Kabanata 21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 21

Easy


I was just drunk, I convinced myself that. Wala nang ibang rason para halikan siya.

Nakatulog na ako sa biyahe pauwi. Madaling araw na yata kami umalis sa club kaya naman nagising na lang ako sa kuwarto ko. Ang sabi ni Mama, hinatid ako ni Uriel sa kuwarto. He carried me because I was fast asleep.

Ako:

Thanks sa paghatid kahapon.

Uriel:

You're welcome. Did you sleep well? Hangover?

I smirked and started typing.

Ako:

Wala naman. Ikaw? Finally got rid of your boner?

Uriel:

Let's stop talking about it or I'm gonna have one.

I chuckled and put my phone down.

The next days went by smoothly. Kaya lang, napansin ko sa school ang madalas na pang-uusisa ng mga kaklase tungkol kay Uriel.

Naiintindihan ko iyon. We were seen that night kaya mas lalo lang umigting ang usap-usapan. Hindi na ulit nagparamdam si Preston. Simon is continuously bugging me but he had no choice but to get busy for their family's business.

Sa totoo lang, dumadagdag ang tsismis sa insecurity ko. I was already having a hard time understanding why girls my age seem to have relationships while I remain... feeling unattractive.

Iyon din ang dahilan kung bakit ready na nakapark ang regalo ni Uriel sa garahe namin, hindi ko naman ginagalaw. Hinding-hindi ko iyon dadalhin dito sa school! Ilan lang ba ang may ganitong sasakyan sa bansa? At tini-tsismis na nga kami, mas lalala lang ang tsismis dahil sa sasakyang ito.

"It looks like Uriel Mercadejas' car! Is it his?"

Tapos kapag lalabas ako.

"Ah! Si Lucianna pala. Sila ni Uriel, e. Fiancee 'yan ni Uriel!"

And then the rumors will have more basis. Kaya huwag na at magpapahatid na nga lang ako sa driver. Alam ko na kasi ano ang mangyayari kung gagamitin ko pa iyon.

"Po?" I asked when I was about to go out of the library.


Katatapos lang namin ng group work at nagpaiwan ako para makapagstudy. It's almost our finals and this semester is ending. Magpapahinga lang ako sa break. Ni hindi ako magtatravel. Masyado akong madaming ginawa sa semester na ito na parang gusto ko na lang muna tumunganga sa bahay sa ngayon.

I stopped on my tracks. Nasa hagdanan na ako galing second floor pababa. Sinulyapan ko ang bintana at nakitang umaambon. Wala akong payong at pababa ako ngayon dahil sa text ng driver kanina na papunta na siya.

"Miss Lucianna, ang text ko po kanina papunta na ang kukuha..."

"Ah... opo. H-Hindi po ba kayo?" nalilito na ako.

I went out of the library. Dahil may katawagan, nahihirapan na akong ayusin ang mga dala kong libro. Nakalabas na ako nang isa-isa iyong nahulog sa kamay ko.

"Shit..." i cursed under my breath and squatted to get my books.

Inipit ko ang cellphone sa tainga at balikat ko para hindi mahulog. Bakit pa kasi itong maliit na bag ng dala ko ngayon.

"Sorry po... So... sino po ba ang susundo para matawagan ko?"

Natigilan ako nang nakitang may tumulong na kumuha sa mga libro ko. Hindi ako sigurado kung faculty ba siya pero naka polo na may burda. He has eyeglasses and his hair is longer than usual, like a shaggy haircut. He was older but he looked too young to be a faculty kaya hindi ko sigurado kung paano siya tatawagin.

"Ah, Miss... Si Mr. Mercadejas daw po ang sinabi ni Ma'am."

"Ho?!" napalakas ang tanong ko at medyo nahiya nang sumulyap ang lalaki.

Hindi niya muna ibinigay sa akin ang libro nang nakitang abala pa ako sa tawag. Lalo akong nahiya. Ngumiti ako at nagpasya na tapusin ang tawag.

"Uh... Sige po. Sige po. Thank you!"

Like I said, the rumors about me an Uriel filled my schoolmates. Kahit ang mga scholars sa school na hindi naman nakakadalo sa mga social parties ay naririnig na iyon. Kung noon ay maraming nagpaparamdam sa akin na kaklase, pagkatapos noong birthday ko, wala na ni isa. I've got a feeling that it's really because of that.

Hindi ko lang nga lang alam kung pati ba sa faculty, kumalat iyon. But I'd like to think that the professors don't really care about the businesses of their students.

Binaba ko ang cellphone ko at nilahad ang kamay sa mga libro.

"Sorry... And uhm... thank you for helping out."

He smiled. He's cute, that's what I notice. Imbes na ibigay sa akin ang libro, nilingon niya ang ambon.

"Mukhang marami kang dala at wala kang payong. Saan ka ba pupunta?" he asked politely.

Hindi ko tuloy alam kung naguwapuhan ba ako sa kanya o sadyang nagugulat na ako ngayong may ganitong magtrato sa akin. Don't get me wrong. My classmates are nice to me but they don't really offer help like these. Lalo na pagkatapos noong birthday ko.

"Ah, palabas lang sana ng school. Uhmm... Sir?"

He chuckled. Natawa rin ako at nag-init ang pisngi.

"Sorry, mali ba? Are you a student? You look young to be a professor but..." pinasahan ko ng tingin ang kanyang damit.

"It's alright. Minsan naman akong nagtuturo rito gaya ngayon. I'm just an intern under Judge Saldivar."

"Oh! So professor ka nga?"

"You can say that pero huwag mo na akong tawaging Sir. Just call me Lawrence."

I smiled and my heart felt slightly warm. Lalo na nang ibinalik niya ang ngiti ko. "I'm Lucianna. You can call me Cian."

"So... saan ka ba? May payong ako. Nang maihatid na kita."

"Ah, hindi ka ba busy?"

"Nope. I was about to leave the library too. Palabas ng university."

"Palabas na rin ako..." Tiningnan ko ang libro kong dala niya. "Ako na sa books ko. Since... you're bringing the umbrella."

Maybe it really was the desperation to feel normal or what but I loved his company. Ilang hakbang pa lang kami paalis sa library na building ay natutuwa na ako sa usapan.

Magaling din siyang makipag-usap. He's smart and he's also a lawyer, I guess. At medyo mature din siya at humble sa nakikita ko. Hindi rin yata kasama sa upper crust, the reason why he managed to have a conversation with me. Kasi kung may kaya siya at kilala niya ako, gaya ng lahat ng nakakakilala sa akin, iiwasan niya ako.

That damn Mercadejas influence is like a virus in me. Lahat takot. Alam ko namang wala naman yatang ginagawa ang unggoy na iyon pero ang maassociate lang sa kanya, kinakatakutan na ako ng iba.

Palapit na kami sa gate. It was still raining and I was busy with our animated conversation. May law subjects kasi ang course ko at iyon ang napag-uusapan namin. At dahil sa ambon, lumalapit ako lalo sa kanya at ganoon din siya sa akin.

The students who saw us looked at him with curiosity. May bumati pa sa aking napawi ang ngiti nang nakita na may nagpapayong sa aking lalaki.

Ilang metro na lang ang layo sa gate nang narinig ko ang isang bosina. Wala sa sarili kong nilingon iyon. I saw the flashy luxurious car of the Mercadejas brute! Pinasok niya pa talaga sa school!

Tumigil iyon. May mga estudyanteng nakatingin. Nagmadali akong lumapit, hindi na alam kong magpapaalam ba o didiretso na sa sasakyan.

"Ah, Lawrence. Sorry. A-Alis na ako."

Narinig ko ang bagsak ng pintuan ng sasakyan ni Uriel. Nang nilingon ko siya ay may dala na ring payong. He looked a bit hostile at the man behind me but he softened when he saw me.

"Let's go," ani Uriel at sumunod na ako.

Pinayungan niya ako hanggang sa front seat. Pumasok na ako at umirap nang sinarado niya ang pintuan. Umikot siya. Nanatili si Lawrence sa kinatatayuan niya at nakuha pa ni Uriel na tumingin doon bago pumasok sa sasakyan at pinaandar ito.

"Who was that?" he asked in a deep voice.

I glared at him. Tunog boyfriend na naman.

"New found friend. Naging mailap na lahat ng kaibigan ko mula noong birthday ko dahil sa'yo. At least I have a new friend now..."

"Why does it sound like it's my fault. Hindi ba ikaw 'yong gusto ng halik?"

Umirap ako. "Kahit hindi tayo naghalikan, ang pagpunta mo pa lang doon, malaking balita na."

"Sino ba ang nagpapunta sa akin do'n?" nagtaas siya ng kilay nang sumulyap sa akin.

I rolled my eyes at that. He's got a point pero bago siya pumunta roon, wala na naman talagang pumapatol sa akin, e. I bet they all think that I'm still with a Mercadejas.

"You like that guy?"

"Ikaw, puro na lang ganyan ang iniisip mo. He's fine. He's mature and intelligent. I like him. Pero we just met kaya huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano."

"Tss. That guy looks too old for you."

Halos matawa ako. "Nagsalita ang hindi matanda!"

Iritado niya akong tiningnan. "Well, at least if we get married, our children won't look like my grandchildren, Cian!"

Sinimangutan ko siya. "You're overreacting! Hindi naman-"

"So you have plans about it?!"

"Wala! Pero ikaw bigla mo na lang ginagawang topic! Kakakilala ko nga lang sa tao, e. Masama bang magsabi na okay naman siya?"

Hindi siya sumagot. He's scowling while driving now.

"As I'm getting married to him, anak agad ang tinatanong mo?" patuloy ko sa iritasyon. "Bawal bang magsabi na gusto ko 'yon kasi matalino at mature? Hindi flashy at simple?"

Nilingon ko siya at naghintay ng sagot niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa daan at iritado.

"Selos ka lang, e..."

Hindi siya sumagot. I waited for a long time if he will say anything about it but it really didn't come. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. He looked grumpy.

"Nagseselos ka?"

Sumulyap siya sa akin, matalim ang tingin pero nagpatuloy sa pagdadrive.

"I'm smart and mature, too, you know."

I chuckled.

"Very flashy, Mercadejas."

He snorted. "Flirt."

Nalaglag ang panga ko at binalingan siya. Nakapasok na kami sa village at buong atensiyon ko nasa kanya na ngayon.

"Anong sabi mo?"

"You flirt with everyone else. Ambrose... every friend you have-"

"Excuse me!"

"Siguro dahil na 'yan sa kuryosidad mo-"

"I'm not a flirt! Minsan na nga lang akong magkaroon ng interaction sa mga lalaki dahil sa'yo!"

"What did I do?" he pulled over on our garage.

Binalingan niya ako at ngayon, handang handa nang makipagtalo.

"Ewan ko sa'yo! It's like every guy I know wouldn't even want to be close friends with me! Hindi nila sinasabi kung bakit pero alam ko na dahil 'yon sa rumors noon na na engage ako sa'yo!"

"Well, I'm sure it's not because of me. Bakit naman ako ang magiging dahilan ng-"

"I don't know with you!"

Kakalasin ko na sana ang seatbelts sa iritasyon at para na rin makapagwalk out. Kaya lang napaka anti-climactic naman nang hindi ko iyon matanggal!

"Hindi ko alam kung ano ang mga pinapakalat mo-" I said while frustratingly trying to remove the seatbelts.

"You really think I have the time to spread rumors... Akin na nga-" aniya sabay hawak sa tagiliran ko.

His hand touching me made me jump. Lalo na dahil buong katawan niya nasa harap ko kaya tinulak ko siya.

"Umalis ka nga!"

"I'm just helping you out, Cian!"

Sinubukan kong tanggalin ulit pero hindi ko matanggal kaya muli siyang tumulong. This time his hand touched mine. I felt a familiar static. Tinampal ko ang kamay niya at tinulak ulit siya.

"Huwag mo nga akong hawakan!"

Tinuro niya ang dibdib niya kung saan ko siya tinulak.

"Ikaw nga ang humawak sa akin, e!"

"Well, you like me touching you because you like me!"

Kitang kita ko na gusto niyang magalit pero hindi niya kaya. A ghost of a smile passed on his lips.

"I don't like you touching me, Lucianna. I don't want another long ass fucking hard on, akin na!"

Tinulak ko siya nang naramdaman ko ulit ang hawak niya sa akin at nagpumilit pa rin siya. Nakalas niya pero pinagtatampal ko habang ginagawa niya iyon kanina.

I went out of his car. I scowled at Uriel while he smiled at me boredly. Bumaba ang mga mata niya sa skirt ko na medyo nalukot. Inayos ko iyon. May inabot siya galing sa likod at ang mga libro ko iyon.

Bago siya makapagsalita ay naisarado ko na ang pintuan. I regretted it when I realized that I left my books.

"Lucianna," I heard Kuya Lucky's voice.

Bumagsak ang pintuan ng sasakyan niya. Kadarating niya lang yata at matalim ang tingin niya sa akin. Bumagsak din ang pintuan ng sasakyan ni Uriel at lumabas siya.

"Your books," Uriel said.

"Uriel," si Kuya Lucky bilang pagbati.

"Lucky..."

Kuya Lucky's eyes drifted on me.

"Papasukin mo. Malapit nang mag dinner, dito ka na lang mag dinner, Uriel."

Uriel nodded. "Sige. Hinatid ko lang si Lucianna rito."

Umikot ako. Uriel looked at me with gentle eyes while I looked at him sharply. Kainis!

"Magbibihis lang ako," paalam ko at nauna nang lumakad.

Sabay na naglakad si Kuya at si Uriel patungong bahay. Narinig ko ang mga kasambahay na inalerto na si Mama na naroon si Uriel. I kissed Mama while she's now busy being hospitable to our guest.

"Upo ka muna rito..."

"Magbibihis lang po ako," paalam ko at umakyat na, nagmamadali.

Umakyat din si Kuya Lucky pero mas mabagal. He caught up to me when we were on the corridor of our second floors rooms.

Papasok na ako sa kuwarto at paliko na si Kuya Lucky sa kanya nang tinawag niya ako.

"Hey..."

"Huh?" natigilan ako sa pagkakabukas ng pintuan ng kuwarto.

He swallowed hard and looked away. Nang binalik niya ang tingin sa akin ay nagpatuloy siya.

"Ayaw kong sabihan si Uriel kaya ikaw na lang."

"Huh? Ano, Kuya?"

"Can you two at least go to a nice hotel or something? Marami naman tayong properties, ganoon din siya. Why do you always do that in his car? Is that your fetish?!"

Matagal bago ko nakuha ang pinagsasabi ni Kuya Lucky!

Uminit ng husto ang pisngi ko nang naisip ang itsura niya kanina nang lumabas kami sa sasakyan ni Uriel. Pati na rin iyong unang beses niya akong pinuna tungkol sa lukot na damit at umuugang sasakyan!

"Kuya, nagkakamali ka..."

"Tss. Alam kong nakakahiya pag-usapan 'to. At least appreciate that I am the one telling you this, kaysa sa ibang tao. Get a hotel room. If car sex is your fetish, then at least park in a secluded area."

"Hindi nga, Kuya-"

"Not in some crowded places or even here. Paakyatin mo na lang diyan sa kuwarto mo."

"Pero hindi nga-"

Pumasok na siya sa kuwarto niya bago ko pa makumpleto ang sinasabi ko. Sinarado niya na ang pintuan kaya wala rin akong nagawa kundi pumasok na sa kuwarto ko.

I felt so frustrated! Lalo na noong nabasa ko ang mga mensahe sa cellphone ko!

May nang-uusisa na naman kung si Uriel ba ang sumundo sa akin sa school. At nakumpirma ko na na siya talaga ang dahilan kung bakit nawala nang parang bula ang lahat ng manliligaw ko.

Simon:

It's just rumors but my father prohibits me from seeing you. Hindi ko alam bakit. May alam ka ba? O nagkabalikan ba kayo ni Uriel Mercadejas? He's bombarding me with more work now. Sabi niya'y so I can learn but I think it's so I can't go out to see you. What's with it?

Can you believe it?!

Busangot akong bumaba para maghapunan. Kasama namin si Uriel. Hindi na ulit nagsalita tungkol si Kuya Lucky doon. Nandito siya para kausapin si Papa tungkol sa negosyo.

Sa hapag, iyon din ang pinag-usapan nila ni Uriel. Both my father and Kuya Lucky are very fond of them. Naisip ko tuloy kaya hindi masabi ni Kuya kay Uriel ang sinabi niya sa akin kanina dahil tumitingala siya rito.

"Dito muna kayo. Huwag ka munang umuwi, Uriel..." si Mama nang hinatid kami sa sala.

May importanteng pag-uusapan sina Kuya at Papa tungkol sa negosyo. Papa even asked for Uriel's advice. Uriel gave him an advice at iyon yata ang ididiscuss ng dalawa.

I was glaring at Uriel while sitting on a sofa. Siya nasa mas malaking sofa, malapit sa akin.

"What did I do now?" nagtaas siya ng kilay dahil sa matalim kong titig.

"Alam mo ba anong sinabi ni Kuya?"

Napatingin ako sa dumaang kasambahay. Nakita kong sumulyap ito sa amin at nawala na rin naman dahil maglilinis kung saan.

I groaned and moved to his bigger sofa. He smirked a bit. Tumuwid sa pagkakaupo at mukhang na excite pa na tinabihan ko siya.

"Tumabi ako para mahinaan ko ang boses ko. Kung ano ano na nga ang kumakalat tungkol sa'tin, dadagdagan ko pa sa mga nakikinig na kasambahay."

He chuckled. "What are you talking about? You're paranoid, Cian."

"I'm not. Sa school, wala na nga akong manliligaw."

"Oh, ano ngayon? Hindi mo naman sinasagot ang mga iyon?"

"And now Simon, my friend, texted me that his father wants him to avoid me. Bakit kaya?"

Nagtaas ng kilay si Uriel.

I poked his chest. Napahawak siya sa kung saan ko siya tinusok at may sumilay na multo ng ngiti. "Siyempre dahil sa'yo!"

"I told you not to touch me, Lucianna!" he said teasingly.

"Are you sure you're not spreading false rumors about us-"

He groaned. "For what? And I told you, wala akong panahon para diyan. I'm all alone in the company most of the time, you think I have time for my love life?"

"Oh? May time ka nga'ng bumisita rito-"

"Pauwi na naman ako at tumawag si Tita na wala kang sundo. Bakit mo ba kasi hindi ginagamit ang Aston Martin?"

I groaned and tried to forget about that topic.

"Anyway, as I was saying... sinabihan ako ni Kuya na huwag tayong gumawa ng kababalaghan sa sasakyan!"

He smirked.

"Your car is rocking whenever we fight inside, tulad kanina at noong nag bar tayo-"

"You should've told him we couldn't make it to the hotel room-"

I almost punched his chest! Pakiramdam ko mamamatay ako sa taas ng presyon sa kanya! He was in a defensive stance.

"You know what? Ikaw talaga ang dahilan ng mga rumors, e! Kita mo 'yang sagot mo!"

"Stop punching me. Or else, I'll have to use your room for a cold shower-"

"Uriel, nakikinig ka ba?!"

He gave out a harsh bark of laughter and shifted. Ngayon ang kamay niya ay nasa backrest ng sofa at nakatagilid na siyang harap sa akin. His right forearm rested on his thigh and it covered my right knee, too.

"Alright, alright! I was just kidding!"

"Akala ko ba friends tayo? Hindi ako magkakaboyfriend dahil sa mga nangyayaring 'to-"

"Tss. Bakit mo ba gustong magkaboyfriend? Just to provide for your curiosity? Lucianna, you enter relationships because you have feelings. Not for anything physical-"

"Ah... You're the expert now?"

Nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko lalo na sa unang sinabi ko. I snapped in front of him.

"Hey! This is why you get a boner. You check me out all the time, kahit nag-aaway na tayo."

"Oh damn! Lahat na lang ba ng gagawin ko, mali?" natatawa niyang sinabi at napansin kong nandito na naman kami, lumalayo sa usapan.

"Kung mag-uusap kasi tayo, usap lang..."

"Nag-uusap nga. Can't I look at your lips? Lip reading?"

"Lip reading ka diyan! Let's go back to our topic, shall we?"

He chuckled. "Fine... Saan n nga tayo?"

"I did not say that I want to enter in a relationship just for-"

"Then for what? You fell in love? How about Preston Ledesma? In love ka? Hinahalikan mo kung saan saan."

Nalaglag ang panga ko at nabitin kung ano man ang gustong sabihin. He stared at my lips so I closed it. Hindi ko na alam saan maiirita sa ginagawa niya o sa sinabi niya.

"I'm not in love with Preston-"

"See? So why do you want to have a boyfriend? Is it physical relationship that you want? Are you that curious-"

"Anong problema mo kung oo? You sound so judgemental with that-"

"So tell me. What is it that you really want. You want to enter a relationship? You want to fall in love? And be physical, is that it?"

Ngumuso ako at medyo na summarize niya naman ang iniisip ko. Ayaw ko lang aminin na nasummarize ng lalaking ito.

"Just wait for the right time. You'll know it when you fall in love. You don't have to force things," he said seriously.

"Yeah. If my friends treat me like a normal person. Kaya lang takot nga lahat dahil iniisip nila tayo pa rin. Kahit nga si Kuya, pinaparatangan tayong may milagro sa sasakyan mo."

"I should do something about it's shock mechanism."

"That's not the fucking point!"

His eyes widened a fraction and it drifted on my lips again. I closed my eyes and tried to breathe in and breathe out.

"Nakakainis ka naman, e. At the end of these all, you will be the only remaining friend that I will have."

Kumunot ang noo niya. "Marami ka namang kaibigan, ah? They're just thinking that we're an item so you just have to deny it if you want."

"If I want?" my eyes narrowed. "I will deny it because it's the truth. Ikaw ba, dinideny mo?"

"Of course! Bakit ako magsisinungaling na tayo? At wala namang nagtatanong sa akin. I'm always working. We don't talk about those things at work."

He's got a point. Hindi niya rin naman talaga kasalanan kung bakit kami nagkakaganito.

He pulled a throw pillow and cooly put it on his thighs. I glared at him and gritted my teeth. I pulled it a bit and saw that his dark gray slacks is bulging on his fly. Oh my goodness! He's going to stay here until morning again!

Pero hindi naman gaya sa bar, makakauwi naman siya kaagad nang walang aberya dahil wala na namang ibang tao.

"You will be my only friend and soon, baka ikaw na lang din ang magiging manliligaw at magiging boyfriend ko..."

I can see the future from here. Well, he is actually damn attractive. Hindi ko lang naman siya gusto dahil nakakairita at may madilim kaming nakaraan... but actually...

Nagulat siya sa sinabi ko. His brow was raised and he gave me an annoyed look. I narrowed my eyes before I smirked at him.

"Kunwari ka pa, gusto mo naman."

"You really think I'm an easy man?"

I leered at him.

"I don't play around anymore so... no..."

Wow! Ako pa ang nabasted!

"Then would rather me play around with other people?" I teased.

"So you admit that you only want to play around?"

Nagkatinginan kami.

"That's not a very nice thought."

"You talk like you didn't do it."

"I did it but I also regret it. Can't I change my mind, Cian?"

I hate it that he's got a point. I sighed and glared at him.

"Well, you're still a pervert."

He smirked. "But it's only for you."

Ngumuso ako dahil unti-unting nangingiti kahit na nakakainis na ang pinag-usapan namin.

The next week is our exams. Wala nang nang-usisa pa ulit sa akin tungkol kay Uriel pero mas ramdam ko na ang pag-iwas ng mga dating manliligaw. Those stupid suitors I was talking about before now either have girlfriends or non existent in the campus.

Hindi ko na alam kung pangit ba ako o dahil talaga sa Mercadejas na iyon.

"Lucianna, sama ka ba samin mamaya? Club. Since tapos na ang exams at break na, magce-celebrate kami."

"Sure! Sino'ng mga kasama?"

She mentioned five pairs of them. Limang magkakasintahan at gusto pa nilang isama ako... mag-isa!

"Kayo lang?" Hoping for any other person na wala namang pares para naman hindi ako kawawa.

"Oo."

"Ah..." I remembered what happened to my birthday after party.

Nawala na silang lahat kasama ang partners nila. What's new?

"Tingnan ko na lang pala. Baka may gagawin ako, e," bawi ko dahil ayaw ko nang maranasan ulit iyon.

I was miserably walking on the campus, uuwi na. Nabuhayan ako nang natanaw si Lawrence sa malayo. Magkakasalubong kami. Isang linggo ko siyang hindi na nakita pero hindi ko rin iniisip na magkikita kami dahil malaki ang campus.

I got excited when I saw him from afar. Patuloy ang lakad ko hanggang sa nagkasalubong kami.

"Hi, Lawrence!" bati ko.

"Good afternoon, Miss Almodovar..." then he passed by me.

Nagulat ako at tiningnan siyang palayo ngayon. He isn't very friendly now... at bukod diyan... Miss Almodovar?

So he figured out who I was? At kung paano niya man nalaman ang tungkol sa akin, paniguradong nalaman niya na rin... ang tungkol kay Uriel Mercadejas!

My phone rang. I sighed and watched the brute's name flashing for a call.

"Yeah, I'm here. Asan ka na?" tanong ko dahil siya na naman ang susundo sa akin ngayon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro