Kabanata 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 11

Standards

Natira kaming apat para sa merienda. While I cannot take my eyes off Leandro's after shower look, tahimik namang kumakain si Kuya Levi at Chantal. Habang maingay naman ang utak ko habang tinititigan si Leandro na nakatingin pinggan, naglalagay ng merienda.

"Anong gusto n'yong tanghalian mamaya, Kuya?" Chantal asked.

Bumaling si Leandro sa kapatid. Then his eyes met mine so I sat there a bit uneasily.

"Puwede akong magluto ng menudo. Pero baka lang may iba kayong gusto?"

I was about to suggest something like Kare-kare and lechon would sound great but Kuya Levi's look made me shut my mouth. Nakita ko ang pagbabanta sa mga mata niya kaya tinikom ko ang bibig ko.

"Ikaw, Chayo? May gusto ko ba?"

Pilit na pilit ang ngiti ko kay Chantal lalo na dahil naaalala ko ang itsura ni Kuya Levi. Leandro looked at me with suspicion in his eyes.

"Ah. Hehe. Wala naman. Ayos na ang menudo."

Chantal smiled. She looked really sweet with her spanish eyes and long hair.

"You cook really good, Chantal," seryoso na sinabi ni Kuya Levi.

Chantal flushed at that remark. Sumulyap siya sa akin bago yumuko at natahimik. I tilted my head at her.

"Talaga? Can you teach me how to cook, then, Chantal? Manonood ako sa pagluluto mo ng menudo ngayon," deklara ko.

Nabitin ang isasagot ni Chantal nang tumayo si Leandro at dumiretso sa banda ko. Kinuha niya ang platito ko kahit kasusubo ko pa lang ng huling piraso ng camote. Nagulat si Chantal sa ginawa ng kapatid. Ako rin naman, gulat na gulat sa ginawa ni Leandro.

"Bring your juice. We'll go outside," Leandro declared.

"H-Huh?" gulantang kong tanong.

Nilapag ni Leandro ang mga platito sa lababo at tatayo pa lang ako, kinukuha ang baso ng juice, binawi niya na iyon at siya na ang nagdala.

"Let's go," he ordered.

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang na-atat pero naisip ko namang iniisip niya lang din ang kapakanan niya. Kailangan niya nga naman ang maipapayo ko sa lalong madaling panahon kaya atat na siyang umalis doon.

Iminuwestra niya sa akin na mauna na ako. Sumunod naman ako sa gusto niya nga lang, bago tuluyang makaalis sa kusina ay nilingon ko si Chantal.

"Next time na lang ako papaturo," sabay ngiti ko.

Nahagip ko ang pagtapik ni Leandro sa likod ni Kuya Levi. Nagtagal tuloy ang tingin ko dahil doon. But Leandro blocked my view and immediately pressured me to walk more. Ayan tuloy at nasa sala na kami. Bumagal pa ulit ang paglalakad ko dahil nahihiwagaan sa pag-iwan namin kay Kuya at Chantal pero dahil mabilis ang lakad niya at tinatabunan niya pa ang view ko sa kusina, naidiretso ko na ang lakad ko palabas.

"Dito na tayo," aniya at iminuwestra ang isang lumang bakal na bench sa lilim ng isang puno ng makopa.

Nasa kaliwang banda iyon ng kanilang bahay, salungat sa side kung nasaan ang garahe. Pinaupo niya ako roon at nilapag sa maliit na bakal na round table ang juice na dala ko.

"Oo nga pala at may pag-uusapan tayo," sabi ko.

I wrinkled my nose when I inhaled his scent. Hindi ko mapigilan ang pagkakapansin sa bango niya. He always smells good, though. Ngayon nga lang mas nadepina iyon sa akin dahil bagong ligo talaga siya at ang presko pa ng itsura.

I can't help but compare him to my exes, then. Nawala nga lang sa isipan ko nang nilingon niya na ako at madilim ang kanyang mga mata.

"Well, dala ko ang notebook ko," sabi ko at binuksan ang sling bag na dala.

He sighed and nodded indulgently. Humilig siya sa upuan at sinulyapan na ang pagbubukas ko sa notebook.

Wary of anyone overhearing us, tumayo ako para i-check na hindi nga nakikinig si Chantal o ang kapatid ko.

"What are you doing?" he asked.

I craned my neck to check their windows. Then their door to see if Chantal is cooking now or if my brother is entertaining her.

"Chayo!" he pulled me down and made me sit.

Nga lang, nang napatingin ako sa kamay niyang hawak ang palapulsuhan ko, mabilis niya iyong tinanggal na para bang napapaso.

"I'm just checking. Baka nakikinig sila. I'm just protecting your dignity..." I whispered.

Pumikit siya at nagsapo ng noo. Pagkatapos ng ilang sandali sa pagpikit ay ngumuso, nagtatago ng ngiti.

"Hindi nakikinig ang mga iyon. Sige na. Simulan mo na!" hamon niya.

Inilingan ko siya. Ang hindi niya alam, nag-aalala lang naman talaga ako na malaman ng lahat na hindi pa siya nakaka-move on. Para sa kanya rin naman iyon, e. I sighed and read my conclusion on the fifth page.

"Hindi ka pa nga nakaka-move on sa ex mo," sabi ko.

He nodded lazily, as if he's tired of hearing it. Maybe he says that to himself every night. What a sad life, huh? Tumikhim ako at bahagyang nabagabag sa mga naiisip tungkol sa kanya.

"You're not interested to try another relationship, or even just be friends with any new girl. And we need to do that!" I concluded.

"So you needed to know how my relationship was with Keira to say this?" tumaas ang kilay niya.

"Sige, kung gusto mo ng thorough and complete assessment, ibibigay ko sa'yo. Sinasabi ko lang ang conclusion dahil baka iyon lang ang maiintindihan mo," mayabang kong sinabi.

He chuckled. Hindi ko na pinansin at bumalik sa pangatlong page ng notebook para lang malaman niya ang mga naisip ko. Nakatitig siya sa akin. He's so attentive and eager to listen.

"I got a feeling that she feels she's being neglected," sabi ko.

His lazy eyes widened a bit. Doon ko narealize na tama talaga ang mga conclusion ko sa relasyon nila. Ramdam na ramdam ko na tama ako.

"You see, she's not with another guy so meaning, like you, she hasn't moved on."

I didn't want to say that but I have to be honest.

"And you said cheating isn't an issue. You didn't cheat and she didn't cheat," sabi ko habang binabasa ang konklusyon.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kitang-kita ko ang atensyon sa titig niya.

"You didn't really court her properly from the very beginning kaya doon pa lang, neglected na siya."

Hindi pa rin siya kumibo kaya nagpatuloy na ako.

"Then you forget monthsaries. I know for sure gifts and dates aren't always neccessary pero alam mo 'yon?" madrama kong ipinakita sa kanya ang ekspresyon ko. "It could be a contributing factor, pandagdag sa mga naunang pagkukulang mo."

He sighed heavily and closed his eyes. Tumingala siya at dahil doon, nagkaroon ako ng pagkakataong tumitig. I saw his adam's apple move as he swallowed hard.

"Did you get me?" tanong ko, medyo mapait na ang nararamdaman.

"Uh-huh..."

Nagtiim-bagang ako. The fourth page is actually the next thing he must do. But I skipped it and opened the fifth page, the one that involves moving on. Kasi sa fourth page, ang nilagay ko ay ang habulin siya.

He needs to... get her back.

Their relationship was lacking and it has to be on his part. If he still wants her, like what I am suspecting, he must win her back. Lalo dahil tingin ko, hindi pa rin naman nakaka-move on si Keira.

Nag-angat ako ng tingin sa kanilang bahay.

How can you move on anyway... from a man like him? Nilingon ko siya. He opened his eyes, tilted his head, and twisted his lips. He seems so cool and manly. I feel like he's way beyond his age. Like... a bit out of anyone's league.

Noon, pakiramdam ko masuwerte si Keira sa kanya. Ngayon... masuwerte ang babaeng pagbabalingan niya ng effort niya. To me, it wasn't Keira. Siguro nga ganyan na siya. Siguro nga hindi niya kailangan ng mga regalo at date. Siguro nga hindi importante ang monthsary. But if he really wanted her, one move to pursue her is enough to win her back. For sure. But he's not doing it... and I don't want him to do it.

Binaba ko ang tingin ko sa notebook at muling naisip ang pagiging selfish ko sa pagtulong nito.

Ayos lang, Chayo. Anyway, kung hindi talaga siya makaka-move on, 'tsaka mo na lang tuluyang i-apply ang pakikipagbalikan niya kay Keira. That will be the last resort. And if my hunch is right and she will get back with him in a heartbeat, I'll disappear and stop all of this. Like how it should be.

"So what's your type of girl?" tanong ko.

Nilingon niya ako, ngayon namumungay na ang mga mata.

"We need to know so I can try and match you with her."

Ang hirap nito. Kahit sino yata sa school papayag kapag si Leandro. Even the rich girls run after him. Maybe I should think about the meanest and richest bad bitch at school, baka iyon ang babasted sa kanya?

But... anyway... who is the meanest rich girl at school? Isn't it... me?

Babastedin mo, Chayo? Uminit ang pisngi ko sa naiisip!

Manliligaw si Leandro sa akin? Oh my! My heart is beating so loud. Mahigpit na rin ang hawak ko sa notebook at ballpen. Hindi ko alam ang gagawin ko!

"Well, someone my age, for a start..." he said lazily.

Naestatwa ako sa narinig. Nakakahiya ang iniisip ko. Nakakahiya naman 'to! Kung nababasa niya lang ang iniisip ko baka tumakbo na ako palabas dito. At kung mamalasin, baka nahulog pa ako sa kanal diyan sa labas!

"O-Okay..." medyo natataranta kong isinulat iyon sa sumunod na pahina.

Hindi pa rin nakabalik ang wisyo ko kaya bullet lang ang naisulat ko. I thought so hard what it is to write but it didn't cross my mind.

"Ano nga ulit 'yon?"

"Someone my age or older is better," ulit niya, nakatitig sa akin.

Ibinagsak ko ang notebook at sa wakas ay hinarap siyang mabuti. Gathering my whole dignity and realizing that he really can't read my mind so this is okay, I continued the battle.

"Bakit walang chance ang mga ka-age ko, kung ganoon?"

His eyes widened and his lips parted. He looked pissed, bothered, and shocked all at the same time. Hindi siya nakakibo sa sinabi ko pero isinulat ko na lang din ang unang standard niya dahil medyo awkward pala ang nasabi ko.

"O kahit one year younger?" agap ko. "Ayos din naman iyon, ah!"

"I don't like kids, Chayo. I want a mature relationship, if that's what you want to know."

Sinipat ko siya. If looks could kill, he's dead by now. His mood swing was very confusing, however. Dahil kung kanina'y sa gulat niya mukha siyang galit, ngayon ay naaaliw na yata sa iritasyon ko.

"This isn't fair! You should reconsider younger girls!" patuloy ko.

"Are we fighting over my standards?" he fired at me.

"Dahil hindi naman kasi tama na may age limit ka-"

"Oh! Bakit? Ikaw, magbo-boyfriend ka ng ka-edad ko?" iritado niyang tanong.

Oo! Pero depende kung sino! Pero s'yempre 'di ko na sinabi iyon. Mamaya mahalata niya pa. Ayoko nga.

"Ano pa?!" iritado ko nang tanong.

"Not necessarily pretty, but I want her smart and kind."

"Smart, kind, and very pretty!" isinulat ko iyon.

"I said looks doesn't matter to me, Chayo."

Naiirita ay binaba ko ulit ang notebook ko at hinarap siya. He looked so amused. I don't understand why is he looking happy when we are almost fighting over his weak standards.

"It should! Dapat maganda! Makinis, matangos ang ilong, slim body like mine, long straight brown hair, maamong mga mata, at kulay pink ang labi! 'Tsaka iyong cheeks, kahit wala nang cheektint. Kahit kurutin ng kaunti, namumula na!"

He smirked at my dramatic description.

"Ganoon!" sabi ko.

"Looks doesn't matter, Chayo. Substance does. It's what will stay in the future."

Nanliit ang mga mata ko, masama na siyang tinitigan ngayon. Sa huli, nagpatuloy ako. Ako rin naman ang magdedesisyon kung sino ang popormahan niya, e. Kaya bahala siya!

"Born in a mid-class family is fine," he added.

Parang tinaga ang puso ko sa sinabi niya. For good two seconds, I buffered as I looked at him almost angrily.

"This is very isolating! Paano kung mayaman?!"

He smirked. "I want someone who knows what it feels like to work hard before getting some precious things."

"Bakit? Kapag ba mayamang tulad ko, hindi na pinaghihirapan ang mga bagay-bagay?"

He was shamelessly smirking now. Hindi pa makasagot sa argumento ko.

"Napaka-unfair mo! Ako naman, ah, naghihirap naman ako para makuha ang mga bagay!"

Ngumuso siya at hindi na kumibo. Ipinakita ko na k-in-ross out ko ang bahaging iyon dahil ayaw ko sa standard niyang iyon. Napaka unfair! Wala na bang pag-asa ang mga katulad ko?

"Also-" gusto niya pang dagdagan!

"Tama na! Ako na ang bahala, okay! I am already eyeing girls-"

"My age?"

"Your age! Damn it!"

"Ayaw ko rin ng nagmumura..." his face darkened at that.

Natigilan ako at ngumuso. Ang totoo, naiirita lang naman talaga kasi ako sa mga standards niya. Lahat na lang, e. Baka mamaya sabihin niya pa dapat honor student! Or active sa school, e hindi naman ako ganoon. Or worst... dapat hindi pa nagkaka-boyfriend.

Marahan niyang pinitik ang labi ko gamit ang daliri. Iniwas ko ang mukha ko.

"At ayaw ko ng maraming boyfriend," dinagdag pa niya ang ikinakatakot ko.

Frustrated now at his long list of unfair standards, I looked at him with so much frustration.

"Wala akong boyfriend, ah..." may banta sa boses ko.

He smiled, then. It was a long while before he snapped out of it any sighed.

"Sino ang gusto mong pormahan ko?" he asked.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya, sa parehong ekspresyon. This is frustrating me a bit now. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sa mga babaeng naiisip ko. Hindi ko pa nga nasasabi at hindi niya pa nasusubukan, matindi na ang galit ko.

"Sa pasukan pa! Hindi ngayon!" iritado kong sinabi.

He smiled. "Yes, Chayo. But... who?"

"Ba't mo tinatanong? Excited ka?" iritadong-iritado na ako.

"I'm just curious."

"Hindi ko pa alam! Marami akong naiisip at aayusin ko pa kung sino talaga ang gusto ko! Maghintay ka!" sabi ko.

He chuckled. I looked at him angrily that he had to suppress his chuckle.

"Dadalas ako rito! Sasama ako lagi kay Kuya Levi. Maghihintay ka kailan ko maiisip kung sino talaga ang gusto ko. Huwag kang atat, Leandro!"

"I'll wait for you, then, Chayo..." he said softly.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sa huli yumuko para basahin ang mga isinulat. Hindi ko alam kung tama ba ito. Dapat bang balikan niya na lang si Keira? Akala ko ba mas mabuti itong paghahanap niya ng bago? Bakit hindi ko gusto ito?

But then... isn't getting back with Keira a bit more problematic than this?

Naiirita ako. Naiinis. Nagagalit.

"Anong ginagawa n'yo?" I heard Kuya Levi's curious voice.

Nasa pintuan siya ngayon, sumungaw ang ulo at nakakunot-noong tinitingnan kami. Tumayo ako at magmamartsa na sana sa loob pero hinila akong muli ni Leandro.

"Wala, Levi. May pinag-uusapan lang. Bakit? May problema riyan?" Leandro asked smoothly.

"Ah... Wala naman! Sige..." Kuya Levi immediately got back inside, without another word.

"Papasok ako sa loob at magpapaturong magluto kay Chantal!"

Mamaya kasama pa 'yan, ha! Dapat marunong magluto? Babaliktarin ko na talaga itong lamesa sa harap ko.

"Dito lang tayo," he commanded.

Mariin ko siyang tinitigan. He smirked again.

"Ano pa bang iniisip mong maitutulong mo sa akin?" he asked indulgently. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#jonaxx