Kabanata 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Where It All Started

Aliviana

CLASS 2008

"Ang lakas ng ulan," sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong may mga dalang payong at naglalabasan na sa gate ng campus namin.

Kung kailan naman hindi ako nagdala ng payong ay saka pa umulan. Kainis!

"Gael!" Kinayawan ko ang class president namin na mag-isa na nakasilong sa hawak niyang payong.

Tiningnan niya lang ako at nagdiresto na ulit sa paglalakad. Ang suplado talaga nito, binoto ko kaya siyang president!

Nagtatakbo ako patungo sa kanya. Siniksik ko ang sarili ko sa silong ng payong niya, hinawakan ko rin ang hawakan ng payong para hindi na siya makalayo sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero inirapan lang niya ako.

"Pahiram muna nitong payong mo pagdating mo sa sasakyan niyo. Hindi ako makakauwi, wala akong sundo," bulong ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad palabas ng campus.

"Ayoko," simpleng sagot niya.

Sumimangot ako. "Ang imot mo naman. Binoto lang naman kitang president kasi gwapo ka." I hissed.

"So? Hindi ka naman kawalan. Half of the class voted for me, nearly one hundred percent means, kahit hindi mo ako iboto, mananalo pa rin ako." He smirked.

Yabang! Gwapo nga at matalino, pangit naman ng ugali!

Hindi ko alam kung bakit ang daming nagkakagusto sa lalakeng ito. Kapag nalaman nila ang tunay na ugali, baka masuka sila sa mga sarili nila. Hinawakan kong mabuti ang payong nang nakarating na kami sa sasakyan nila. Itim na kotse iyon at hindi hamak na mas mamahalin kaysa sa kotse ni daddy.

"Bitiw na!" sabi niya at malakas na hinila ang payong.

"Mababasa ako! Ang kulit mo! Babalik ko din naman kasi bukas."

Nagtatalo na kami sa harapan ng gate kaya napapatingin sa amin ang ibang mga estudyante. Binuksan ni Gael ang pinto ng sasakyan sa may backseat.

"Sakay," mariin niyang utos kaya sumakay na lang ako dahil nababasa na rin ako. At isa pa, natatakot ako sa tono ng boses niya.

"Hello po," bati ko sa driver.

Nginitian lang ako nito at binigyan ng tissue pars tuyuin ang sarili ko. Pumasok na rin si Gael pakatapos niyang itupi ang payong at isara ang pinto.

"Pakihinaan ang AC, manong," utos niya sa driver nang makita akong nanginginig na sa ginaw.

"Pinahiram mo na lang sana ang payong mo. Malapit lang naman ang bahay namin," sabi ko sa kanya at saka nagbaba ng tingin sa nabasa niyang damit. "Sorry."

Tinanguan niya ang driver kaya naman nagsimula na itong magmaneho patungo sa direksyon kung nasaan ang bahay namin. Tahimik lang kami pareho, nahihiya akong magsalita at ituro kung nasaan ba ang bahay namin.

Nagtaka ako nang ihinto iyon mismo ng driver sa tapat ng bahay namin. Buti at alam niya kung saan ako nakatira.

"Salamat po, buti at alam niyo po ang bahay namin." Sinuot ko na ang backpack ko at naghanda na sa paglabas.

"Laging pinupuntahan ni Sir Gael 'to--"

"Shh!" singhal ni Gael kaya napatingin ako sa kanya.

Namumula na ang buong mukha niya ngayon. Hindi siya makatingin sa akin pero ang mga mata niya ay nanlilisik na nakatingin sa driver niya.

"Sorry, sir. Akala ko ayos lang sabihin. Akala ko ay nililigawan niyo si ma'am," sabi pa ng driver na mukhang pinagsisihan niya kaagad.

Umirap sa kanya si Gael. Binigay niya sa akin ang payong at binuksan ang pinto ng sasakyan na nasa tabi niya.

"Give it back to me tomorrow. Lumabas ka na," aniya pero hindi naman makatingin sa akin. Hindi pa rin humuhupa ang pamumula ng mukha nya na abot na hanggang leeg.

"Napapano ka, Gael?" tanong ko at akmang hahawakan ang leeg niya. Baka may sakit na. Naku! Hindi pwede! Siya ang leader namin sa report.

Iniwas niya ang sarili sa akin at saka sa wakas ay tumingin na rin sa akin. "Lumabas ka na!"

Binaba ko ang kamay ko at tumango. "Sige, pagaling ka kung may sakit ka na. Magre-report pa tayo bukas sa English."

"Lumabas ka na," ulit pa niya.

Nagkibit-balikat ako at lumabas na sa pintong binuksan niya. Kumaway ako sa kanya bago niya mabilis na sinara ang pinto ng sasakyan. Hinintay ko munang maglaho sa mga mata ko ang sasakyan nila bago pumasok sa loob ng bahay namin.

The house is pretty much empty, walang katao-tao kahit na ang alam ko ay nandito lang naman si mommy habang si daddy ay nasa trabaho. We have maids, two maids to be exact. Si Ate Neri ang madalas na nag-aasikaso sa akin lalo na kung madalas ay wala sa sarili si mommy at wala naman si daddy. Kahit malaki na ako at graduating na sa high school, aminado naman ako na uhaw ako sa atensyon ng mga magulang. After what happened years ago, things were never been the same again. That tragedy caused our family to torn apart, mommy became a different person, I didn't know her by now, daddy is always out of town, he never spares a single time to be with us. I am sixteen yet I feel like I need to grow up so fast to endure all of these.

"Kain ka na, Viana." Ngumiti sa akin si Ate Neri pagkapasok niya sa kwarto ko dala ang mainip na sopas.

Katatapos ko lang magbihis at gumagawa na ako ng assignments ngayon.

"Ate, hindi ko naman gusto ang sopas, mas gusto ko iyong cream of mushroom soup," sabi ko pagkalapag niya ng isang mangkok na sopas.

"Sabi mo kahapon gusto mo ng sopas. Nagalit ka pa sa akin kung bakit hindi iyan ang hinanda ko," sabi niya habang nagtataka ang mga matang tumingin sa akin.

Pilit kong inalala kung ano ba ang nangyari sa akin kahapon pagkatapos ng unang subject namin sa afternoon class. Ang natatandaan ko na lang ay nasa bahay na ako nine na ng gabi at nauuhaw pa ako kaya ako pumunta ng kusina. Weird...

"Sige, ate. Kakainin ko na lang din ito para mainitan ang sikmura ko."

Kahit nagtataka rin ako ay hinayaan ko na. Madalas din naman akong nagkakaroon ng memory gap kahit noon pa. Nagpa-check-up ako at wala namang mali sa brain ko kaya baka stress lang ito.

Pagkatuyo ng payong ni Gael ay itinabi ko na iyon sa kwarto, it is dark blue foldable umbrella. Madalas kong makita na gamit niya ito lalo kapag mataas ang sikat ng araw. Lagi ko rin siyang nakikita na naglalagay ng sunscreen sa mukha at sa braso. Mabilis kasing pumula ang balat niya kaya ganoon na lang siya kaselan. Sa apat na taon namin sa high school, ngayon ko lang siya naging kaklase pero noon pa man ay lagi ko na siyang pinagmamasdan.

Palagi akong nasa lower section at siya ay nasa Section A, cream of the top sabi nga nila. Matalino kasi at galing pa sa kilala at mayamang pamilya. Tuwing may P.E. class sila ay lagi ko siyang pinapanood sa quadrangle. Minsan ay kasali siya sa basketball team ng mga kaibigan niya na sina Jude at Zeno. Nanonood ako palagi kapag kasama siya sa mga maglalaro. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit gustong-gusto ko siyang makita. Kapag may tinatakbuhan siya position sa SSG ay palaging sa kanya ang boto ko. Siguro kung may nag-iisang tagahanga na lang siya ay ako na 'yon. Sa lahat ng contest na sinasalihan niya sa school ay nandoon ako. I even tried to improve my academic standing para lang mapasama ako sa Section A, which is nagawa ko naman ngayong fourth year high school na.

Oo at may pangit siyang ugali, mayabang at suplado, hindi madalas namamansin pero sa tingin ko naman ay hindi naman iyon malaking problema para sa akin. May ipagmamayabang naman kasi talaga siya. Impokrita ako kung sasabihin kong wala akong gusto sa kanya. Basta ginawa ko ang lahat para lang mapalapit sa kanya. Hindi naman iyong sobrang lapit, sapat na sa akin na nakikita na niya ako ngayon.

"Ito na ang payong mo," bungad ko sa kanya pagkapasok niya ng classroom.

Umiwas siya ng tingin. "Hindi 'yan sa akin," sabi niya at tinabig ang kamay ko.

Ano? Baliw ba 'to? Hindi lang pala ako ang makakalimutin dito!

Dumating na ang adviser namin kaya hindi ko na siya nakulit. Hindi ko siya matingnan dahil nasa likuran ko siya. Panay naman ang irap sa akin ni Fiona at ng mga kaibigan niya at hindi ko alam kung bakit. Anong problema nila?

Ang akala ko ay makakausap ko si Gael nang mag-recess na pero bigla na lang siyang nawala pagkatunog ng bell.

"Cha, kita mo si Mr. Pres?" tanong ko Caeli, kaibigan ko at Vice President din namin.

"May pinagawa sa kanya si Ma'am Villaroza kaya sumunod siya sa faculty room. Bakit mo siya hinahanap?" tanong niya.

Tumingin din sa akin si Yena na nagtatanong ang mga mata, kahit hindi ito nagsasalita dahil sa sakit niya ay alam mo kaagad ang nasa isip dahil sa mga mata niya.

"Isasauli ko ang payong niya na hiniram ko kahapon. Kanina nang iabot ko sa kanya, sabi ba naman sa akin hindi raw sa kanya! May amnesia yata." Umiling-iling ako.

"Baka kasi ayaw ka lang niyang mapahamak," sabi ni Cha at nagkibit-balikat.

Kumunot ang noo ko. "Mapahamak?"

Kinalabit ako ni Yena at pinakita ang sinulat niya sa baon niyang whiteboard. 'Someone is obsessing with him since first year,' she wrote.

Hininaan ko ang boses ko. "Obsessing? Sino?"

"Fiona," simpleng sagot ni Cha bago kumagat sa baon niyang sandwich. "Lahat ng babaeng lumalapit kay Gael, binu-bully nila ng mga alipores niya. Isauli mo na lang sa kanya 'yan kapag hindi na nakatingin ang ambisyosang babaeng iyon."

Tumango ako at pinagpatuloy na ang pagkain ng baon. Nakita ko ang pagsunod ni Fiona kay Gael ngayon sa canteen, ngayon ko lang napansin iyon. Kaya pala siguro walang nali-link na babae kay Gael dahil sa Fiona na ito. At kaya pala panay din ang irap nitong babaeng ito sa akin nang ma-elect akong muse.

Siyempre naman, hindi man ako matalino, maganda naman ako, ion ang mayroon ako. Sabi nga, hindi naman ibibigay sa iyo lahat.

Itinago ko na lang payong sa bag ko, kapag umulan na lang mamaya ay doon ko iaabot sa kanya. Maghapon ba naman niya akong iniwasan. Kaninang reporting namin sa English ay sinisipon pa siya, nabasa kasi siya kahapon dahil sa kagagahan ko. Nang mag-uwian ay nagpaiwan muna ako.

"Oy! Zeno! Ihatid mo nang maayos 'yang si Yena! Tatamaan ka sa akin kapag may nangyari d'yan," rinig kong sigaw ni Jude sa kaibigan na paalis na kasama si Yena.

Nag-middle finger sign lang si Zeno sa kanya na kaagad namang binawal ni Yena.

"VP, may sundo ka?" tanong naman niya kay Cha.

"Bakit ba lagi mong tinatanong 'yan? Pwede namang sabay tayong umuwi dahil magkapitbahay lang tayo." Umirap si Cha at pinabuhat sa matalik na kaibigan ang bag.

Kapag hindi nagkatuluyan ang dalawang 'to, pati langit ay iiyak.

Bumaling sa akin si Cha. "Hindi ka pa uuwi?" tanong niya at nagtaas ng kilay.

Pinakita ko sa kanya ang payong ni Gael kaya kaagad niyang nakuha ang gusto ko pang gawin bago umuwi. Nagbabadya na naman ang ulan at paniguradong wala namang bituin sa langit mamayang gabi.

Parami nang parami ang mga estudyanteng palabas ng gate. Unti-unti na ring pumapatak ang ulan kaya mas naging determinado akong hintayin si Gael para maibalik itong payong niya sa kanya.

Paglabas niya ng faculty room ay nagulat pa siya sa presensya ko. Lalapit sana ako sa kanya nang maunahan ako ni Fiona. Hindi na ulit ako tiningnan ni Gael at nagsimulang maglakad patungo sa kabilang direksyon, palayo sa akin.

Nakita kong pinauna na niya si Fiona dahil may dala itong payong. Umiling siya sa babae, siguro ay inaaya siyang makisalo sa silong payong. Pinagmasdan ko lang ginagawa nila, hindi ako gumalaw at mahigpit lang ang pagkakahawak sa payong niya.

Lumakas ang ulan kaya naman napilitan si Fiona na tunguhin na ang sasakyan niya na naghihintay sa labas. Napakilos ako nang bigla na lang sinugod ni Gael ang malakas na ulan. Hindi pa siya nakalalayo ay basa na kaagad ang katawan niya.

Mabilis kong binuksan ang payong at hinabol siya. Tinakbo ko ang distansya namin at hinawakan ang braso niya para mapigilan siya sa pagkatakbo. Tinaas ko nang mabuti ang kamay kong hawak ang payong niya para mapayungan siya nang maayos.

Kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. May iilang butil ng tubig-ulan ang pumapatak mula sa basa niyang buhok.

"What are you doing?" tanong niya habang titig na titig sa akin.

"Pinapayungan ka, sa iyo naman itong payong. Baka tuluyan ka nang magkasakit kapag naulanan ka na naman," paliwanag ko.

Inalis niya ang salamin niyang basa na rin at binulsa iyon, kinuha niya ang payong sa kamay ko. Ang buong akala ko ay itutulak niya ako paalis pero nagkamali ako.

Hinapit niya ako, ang isang kamay niya ay nasa likod ko na at hinihila ako palapit sa katawan niya.

"From now on, you are not allowed to leave my side or my sight. Do you understand?" he firmly said then clenched his jaw.

Tumango ako, wala sa sarili ang pagsang-ayon ko. I feel like I was under his spell.

"Good." Hindi pa siya nakuntento.

Nang maglakad kami ay inakbayan pa niya ako. Nilampasan namin si Fiona na hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro