Abaddon School 2.13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 13: DAY 4

THIRD PERSON'S POV

Sa isang sulok ng islang tempter, nakatago ang grupo nina Dingel Liba - the gay ng grupo, Stella Rase - Ang muse ng section, Christ Hanna McStuff - the rich kid at Gremine Zoe - cheerleader.

"Naloloka na aketch sa nangyayari!" Nahuhumintadong sabi ni Dingel sabay gulo ng buhok niya.

"Myghad! Six of our classmates are now dead. Who's next? Ayoko na! I want to go home now!" Sumisigaw at umiiyak na si Christ.

"Me too! I want to go home now! Baka nag-aalala na si mommy at daddy sa akin! Ayoko na rito!" Segunda ni Stella.

"Guys, calm down, Okay? Kaya natin 'to! We will fight for our life!" Pinapakalma na sabi ni Gremine sa tatlo.

Kahit kinakabahan ang dalaga, kailangan niya maging malakas para sa tatlo na alam niyang nanghihina at kinakabahan na sa mga nangyayari. Lalo na kahapon ng marinig ang mga namatay nilang kaklase.

"Hanggat wala pang nangyayari sa atin dito ligtas tayo. Kaya 'wag kayong mag-alala. Mag-stick tayo as a group." Dugtong na sabi ni Gremine.

Sa sinabi niya 'yon kumalma ang tatlo at sabay-sabay tumango sa kanya.

"P-paano si Macky? B-baka siya ang magpahamak sa atin?" Nag-aalalang tanong ni Christ.

"Tama si Christ. Paalisin na natin si Macky dito. Hindi ako komportable sa kanya, Gremine." Kinakabahan na sabi ni Stella.

Napabuntong hininga si Gremine. Maski siya hindi siya komportable kay Macky kahit ito ang matalino sa section nila.

Since elementary kilala na ni Gremine si Macky, ilang lahat ng kaklase nila kay Macky dahil sobra itong matalino. Hindi ito agad-agad nagpapatalo kapag may mga debateng nangyayari. Kaya laking gulat ni Gremine ng may maging kaibigan ito at si Athena 'yon.

"Sige, paaalisin na natin siya rito kapag bumuti na ang kanyang kalagayan." Saad ni Gremine sa mga kaibigan.

Simula elementary magkakaibigan na silang apat kaya sobra silang dikit. Noong unang araw nila sa islang ito, nagsama-sama agad sila at nagtago sa liblib na lugar para 'di mapahamak at masawi.

Sa tatlong araw na lumipas, hindi sila lumabas sa bahay na tinutuluyan nila. Nakita nila itong bahay sa gitna ng kagubatan at nasa pinaka-gitna ito at nakikita ang kabuuan ng kagubatan kaya makikita nila kung may magtatangka man sa kanila.

Pinuntahan ni Gremine si Macky sa isa sa mga kwartong nandito. Naabutan niya ang binata na nakahiga pa rin sa kama at mukhang tulog pa.

Lumabas ng kwarto si Gremine at pinuntahan ang mga kaibigan.

"Tulog pa si Macky,"

Umupo siya sa mga upuan naroroon.

"Si Dingel nasa'n?" Tanong ni Gremine kay Stella na nasa harap ng upuan niya.

"Nasa kusina. Nagluluto ng lugaw. Sayang kasi ang kanin kagabi kaya nilugaw na lang niya." Sagot ni Stella. 

"Si Christ?"

"Naliligo."

Tumahimik ang dalawa at nakikiramdam kung anong mangyayari sa kanila kinabukasan.

Pang-apat na araw na nila ngayon sa Islang ito at wala man lang nangyayari kung may naghahanap ba sa kanila. Kung hinahanap ba sila ng mga magulang nila o hindi. Kung na-report na ba sa mga pulis ang nangyari sa kanila. Wala silang alam dahil nasa isang isla sila kung sa'n man sa mundong ito.

"Tara let's mga baklita! Kakain naaaaa!" Maligalig na sabi ni Dingel kina Stella at Gremine.

"Baklita ka, mamamatay na lang tayo rito nagsuot ka pa ng ganyan!" Sagot ni Stella kay Dingel.

Naka-spaghetti na damit si Dingel at maikling short.

"Bakla ka, hindi tayesh matetegi! Uuwi tayo ng buhay!"

Nakarating sila sa kusina at nakahain doon ang lugaw na niluto ni Dingel.

"Teka lang, hahatid ko lang itech itong lugaw kay Macky. May awa pa rin naman ako sa kanya."

Umalis si Dingel bitbit ang mangkok na may lugaw at pumunta sa kwartong tinutuluyan ni Macky.

Pagpasok niya roon nadatnan niya ang nakahigang Macky kaya nilapag na lang niya ang mangkok na may lamang lugaw.

Pagkalabas niya ng kwarto narinig niya ang sigawan ng tatlo kaya dali-dali siyang pumunta sa kusina kung sa'n naririnig niya ang ingay ng mga ito.

Pagkarating niya roon, nakita ni Dingel si Stella na nakahiga na sa sahig habang bumubula ang bibig ng dalaga.

"Anong nangyayari kay Stella?" Hysterical na sabi ni Dingel at nilapitan si Stella na ngayon ay nangingisay na.

"Kami dapat ang nagtatanong niyan sayo, Dingel! Ano nilagay mo sa lugaw?" Sigaw ni Gremine.

Napatigil sa ginagawa si Dingel at humarap kay Gremine na katabi ni Christ.

"Ano? Wala akong nilalagay sa lugaw! Wala!"

"Pero, ikaw ang nagluto ng lugaw, Dingel! Sino sisisihin namin?" Lumuluhang sabi ni Gremine.

"Bakit ako? Tinikman ko 'yang lugaw na 'yan bago ko hinain d'yan sa lamesa! Dapat nalason na rin ako kung may lason man niyan!" Sumisigaw na sabi ni Dingel.

Lumingon si Dingel kay Christ, "Baka naman si Christ? Hindi siya umiimik!" 

"B-bakit ako? N-naliligo ako!" Nauutal na sabi ni Christ.

"Bakit ka nauutal, Christ! Bakit?"

Sa muling tanong ni Dingel doon na nagbreak down si Christ. Humagulgol na ito at napasalampak sa sahig.

"H-hindi kay Stella 'yon," tumingin si Christ sa dalawa, "Dapat kay Macky 'yon pero 'di ko alam kung bakit kay Stella napunta. Dapat kay Ma--"

"Pinagpalit ko," napatingin ang tatlo sa nagsalita at nakita nila si Macky na nakatayo sa pinto ng kusina.

"Nakita kita Christ na nilagyan mo ng pangpatay sa daga ang lugaw na dapat sa akin kaya pinagpalit ko ito."

"Walang hiya ka! Dahil sayo namatay ang kaibigan namin!" Susugurin dapat ni Christ si Macky pero napatigil siya dahil naglabas ng baril si Macky.

"Sumugod ka para sumunod ka na rin kay Stella!" Pagbabanta ni Macky habang nakatutok ang baril kay Christ.

"Ikaw rin ba pumatay kay Athena?" Pagtatanong ni Gremine kay Macky.

"Hindi! Hindi ko magagawa 'yon sa nag-iisa kong kaibigan. Namatay si Athena dahil naubusan siya ng dugo dahil kina Anton at Liam. Walang hiyang ang dalawang 'yon! Dahil sa kanila namatay ang nag-iisang kaibigan ko!" Biglang tumawa si Macky "Pero, nakakatawa dahil patay na rin pala silang dalawa! Langya naman! Ako sana papatay sa kanila pero naunahan ako!"

Nakatutok pa rin kina Gremine, Dingel at Christ ang baril ni Macky.

"Calm down, Macky! Put down your gun! Put down!" Mabagal na sabi ni Gremine habang ang dalawang kamay niya ay pinapababa niya ng dahan-dahan.

Biglang may pumutok at nakita na lamang nila ang baril ni Macky na umuusok ang bunganga nito.

"Waaaaaah! Christ!" Tumakbo si Dingel sa pwesto ni Christ na ngayon ay nakahandusay na sa sahig at puno na nang dugo ang buong katawan nito.

Napatingin si Gremine sa kanan niya at nakita niya si Christ na bulagta na at puno na ng dugo. Halos manigas si Gremine sa nakita. Dalawa sa kaibigan niya ang patay na dahil 'yon kay Macky.

Nandilim ang paningin ni Dingel at kinuha ang kutsilyo at lalapit na sana kay Macky pero hindi pa man gaano nakakalapit si Dingel nang paputukan din siya ni Macky.

Eksakto sa puso ang tama ni Dingel. Halos mapaluhod na si Gremine sa nangyayari sa kanila. Parang kanina lang buhay pa ang tatlo niyang kaibigan at sinabihan pa niya ang mga ito na makakauwi sila ng buhay. Pero mukhang malabo na ang lahat.

Napaangat si Gremine kay Macky nang makita niyang nakatutok sa kanya ang baril bigla siya tumakbo at umilag sa mga balang pinapaputok ni Macky.

Hindi niya alam kung bakit naging ganito si Macky. O baka lahat ng mga kaklase nya ay handa na pumatay para mabuhay.

Nakalabas siya ng bahay na pinag-stayan nila sa loob ng tatlong araw. Tumatakbo siya at hindi alam kung saan pupunta.

"T-tulong! Tulong!"

Takbo lang nang takbo ni Gremine hanggang matanaw niya ang parola.



- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro