CHAPTER 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N

Hi guys this will be the last chapter
Gagawa na naman akong bago, please continue to support me , thankyouu verymuch

------

Masaya ako na natuto ang mga pareho naming magulang , sa desisyon naming mag-asawa.

Bumili kami ng house and lot malapit sa Kumpanyang Minamanage namin Pareho
Ang kumpanya nila at kumpanya namin.

Paggising ko sa umaga ang ganda ng bungad sa akin dahil kasama ko siya,hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito

"Good morning babyyy" bati niya sa akin sabay hinalikan niya ako sa noo.

Ang sarap talaga sa pakiramdam.

Ang tanging pangarap ko lang dati ay makapasok sa isang magandang trabaho at magkaroon ng mataas na posisyon sa isang kumpanya, akala ko dati yun lang ang pangarap ko , akala ko lang pala lahat ng yun , dahil ang totoo pangarap kong makasama habang buhay ang lalaking nagpapasaya sa akin ngayon.

-----
Lumipas ang taon at masaya parin ako araw araw , linggo linggo , at buwan buwan

Ang sarap sa feeling pagkauwi ko ay andoon na siya , sa aming dalawa ako ang laging nago over time, sobrang pagod ako lagi kaya ginagawa niya ang lahat para mawala ang pagod ko , nag jojoke siya lagi para Lang mapasaya ako, oo ibang iba talaga siya sa mga lalaking nakikilala ko ,ang sarap sa feeling nang ipinaglalaban Kahit ayaw ako ng pamilya niya , hindi ko parin siya sinukuan. Pinaglaban ko siya , pinaglaban niya mga pangako niyan

Kapag papasok ako sa umaga gigising din siya ng maaga kahit ang pasok niya ay 10 am at ako naman ay 08 am , kadalasan pa nga siya ang nauunang gumising , para paghandaan niya ang pagpasok ko. inihahatid niya ako sa Compony.

Dati ay sinasabi ko lang sa sarili kong kapag di ako nag asawa mag mamadre ako , but look at me now

I'm fallen ,everyday every second.

Masasabi ko ang swerte ko Dahil nakatagpo ako ng isang tulad niya. , mahal na mahal ko siya at alam kong sobrang mahal na mahal niya ako

---------

Alas dyes na ng gabi at overtime kami sa kumpanya , panay ang tingin ko sa orasan dahil gusto ko na agad maka-uwi , gusto ko na aiyang makita Ilang oras lang ako sa trabaho ay parang miss na miss ko na siya

Sakto 11:00 pm nang pauwi na ako

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko kaya Agad naman akong nag text sa kanya Para malaman ko kung Anong ginagawa niya , agad akong kinabahan nang hindi siya nagrereply

Malapit na ako sa bahay nang may tumawag sa akin , pagtingin ko ay number niya sinagot ko agad ang telopono pero hindi siya

"Hello ? Sino to?" Naguguluhan kong tanong

"Doctor ito , ikaw ba ang asawa niya?"

Nagtaka ako kung bakit siya ang sumagot , kinabahan ako at bumilis agad ang tibok ng puso ko

Agad akong nagtungo sa hospital kung nasaan siya pagkarating ko doon bumungad sa akin ang doctor at sinabing wala na siya

Hindi ako naniwala kaya naman pumasok parin ako para tignan ang katawan niya , Wala na itong malay at Hindi na humihinga

May binigay sa akin na isang dilaw na box ang doctor sabi daw ng nakakita binili niya ang regalo na yun
Pagtawid niya sa kalsada ay hindi niya nakita palapit na sasakyan kaya nabunggo siya at nalagutan ng hininga

Sobra ang iyak ko, hindi ko matanggap na nangyari yun bigla bigla

Binuksan ko ang Regalo at may bracelet at kwintas doon tapos may naka ipit na sulat sa gilit

"HAPPY ANNIVERSARY BABY PARA SAYO TO "

"Limang taon na tayo baby ko hindi ko akalaing aabot tayo nang ganito, mahal na mahal parin kita simula una hanggang ngayon muwaah "

-asawa mo

Napahagulgol ako sa iyak matapos basahin ang lahat nang yun , hindi ko parin matanggap, pakiramdam ko ay unti unti akong Maglulumpasay ano mang oras

Dumating ang mama niya at tinanong niya ako
Ang tanging sagot ko lang ay

"Wala na siya iniwan niya na ako"

Nilamon ako ng sakit na nararamdaman sa mga oras na yun, hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko habang naka upo ako sa tabi ng bangkay niya mawawalan na ako ng buhay. Gusto kong sumama sa kanya. At doon na ako nawalan ng malay

Pagkagising ko nasa bahay na ako , binilisan ko ang takbo pababa at tinawag ang pangalan niya. Nagbabasakaling panaginip lang yun , pero nawalan ako ng pag asa nung nakita ang bangkay niya naka ratay sa puting kabaong at iniiyakan ng karamihan.

---
A/N
Masakit?? Sorrrrrrry guys napaka jeje ng story ko , Promise I'll do my best sa susunod na story ko , thankyouuu.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro