Acrofyce 11: Fire

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Theo's PoV

Naka-upo ngayon ako sa veranda ng dorm namin habang umiinom ng kape, habang tinitigan ang mga nagtatayugang puno na sumasabay sa hampas ng hangin. I'm not into coffee back then but the coffee here is just different, much delicious than the usual coffee that I knew. Napaangat ako ng tingin noong may nakita akong  pigura ng tao sa peripheral vision ko.

"Good morning kuya."tipid na sabi ni Thyn sa habang nakahawak ng isang tasa ng kape. Nagkakape na siya ngayon? Ang alam ko sa gatas lang siya mahilig, but I knew it, she liked the taste too. Hinila niya ang kaharap kong upuan at umupo naman siya dito sabay lapag ng tasang naglalaman ng kape.

"Good morning too,"I replied back.

"The coffee taste good right?"I asked her even though I already knew the answer. Nakakatawa lang. I held my coffee then sipped.

"Oo masarap naman kuya."binaba ko ang kapeng hawak ko at tumingin sa kanya.

"Looks like you're not convince."

"Alam mo naman na I'm not into coffees diba kuya? Nilalamig lang talaga ako."natawa naman ako dahil sa sinabu niya. Maaga pa naman kasi hindi ko lang talaga alam kung bakit ang aga ko ngayon, dati rati naman tanghali na ako magigising. Tumingin ako sa kapatid ko ngayon at nakasuksok na ang mga paa niya sa jacket na suot niya. My sister is so cute pero hindi ko dapat sabihin sa kanya dahil baka lumaki ang ulo.

"Bakit ang aga mo nagising?"tanong ko sa kanya. Inabot naman niya ang kape at humigop dito.

"Hindi kasi ako makatulog lately,"bumuntong hininga ito.

"Nakita ko pa ngang umalis si Brent kahapon kahit ang aga dahil hindi talaga ako makatulog."sabi nito sa akin. Hindi ko inakala na ganoon iyong nararanasan niya lately. Hindi ko man lang siya nakumusta o naitanong kung okay lang ba siya. I felt guilty as a brother to her.

"Okay ka lang ba Thyn? May bumabagabag ba sa 'yo?"concern kong sabi sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin.

"You know you that you can always talk to me right?"as a kuya to her, I should know how to comfort my sister because I don't want her to get hurt or to get bothered by something na kinikimkim lang niya. Ayaw ko ng ganoon.

"I'm okay Kuya don't you worry."she gave me a warm smile.

"How I supposed to do that,"I said in a low voice.

"You're my sister Thyn."I continued.

"I know it Kuya pero okay lang talaga ako, saka magsasabi naman ako sayo kapag may problema e."I sighed in relief when she said that.

"You should Izzy."masama naman niya akong tinignan.

"Kuya don't call me on my second name!"reklamo niyo sa akin kaya napatawa ako. She don't want us to call her with her second name, mas gusto daw niya iyong Thyn kaysa sa Izzy. Hindi ko ng alam kung bakit e pareho lang naman na pangalan niya.

"Arte."usal ko bago higupin ang huling laman ng baso ko.

"Maarte ka din Kuya Flint!"muntik na akong masamid ng tawagin niya ako sa second name ko.

"O ano ngayon? Masaya ba matawag sa second name Kuya FLINT?"pagdidiin nito sa pangalan ko. Napailing na lang dahil sa kanya. She's really playful.

"Oo na!"I surrender dahil hindi na naman siya titigil kapag.

"Mabuti ng nagkakaintindihan."naputol ang pag-uusap namin ng may magsalita sa likuran namin.

"Brother and Sister's bonding?"nakita namin si Kiara na nakatayo sa may pinto ng veranda habang tinitignan kami.

"Kanina ka pa?"Thyn manage to asked her and she shooked her head.

"Hindi kakarating ko lang, narinig ko kasi kayong nag-uusap kaya lumapit ako."naglakad siya palapit sa amin at umupo sa tabi ni Thyn. Napaayos naman ito ng upo at inalis ang paa sa loob ng jacket.

"Bakit ang aga niyo yatang nagising na magkapatid?"tanong nito sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Thyn dahil doon.

"Uhmm...maaga lang talaga kaming nagising."sagot sa kanya ni Thyn. Bumaling naman ako sa labas ng veranda.

"Ah ganoon ba,"tugon nito. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming tatlo.

"Pwede mo ba akong samahan Thyn?"pambasag nito sa katahimikan.  Napatingin naman ako sa kanila.

"Saan?"ako ang sumagot sa tanong niya kaya't pareho silang napabaling sa akin.

"Ikaw ba si Thyn?"bara sa akin ni Kiara.

"Hindi pero Kuya niya ako."sagot ko naman sa kanya. Napatawa naman si Thyn dahil sa kaganapan.

"Pupunta lang kami sa mall para bumili ng mga gamit ko."sasagot din naman pala.

"Bibili daw e libre lang naman iyon dahil wala pa tayong allowance."napapatawa na lang ako dahil doon. Binigyan kasi kami ng opportunity to get our needs dahil hindi pa naman kami uma-attend ng klase para magkaroon ng allowance.

"Basta 'yon na din 'yon!"

"Sige magpapalit lang ako."tumayo na si Thyn at kinuha ang tasa niya'y pumasok sa loob. Natira naman kami ni Kiara sa veranda.

"Ingatan mo ang kapatid ko."

"Protective Kuya. Hahaha!"sabi nito sabay tawa. I remain silent.

"Oo na po sir!"bumuga ako ng hangin.

"Dapat lang."I gave Kiara a smile. Ayaw ko lang kasing mapahamak silang dalawa lalong lalo na ang kapatid ko.

"Pasok na muna ako."paalam ko kay Kiara at tumango naman ito.

"Sige dito ko na lang hintayin si Thyn."nakangiti niyang sabi sa akin.

"Mag-ingat kayo."huli kong sambit sa kanya bago pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto. Nilapag ko ang basong hawak ko sa study table at pabagsak na humiga sa kama. Matutulog na lang ako ulit wala naman na akong ibang gagawin, bahala na silang kumain kung saan man sila kakain.

****

Nagising ako sa katok na nagmumula sa pintuan ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at naglakad para buksan iyon at bumungad sa akin si Thea.

"Buti naman gising ka na!"sigaw nito sa akin kaya napatakip na lang ako ng tainga. Nakalunok ba talaga siya ng megaphone?

"Ang ingay mo babae!"inis ko sabi sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Umirap lang siya sa akin.
Ang lahat ay nasa sala at naka-upo sa sofa ngunit napakunot ang noo ko ng hindi makita si Thyn at Kiara.

"Bakit wala si Thyn at Kiara?"tanong ko sa kanila at tumabi kay Zike.

"Ikaw dapat ang tanungin namin kung saan sila pumunta."hindi pa ba sila bumabalik?

"Nagpasama si Kiara papuntang mall, hindi pa ba sila bumabalik?"umiling naman sila sa akin bilang sagot. Tinignan ko ang wall clock at alas tres na ng hapon. What the heck?! Bakit ang tagal naman nila!

"Hapon na at wala pa sila."sabi ni Ayesha habang nakatingin sa orasan.

"Oo nga anong oras na hindi pa sila bumabalik."sabi pa ni Thea. Nasa mukha nila ang pag-aalala. Maging ako man ay nag-aala din para sa kanila, lalong lalo na sa kapatid ko.

"We should find them."Zike suggested. We all agreed and immediately dash towards the door. When Ayesha opened the door, two girl are standing infront of us with heavy breath.

"Kayo po ba iyong...iyong mga kaibigan nila ate Kiara?"hinihingal na tanong nito sa amin.

"Kami nga anong nangyari sa kanila?"agad kong sabi. I have a bad feeling about this.

"Sumunod po kayo."agad kaming nagtakbuhan habang sinusundan iyong dalawang babae. Malalaki ang naging hakbang namin pababa sa hagdan ng apat na palapag ng gusali hanggang sa makababa kami, ngunit hindi pa rin kami tumigil sa pagtakbo.

"Nasaan ba sila!?"inis kong tanong.

"Nasa Fire Club po sila kuya sa may North wing."sagot ng isang babae sa akin. North wing? At bakit sila naroroon? Hindi nagtagal naanig namin ang isang makapal na usok. This is really bad!

"May nasusunog ba?"

"Wala Brent walang nasusunog."Ayesha spoke with sarcasm.

"Konti na lang iisipin kong ikaw si Thyn."sagot niya. Nakarating kami sa harap ng isang nagliliyab na gusali.

"Nasaan sila Kiara?"kunot noong tanong ni Ayesha sa dalawang babae.

"Nasa...nasa loob po sila."nakayukong sagot ng isa sa kanila. What the hell! Tama ba iyong narinig ko!

"Ano!?"inis kong sigaw sa kanila.
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at agad akong tumakbo palapit sa nasusunog na gusali. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sigaw nila ang tanging gusto ko lang ay mailigtas sila lalo na ang kapatid ko. I can't forgive myself kung may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko ramdam ang hapdi ng apoy sa balat ko kaya't nagdiretso na ako sa loob, napatakip ako sa ilong at napaubo dahil sa usok.

"Kiara! Thyn! Nasaan kayo!"inikot ang mata paningin at umubo. Masyadong mausok baka mamatay ako dito dahil sa suffocation but I need to save them.

"Thyn! Kiara!"sigaw ko ulit.

"Kuya nandito kami!"narinig ko ang boses ni Thyn sa second floor ng gusali. Umakyat ako doon ngunit hindi ganoon kadali. May mga nagbabagsakan ng mga parte ng gusali dahil sa sunog. Maiinit na rin sa balat dahil sa malapitan na apoy. Binilisan ko ang pag-akyat habang aware ako sa paligid para hindi ako mabagsakan.

"Thyn!"sigaw ko habang napapa-ubo.

"Kuya!"sa isang silid nanggagaling ang boses. Binuksan ko ang silid at nakita ko sila sa kabilang bahagi ng kwarto. Butas na ang sahig na kwarto kaya't hindi ko sila malapitan.

"Kuya tulungan mo kami!"umiiyak na sigaw sa akin ng kapatid ko habang nakayakap sa kanya si Kiara na walang tigil sa kakaiyak.

"Okay diyan lang kayo huwag kayong gagalaw!"sigaw ko sa kanila. Pinunas ako ang pawis sa noo ko dahil sa init. Kung magtatagal pa kami dito'y malilibing kaming tatlo ng buhay at ayaw ko iyong mangyari. Dahan dahan akong naglakad palapit sa bintana.

"Kuya mag-ingat ka!"I gave my sister a smile assuring her that I will be okay. Nakita kong may parte pa ng sahig na pwedeng daanan malapit sa bintana na kumukonekta sa kabilang bahagi kung nasaan sila.

"Thyn! Kiara! Dito!"sigaw ko at dahan dahan naman silang naglakad papalapit sa may bintana.

"Mag-ingat kayo sa paghakbang!"babala ko sa kanila. Bitak-bitak na rin ang sahig na tinatapakan namin kaya't dapat kaming mag-ingat.

"Okay ganito makinig kayo, dumaan kayo dito!"sigaw ko habang tinuturo ang katapat na pwede nilang daanan.
Naunang naglakad si Kiara habang nanginginig ang mga paa nito.

"It's okay Kiara, kumalma ka lang, dahan-dahan,"sabi ko sa kanya. Kung hindi titigil ang pagnginig nito'y maari siyang mahulog.

"Dahan-dahan lang Kiara."iniabot ko ang kamay ko uoang abutin ang mga kamay niya at inalalayan papunta sa akin. Bigla na lamang siyang yumakap sa akin.

"Salamat Theo! Salamat!"umiiyak na sabi nito sa akin. Hinagod ko naman ang likod nito.

"Sssh! Ayos na."pampatahan ko. Humiwalay siya sa pagkayakap sa akin at humarap kami kay Thyn.

"Okay Thyn dahan-dahan lang,"tumango naman siya at maingat na naglakad.

*crack

Napatigil siya sa paglalakad ng marinig namin ang tunog na iyon. Oh crap!

"Thyn stand still, just stay there,"sabi ko sa kanya.

"Kuya..."umiiyak nitong usal sa pangalan ko. I can't bear seeing her like this.

"Okay move slowly Thyn, slowly,"pinunas ko ang mga pawis ko dahil sa init. Ramdam ko din na lumakas na ang apoy at ano mong oras ay pwede ng gumuho ang gusali.
Thyn walked slowly as what I said.

*crack

Kagat labi siyang naglakad pinipigilan ang boses na pwedeng kumawala sa bunganga niya. Bawat hakbang na ginagawa nito'y siyang pagsunod naman sa kanya ng mga bitak na isang maling galaw niya lang ay pwede siyang mahulog. Kaya mo 'yan Thyn!

I extended my hand slowly reaching her hand. Nang maabot ko ito'y hinila ko na siya palapit sa akin kasabay ng pagguho ng tinatapakan niya.

"Kuya..."she uttered between her sobs.

"You're fine now baby."sabi ko sa kanya.

"Tara na malapit ng binigay itong gusali!"sabi ko sa kanila kaya't agad kaming nagmadaling bumaba. Pagkarating namin sa hagdan ay kalahati na lang ang natira dito kaya't kailangan namin sumandal sa pader pababa. Pinauna ko na sila at ako ang nasa hulian. Dahan-dahan ang bawat paglakad namin pababa sa hagdan hanggang sa makababa kami. Marami ng nagkalat na kahoy at iba pang parte ng gusali sa dinadaan namin. Malapit na sa labasan sila Thyn ng biglang bumigay ang katapat kong pader. Pilit akong umilag ngunit natabunan parin ang mga paa ko.

"Ahhh!"sigaw ko dahil sa sakit ng pagkadagan. Mukhang nabali ata iyong mga paa ko dahil sa sakit. Mariin ko na lang pinikit ang mga mata ko kasabay ng mga pawis kong bumabagsak at mabigat na paghinga.

"Kuya!"sigaw ni Thyn sa akin. Kita ko ang sobrang pag-aalala sa mukha't mga mata niya. Mabigat man ang paghinga at masakit man ang nararamdaman ko'y binigyan ko pa rin siya ng matamis na ngiti.
I mouthed 'ayos lang ako' pero alam kong hindi siya naniniwala.

Bumagsak muli ang pader sa pagitan namin kaya't wala na silang madaanan pabalik sa akin.

"Theo!"

"Kuya!"

Sigaw nilang pareho pero umiling na lang ako sa kanila.

"Lumabas na kayo! Malapit ng bumigay itong gusali!"pilit ko sigaw sa kanila. I can't feel my feet anymore buy the painful feeling is there. Is very painful.

"Hindi ka namin iiwan Theo!"umiiyak na sigaw ni Kiara habang tinatanggal ang mga nag-aapoy na kahoy at mga batong nakasara sa pagitan namin.

"I came here to save the both of you! And not to die together!"sigaw ko sa kanila na nakapagpatigil sa ginagawa nila. Patuloy pa rin sila sa pag-iyak habang nakatingin sa akin.

"Please Kiara, Thyn lumabas na kayo, don't waste my sacrifice to save the both of you. Please."pinipigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko para ipakitang okay lang ako.

"Pero Kuya!"I stopped her.

"Please Izzy leave iligtas niyo na ang sarili niyo!"labag man sa loob nila'y tinalikuran nila ako. I sighed in relief when I saw them walked away. Muling lumingon sa akin si Thyn.

"Please Kuya live! Hihingi kami ng tulong!"walang tigil sa pag-iyak si Thyn. I smiled at het.

"I will!"hirap kong sigaw. Gusto ko mang mabuhay pero kung tadhana ko ay mamatay, hindi ko na iyon matatakasan.

Masaya ako na kahit ito na ang huling araw ko, nailigtas ko naman sila lalong lalo na ang kapatid ko. I will miss her sweet side, her cheerful smile and her childish attitude.
I will miss my tropa, sayang lang at hindi ako nakapagpa-alam sa kanila. Hindi ko naman kasi ina-akala na sa ganitong paraan ako mamatay.

I smiled bitterly while still enduring the pain I'm feeling right now. Pipikit na sana ako when the fire infront of me is forming into something.

"Ganito ba kapag mamamatay na? Nagha-hallucinate?"natatawa kong sabi. Nababaliw na yata ako pero at least mamamatay akong masaya.

"You're not hallucinating bastard."nababaliw na talaga ako, naririnig ko na pati boses ng apoy.

"I'm getting crazy."usal ko na lang sa sarili ko then suddenly the fire envelopes my whole body without even feeling hotness or pain or even burn which is very strange for me.

"Sleep for now my inheritor..."

At bigla na lang nagdilim ang lahat.

*****

Thyn's POV

Kitang kita ko kung paano gumuho ang gusaling kinalalagyan ng kapatid pagkalabas namin.

"Kuya!"humahagulgol kong sabi at napabagsak sa lupa. Si kuya! Lumapit naman sa amin sila Ayesha at agad akong yumakap sa kanya.

"A-Ayesha s-si k-kuya..."mahigpit ko siyang niyakap at patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay.

"Shhh! Tahan na Thyn."pang-aalo sa akin ni Ayesha. Ramdam ko din na yumakap sa amin sila Kiara at Thea na mas lalong napagpa-iyak sa akin.

Wala na iyong kuyang aasarin ako, wala na iyong kuyang pipikunin ako. Wala ng mag-aadvice na kuya sa akin, wala na ang protective kong kuya.

Hindi ko alam kung kailan mauubos ang luha ko dahil sa kakaiyak. Ang gusto ko lang sa ngayon ay umiyak ng umiyak wala ng iba.

"Kung sana lang hindi ako sumukong balikan siya sana buhay pa siya ngayon!"sisi ko sa sarili dahil kasalanan mo naman talaga!

"Huwag mong sisihin ang sarili mo Thyn,"malumanay sa sabi sa akin ni Ayesha.

"Paano Ayesha? Hindi ko mapigilan!"napa-upo na lang ako sa lupa at niyakap ang sarili.

"Kasalanan ko rin naman,"rinig kong usal ni Kiara pero umiling ako.

"Kung sana hindi kita niyayang pumunta dito sana hindi ito nangyari!"sabi ko sa kanya. Kung sana lang hindi ko hinayaan iyong kyuryusidad sana hindi nangyari ito.

"Look!"I heard Zike exclaimed, kaya napa-angat kami ako ng tingin. My eyes might get out from where they on what we saw.


To be continued...

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro