya akong pinapunta rito.” Kalma lang ang sagot nito sa akin hindi halatang pagod o may jetlag. “Pasensiya na hindi kita nasabihan wala na kasi akong contact sa'yo mabuti na lang nagkita tayo accidentally.” Hinawakan ko lang siya sa kaniyang balikat saka tinapik-tapik. Sa gano'ng paraan malaman niyang hindi big deal para sa akin.

“D-dito na lang ako Morris huwag mo nang ipasok ang sasakyan mo sa loob,” kinakabahan kong sabi. Baka mamaya nag-aabang si Primo sa pinto tapos makikita niyang magkasama kami mas lalong uusok ang ilong sa galit.

“Okay lang Beatrice para malaman ko kung saan ka nakatira para palagi na kitang dadalawin.” Nagawa pa niyang kumindat habang ako'y kinakain ng kaba.

Kahit papano nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makitang walang Primo na nakaabang. Dahil sa pagmamadali agad akong bumaba at nawala sa isip ko si Morris. Mabilis ang ginawa kong paghakbang dahil nga hinahabol ko ang oras.

“Beatrice!”

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa harap seryosong mukha ni Primo ang nakita ko. Paglingon ko sa aking likuran nagtatakang mukha naman ni Morris. Sabay na naglakad ang dalawa papunta kung saan ako nakatayo.

“So totoo nga ang sinabi ni Hana sa akin na magkasama kayo sa bahay.” Nagkatinginan kaming dalawa ni Primo dahil sa sinabi ni Morris.

“I think mahaba-habang usapan ito. Let's go inside,” pagsingit ni Primo.

-----

Nasa hapag kainan kami sabay-sabay na magtanghalian. Kahit anong gawin kong pakikipagtalo kay Primo na hindi sumabay sa kanila ni Morris, sa huli siya ang panalo. Tahimik akong kumakain, hindi nga ako makatingin sa kanila. Habang si Morris ay nahuhuli ko minsan tumitingin sa aming dalawa ni Primo pagkatapos ay ngumingiti ng nakakaloko.

“Ang sama mo P're, bakit mo ginawang maid itong si Beatrice? Huwag mo ng itanggi sinabi sa akin ni Hana.”

Napahigpit ang pagkahawak ko sa kutsara't tinidor, hindi lang pala sinungaling ang Hana na iyon matabil pa ang dila.

“Hindi na ngayon dahil promoted na si Beatrice.”

Kahit hindi ako nakatingin kay Primo nakikita ko naman mula sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. Hindi na ba siya galit? O nagpapanggap lang dahil nandito si Morris?

“Promoted as what P're?” Gusto kong tingnan si Primo kung ano ang reaksiyon niya sa tanong ni Morris pero pinili kong panindigan ang pagiging tahimik. “Beatrice, huwag kang tumahimik diyan baka mautot ka.” Masarap pakinggan sa tainga ang tawa ni Morris kaya natawa na rin ako ngunit napahinto ako nang salpakan ni Primo ang bunganga nito ng pagkain.

Nasa kusina ako hinuhugasan ang pinagkainan namin habang ang dalawa ay nagkakape. Ayaw ko sanang makinig sa pinag-uusapan nila pero itong si Morris megaphone ang bunganga sa lakas.

“P're, alam kong nasa construction company ka at marami kang magagaling na architect kung tutuusin hindi mo na ako kailangan para hanapan ka ng mas magaling. Anong alam ko riyan?” tanong ni Morris. May ginagawa ako pero ang atensiyon ko ay wala ro'n.

“Alam ko P're kaya lang mas panatag ang loob ko kung ikaw ang maghahanap para sa akin. Alam kong marami kang kilala abroad hindi problema sa akin ang pera,” sagot naman ni Primo.

Napaisip ako kung ano ang pinag-uusapan nila baka isang project ng MonteCorp at kinontrata si Morris para kumuha ng magagaling na architect. Wala bang tiwala si Primo sa mga architect nito? Malamang malaking proyekto ito dahil nagpapahanap pa talaga siya ng magagaling.

“Huwag mo na akong bolahin P're dahil magpapabayad ako dapat sa tamang halaga para ganahan ako sa paghahanap. Pagdating sa business walang kaibigan ang lagay e ikaw lang ang gustong yumaman,” pang-aasar ni Morris.

Narinig ko silang nagtawanan ang sarap siguro nilang panoorin lalo na kapag may napipikon isa sa kanilang dalawa.

“No problem name your price,” mayabang na sabi ni Primo.

“Whoa! Mayabang ka pa rin Primo Montero sige game ako, pero sigurado ka na ba? Paano itong bahay sayang naman.”

Kumunot ang noo ko bakit nasama sa usapan nila itong bahay?

“Sigurado na ako para naman ito sa future ng family ko dapat ngayon pa lang naghahanda na.”

Muntik ng madulas sa kamay ko ang plato mabuti na lang at nahawakan ko agad. Biglang kumirot ang puso ko ang tinutukoy ba ni Primo ay ang future nila ni Hana? So out of the picture na talaga ako. Nagsisimula ng uminit ang sulok ng mata ko.

“Talagang pinaghahandaan mo na ang future ninyo ni Hana, pinapagawan mo pa ng bahay ganyan mo ba siya kamahal, P're?”

It's confirmed para nga sa kanila ni Hana. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Sa ilang araw na pagiging sweet ni Primo sa akin hindi ako umiyak ngayon lang ulit.

“Alam mo P're ang daldal mo, siguraduhin mo lang na above my expectations ang mahahanap mong architect kung hindi ibabalik kita sa pinanggalingan mo,” banta ni Primo.

Nang matapos ko na ang ginagawa ko inayos ko ang aking sarili bago lumabas sa kusina. Ayaw kong mahalata nila ang pamumula ng mata ko.

“Beatrice!” tawag sa akin ni Morris. Tumingin ako, nakatingin din silang dalawa sa akin.

“Akyat muna ako sa kwarto ko. Maiwan ko na kayo.” Agad ko silang tinalikuran dahil nagbabadya na naman ang pagtulo ng luha ko. Alam kong nagtataka sila lalo na si Primo dahil sa bigla kong pagmamadali.

Pagdating ko sa kwarto agad kong kinuha ang aking cellphone. Tinawagan ko si Mommy para gumaan kahit papano ang sakit na nararamdaman ko.

“Hello Bea anak!” masayang sambit nito. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumagot.

“Hello Mommy, busy po ba kayo bukas?” Pinatatag ko ang boses ko para hindi halata na kagagaling lang sa pag-iyak.

“Hindi naman bakit?” Nag-iba ang timbre ng boses nito. Kung kanina masigla ang bungad niya sa akin ngayon ay tumamlay.

“Puwede po bang pumunta ako bukas dahil gusto ko po kayong makausap?” Agad akong napatakip sa bibig ng muntikan na akong mapahikbi.

“Ramdam kong may problema ka anak. Sige hihintayin kita bukas. Kung anuman iyan nandito lang kami ng Daddy mo. Mahal ka namin Bea anak.” Tuloy-tuloy na nagsilabasan ang traydor kong luha.

“Mahal na mahal ko kayo ni Daady, Mommy.” Agad kong binaba pagkatapos kong sabihin. Hinayaan ko lang ilabas hanggang sa unti-unting gumaan ang pakiramdam ko.

Nakatanggap ako ng videocall galing sa groupchat naming magkakaibigan siguro nabanggit na ni Mommy sa kanila. Sinabi ko sa tatlo ang tungkol sa naging pag-uusap nina Primo at Morris. Puro batikos na naman ang natanggap ko, gusto nga nilang lumusob para bigyan ng mag-asawang sampal si Primo. Ano pa nga ang aasahan ko sa tatlo sobrang hate nila ang lalaking mahal ko. Dati naman kasundo nila si Primo nagbago lang nung nag-iba ang pakikitungo nito sa akin.

Pagkatapos ng pag-uusap namin nagtungo ako sa banyo para maghilamos. Naisipan kong matulog baka sakaling paggising ko panaginip lang pala ang lahat. Mahihiga na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Mensahe sa groupchat namin galing kay Cindy.

Beshie Forever ❤

Cindy Bff

Sometimes, you know it's time to go, but love just won't let you walk away. Real love wants you to give him another chance, to try just one more time to make it work, even when deep down inside you know...he'll never change.






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro