Topic: Love

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Love Yourself Before Others."

Simple and short sentence but meaningful. Sino ba naman kasi ang may gustong masaktan diba? 

Kilalanin muna natin ang mga minamahal at pinagkakatiwalaan natin upang hindi tayo masaktan.

Kung nasaktan ka, wag kang umiyak. Gawin mong inspiration ang mga nagawa sayo para maghiganti[in a positive way of course].

Quotes:

"Loved you yesterday, love you still, always have, always will." – Elaine Davis

-Kapag feeling mo nasa tamang tao ka na, wag mo na siyang pakawalan, wag mo na siyang lokohin. Mahirap makahanap ng mamahalin na mamahalin ka rin, kaya wag mo ng pakawalan kapag alam mong siya na ang tamang tao para sayo.

"Paano ba hanapin ang tamang tao?" -Mahahanap siya sa tamang panahon. Siya ang taong maghihintay sayo, rerespeto sayo at magmamahal sayo ng tunay. Siya yung kahit galit ka na, maiintindihan ka parin niya. Siya yung taong pwede mong pagkatiwalaan. Siya yung pwede mong takbuhan kapag may problema ka. Kaya pagnahanap mo na ang taong ito wag mo ng pakawalan.

"Love is like a river, it flows and bumps into hard rocks." - Wolf_is_Inlove[ME]

-Sa pag-ibig makakaranas tayo ng mga problema, makakabangga ng mga suliranin, ngunit kahit ganun alam natin na patuloy parin tayo sa paglaban dahil alam natin na may minamahal tayo na ating pinoprotektahan at may mga nagmamahal sa atin na siya namang pumuprotekta  sa atin.

Sa akin ay mahirap humarap sa problema ko sa pag-ibig dahil ako lang ang lumalaban at humaharap sa mga matitigas na bato para sa amin. Pero ang mas masakit yung wala na pala akong ipinaglalaban...

"Love can be anywhere." - Wolf_is_Inlove[ME]

Sa uri ng pagmamahal, nandiyan ang– Pagmamahal mula sa pamilya, pagmamahal mula sa kaibigan at lalong-lalo na ang pagmamahal mula sa sarili.

Hindi minamadali ang pag-ibig kailangan mong maghintay para sa tamang panahon at para sa tamang tao. Ang buhay pag-ibig ay hindi madali palaging may nasasaktan. Sino ba kasi ang nahuhulog na hindi nasasaktan? Pero sa pag-ibig hindi lang puro sakit ang nararanasan meron din ang saya kaya kapag nag-away kayo ng minamahal mo isipin mo muna ang mga masasayang panahon na magkasama kayo bago mo sila iwan o bago ka mag desisyon.

___

Kapag nasaktan ka, wag kang umiyak dahil hindi dapat iniiyakan ang mga taong nananakit at nangi-iwan. Merong mga tao na sasabihing mahal ka niya pero ginagamit ka lang pala. Ang mga taong ganun ay dapat kinakalimutan. Sa bawat sakit na maramdaman mo, gawin mo itong inspirasyon para malayuan mo ang mga taong may parehong ugali sa nanakit sa'yo.

A/N: 

Sana makatulong sa Love life niyo. 

Pero DON'T GIVE ALL YOUR LOVE TO A PERSON INSTEAD LEAVE SOME FOR YOURSELF.

Anyway, next topic will be about TRUST. Sa mga may trust issues diyan pwede kayong lumabas dahil kahit ako ay may trust issues.

Correct me kung may wrong grammar ako or spellings.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro