PROLOGUE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

I could hear the clock ticking inside my head as i tap my finger down the table. It was pleasant day for everyone, but. . . Not for someone like me.

I sip in my cup as i saw a familiar woman entering the coffee shop that where i am right now.

Sinuyod nito ang tingin sa buong paligid at tumigil ang mga tingin nito sa akin. Seryoso lang ang mukha nito habang nag simula na mag lakad palapit sa akin.

Pinatili ko naman ang pagkawalang emosyon sa aking mukha saka ko ito mapanuring tinignan.

She was wearing a wide leg black pants and a black sleeveless croptop. Bakas na bakas ang magandang hubog ng katawan nito at ang elegante nitong pag lalakad habang diretsong nakatingin sa akin.

I looked at her face and tried to maintain my expression as envy started to creep into my system.

She has this long wavy shiny hair, a small heart face shape, a small pointy nose and a full cupid red lips. She's like an angel that sent from above. . .

Minuwestra ko sa kaniya ang upuang na sa aking harapan at bahagyang ngumiti.

"Magandang hapon." Maliit itong ngumiti sa akin pero hindi nakatakas sa aking paningin ang pait sa itsura nito. She's not please to meet me eh?

Hindi ko siya binati pabalik. Nilunok ko ang pait sa aking lalamunan saka muling sumipsip sa kapeng inorder ko. I really want to slap her face right now but no. . . Hindi ko dudumihan ang mga kamay ko para lang sa isang kagaya niya. May pinag aralan ako. Pinag aral ako ng tatay ko at hindi ang kagaya niya ang mandudumi sa mga kamay ko.

"Didiretsuhin na kita Ms. Reforci. Lubayan mo kami ng asawa ko." Matapang kong ani. Binaba ko ang cup na hawak saka matiim itong tinitigan.

"P-po?" She asked. Bakas sa mukha nito ang gulat sa sinabi ko. Maybe she's not expecting that i know her relationship with my husband? Kung ganoon ay bakit niya pinaunlakan ang pag iimbita ko sa kaniya rito?

"Ms. Reforci. . . Hiwalayan mo ang asawa ko." Sagot ko sa kaniyang pag tataka.

Napakurap-kurap ito sa gulat at napabaling ang tingin sa ibang bahagi ng coffee shop.

"So. . . You're not expecting me to know your relationship with my husband huh?"

"H-hindi ko po siya hihiwalayan." Maliit ang boses nitong sabi matapos ang linya ko. Tumikwas ang kilay ko sa kaniya.

"M-mahal ko po ang a-asawa niyo." Hindi ko mapigilang matawa sa sunod na sinabi nito. Mahal? Bakit? Bakit kailangan niya pang mahalin ang asawa ko?

"Hindi mo naman siguro gusto ang masira ang reputasiyon mo?" Bakas na ngayon sa boses ko ang pag babanta ngunit mukhang hindi ito tumalab sa babae. Gumalaw ang kaniyang lalagukan at saka matapang akong hinarap. Nag patuloy ako sa pag sasalita.

"Hindi lang ang reputasiyon mo ang masisira Ms. Reforci. Pati na rin ang reputasiyon ng asawa ko. Baka nakakalimutan mong siya ang gobernador ng lalawigang ito?" Pag papaalala ko sa kaniya. Napatungo ito sa naging turan ko kaya binalik ko muli ang walang emosiyon kong mukha.

"That's for today. Nice meeting you Ms. Reforci. Sana ay matauhan ka at piliin mo ang magandang landas. Hindi magandang tignan ang maging kabit ang isang kagaya mo. Babae ka sana maintindihan mo ang nararamdaman ko bilang asawa."

I slowly stood up saka ko kinuha ang kulay itim kong bag.

"Magandang hapon." Pag babati ko saka mag simulang mag lakad palayo.

Binuksan ko ang pintuan ng coffee shop at doon ay pinakawalan ang mga luhang kanina pang gustong lumabas.

Why do i have to felt this? Deserve ko bang masaktan ng ganito? Bakit? Saan ba ako nag kulang? Kahit hindi niya ako mahal sumugal ako. Ginawa ko ang lahat para sa kaniya. Ibinigay ko ang lahat, kaya bakit?

Why?

Why its still ain't enough?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro