Acrofyce 9: Wind of Purity

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Brent's PoV

Narito ngayon ako may garden ng school habang nakahiga sa ilalim ng puno. Nakita ko lang ito kaninang umaga nang maglakad lakad ako. Maaga kasi akong nagising dahil ang lakas ng hanging pumapasok sa kwarto ko. Hindi naman bukas ang mga bintana at hindi rin naman bukas ang aircon kaya hindi ko alam kung bakit. Hindi na rin ako nag-abala pang matulog ulit dahil sasakit lang itong mga mata ko kapag pinilit ko pa, kaya lumabas na lang ako ng dorm at naglakad lakad hanggang sa napadpad ako dito. Actually maganda naman iyong lugar, maraming puno dahilan para magkaroon ng malamig at preskong hangin hindi katulad doon sa amin noon na grabe ang polusyon.

Maaraw ngayon dito kaya kitang kita rin ang bughaw na kalangitan. Ang sarap sa mata. Napatingin ako sa paligid ng biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ang weird lang kasi sa direksyon ko lang naman dumaan iyong hangin tapos sa paligid hindi man lang gumalaw iyong mga puno. Ang weird diba? O imahinasyon ko lang?

"Hindi kasi ganyan ganito."napakunot ang noo ko at napabangon ng may marinig akong boses di kalayuan.

"Ang hirap naman ate e!"bumangon ako at naglakad papunta sa pinanggagalingan ng boses. May kasama ako? Ang tanga mo Brent malamang meron naririnig mo nga diba!

"Dapat kontrolin mo para tama lang iyong pwersa ng hangin."nakita ko ang isang babaeng may kasamang babae rin na mas maliit sa kanya. Base sa ginagawa nila'y tinuturuan noong matangkad na babae iyong malaiit na babae.

"Ganyan nga Zia, kontrolin mo lang."sabi nito sa maliit na babae na Zia daw ang pangalan. Kita ko naman na parang nahihirapan siya base sa itsura niya. Sumandal ako sa isang puno at tinignang mabuti kung ano iyong binubuo noong babaeng Zia ang pangalan. Napalaki ang mata ko ng isa iyong bolang gawa sa hangin!

"The hell!"napalakas na sigaw ko.

"Ay pusa!"gulat na sabi ng maliit na babae at napaharap sa direksyon ko kasabay ng mabilis na pagpunta sa akin ng bolang hanging ginagawa niya kanina. Oh this is bad!

"Ilag!"sigaw noong matangkad na babae sa akin. Dahil siguro sa adrenaline rush ay agad akong nagtago sa likod ng puno kasabay ng pagtama din nito roon.

"Ayos ka lang kuya?"nag-aalalang sabi nung Zia sa akin. Alanganin namang akong ngumiti at tumango sa kanya.

"Sorry talaga! Nagulat kasi ako e!"paghingi nito ng tawad sa akin.

"Ayos lang kasalanan ko naman."sagot ko sa kanya. Bwisit! Muntikan na ako doon! Bumuntong hininga ako.

"Sorry din hindi naman namin akalain na may tao pala rito. Kami lang kasi naglalagi ni Zia dito kapag tinuturuan ko siya."I cleared my throat before speaking. Baka sabihin niyang lampa akong lalaki! Aba! Hindi pwede iyon! Dapat tigasin tayo. Teka bakit ba ako nagkakaganito?

"A-ah ayos lang, sige ituloy niyo na hindi ako manggugulo."bakit ba ako nauutal!

"Ako nga pala si Ariana."

"Ako naman si Zia."

Pagpapakilala nila sa akin.

"Brent."tipid kong pagpapakilala sa kanila.

"We are from the house of Callites for wind users like us."house of Callites? Ano naman 'yon?

"Ikaw from what house ka?"tanong nito sa akin. Prente lang akong nakatayo ay nagkamot ng ulo.

"Sa totoo lang, bago lang kami ng mga kaibigan ko dito kaya hindi ko alam kung ano 'yang sinasabi mo."

"Oh I see, kayo pala iyong usap-usapan."nag-angat naman ako ng tingin sa kanya.

"Really?"taka kong tanong at tumango naman sila.

"Yes po kuya, I'm glad nakilala ka namin!"masayang sabi sa akin ni Zia. Parang siya si Thyn kung umasta, napaka-isip bata. Wait bakit ko ba siya naalala? Tsk!

"Pagpasensiyahan mo na si Zia kaninang umaga pa kasi siya nahihiwagahan kung sino iyong mga bago."

"And I'm lucky to meet one of them and that's Kuya Brent!"she's so energetic.

"Sige na ate mauna ako, sasabihin ko to sa house natin para maingit sila sa akin. Hahaha!"pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla na lamang siyang naglaho sa hangin.

"Wow..."mahinang usal ko.

"Mukhang bilib na bilib ka ha?"napalingon ako kay Ariana at napatango na lang. Bigla siyang naglakad palapit sa akin habang nakatingin. Bigla na lamang akong nailang dahil doon kaya't binaling ko na lang sa taas ang tingin ko. Bakit ba kasi ganyan siya makatingin.

"I feel a presence of air inside of you Brent,"tumigil ito sa gilid ko at kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Buhay pa kasi ako."napangisi naman siya. Tama naman sa pagkaka-alam ko diba?

"That's not what I meant,"sabi niya sa akin.

"Want do you mean?"I asked pero umiling lang siya sa akin.

"You know what?"humarap ako sa kanya at nanatili lamang siyang tahimik.

"People here are just so weird."napatawa naman ito dahil sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Sorry natawa lang kasi ako, paano mo naman nasabi?"tanong pa nito sa akin.

"Simula sa mga estudyanteng bigla na lang nawawala noong dumating kami dito, tapos iyong headmaster na pinaka-weird talaga tapos ngayon ikaw you're saying something that I can't understand."napailing na lang ako habang sinasabi ko iyon aa kanya.

"Bago pa lang kasi kayo that's why all of what you see is weird for you but then kapag nagtagal ka na makakasanayan mo na din."ibig sabihin matagal na siya dito? Base lang naman sa mga sinasabi niya.

"You're use to it right?"napabaling siya sa akin mula sa pagtingin sa himpapawid.

"Yes I'am, sa mundo na 'to ako pinanganak my parents are both wind users kaya lahat ay hindi na bago sa akin,"paliwanag nito.

"It's okay na ganyan muna ang nararamdaman niyo sa ngayon, the time will come and you can fully adjust."sana nga darating iyong araw na iyon dahil ayaw kong maramdaman iyong nararamdaman ko ngayon sa mahabang panahon, lalong-lalo na sa mga kaibigan ko.
Kita kong lumayo ng kaunti si Ariana bago humarap sa akin.

"Kita na lang ulit tayo mamaya!"sabi nito sa akin saka ngumiti. Tumango na lang ako sa kanya bago siya naglaho ng tuluyan.

Bumuntong hininga ako at naglakad pabalik sa kung saan ako nakahiga kanina at humiga ulit. Inunan ko ang dalawang braso ko habang nakatingin ulit sa kalangitan kasabay ng mga ibong malayang nagliliparan. Kami kaya, kailan kaya kami magiging malaya katulad ng mga ibon? Malaya sa mga bagay bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin masagot at mga agam-agam namin?

Gaya ng sinabi kanina ni Ariana, darating ang panahon na we can fully adjust sa bagong mundong ginagalawan namin. Bigla muling umihip ang malakas na hangin, para bang gusto akong tangayin kung saan. Alam mo iyong feeling na parang tinatawag ka? Iyong parang ganoon pero ipinagsawalang bahala ko na lang ang pakiramdam na iyon. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata tutal sinabi naman ni tanda na hindi muna kami magkla-kase hanggang hindi namin alam kung ano ang mga kapangyarihan namin kaya matutulog muna ako. Hindi rin nagtagal ay hinila na ako ng kadiliman tungo sa mahimbing na tulog.

******

Rinig ko ang mga huni ng mga ibon, mga tuyong dahon na nililipad ng hangin at ang pagaspas ng mga kahoy na tila nagbibigay ng musika sa aking tainga. Ang sarap at ang payapang payapang pakinggan ang mga ito.

"Brent..."

Napakunot ang noo ko ng humalo ang boses na iyon sa musikang tinataglay ng mga ibon,  puno't dahon.

"Brent..."

Bulong nito ulit nito sa akin kaya't napamulat ako ng mata at napamulagat sa nakita.

"What the heck! Nasaan ako!"sigaw ko dahil sa pagkagukat. Ang natatandaan ko'y nasa garden lang ako kanina and now...and now hindi ko alam ko nasaan ako!

"Tumahimik ka kalalaki mong tao ang ingay mo."muntik na akong mapatalon sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at mas nagulat pa ako dahil sa nakita.

"What the---"

"Ang ingay mo alam mo ba?"isang bolang hangin ang lumulutang sa harap ko ngayon at...at nagsasalita!

"Huminga ka baka makalimutan mo mamatay ka pa."napahinga naman aki ng maramdaman ko ngang hindi ako humihinga. Pinakalma ko muna ang sarili ko para hindi na naman ako sumigaw baka sabihin pa nito na lalambot lambot ako. Tsk!

"Are you okay now?"boring nitong sabi sa akin.

"Who are you?"tanong ko sa kanya. Para akong tanga dahil kinakausap ko ang isang bolang hangin, kulang na lang talaga sabihin kong baliw ako kung hindi ko lang nakita sila Ariana at Zia kanina.

"Aira."masungit nitong sabi sa akin.

"Lalaki ka ba o babae?"kunot noong tanong ko sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang akong lumutang ng patiwarik.

"Hoy! Ibaba mo nga ako!"sigaw ko sa kanya. Mukhang mawawla ang pagka gentleman ko ngayon!

"Is Aira sounds like a boy? Tell me!"inis nitong sabi sa akin. Bakit ko ba kasi tinatong ko pa!

"Okay fine sorry! Ibaba mo na ako."sa isang iglap bigala na lamang akong nahulog sa lupa. Bwisit! Tumayo ako at nagpagpag ng damit ng biglang may lumiwanag sa harapan ko. Nagtaas ako ng tingin at nakita ang isang maliit na babae, may puting buhok, nakasuot ng damit na parang sa mga greek goddess ba iyon? Basta parang ganoon at may dekorasyon ang ulo niyo. Maganda naman siya.

"Hindi ko alam kung bakit ba ikaw iyong napili ko!"napakunot ang noo ko dahil sa sibabi nito sa akin? Napili niya?

"Anong napili?"taka kong tanong sa kanya. Matalin naman siyang tumingin sa akin.

"Sumunod ka!"ang sungit naman niya parang si Thea lang pero mas masungit siya. Naglakad siya palayo sa akin kaya sumunod naman ako sa kanya. Base sa itsura ng lugar, hindi ko talaga alam kung nasaan ako. Mayroon mga ulap na nagsisilbing pader ng lugar, may maliit rin a ipo-ipong nagkalat sa buong lugar may mga lumulutang na mga puno at upuan. Napadako ang tingin ko sa harap at namangha ako sa nakita. Isang kastilyo ang nakatirik at isa lang ang magsasabi ko.

Napakaganda! Mas maganda pa sa dorm namin.

"Hoy! Lalaki bilisan mo nga ang bagal mo!"natigil na naman ang pagtitig ko ng marinig ko ang boses na iyon.

"Oo binibilisan na nga e!"ang sungit talaga parang puno ng pait ang buhay. Tsk!

Pumasok kami sa loob ng kastilyo papunta sa bulwagan. No words can describe kung gaano kaganda ang loob ng lugar. Tumigil kami sa isang lamesa at umupo siya sa silya at tumingin sa gawi ko. Sisigaw na naman iyan for sure.

"Ano tutunganga ka na lang? Baka gusto mong umupo?"sigaw nito sa akin kaya napatakip na lang ako ng tainga at napailing.

"Galit ka ba?"tanong ko s kanya habang naglalakad patungo sa upuan na kaharap niya.

"Bakit naman ako magagalit!?"sigaw na naman nito sa akin sabay ng masamang tingin. Hindi nga galit, galit na galit lang. Hahaha!

"Dahil akala ko lalaki ka?"patanong kong sabi sa kanya.

"Gusto mo ulit lumutang?"banta nito sa akin kaya't itinaas ko ang mga kamay ko tanda ng pagsuko. Nakita ko namang huminga ito ng malalim.

"Nasaan pala ako?"I asked nicely. Sana naman nice din siya sumagot.

"Narito ka sa Windsworth Kingdom, my kingdom."sabi nito sa akin. Kung nasa kaharian niya ako, nasa panaginip ba ako? So that means---

"You're not dreaming, you're literally here."and that made me relieved, akala ko naiwan na iyong katawan ko sa Academy. Tumingin ako sa kanya ulit.

"Bakit ako nandito?"I asked.

"I will finally give to you my blessing as the goddess of wind,"napamaang naman ako dahil sa sinabi niya. What?

"I know some part of you are saying that you're normal but it's the opposite Brent,"she's right I always think that I'm normal at lahat kami ganoon ang iniisip pero base sa mga nakita namin, nakita at naranasan ko may parte na sa akin ang naniniwala.

"And here's the proof that you're not normal. I let you enter my kingdom to finally give my blessing."hindi ko alam kung ano ang sasabihin o ang magiging reaction ko ngayon dahil sa mga sinabi niya. My mind is saying that I need to accept the fact that this is my fate.

"I don't know what to say,"sabi ko sa kanya at napangisi naman ito.

"All of the things that happened to us is a like a dream for me and now I finally woke up that I'm not normal."kung ito talaga ang nakatadhana para sa akin bakit ko tatakbuhan diba? Ang importante lang ay kasama ko pa rin ang mga kaibigan ko iyon lang.

"So, will you accept my blessing Brent Blizzard Callen?"napangiti nalang ako ng marinig kong sabihin niya ang buong pangalan ko. Nakakapanibagong  pakinggan.

"But firts, how did you know my name?"I asked her.

"I know you from the day you were born."what? Really that's insane!

"So will you accept my blessing?"tanong nito ulit sa akin.

"I'll accept it."I said with determination.

"Being the holder of the wind you must posses a clear mind,  clear heart and conscience as clear as your element. You need to use it in a good way and not in bad,"litanya nito sa akin. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at naglakad papunta sa trono, kaya't tumayo din ako at sinundan siya.

"You're the 100th inheritor of this element Brent and you need to care for it as a part of your life, don't abuse it but improve it, do you promise?"as she said those words, my heart is full of determination.

"I promise."I replied. Tumayo siya sa harap ng kanyang trono at ako naman ay nakaluhod sa kanyang harapan.

"As the 99th inheritor of the Wind element, I, Aira Winderforth giving my blessing to Brent Blizzard Callen, the 100th inheritor to inherit this element, the Wind of Purity with sincerity and utmost determination to use it for good,"

"çæsà hòúråíá..."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, biglang nagliwanag ang aking katawan at lumutang. Ramdam ko ang parang kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan, isang malamig at nakakaginhawang sensasyon ang nararamdaman ko habang balot parin ako ng liwanag. Unti-unting nawala ito kasabay ng pagbaba ko mula sa paglutang.
Bigla na lamang sumakit ang kaliwang braso ko kasabay ng pagliwanag nito. Humupa ang ang sakit at init nito kasabay ng paglantad ng isang selyo. Taka akong tumingala kay Aira at nakangiti ito sa akin.

"You finally had the seal."bakas sa boses nito ang kasiyahan.

"What seal?"naguguluhang tanong ko sa kanya.

"It is the final stage of the blessing Brent."sagot nito sa akin. Muli kong tinignan ang seal sa braso ko at kulay asul ito. Hindi ko mailarawan ang disenyo nito dahil sa sobrang kumplikado ng pagkagawa. Tinuruan niya rin ako ng ilang techniques na pwede kong gawin and it's up to me on how to make it more stronger and to make my own techniques. One of it is making little tornadoes, they're very cute.

"Salamat Aira."kumunot naman ang noo nito sa akin ng sabihin ko iyon.

"Wala ka talagang galang!"inis na sigaw nito sa akin. Ano bang dapat itawag ko sa kanya? Ang limit niya pero ang lakas ng boses at ang ingay.

"Ano ba dapat?"tanong ko sa kanya.

"Goddess Aira because I'am the goddess of Air!"iyon lang naman pala. Tsk!

"Thank you goddess Aira Winderforth."usal ko sabay luhod sa harap niya at tumayo muli. Kita ko namang abot tenga ang ngiti nito.

"I believe in you Brent, the Mythical Wind User,  that you'll take good care of that element."nakangiting sabi nito sa akin.

"I will."I replied back. Bumaba ito mula sa kanyang trono at lumapit sa akin.

"Just come here if you have time my dear,"she said. Para siyang nanay ko kung magsalita, ang lumanay at ang lambing.

"It's time to go back Brent."hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla na lamang dumilim ang lahat.

******

"Hoy! Brent gising!"nagmulat ako at nakitang nakatayo sa harap ko si Ariana. Bigla naman akong tumayo at tumalikod sa kanya sabay pasimpleng punas ng laway kung meron man.

"Oh! Ariana anong meron?"tanong ko sa kanya.

"Sorry kung ginising kita may ipapa-try lang ako."nakangiti niyang sabi. Bigla naman akong nahiya.

"A-ayos lang, ano ba iyon?"nahihiya kong sagot ko sa kanya. Bakit ba ako nahihiya!

"Tumakbo ka lang mula dito hanggang doon sa punong iyon."tinuro niya ang hindi kalayuang puno mula sa kinalalagyan namin. Tumango na lang ako sa kanya at tumakbo.

"Aray!"napasigaw na lang ako sa sakit ng mauntog ako sa puno. Ano bang nangyari! Bakit ang bilis! Aray ko! Hanggang sa maalala ko si Aira.

"Sabi ko na nga ba you're a Wind User!"masayang sabi ni Ariana habang ako naman ay sapo-sapo ang noo dahil sa pagka-untog. I think I will have a hard time. Umupo ako sa puno kung saan ako nauntog. Ang sakit pa rin ng noo ko buti na lang at hindi dumugo.

Suddenly I felt a strange wind that is going directly on my direction that's why I immediately stood to avoid it. I looked when came from but there's no one. Again, I felt a sharp wind from different direction but I manage to avoid it all. This is irritating me!

"Magpakita ka!"inis kong sigaw. May kaluskos na nagmumula sa taas ng isang puno kaya naging alerto ako. Kung sino man iyong taong 'yan...bwisit siya!

Ang again three consecutive strong force of wind is heading towards me with a great amount of speed. I jumped from left to fight avoiding it all. Naiinis na talaga ako! What if I'll make my own technique now? 'Yong hindi nakakaubos ng lakas.

"Invisible Air String..."I whisper and several string of wind came out from limbs going to that three in front of. When I felt that my strings are firm, I smirked.

"Gotcha!"I shouted as I pull the strings and I heard someone groan in pain.

"Aray ko!"sigaw nito. Parang pamilyar iyong boses, then I realized wala na si Ariana!

"Grabe ka naman wala kang patawad!"it's Ariana!

"Hindi ko naman alam na ikaw 'yan."kamot ulong sabi ko sa kanya.

"Ano ba 'yong ginawa mo?"tumayo ito pero nagkibit balikat lang ako.

"You're really a wind user,"pag-iiba niya sa usapan.

"You move as if you're an air, dodging every attacks I made in a perfect way and that is insane for a newbie like you!"she happily exclaimed but it suddenly vanished.

"Bakit ganyan 'yang mukha mo?"I asked. Then he lift her stare.

"D-do you have a tattoo?"she asked. Did she saw it?

"Yes bakit may problema?"I asked trying to light up her mood.

"Wala hilo ka ba? Hahaha!"she laughed. Hindi na rin nagtagal pa ang usapan namin but when we part our ways she said that the headmaster wanted me to go there so I did.
Nakarating ako sa harapan ng office niya when he suddenly spoke from inside.

"You can enter!"I opened the door and he welcomed me with a smile. What's wrong with this tanda?

"Welcome Mythical Wind User!"he said out of her lungs. Ang lakas ng boses niya.

"Thank you?"I replied.

"So you already found your ability and it is good!"she said then sipped on his coffee.

"I guess?"alangan kong tugon.

"We'll just wait for your friends so all of you can finally start your classes for now you can now go."iyon lang ba ang pinunta ko dito?

"Ewan ko sayo tanda."I said but he just laughed. Dumiretso na ako sa dorm at baka masabon na naman ako kapag hindi na naman nila makita ang anino ko sa loob.

This day is a very special for me, it's like one the missing piece of me is finally found. And I know my friend will be the same soon.


To be continued...

*****

Your Mythical Wind User is no other than Brent Blizzard Callen!!!

çæsà hòúråíá- ancient ritual spell only use by Wind God or Goddesses to finally give their blessing to their inheritor.

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro