Acrofyce 19:Necromancer

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Zike's PoV

"Anong pag-uusapan natin?"takang tanong ni Kiara sa amin at nagkibit balikat lang ang iba bukod kay Ayesha na alam kong alam naman niya kung ano.

"Don't tell me alam mo na din ang ability mo?"sabi naman ni Theo. Nakatingin lamang sila sa akin ay naghihintay ng kasagutan.

"Sabihin mo na baka pumutok sila sa inip."tumango ako ng bahagya kay Ayesha.

"Nag-uusap ba kayo sa isip niyo?"kunot noong tanong ni Kiara sa amin ni Ayesha.

"Sinabi ko lang na sabihin na niya baka kasi mainis kayo sa inip."natatawang sabi ni Ayesha sa kanila.

"Malapit na Ayesha, malapit na malapit na!"pagtugon naman ni Thyn at tumingin muli sa akin.

"So did you already find out what's your ability?"pang-uulit ni Thea sa tanong niya. I cleared my throat befire speaking. I never expect na ganito pala ang feeling, para akong nililitis ng mga mata nila.

"Yes alam ko na,"ngunit hindi pa doon nagtatapos ang mga tanong nila. As what I expected sa kanila, they will dig and dig until there's nothing more to dig.

"Kailan mo pa nalaman?"tanong naman ni Brent.

"Well to be honest matagal na,"napalaki naman ang mga mata nila.

"And you did not manage to tell us!?'exaggerated na sabi ni Kiara.

"Let me finish first before you react,"I said na ikinatahimik niya at nag peace sign na lang.

"Iyong araw na hinabol tayo ng mga razzak, do you remember when Ayesha said that we must go on the Acro Fountain?"I asked them and they all nodded.

"A girl appeared back then and taught me where it is,"halos lumusot na ang mata nila dahil sa gulat.

"The hell pre! Wala naman tayong kasamang babae noon bukod sa mga ito,"turo ni Brent sa mga babaeng kasama namin sa loob.

"Oo nga!"sabi naman ni Thyn.

"Well I saw her, plus the girl I saw when we're on our house, I literally saw her but all I know is it's just hallucinations,"I stopped and look at them.

"But all of it are true."I said in a serious manner.

"Waaa! Huwag ka ngang manakot Zike!"sabi ni Thyn saka yumakap aa braso ni Ayesha.

"That's why I don't bother to tell you because I know you get scared,"sabi ko sa kanila.

"Halos pareho lang kami ni Thyn, there's a man who is pestering our day hanggang sa tanggapin namin ang blessing na sinasabi nila,"tila nagulat naman si Thyn dahil doon at ang iba ay tahimik lang.

"He told me that my ability is Necromancy and I am a necromancer,"kumunot naman ang noo nila dahil doon.

"At ano naman iyan?"tanong ni Kiara.

"Gusto niyo pa bang malaman kung ano?"I plastered a grin to make them scared.

"Stop making that grin or I will hang you up!"gigil na sabi ni Kiara sa akin kaya napailing ako.

"Spill it! Ngayon pa ba kami aatras."si Theo naman ang nagsalita kaya't tumango ako sa kanila.

"What will I say is a little bit creepy, just a little bit,"ani ko sa kanila.

"Alam mo Zike? Kanina ka pa salita ng salita,"magkasalubong ang kilay na saad ni Thea.

"Ang daldal mo ngayon pre, nakakapanibago. Hahaha!"tawa ni Brent kaya napasama naman ang iba sa kanila. I just gave them a warning look.

"Oo na oo na titigil na kami, sabihin mo na kasi ang dami mo pang sinasabi e! Hindi kami sanay,"saad naman ni Thyn. I let out a deep breath before speaking.

"Necromancy is the ability to see and to communicate with spirits that is already passed away. The holder can see, talk with them and can command them. The holder of the ability can use the spirits and form them into any weapon that the holder wanted to create and that is called the Soul Forging . The holder can also steal the soul of any living things and can also turn it back, which they call the Soul Stealing and lastly the most dangerous ability that a necromancer has is the Revival, it is the act of bringing the dead into life but it's not that easy, in order to do it one life must gone to bring back the dead. It is a life to life situation, one must die and one will live. All of it is a Necromancer's ability but there are limits and only one thing can be done if you've go further from your it and it is death."I can't see any reaction from them, not until Thea and Kiara shouted.

"That's insane!"sigaw ni Thea kaya napatakip kami ng tainga.

"Little bit creepy!? Iyan ba ang little bit creepy na sinasabi mo ha Zike!?"segunda naman ni Thyn.

"Your ability is so freaking creepy men!"sabi pa ni Brent.

"See? I warned you,"sabi ko at ngumisi.

"That means you can see ghost?"sabi pa ni Kiara and I nooded.

"Nakakatakot naman 'yang ability mo, hindi ko alam ang gagawin ko kung sa akin napunta iyan,"natatakot na sabi ni Thyn. Pati pala sila takot sa multo akala ko kasi si Ayesha lang.

"Yes I really hate freaking ghost Zike! I really do!"

Nag-echo ang boses ni Ayesha sa isip ko at noong tinignan ko siya ay masama siyang nakatingin sa akin.

"I even saw Zara the day we gave her a honor of solemnity,"that stunned Theo. Doon kasi nagsimulang magpakita sa akin si Necro kaya hindi ko iyon makakalimutan, sino ba namang hindi magugulat kung bubulaga sayo ang kagaya niya out of nowhere.

"S-si Zara nakita mo?"nauutal na tanong sa akin ni Theo at tinanguan ko naman siya. Bakit ba nagkakanda-utal 'tong lalaking ito.

"Bakit ka nauutal kuya?"kasabay ng mapanuksong tingin.

"N-no I'm not."iwas tinging sabi nito sa amin. Pero natawa kami dahil sa pagpula ng tainga nito.

"Eh bakit namumula 'yang tainga mo?"banat pa ni Brent kaya mas humaglpak kami.

"Sige hindi kita hahayaang ligawan si Izzy."banta nito kay Brent na nakapagpatahimik sa kanya.

"Kuya!"sigaw ni Thyn kay Theo at pinagpapalo ito.

"Aray ko naman! Aray!"sabi nito sabay sangga sa mga palo nito.

"Hindi mo naman kailangang sabihin pa 'yon eh!"maktol nito na ikinatawa namin. Napaghahalataan na sila.

"Napaghahalataan na kayo alam niyo ba?"sabi naman ni Ayesha at sinamaan naman siya ng tingin ni Thyn.

"Pati ba naman ikaw Ayesha? Akala ko ba kakampi kita?"nanghihinayang na saad nito.

"E sa may nahahalata kami e!"sabi naman niya.

"Bakit natahimik kayong dalawa, totoo siguro ano?"tukso ko pa sa kanila.

"Tumigil ka nga Zike! Bakit ang daldal mo ngayon ha!? Bakit hindi ka na tahimik!?"sunod sunod sa tanong nito sa akin at hindi ko na lamang pinansin. Hindi ko din alam bakit ang daldal ko ngayon.

"Brent huminga ka naman,"tapik ni Theo sa balikat nito.

"Gago! Humihinga pa ako!"kutos naman niya kay Theo.

"Huwag kang mag-alala hindi ko tutuparin iyong sinabi ko,"tatawa-tawang sabi nito sa kanya.

"Kuya isa pa talaga!"sigaw sa kanya ni Thyn. Napahalpak naman ang mga kasama namin sa tawa. Hanggang pumasok sa isipan ko iyong sinabi sa akin ni Zara sa hallways iyong araw na nanggaling kami sa house nila.

"Wait I have to tell something,"napatahimik sila sa pagtatawanan dahil sa sinabi ko.

"Huwag mong sabihin na tungkol na naman sa ability mo 'yan Zike, please lang kimkimin mo na lang,"usal ni Thea sa akin. Pinanguhanan agad ako? Tsk!

"It's not about my ability,"kita ko naman na parang nahihiwagahan sila sa sinabi ko.

"It's all about the Acro Bloody War,"tila nagulumihan naman sila sa sinabi ko.

"Ano naman iyon?"takang tanong ni Brent.

"Acro Blood War is the the past war that happened a decade from now, that lost lot of lives and the biggest war happens in the Acro's history. It was headed by the seven Gods and Goddesses of Acro who prevent Laganor from ruling and to reign here in the world of Acro,"napamaang kami dahil sa sinabi ni Thea. That is exactly what Zara said to me and how come she knew it all.

"Woaaah!"gulat naming usal.

"I didn't know you have a mind like that Thea,"usal ni Theo at sinamaan naman ito ng tingin ni Thea.

"Wala ka kasing utak."sabi nitong ikinasimangot ni Theo.

"How did you know it all?"I said out of disbelief.

"Uso kasing pumasok sa library,"irap nitong sabi sa amin.

"Nagkataon lamang na alam ko dahil nabasa ko lang iyon sa isang libro kaya alam ko,"dagdag pa niya.

"Alam din ba Ayesha?"tanong ni Thyn at tumango naman siya.

"What would you expect she's a telepath after all, bago pa natin sabihin alam na niya,"sabi naman ni Brent.

"Yes Brent I know all, as in ALL,"pagdidiin nito.

"Don't you ever tell them Ayesha, I'm warning you!"banta nito sa kanya na ikinatawa naman ni Ayesha.

"Hoy! Thyn bakit ka namumula? Ayos ka lang?"napabaling kami kay Thyn at tama si Kiara namumula nga uto.

"A-ayos lang a-ako,"utal na sabi nito sa amin pero hindi kami naniniwala hanggang sa biglaang humagalpak si Ayesha sa tawa.

"Hoy! Ano bang nangyayari?!"sigaw ni Thea.

"Nakakatuwa lang kasi silang dalawa, ng ingay nila sa isip ko!"sabi nito sabay tumawa na naman.

"Share niyo naman! Napakadaya niyo!"maktol pa ni Kiara.

"Please Ayesha huwag mong sasabihin!"rinig kong paki-usap ni Thyn.

"Bakit mo pa kasi ililihim!"boses ni Brent.

"Tumahimik kang mokong ka! Bakit kasi ang ingay ng isip mo!"boses naman ni Thyn iyon.

"Ayaw mo bang malaman nila na gusto mo ako?"kasabay ng tawa ni Brent taliwas sa kunot noo nitong hitsura ngyon.

"Bakit gusto mo rin naman ko ha!"banat naman ni Thyn. Napasinghap kaming lahat dahilan para mabasag ang katahimikang bumabalot sa amin.

"Hoy! Ayesha! Anong ganap sa mga kasama natin bakit parang natulala sila at tumahimik?"rinig kong sabi ni Thyn.

"Don't tell me--"biglang sumingit si Ayesha.

"They're hearing our conversation. Hahaha!"

Pagkatapos sabihin iyon ni Ayesha ay nagsihagalpakan kami ng tawa.

"Huwag nga kayong tumawa! Ano ba ang nakakatawa ha!?"gigil na sigaw ni Thyn sa amin.

"Don't lie to us Thyn,"sabi ni Thea at humagalpak naman.

"Hindi ko alam may namamagitan na pala sa inyo ng kapatid ko,"rinig naming sabi ni Theo.

"Shut up kuya!"si Thyn ang sumagot.

"Ang sama mo Ayesha!"sabi pa nito kay Ayesha kaya mas lalo kaming napatawa.

"Hindi naman kami against sa inyo e, kaya walang problema,"ani pa ni Theo na ikinaliwanag naman ng mukha ni Brent.

"Are you happy Brent?"I asked him at umismid naman ito.

"Siyempre oo!"biglang sabi nito.

"Tumahimik ka nga lalaki!"sigaw nito kay Brent.

"Bakit ako tatahimik ngayon pa ba na handa na akong ipsgsigawan ka?"pagmamalaking sabi naman niya.

"Kahit na basta tumahik ka nga nakakarindi 'yang boses mo!"sabi nito at namula. Thyn is too obvious.

"If you're not going to stop I will make your lips crashed toward each other, try me!"banta ni Thea sa kanila.

"Titigil na ako huwag mo lang ipahalik sa akin 'yang lalaking 'yan Thea!"pagmamaka-awa ni Thyn.

"Kahit naman hindi ko na kami paghalikin Thea kusa naman akong susunod e! Hahaha!"napasabay naman a tawa ni Brent.

"Aray ko!"angal nito sa batok ni Thyn.

"Ang bastos ng bunganga mo!"dahilan para patuloy kami sa pagtawa. Tumigil muna kami ng kaunti para lumanghap ng hangin dahil parang naubusan kami sa katatawa.

"Okay tama na balik tayo kay Zara ano pa ang sinabi niya sayo Zike?"bumuntong hininga ang lahat at nagsitahimik.

"Actually sa panaginip ko na siya nakita that time but she said that when she's on her mission, she faced the person who killed Misto's colleagues back then,"nagulantang naman sila dahil sa sinabi ko.

"Sila kuya?"nanglaki ng matang tanong ni Kiara.

"Yes it's a man wearing a black cloak, ang kwento sa akin ni Zara ay hindi pa daw iyon ang pinakamalakas kundi may mas mataas pa sa lalaking iyon,"kumbaga sa chess it's only the rook or even just a pawn. Kung ganoon kalakas ang lalaking iyon, siguradong mas malakas pa ang nasa itaas niya. Nakita kong biglang umiling si Ayesha.

"Did you see something Ayesha?"pero umiling ito sa amin.

"There's something blocking my mind from seeing his face,"usal nito sa amin.

"Ano ba kasing misyon iyon?"bakas sa boses ni Kiara ang kyuryusidad.

"Hindi ko alam pero sabi sa akin ni Zara may darating at malapit na sila,"kumunot ang noo nila dahil sa sinabi ko.

"At sino naman kaya?"tanong naman ni Thyn.

"I don't even know but do you think there's a connection in the last Acro Blood War? Ayesha?"she place her hand on his chin as if she's thinking.

"There's a chance at hula ko'y isa ang lalaking nakalaban ni Zara,"napatango naman ko. I knew it.

"So bakit pa siya o sila nagbalik dito kung galing sila sa nakaraan? Is there anyone like me on their group?"sabi ni Thyn. Tama si Thyn maaring may kasama silang kagaya ng ability niyo but...

"Pero may hangganan ang paggamit ng ability na meron ka diba?"tanong ko sa kanya and she nodded.

"Oo pero gaya ng sinabi ko if ever nag-exceed ang isang kagaya ko sa paggamit nito, he will stock on the other dimension or hindi na siya tatanda,"nagtinginan kaming lahat.

"That's it!"sabay sabay naming sabi.

"Maaring may isa sa kanila ang umabuso kaya sila nagbalik right?"sabi ni Brent at tumango kami.

"The only question is who they are."Ayesha said. It is a big mystery for us.

"We're like a detectives, investigating a certain case,"I said.

"Then I would like to be one of the Mythical Detectives,"proud na sabi ni Thea.

"Mythical Class hurry up come over here!"

Nagtinginan kaming lahat.

"Don't tell me that is the weird headmaster of this academy?"sabi ni Thea and we all nodded. Then suddenly parang may kung anong malakas na presensiyang tila tumagos sa katawan ko.

"Did you feel that?"tumango naman sila sa akin.

"My senses are telling me na may masamang mangyayari,"agad na sabi ni Ayesha.

"The wind is the telling me the same,"usal naman ni Brent sa amin.

"Mythical class hurry!"

I imagined the crumpled face of the headmaster now.

"We need to go, high blood na si tanda!"upon hearing that from Theo we are dash towards the headmaster's office. Wala kaming pasabing pumasok sa loob.

"You need to go! They're are here and I know you can defeat them,"we all frowned at him.

"Pero wala pa kaming training and besides wala pang ability si Thea!"sabi Thyn but she's right hindi pa kaya ni Thea kung wala siyang ability.

"I know that kids but she will know it later now go!"taboy niya sa amin at wala na kaming nagawa kundi ang lumabas. Kita ko ang takot sa mukha ni Thea pero hindi ito nagpahalata.

"Just stay beside me Thea,"we heard Theo said.

"So cheesy."Thyn said in a mocking tone.

"Pati ikaw babae huwag kang lalayo sa akin!"sigaw ni Brent kay Thyn.

"Huwag muna kayong maglandian pwede?"sabi naman ni Kiara sa kanila. Nakarating kami sa ground ng Academy at nagkakagulo ang lahat. We saw lot of people in black cloak pero alam naming hindi sila tao.

Out of the sudden lot of water blades dash toward us but Theos's instinct manage to protect us by making a fire shield dahilan para malusaw ang mga blades na iyon. Nagsimula ng umatake ang mga ito sa amin. Brent made a wind spears while Theo made lot of fire balls pero hindi pa rin naging sapat iyon. Napatingin kami kay Thyn ng makita naming nagsitigil ang mga kalaban namin.

"That is a great help!"Kiara exclaimed pero hindi namin inaasana ang pagtama sa kanya ng isang lightning ball.

"Kiara!"kita naming bumagsak siya sa di kalayuan dahil sa impact ng pagtama nito.



To be continued...

****

Join your MYTHICAL CLASS in their journey!!!

Thanks for reading Acros!!!

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro