Acrofyce 26: Section M

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Thyn's PoV

Maaliwalas kaming pumasok ngayong umaga. Sino ba naman ang hindi diba,  kung nawalan ng mabigat na pasanin. Ang saya lang kasi nagkaayos na ang lahat kahapon. They're are so good to be with but not as good as my very best friends. Sinalubong na naman kami ng mga sigawan at bulungan, pagkatapak namin sa hallways ng lower class.

"Waaaa! The Section M!"

"Ang pogi niyo! My goshhh!"

"Pre! Ang ganda talaga ni Ayesha no?"

"Pati rin si Thyn at Kiara Dre!"

"Huwag niyong kalimutan si Thea!"

"Goshhh why so pogi!"

Noong mga unang araw na naglalakad kaming magkakasama'y lukot ang mga mukha namin dahil sa sigawan nila. We really hate attention specially Ayesha, even though naging student's body president siya sa normal school ay talagang ayaw niya ng attention.  Pero sa mga nagdaang araw, hindi pa rin sila nagbabago at parang naging parte na ng daily routine namin ang mga ginagawa nila.

"We're use to it right?"Zike suddenly uttered out of nowhere. I heard Kiara sighed.

"Yeah, we have no choice than to be use to it."she rolled her eyes.

"Ayaw ko pa rin ng atensyon."Ayesha pouted her lips, while her brows knitted. We slightly laughed in unison.

"Masanay ka na dahil parte na 'yon ng pagiging Section M mo,"bigkas naman ni Theo. Napabuga na lang ng hangin si Ayesha. Tinawanan lang siya ni Thea. Napatingin ako kay Brent dahil hindi ito nagsasalita. Nakakapanibago lang dahil hindi niya ako inaasar.

"Hoy lalaki! Ayos ka lang?"napatingin naman ito sa akin saka ngumiti.

"Concern ka sa akin?"ngumiti ito ng maloko. Umirap ako sa kanya na ikinatawa naman nito.

"As if naman!"hindi ko alam kung bakit ko ba nagustuhan 'yang lalaking 'yan. Nakakainis naman siya saka sira-ulo, kaya hindi ko talaga alam.

"Unatin mo nga 'yang kilay mo, pumapangit ka e!"sunundan niya ito ng tawa.

"Huwag ka nga kasing bumabanat Brent. Lalo lang maiinis sayo si Thyn, asarin mo na lang kaya?"pinaningkitan ko ng mata si Kuya. Pati ba naman siya?

"Tumigil ka rin kuya pwede?"bumaling ako ng tingin kay Thea.

"Thea huwag mong papansinin si kuya okay?"nanlaki naman ang mata nito. Natawa naman ang iba dahil doon, pero hindi kasama si kuya.

"Bakit naman ako nasali?"nginitian ko siya bago humawak sa kamay nito.

"Basta!"sabi ko saka umirap sa dalawang tukmol. Nagpatuloy lamang kami sa pag-uusap at hindi pinapansin ang paligid hanggang sa makarating kami sa room. Papalapit pa lang kami sa pintuan ay rinig na namin ang ingay nila sa loob. Nakarating kami sa pintuan at halos malaglag ang panga namin sa kaganapan.

"Hoy! Calper tanggalin mo nga itong yelo! Ang lamig na kaya!"boses iyon ni Shaia habang nanginginig at yakap ang sarili. Tinatawanan lang naman siya ni Calper. Mayroon kasing nabuong yelo sa kinatatapakang sahig ni Shaia kasama pa ang dalawa naming classmates.

"Hahahaha! That is so cool Brina!"napabaling kami sa likod na bahagi ng silid at nakita naming nagtatawanan sila Brina. Nagsasayawan naman sila Gear at Minx na parang ewan habang umiilaw ang mga mata ni Brina. 'Illusion' sabi ko sa isip ko.

Nadagdagan pa ang gulat namin ng wala kaming makitang gamit sa loob ng classroom. Like duh? Saan nagpunta iyong mga gamit?

"I never thought na ganito sila kagulo,"tanging usal ni Zike habang nakatingin sa mga kaganapan sa loob.

"Mas magulo pa ata sila sa atin e."usal naman ni Thea na bagsak balikat. Humarap sa amin si Ayesha kaya napatingin kami.

"And now that we're here, mas magiging magulo pa for sure."hindi namin iyon itatanggi. Ang alam ko napaka tino nila dahil nasa higher section sila but I was wrong. Mas magulo pala sila than the lower sections!

"Oh! Nandito na pala kayo!"napatingin ang lahat sa gawi namin. Nawala ang yelo sa paanan nila Shaia at natigil naman ang pagsasayawan nila Gear at Minx. Natawa naman kami dahil nagsitigil ang lahat at nanatili lang na nakatingin sa amin.

"Did you use your ability?"siko sa akin ni Kiara.

"Of course not!"pabulong ko namang sabi. Ang weird nila.

"Tatayo lang ba kayo o papasok?"nakangiting sabi sa amin ni Brina. Dati ang sungit lang niya pero ngayon hindi naman na. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Nagsilakad naman kami papasok.

"Ituloy!"sigaw ni Calper at naging maingay na naman sila. May naghahabulan mula sa isang sulok ng kwarto hanggang sa iba pang sulok. Natatangay na lang ang buhok ko dahil sa pagdaan nila sa harapan ko. For sure si Jim at Jin ang mga iyon. Sila lang naman 'yong may enhance speed dito e. Sa isang corner naman ay naka-upo lang si Vare at nilalaro sa kamay ang mga bolang gawa sa kuryente. He's a lightning manipulator. Katabi nito si Zoie habang nilalaro ang mga laser shiruken sa kamay din niya.

"Ang gulo ng room,"bulong ni Kuya sa amin.

"Kung sa normal school lang tayo siguro nakatunganga na tayo ngayon sa detention room."natawa kami kay Zike. Totoo naman kasi e, lalo kung nahuli kayo ng pinaka terror na guro. Mapapamura ka na lang talaga kapag. Hahaha!

"Settle down!"sa isang iglap nagsitigil ang lahat. Napadako ang tingin namin sa pinto. From there, we saw a man wearing a glass, a tan skin, masculine body and soft feastures. I think he's in the mid 40's.

"Ikaw pala Prof! Buti pumasok ka pa!"sigaw ni Brina. Naglakad naman 'yong professor sa harapan.

"Of course I will. Lalo pa at mas masahol pa kayo sa mga lower section, katulad na lang ngayon."inayos nito ang salamin. Hindi ko alam but I feel intimidated by his presence. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito knowing na wala pa siyang ginagawa at prenteng nakatayo lang.

"Prof! Pagalitan mo nga!"magkasalubong ang kilay ni Shaia. Tinawanan naman siya ni Calper.

"Magsusumbong ka e alam mo namang nasanay na si Prof. Hahaha!"bakas ang inis sa mukha ni Shaia. Pati na rin ang mg iba pa ay sumunod na sa kakatawa. Professor's eyes suddenly darted on us. We all shocked by that, because we didn't expect it either. Akala nga namin hindi kami nag-eexist dito e.

"So we have a new members of the family,"he grinned creepily. He tilted his head while slightly pulling his eyes glass downwards. Base on his expressions, he seems examing the seven of us. Para kaming isang nakakahangang specimen na kailangang suriin ng maigi para sa isang experiment.

"He looks like a psycho scientist examining a weird invention of him."bulong ni Zike na ikinatawa namin ng bahagya. Bumalik sa dating tindig 'yong Prof na nakatingin pa rin sa amin.

"Welcome!"his face lit up.

"Noong nakaraan pa sila Prof, absent ka kasi ng absent e."sabi sa kanya ni Vien. Really? They're talking to our Prof like a he's not professor? Kung sa normal school lang ito sasabihin na sayong wala kang galang.

"Oh! Shut up Vien, just put down the chairs, tables and everything inside this room now. We'll start our class."ano daw? Ibaba lahat ng gamit? Tumingin ako sa kanila ang they all looking upward. I took a glance of it and my jaw literally dropped.

"Gosh!"I mouthed loudly. Napatakip na lang ako sa bunganga ko. Rinig ko naman ang tawanan nila. Sino ba naman ang hindi magugulat kung lahat ng mga gamit ay nakadikit na sa ceiling ng silid namin diba? Like goodness! Mukhang hindi pa ako nasasanay.

"Naniniwala na ako sa mahika at abilidad and that is beacuse we have one. Pero hindi ko naman inaasahan 'yung mga abilities na nakikita ko,"sabi ni Kiara.

"Masyado yata tayong nasanay sa ability ng bawat isa. Kaya ngayon para tayong mga ignorante."dagdag pa ni kuya. Tama siya, nagmumukha talaga kaming mga ignorante.

"Brina stopped that two from dancing it's kinda irritating me."napuno ng masigabong tawanan ang buong silid namin. Maging kami ay napatawa na rin dahil sa sinabi nito. Brina lowered her hand while laughing so hard, leaving Gear and Minx hugging each other. They immediately separated when they realized their position causing us to laugh again while they are red as newly harvest tomatoes.

"Okay contain your laughs and settle down,"pagkatapos maibaba ni Vare lahat ay nagsi-upuan na sila. Naglakad na rin kami papunta sa likod not until the Professor spoke.

"Not to fast gentlemen and ladies, you should formally introduce yourselves besides it's out first time to meet."both corners of his lips quirked up.

"Sige na!"

"Oo nga!"

"Bilis! May regla si Prof baka magalit!"

Napapailing naman kaming naglakad paharap. Ang gugulo pala talaga nila.
Humilera kami sa harap at nagalakad naman si Prof sa tabi ng bintana habang nakahalukipkip na nakaharap sa amin.

"I'am Ayesha Ziel Laicon, a Mythical Telsen,"pangunguna ni Ayesha. Dapat lang siya ang mauna dahil siya 'yong leader and we're just her followers. Ano daw? Hahaha!

"Kasing ganda mo pala 'yong pangalan mo akalain mo 'yon?"sumama naman ang timpla ng mukha ni Yesha kasabay ng pagtingin nito kay Vien, na sinabayan pa nilang lahat ng tawa. I never thought may side na ganyan si Vien, tahimik lang kasi siya noong mga nakaraan but then noong mga sumunod na araw nag-iba. He's an ambivert, I think? Never mind. Napalingon ako sa tabi ko ng may sumiko sa akin. I saw Brent's crumpled face.

"Don't stare to him, just stare at me."his face got serious. I just rolled my eyes away from him.

"Sira!"sabay bundol sa kanya. Parang baliw, tinignan ko lang naman si Vien dahil nagsalita siya.

"Ipapatangay ko siya sa ipo-ipo kung aagawin ka niya."nanlaki ang mata kong bumaling ulit sa kanya. Hindi ko alam kung namumula na ba ako o kung ano.

"Magtigil ka nga Brent!"mahina kong sabi saka mabilis na umiwas ng tingin. I feel my face getting hot. Gosh! Namumula ba ako? No way!

Bigala namang may bumulusok na dagger papunta kay Ayesha. I just saw it beacuse of my ability. Papatigilin ko na sana ang oras when he just catched it flawlessly. Nagulat naman kami dahil doon.

"Whoaa!"manghang usal naman ng mga tao sa loob.

"Impressive!"pumapalakpak at manghang ring sabi ni Prof. Parang wala lang kay Ayesha 'yong nagyari, pero sa amin hindi. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga kasama ko.

"You're literally a Mythical Telsen, proceed!"bumuntong hingi si Kiara.
Mamaya may gawin na naman siyang iba pagkatapos ni Kiara.

"Kiara Searl Zalta is the name, and I'am a Mythical Mind Demetrication user."sunod namang sabi ni Kiara. Naghihintay kami kung may dagger na namang bubulusok o anything pero wala.

"I'am Thea Linx Shin and I do have a Mythical Supporting Magic,"nakangiting sabi nito. Sa pangalawang pagkakataon nakita ko ang pagbulusok ng isang laser shiruken galing kay Zoie, papunta kay Yuca na naka-upo malapit sa pintuan. She's a Class SSS+ Healer, I know malakas ang reflexes nito pero hindi naging sapat iyon para maiwasan niya ang dagger. Hindi ko lang alam bakit ginawa iyon ni Zoie.

"Shit!"sigaw nito ng dumaplis sa wrist nito ang dagger saka naglaho. Napatingin ang lahat sa kanya. Umaagaos ang dugo sa kamay nito.

"She's a healer so no worries, but I want to see how Thea manage to cure it,"inayos nito ang salamin saka bahagyang ngumiti. Ang creepy ng lalaking ito, for real. Kapareho niya si HM. Thea lifted her hand and focused it on Yuca's wrist. Her hands glowed and a small magic circle appeared on Yuca's wound. In just a snap it's already cured.

"T-that is awesome!"Yuca stuttered with excitement.

"I cured wounds pero hindi agad natatanggal ang pilat. It takes half day for it to disappear and I'm impressed buy what you just did!"her face is full of amazement. She will learn lot about healing if she'll make Thea teach her.

"Excellent! Now proceed!"tila ginaganahang sambit ni Prof. Matatapos siguro ang kalahating  araw na puro pakilala lang.

"Hoy! Ikaw na!"pagsiko sa akin ni Thea. Then I saw them smiling while waiting for me to speak.

"Uhmm... Thyn Izzy Visca and I can control time, in short I'am a Mythical Acronotorsion user."tila namangha naman sila dahil sa sinabi ko. Ganyan din ang reaksiyon nila Zike noong umamin ako sa kanila.

"That is so cool!"Vare excalimed.

"Then you can change the past?"pagtatanong ni Shaia sa akin.

"Yes I can but it does have a great consequences."I fake a smile. As if naman babaguhin ko ang past, kung ano man ang nagyayari ngayon at mangyayari pa, ay nakatadhana na iyong mangyari and I don't have a right to change what is already done.

"I'm Brent, a Wind Manipulator."diretsong sabi ni Brent. Wala na siyang sinabi pang iba, iyon lang.

"Bakit ang tipid mo naman dre!"sigaw ni Gear.

"Pinag-iipunan ko kasi kasal namin ni Thyn."literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Taas baba naman ang kilay niyang nakatitig sa akin.

"Yieeee! That is so sweet talaga!"kinikilig na sabi ni Brina. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang swerte mo naman Thyn!"

"Oo nga!"

"Sama kami sa kasal!"

Samut-saring salita ang namutawi sa mga bunganga nila habang ako'y gusto na lang magpalamon sa lupa. Kita ko naman ang mga mapanuksong tingin nila Kiara kaya umiwas ako ng tingin sa kanila. Ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa pamumula. Gosh! This is so embarrassing! Bumaling ako kay Brent at wagas naman itong makangiti. 'Lagot ka sa akin mamaya bwisit kang unggoy ka!' sigaw ko sa isipan ko.

"You better stop, Thyn is already red as blood! Proceed."sigaw ni Prof. Isa pa itong si prof, dumagdag pa! Lalo lamang silang nagtawanan at nang-asar. Grrr!

"I'am Thyn's twin brother, Theo Blizzard Visca a Fire User."unti-unting nawala ang tawanan pagkatapos magsalita ni Kuya. Ano na naman bang mangyayari?

"K-kambal mo si Thyn?"hindi makapaniwalang usal ni Minx.

"Yes, absolutely!"pagsagot naman sa kanya ni kuya.

"No way!"

"That's insane!"

Aba loko 'tong mga ito ah! Ganon ba kahirap paniwalaan na magkapatid kami? Gusto ata nilang mapunta sa ibang dimension!

"How come?"usal ni Vien.

"Beacuse we do have the same mother, father and surname?"kamot ulong sagot ni kuya sa kanya.

"That's literally insane! We thought Thea is your twin!"

"Teka! Bakit naman ako naisama? Hindi ko nga 'yan kaano-ano, kambal pa kaya?"nakapamewang nitong sabi.

"That's because of your name,"tugon naman ni Gear.

"Thea and Theo, sounds like twin and it's very cute!"impit na sigaw ni Zoie. Nagkatinginan naman kami at nagtawanan. May naalala lang kami. Hahaha!

"Sorry for that,"punas luhang sabi ko sa kanila.

"Noon kasi noong na sa normal na mundo kami ganyan din ang sinasabi nila."memories bring back memories. Tama ba? Hindi ko din alam.

"Namaling akala kami doon!"at nagtawanan sila. Napadako ang tingin nila kay Zike.

"Oh! The silent boy in the group, proceed."he seems interesting about Zike.

"I just want to warn you about my ability,"iyan na naman 'yong ayaw kong tono ng pananalita niya. Parang may masamang mangyayari.

"Just spill it Zike! We're born ready!"taas noong sabi ni Shaia. Hindi ko lang alam kung ganyan pa din ang reaksiyon niyo kapag nasabi na niya.

"Don't ever tell me that I didn't warn you."sabi pa ulit nito.

"Bilis na, we're  so excited!"they're eyes is full of excitement.

"I'am Zike Carleux Reeler, and I'am a Necromancer,"wala man lang silang reaksyon sa sinabi niya.

"I have the power to see, talk and use souls and spirits around us,"at sa sinabi niyang iyon nagbago ang ang reaksiyon nila.

"Y-ou can see g-ghost?"Shaia said while stuttering.

"Yes I'am,"he answered stoically.

"That's so creepy!"

"Nakakatakot!"

"I warned you. When you see me looking nowhere, you know the answer."then he smirked causing them to feel goosebumps. Grrr! Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay.

"That was excellent! All of you are excellent!"pinutol ni Prof ang nanamlay na atmospera.

"I'm looking forward in this class, especially to the seven of you."turo nito sa amin. Parang nakaka-pressure naman 'yong sinabi niya. He walked towards us while fixing his glass again. Ano bang meron sa salamin niya at ayos siya ng ayos?

"Section M are the strongest here in the Academy and now it will be more stronger!"pinabalik niya kami sa aming upuan at tumayo siya sa likod ng kanyang mesa.

"Ang weird niya din diba?"bulong ni Thea.

"Yes he is, he reminds me of tanda."napatawa kami ng pigil dahil pareho pala kaming lahat ng iniisip.

"For those who don't know me, I will just introduce myself as well,"he remove his eyeglasse, revealing his greenish set if orbs. They're quite similar to Thea's eyes.

"I'am Prof. Primo Vairies but everyone are calling me Sir Prime,  which I found more interesting than my true name,"napatawa naman siya sa sarili niyang sinabi dahilan para mapatawa na din kami.

"Okay! Compose yourselves, I will just shortly discuss the history,"he picked up his eyeglass and wear it. 

"The history of the World of Acro."he continued.

It sounds interesting.

To be continued...

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro