CHAPTER 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Dismissed!"

Inayos ko ang mga gamit ko sa lamesa at ipinasok ito sa bag. 

"Insan bilisan mo maglalaba ako ngayon" sabi ng pinsang kong si ivy
habang nakatayo sa harap ko at pinapanuod akong ayusin ang aking gamit.

"Uwi na kayo agad ella ?"
Napabaling ako sa kaibigan kong si tracy.

"Oo nga maaga pa arat muna sa tokongan " sabi naman ng kaibigan kong si autumn.

Sinulyapan ko ang relo ko at tama nga sila  maaga kami dinismissed ng prof alas tres palang

"Kayo nalang magtitipid ako" diretsang sabi ko dahil totoo naman ayaw kong sabihin na na nagiipon ako kasi sasabihin nanaman nilang koripot ako ,Kahit nagagawang ibigay ng parents ko ang gusto naming magkakapatid , gusto ko parin mag-ipon ewan ko parang magagamit ko yun in the future.

"Sama ka na libre ko"
Ani autumn sabay kindat sa akin.

Agad akong tumango syempre graciaas

Apat lang kaming magkakaibigan

IVILYN HEIRA  DELOSANTOS a.k.a "IVY"
Makinis ang balat na akala mo americana sa puti, 20 yrsold ,pinaka matanda sa aming apat ,mabait,mayaman. Napapanahon ang landi. 5'6 ang height, malaki ang pwet, Hindi maipagkakailang maganda siya. onlychild ,Pinsan ko siya sa mother side kaya naman sa kanilang tatlo ito ang mas ka close ko.

AUTUMN MARIE CY called "AUTUMN"

Mayaman,19 yrs old maputi din gaya ni ivy,sexy ,palaban na palaburn
5'8 height siya ang pinaka matangkad sa aming lahat ,maingay,playgirl din , may isa siyang kapatid na lalaki at si autumn ang bunso, nag do dorm din gaya namin kaso sa ibang bahay.

TRACY GARCIA

Maarte,sobrang ingay ,medyo chubby at 5'5 ang height pinaka maliit siya sa aming apat,mapili sa lalaki, highstandard ang nais, pinakamalinis sa aming apat bawat limang minuto ata ay nag a alcohol sa kamay .

walang sapawan sa amin nagtatampuhan kami minsan pero nagkakaayos agad.

Mabilis lumipas ang oras at alasingko  na noong nagsitayuan kami sa gilid ng kalsada kung saan sa tapat non ay tokongan.

"Brip brip"

Dali dali kong kinuha ang cellphone kong nag vibrate sa loob ng bag ko.

From: 09********

Hi miss

Bigla akong nainis sa nabasa ko , isang linggo  na itong  nag tetext sa akin , tinatanung ko kung sino siya never niya sinabi pangalan niya sa akin.
Pero kahit ganun pa man hindi ko magawa gawang iblock ang number nito kahit isang pindot lang naman para magawa ,may kung anung pumipigil sa akin.

"Uwi  na din kayo mga baks ! Byee ingat kayoo"
Sigaw ni ivy sa dalawa naming kaibigan saka sumabay sa'kin sa paglalakad.

Walking distance lang ang unit  na tinutuluyan namin. Kaya naman agad kaming nakarating.

Sa isang unit tig iisa kami ng kwarto bawat kwarto may cr  pero iisa ang sala at hapagkainan namin  kaya naman agad akong pumasok sa kwarto at deretso agad sa cr  para mag shower.

Pagkatapos mag shower lumabas ako ng kwarto at tumambay sa sala para manood ng Kdrama.

sisimulan ko palang ang isang episode nang dumating ang kapatid ko.
Senior highschool siya at pumapasok siya sa pribadong paaralan na pinapasukan ko.

University of La sallete

"Ate ,I need help if you don't mind...hmmm ano "
Nahihiyang  aniya sa akin pagkatapos niya ibaba ang kanyang bag sa mahabang sofa.

" What?" Nahihimigang sagot ko kasi alam ko namang magpapatulong nanaman siya sa kanyang requirements.

"Can you help me to my requirements?"

Tumpak!

"Sure "

Agad naming tinapos ang requirements niya at magluluto pa ako ng kakainin namin.

Salitan kami ng gawain. Ako ang tagaluto sa gabi. Si ivy sa umaga kasi mas maaga siya gumigising kesa sa akin.Si Cherry naman ang tagahugas.

I'm taking  business Administration course kaya heto konting kembot nalang makakagraduate na ako.Apat  kaming magkakapatid at ako ang pangalawa.

Maagang nag asawa ang panganay naming kapatid  kaya eto ako todo sipag  sa pag-aaral .

Ayaw ko lang makumpara sa kanya  i never  had tres in my grade. Ano nanaman kaya ulam namin?
Ilang minuto pa ako nakipagtitigan sa loob ng ref.

Nagluto ako ng adobong manok kasi yun lang ang nasa ref.

Bukas pa kami mamamalengke dahil friday wala kaming pasok dahil
MTWT lang ang pasok whole week.

"Mangan tayon""Kain na tayo" sigaw ko gamit ang lengwahe namin dito sa isabela (province).

Yes! taga probinsiya kami at wala akong balak mag aral sa maynila kaya naman dito nalang.

Habang kumakain nag kwekwentuhan sina cherry at ivy at ewan ko kung tungkol saan ang kanilang pinagkwekwentuhan.

"Ella " baling ni ivy sakin sabay subo ng pagkain sa bibig. Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ang kain.

"Ellaine drey mira" bulyaw niyang banggit sa buong pangalan ko.

" whut ?"
Taas kilay kong sumbat Habang nakatingin sa kanya.

"May nag tetext ba sayo araw araw?"

Bigla akong napakunot ng noo dahil sa tanong nito .Binigay niya nanaman ang number ko kahit kanino!

Damn you!

"Binigay ko kasi sa pinsan kong side ni papa yung number mo HAHAHA" masayang sabi nito dahil hula  niyang nababadtrip na ako.

Sinimangutan ko lang siya at hindi na sumagot.

"Naisip ko kasi since never ka pa nagkaroon ng boyfriend at! Ang lupet kasi graduating na tayo wala ka pa non kaya naisip ko baka pwedeng maging kayo right? ! "  Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy siya sa sinasabi niyang walang kwenta.

"Gwapo yun! Kaso taga maynila kakabreak palang nila ng jowa niya tapos hindi siya napapagod Habul habulin yung ex niya kaya naman sabi ko sa kanya hanapan ko nalang siya ng bago at-

Hindi pa siya tapos magsalita ay tumayo na ako at pinunta sa lababo ang  pinagkainan ko sabay naghugas ng kamay.

"Hoy bahala ka! Sasabihin kong Tatawag siya sayo!"

Pasigaw nito sa akin nang makita niyang  papalabas na ako ng dining area.

Nagtungo ako sa kwarto para magbasa ng wattpadbook.Sarap na sarap akong binabasa ang libro noong tumunog ang cellphone ko

Anak ng! 

Napamura ako sa isip isip matapos makita kung sino ang tumatawag.

That shit

/Hello?/ tinig ng isang lalaki sa kabilang linya.

Hindi ko namalayang nasagot ko pala !

"Sino ka?" Naiinis na sambit ko.

/future asawa mo/ Tila' seryoso niyang sagot.

"Hakdog mo!" Sigaw ko sabay baba ng linya.

Bumalik ang mood ko sa pagbabasa at hanggang 11pm ng patayin ko ang ilaw para sana matulog na ng mag ring nanaman ang phone ko.

Agad ko itong sinagot matapos makita ulit ang number na tumawag nanaman kanikanina lang .
/hello po  sorry sa istorbo can we be friends?/ tanong nito sa akin.

"Sino ka ba?" Inis ulit na tanong ko sa kanya.

/I'm top can we friends? /ulit nanaman niya sakin.

I rolled my eyes.

"I have bestfriends and i have so many  plasticfriends at wala sa plano kong dagdagan pa yon"

Narinig ko siyang tumawa pero mahina.

/ang sungit mo /

"Ano bang kaylangan mo?"

/kaibigan/

"Bakit ako?"

/kasi ikaw/

"Nonsense"

/okaaay  eto na so Nireto ka sakin ng pins-/

"I know "
Pambabarang sagot ko kaya naman  natigilan siya .

"Kung broken kayo take time to move- on wag kayong kikilala agad ng bago" 

Sabay patay ko ng linya at Sumalampak sa kama saka natulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro