Kabanata 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 30

Priority


"Umamin ka na," seryoso kong sinabi kay Uriel.

His brow shot up.

"Anong aaminin ko?"

"Para saan itong kasal natin?"

"I told you, Lucianna. Hindi ko rin alam."

"Nasa ating dalawa lang ang puwedeng gumawa nito."

"Paano ako nakasisiguro na hindi ikaw?" nagtaas siya ng kilay.

I sighed and rested on my back. Umingay ang music sa background habang tinititigan ko siyang tinatapos ang pagkain.

"Bakit ko naman gagawin 'yan?"

"Like I said maybe you were-"

"In your dreams, Uriel. Kahit pa para gantihan ka, hindi ko gagawin 'yan."

"And you're accusing me?"

"You're crazy over me," agap ko.

His eyes narrowed.

"Kasasabi mo lang na iyong kriminal ang gusto ko. Ngayon, sinasabi mo ikaw ang mahal ko? Sino ba talaga ang mahal ko diyan sa isip mo, Lucianna?" He smirked.

"Or... you..." I paused to think about any reason pero wala akong maisip. "You both planned it to ruin my life."

He chuckled.

"Do you hear your reasons?"

"Then fine!" iritado kong sinabi. "Kung wala sa ating dalawa, paano nangyari 'to? Hindi naman natuloy ang kasal nating dalawa!"

He sighed but his eyes never left me.

"I can contact some people."

"I'll contact my family lawyer."

Nagtaas siya ng kilay. "You will?"

Nagkatinginan kami. Naisip ko rin na kung magtatanong ako roon, malalaman ni Mama at Papa ang tungkol dito. Mukhang walang nakakaalam kung pagbabasehan ko ang usapan namin kanina ni Kuya Lucho.

At kung totoong hindi rin alam ni Uriel, hindi rin siguro alam ni Mama at Papa.

"I'll find a lawyer of my own."

"I can contact some."

"I want us annulled. For sure, may grounds. I wasn't informed so that is certainly a strong ground?"

"We'll talk to a lawyer."

"Bukas."

"Ikakasal ang kapatid ko sa Costa Leona. Wala ang mga contact namin para dumalo."

"Then let's other lawyers?"

"It's just few days, Lucianna. Hindi ba talaga makakapaghintay?"

Natahimik ako. Kung sa bagay, ikakasal nga si Anton tapos hindi ata umuwi si Uriel dahil sa meeting namin ngayong gabi.

"This isn't a joke so you know why I'm acting this way, right? Natataranta ako kasi ito ang bubungad sa akin pagkauwi ko?"

"Well, I didn't know, too. It's the weekend so give it a rest. On Monday, iyon ang uunahin natin, okay?"

Shit. And I have a full month schedule! Dadagdag pa ba 'to?!

"May gagawin ako sa Monday..." kalmado kong sinabi.

"Ano?"

"I'll check my listed condos..."

"Hindi ka uuwi sa inyo?"

I looked at him, annoyed.

"I don't want it to happen again. That girl is still at large."

"Your family is protected. At malapit na siyang mahuli-"

"Pero hindi pa. Kaya hindi bale na na ako ang mapahamak kaysa maulit iyon..."

Naalala ko ang gabing iyon. I remember the blood on my hands. The memory of it was a recurring thing whenever I talk about it. I shook my head a little in the hopes to shake it off too.

Napatingin ako kay Uriel at natanaw ko na nakatitig siya ng mariin sa akin.

"I won't let that happen to you."

Nagtaas ako ng kilay at nawala sa mga madilim na iniisip. His seriousness diverted all my thoughts. I smirked.

"What are you gonna do? Mag-hire ng sandamakmak na bodyguards sa akin? No thanks. I can't trust your men."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at uminom na lang ng wine. Nanatili ang tingin niya sa akin.

We are done with our meal after a while. Dumarami na rin ang mga tao roon at doon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami. Inubos ko ang wine ko at unti-unti nang sinikop ang purse. As if on cue, the waiter went to our table.

Kukuha na sana ako ng card kaso nagbaba na siya roon.

"Babalik na ako sa hotel," sabi ko.

"Hindi ba natin pag-uusapan kung bakit kasal na tayong dalawa?"

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit nga ba? May alam ka ba?"

Umiling siya. "Maybe we can sort it out. How all of this happened?"

Naagaw ang pansin ko nang natigilang bisita. She was a familiar daughter of a family friend or something. Gulantang siya nang nakatingin sa lamesa namin. Uriel didn't mind her but her look was scandalous. Iyon pala, nakasunod si Grace Tengku sa kanya!

"Certainly not here, Uriel."

Tumayo ako at umalis na. I had a glimpse of Grace Tengku's shocked expression when she noticed Uriel. At mukhang wala siyang pakialam na kasama ako kaya ngumiti siya at nilapitan. Tuloy tuloy naman ang lakad ko palabas sa restaurant.

"I'd like a cab. Okada," sabi ko sa valet.

Medyo iritado ako. Sana pinakuha ko kay Kuya ang sasakyan ko.

That's when I realized that I can't run all my errands without my car. I need to call home to get one. At kakausapin ko pa sina Mama at Papa dahil sa pag-uwi ko. Tapos... nasaan na kaya si Simon? What about our business plan?

Oh my gosh, have I gone heartless? Anong business plan, Lucianna? Umalis 'yong tao at nagwalk out dahil nasaktan sa nangyari!

I graoned and closed my eyes. I have problems, unang araw pa lang ng pag-uwi ko rito!

Pagdilat ko nakapark na ang sasakyan ni Uriel sa harapan ko. I thought he'll remain inside the restaurant to chat with Grace Tengku. Bumaba pa ang salamin ng front seat at tiningnan niya ako galing doon. The valet opened the door for me.

Nilingon ko ang services at sa huli, pumasok na lang sa sasakyan ni Uriel. Hindi na ako makapaghintay ng taxi!

"Ihatid mo na lang ako sa hotel ko," malamig kong sinabi.

"I thought we'll talk about it?"

"Maraming tao sa club at restaurant sa mga oras na 'to. Lalo pa sa araw na 'to kaya huwag na."

"How about your hotel room?"

Sumulyap pa siya sa akin. Napalingon tuloy ako sa kanya.

"You know... we'll just talk how this happened. Hindi ko rin alam paano nangyari ito at imposible naman din kasi hindi naman tayo nagpakasal."

Gusto kong pairalin ang iritasyon sa katotohanang aakyat siya sa kuwarto ko kaya lang tama naman siya. At alin nga ba ang mas gusto ko, sa public na pagtsi-tsismisan kami o sa kuwarto?

But then the CCTVs would reveal that he visited my room, isn't that too malicious? Baka may milagro kaming ginagawa roon?

Bakit nga naman ako guilty? Wala naman kaming gagawin at kapag may magtanong, sasabihin ko na pinag-usapan namin ang tungkol dito sa kasal na hindi ko naman alam! That certainly better than walk with him in a restaurant or club that's full of people. The gossips will run wildly.

Lumabas ako sa sasakyan niya at hindi na siya hinintay. Nakasunod siya sa akin papasok sa hotel pero medyo malayo ang agwat namin kaya hindi naman kapansin pansin.

I went to the elevator. Walang tao. I sighed when he went in at pinindot ko na ang buton.

Pinagmasdan ko ang salamin at natanaw kong suot niya ang bigay kong cheap na cufflinks. Iniwas ko ang tingin ko roon at hindi na inisip pa. I don't want to put meaning on anything between us. What happened before is over. I've moved on and I don't want my life tangled with him that way again.

Lumabas ako nang bumukas ang elevator at kinuha sa purse ang key card. Nakasunod siya sa akin. I opened my suite. I regret that I got a big matrimonial suite. Masyado pang romantic ang lighting at kulay. Ngayon ko lang napansin nang pumasok siya.

I looked at him. Iminuwestra ko ang upuan pero nang natanaw ko ang paggala ng mga mata niya, medyo nairita ako. He looked a bit erotic and sexy.

Binalewala ko ang kahibangang naiisip at nilapag ang purse sa malapit na lamesa. Nagsalin ako ng tubig para sa sarili ko at nilingon siya. I looked at him sitting comfortably on the chair. His eyes dark as he viewed the room's design before he met mine.

"I didn't file anything. Nakanino ba ang mga papel natin bago iyong kasal?"

"My secretary-"

"Oh, so ikaw?"

"Hindi iyon ifa-file nang hindi ko sinasabi. At kailangan ng pirma 'yon."

"Maybe you forged my signature?"

I snorted. "I may be crazy for you but I won't force you like that."

"All words. No evidence, Uriel."

"I asked my secretary about it a while ago. Hinahanap niya pa."

Kumunot ang noo ko. "Saan mo ba nilagay?"

"On the documents at work."

"Hindi mo tinapon?" naalarma kong tanong.

"I don't want to look at it after our break up."

Well, at least it's clear to him that we broke up. I give him that.

"So nasaan na 'yon ngayon?"

"Hinahanap niya pa."

"So maybe it was your secretary."

"Ano namang mapapala niya roon?" nagtaas siya ng kilay.

"I don't know."

"Baka na naman ba, inutos ko?"

"Hindi ko sinabi 'yan, Uriel."

"Tss. Ibang dokumento rin ang kailangan para sa kasal. It was the certicate with our signature. Nagpakuha na ako at dahil weekends bukas, baka sa Lunes na. Let's meet on Monday."

"I said I have an appointment!"

"I'll drive you to your appointment. You don't have a car."

I gritted my teeth.

"Ipapahatid ko ang sasakyan ko rito."

"Alright..." he shrugged. "But... I can help you with condos."

"How 'bout dinner na lang, Uriel? Bakit parang makikialam ka pa sa desisyon ko sa condo?"

"I have no work and isn't it good that we talk about this problem in an aggressive way?"

"So what's wrong with talking about it on dinner?"

"Sarado na ang mga opisina sa dinner. Kaya mas mabuting buong araw nating pinag-uusapan habang bukas pa. If we need to verify something, then it will be easier."

Nanliit ang mga mata ko. May punto nga naman siya pero bakit parang...

"Or we can just talk it over dinner. And talk about it again the next day, kung may makaligtaan."

"Fine. But you don't have to drive around because I'll get my car."

"Alright."

Nagkatinginan kami.

"Wala na ba dahil gusto ko nang magpahinga."

He looked at his wrist watch. Nakita ko na naman 'yong cufflinks.

"Marami pa sana pero bukas na lang. You just got here, you will need to rest."

"Bukas?" iritado kong tanong.

"Yes."

"Akala ko ba uuwi ka para sa kasal ni Anton?"

"Hindi na. This is even a bigger thing so..."

Kumunot ang noo ko. Mas malaki pa ito sa kasal ng kapatid niya?

"Or if you want to go, we can fly tomorrow?"

"No, I won't."

"Your parents are invited but it was a short notice at mukhang may ibang commitment na sila bukas."

"I know..."

"Hindi tayo pupunta?"

"Pumunta ka kung gusto mo!"

"But we need to talk. That's more important so... okay... we won't go..."

Tumayo siya at unti-unti nang naglakad patungo sa pintuan.

"Inaantok na rin ako," kuwento niya habang naglalakad.

"Edi umuwi ka na..." sabi ko.

I successfully pushed him out of my suite. Bumuntonghininga ako nang nakalabas na siya at sinarado na ang pintuan.

Naligo muna ako kahit ginapangan na nga ng matinding pagod sa buong araw na problema. kadarating ko lang, ang dami ko na agad problema.

I was in the hot tub when I realized that it's unbelievable! I need to really verify this. Totoo ba talaga na kasal kami ni Uriel? He contacted someone a while ago. Sa Lunes pa namin tuluyang makikita ang marriage certificate pero magiging sapat ba iyon?

Dapat ata kaming pumunta sa mismong government office at mag issue ng copy noon. Ayaw kong ipautos lang sa sekretarya niya o kahit sino pa man. Gusto ko ako mismo ang kumuha noon straight sa government office.

My schedule for next week is mostly about my condo and some meetings about my business. Hindi pa kasali rito ang pag-uwi ko sa Romblon.

Tinawagan ko muna si Mama para ibalita sa kanya na nakauwi na ako. I also talked to Papa.

"I'm fine here, Papa."

"Hindi ka ba uuwi rito, hija? We miss you."

I wave of sadness suddenly hit me. Gusto ko nga silang makita. Binibisita nila ako sa abroad noon at okay lang iyon sa akin dahil bukod sa may security sila, hindi rin naman kami basta basta masusundan ni Sean doon.

Here in the Philippines, I am very doubtful. Even with a tighter security, I can't seem to shake the fear off me.

"Bibisita po ako, Pa."

"Nagkausap na ba kayo ni Uriel, hija?" si Papa.

I rolled my eyes at his question. Ito talaga ang itatanong sa akin?

Hindi nila alam kung anong nangyari ngayon at wala akong planong banggitin iyon. Mapipilitan akong pumunta sa bahay at kausapin sila kapag nalaman nila ang nangyari. I have yet to confirm if it really is true and find solutions to the problem.

"Opo. Nagkita kami kanina-"

"Nagkabalikan na kayo?" Papa seems enthusiastic.

"No, Pa. Nagkausap lang kami."

"Tungkol saan?"

Nagtagal na hindi ako nakasagot. I had to lie for the conversation to run smoothly.

"Just... about business."

"Siya ba ang kasosyo mo sa naiisip mo na business? Na kuwento ni Lucho."

I closed my eyes and remembered Simon! Kakausapin ko pa ang isang iyon.

"We'll see, Papa..."

He sighed. "Alam ko kung bakit kayo naghiwalay ni Uriel noon, hija..."

I gritted my teeth and want to stop the conversation. Kaya lang, mula nang may nangyari kay Papa at sinisi ko ang sarili ko, hindi ko na siya magawang baliwalain. I felt guilty because I realized it only after what happened. He is important to me, more important than anything. More important than my relationship with Uriel, or even my own reputation.

"Nalulungkot pa rin ako hanggang ngayon sa nangyari."

"Papa... hindi po iyon ang dahilan, okay... Talagang may hindi lang kami pagkakaintindihan ni Uriel."

"I know that you doubted him because of what happened."

"No, Papa..."

He sighed. "Arch, that's enough. Let me talk to her," si Mama na kinuha yata ang cellphone.

"I'm sorry about that, hija," panimula ni Mama.

Hindi ako nagsalita.

"Alam mong guilty lang ang Papa mo sa nangyari noon."

"Wala naman po siyang dapat ika-guilty. At kung meron mang dapat ma-guilty dito, ako 'yon, Ma..."

Ilang beses na namng napag-usapan 'to. But that night, we had another two hour and half conversation about it.

Clearly, my father really felt guilty about my canceled wedding. At pareho nilang gustong magkabalikan kami ni Uriel. Mas grabe lang si Papa dahil sa guilt niya. Mama is more indulgent to me, telling me to buy my time.

"Hindi na po, Mama..."

"Wala namang ginagawang m-masama si Uriel, hija. You should rethink your situation. He's of age to marry so... you know..."

"Wala po akong pakialam kung gusto niya nang magpakasal. Magpakasal siya ng iba. I just want to build a company right now..."

"T-Talaga? Hindi ka maiinis kung malaman mo... na... kasal na pala siya... kunwari?"

Natahimik ako. Mama laughed weirdly.

"Well... kunwari lang naman..."

"Wala akong pakialam, Mama..."

Imbes na matawagan si Simon sa gabing iyon, nakatulugan ko na lang ang pagbaba sa cellphone ko galing sa tawag ni Mama.

My sleep was the best in months. Maaga akong nagising at dahil sa sarap ng tulog, medyo maayos ang mood ko.

I will eat breakfast on the hotel's buffet restaurant. Naligo muna ako at nag-ayos.

For today, I just have to contact all my newly hired secretary. Kakausapin ko rin si Kuya Lucky tungkol doon sa office na gusto ko. Ikukumpirma ko rin ang agent ng condo na titingnan ko. I have three options. All of them close to our BGC building so that's great.

Wit my laptop, I went out of my suite. Muntik ko nang mabitiwan ang laptop ko nang niluwa rin si Uriel ng pintuan sa tapat na suite!

"What the hell are you doing here?" gulantang kong tanong.

He closed the door. Basa ang buhok niya. Huwag mong sabihin sa aking nakapagclub pa siya kagabi at baka may kinama siya riyan?

"Sinong kasama mo riyan?"

Kumunot ang noo niya. "Mag-isa ako. Nagsabi ako kagabi na antok na ako... hindi ko na kayang magdrive pauwi."

Lalong umasim ang tingin ko sa kanya. He opened his door while looking at me.

"If you want, you can check if I'm with someone..."

"No, thanks..."

Umirap ako at dumiretso na sa pasilyo. 'Kala niya naman may pakialam ako kung mayroon nga siyang kasama. Nakasunod na siya sa akin. Pumasok ako sa elevator at ganoon din siya.

"I'll eat breakfast," he said matter of factly.

Naka puting t-shirt siya at pants. He looked more relaxed without his suit.

"Saan ka nakakuha ng damit? Sabi mo, antok ka na? Don't tell me umuwi ka?"

"I had it shipped. My secretary did it."

"Your secretary went to your condo to get your clothes?"

"Lalaki ang sekretarya ko at pinabili ko ng bagong damit, hindi pinapunta sa condo. Mas madali iyon."

Nagtanong ba ako kung babae o lalaki?

Lumabas ako ng elevator at dumiretso na sa restaurant. I chose a seat and put my laptop in there. Dumiretso na ako sa pagkain at kumuha na lang ng pancakes at kung ano ano pang kakainin. Uriel was trying to keep up, dala ang pinggan niya na nilalagyan din ng pagkain pero tingin nang tingin sa akin.

Sinimangutan ko siya at bumalik na sa lamesa ko. I sat and put my laptop on the side so I can eat first. Tinabi ko naman ang kape. Umiinom ako ng tubig nang naupo siya sa harap ko. Binaba ko ang baso.

"Maraming upuan."

"It would be weird to sit somewhere else when we know each other and... we can talk about things."

"Sige nga... edi mag-usap na tayo tungkol sa problema. Is there progress? I asked as I spread butter on my pancake.

"Kagabi lang tayo nag-usap tungkol doon. The offices are closed, too."

"Then we don't have anything to talk about."

"How about your condo units? Let me check it for you..."

Natigilan ako at pinagmasdan siyang kakain naa rin ng breakfast.

"Sasama ka na nga sa Monday, titingnan mo pa ang condo ko ngayon?"

"I'm just offering you services, Lucianna..." he shrugged.

"No thanks. I don't help..."

"But you need opinion. Kung alin ang mas magandang condo unit?"

"Fine, then, alin sa tatlo?"

Ihinarap ko sa kanya ang laptop. Hindi ko siya susundin pero para matahimik na lang siya. Tahimik akong kumain habang nakikita siyang ngumisi.

"This one..."

"Why?"

"Mas malapit sa office... mo... near good supermarkets, so you can do your groceries... and luxury shops."

Tinitigan ko iyon.

"Also near the hospital. Strategic location."

May punto nga naman siya. Napatitig ako sa lokasyon na iyon habang patuloy na kumakain.

"Titingnan ko pa ang itsura ng unit."

"Sure. That's what we're going to do on Monday, right?"

Tumango ako at naalala ang sasakyan ko. I sent a text message for my brother while eating.

Ako:

Kuya, please send me my car here sa Okada. I'll need it. Nakausap ko na si Mama at Papa kagabi.

Kuya Lucho:

Okay. It will be there before lunch.

"May sasakyan na ako kaya hindi mo na ako kailangang ipagdrive."

Tumango si Uriel at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain, nagkape na ako habang nagchi-check ng emails. I called my secretary and told him to stand by because the office will be available soon. Kahit pa hindi ko pa nakukumpirma iyon kay Kuya.

Pagkababa ko ng tawag, si Kuya Lucky naman ang tinawagan ko para sa opisina.

"Kuya, kumusta na 'yong pinareserve ko na floors?"

"Good morning, Cianna," his voice was husky.

It was as if he's hung over or something.

"Is this a bad time to call? Mamaya na lang?"

Nagkatinginan kami ni Uriel. I realized then that this brute has no other things to do. Nagkakape lang habang nakikinig sa mga tawag ko rito sa harap ko.

Umiling ako at binalik ang tingin sa laptop.

"No, it's fine..." he said hoarsely. "May kailangan din akong sabihin sa'yo."

"What?"

"Recently, we opened twenty five branches in the provinces, right? Kinuha iyong reserved floor para roon kaya-"

"A-Ano? Akala ko ba para sa akin iyon?"

"Ibibigay ko na nga sana para sa'yo pero kailangan talaga ng office."

"I thought you have an extra office ready for those branches?"

"Pinarenovate ni Mama 'yong offices na hinanda ko. She said that the MERC, near our office, can offer a floor. Naisip ko mas okay iyon dahil mas malaki! Kaya pumayag na ako-"

"W-What?!"

I leered at Uriel. What the hell is this?

"Apparently, the Senyora offered it to Mama. Tamang tama naman na may business ka nga. At nasabi rin na mas may koneksiyon iyon sa kanila kaysa banking. They are under construction and your resin-"

"Marble!"

"Yeah. Furniture will fall under them or something so..."

"Semento 'yon. Hindi marble."

"But better than in a banking office-"

"But still better under the office of my family than... some... someone elses!"

"Cianna, yeah... nasabi ko na. Kayo na ang mag-usap ni Uriel. Wala na akong magagawa rito dahil magsisimula nang mag opisina sa Lunes iyong mga tao. Hindi pa naman gawa ang kompanya mo at meron ka namang office na fall back kaya..."

Fuming mad at this, binaba ko na ang tawag ko kay Kuya at hinarap si Uriel.

"Alam mo ba ang tungkol dito?"

"Tungkol saan?"

"Oh don't tell me you're an innocent brute. Iyong kasal, hindi mo alam. Eto, hindi rin?"

"I was only told to prepare you an office. I did..."

Kung sa bagay. Wala naman yata siyang kasalanan dito! It's my incompetent brother that's the problem!

Pumikit ako ng mariin. Kung hihintayin ko na magawa ang office na ipaparenovate ni Mama, matatagalan lalo ang kompanyang 'to.

Speaking of the company, hindi ko pa nakakausap si Simon! Is he still up for it or not? My goodness, am i this heartless to not even care about his feelings now? Business na lang ang naiisip ko.

I should slow down a bit and talk to him properly.

"So... you want to build a marble furniture company?" si Uriel.

"And marble floors and walls... May mga tao na ako. Bibisitahin ko na lang quarry."

"Hmm. In Romblon?"

Nairita ako bigla at naalala ko si Sean. To hear the place in Uriel's lips annoyed me.

"Yes."

"Saan gagawin ang furniture. Dito o doon?"

"Some will just be shipped here but I have a warehouse here in Manila. Dito na rin ang pagawaan ng ibang... furniture."

Matagal bago siya tumango. Medyo hindi ako kumportable. They are known to be good and wise in business kaya... kung may kaunting pagdududa siya... medyo nawalan ako ng confidence.

"Is there a problem?"

"Expensive but I guess your clients will be from the higher crust because it's marble."

"Yes," nabawi ko ang confidence ko.

"May warehouse ka sa Batangas? I assume it will be shipped from Romblon to Batangas then..."

Napakurap-kurap ako.

"Baka sina Simon..."

Kumunot ang noo niya. "Are you teaming up with him?"

"Kasosyo ko."

He shifted on his chair. I realized he's thinking they have a warehouse in Batangas!

"Meron sila, for sure. How are they shipping their furniture kung wala."

"I have a vacant warehouse. You can use it."

"Mayroon nga kay Simon, kasosyo ko. Hindi naman kita kasosyo."

"You can rent it if you want. In case all their warehouses are busy."

Ngumuso ako at hindi na muna nagsalita. May punto siya. Malaking bagay din na hindi gaanong suportado ng pamilya ni Simon ang pagtiwalag niyang ito kaya malabo na makakuha kami ng suporta sa mga Samaniego. Bukod pa sa, hindi pa kami nagkakausap!

"So it's true? Boyfriend mo 'yon?"

Hindi na pero nakakainis naman 'tong si Uriel.

"So what?"

"We're married."

"We're not..." giit ko.

"Pareho nating hindi alam... but technically, we are."

Napakurap-kurap ako. "Hindi pa sigurado 'yon. Pupunta muna ako sa opisina at ako mismo ang kukuha ng marriage certificate."

"My secretary can do that on Monday."

"Ayoko. Baka dayain mo-"

"Para saan naman?" he smirked.

"I want to be the one to get the marriage certificate, kung mayroon, Uriel."

"Okay. Sasamahan kita. I want to see it for myself too."

Sinimangutan ko siya.

"If it's true, then you can't have a boyfriend."

Gulantang at iritado sa sinabi niya, halos mapaahon ako.

"Hindi ko naman alam. At hindi ko gusto! At maghihiwalay din naman tayo."

"Pero hindi pa hiwalay. Kasal pa... So it's still wrong, right?"

My eyes narrowed at him.

"We're consulting a lawyer, right? Mapapasawalang bisa ang kasal natin."

"Sure. But what I'm saying is it's not done immediately. So for now, if it's true, then we really are technically married."

"You like this so much huh?"

Nagtaas siya ng kilay. "What do you mean?"

"Baka pa ikaw ang may pakana."

"HIndi ako. I would even cooperate with our annulment. I'm of age, dapat magpakasal na ako kaya..."

May pa inom inom pa siya sa kape. Iritado ko siyang tinitigan.

"If we're done with this, then, it's time to find someone."

How dare you, Uriel Mercadejas! He smirked when he noticed my hostility and anger. Kaya naman sa huli ngumiti na lang ako.

"That's good to hear. Best friends tayo, 'di ba? Gawin mo akong maid of honor, ah?" I said sarcastically.

"Sure. Unless my future wife is jealous. Her opinion will be my priority."

Inis na inis na, tinitigan ko siyang mabuti. He ignored my anger and continued sipping on his coffee.

"Excuse me, Miss Almodovar..."

Nilingon ko ang lumapit na hotel staff. Manager yata iyon o ano. Iritado ko siyang tiningnan.

"Nasa baba na po ang Aston Martin mo."

My mouth dropped open when I realized which car arrived. Pakiramdam ko pinagkakaisahan ako ng lahat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro