Kabanata 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Out of Nothing

Aliviana

Class 2008

Halos mabaliw ako sa kaiisip ng mga nangyari. Ang mga sinabi ni Gael ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Alam ko naman na ginawa niya lang iyon para hindi ako i-bully ni Fiona pero paano kung may iba pa iyong kahulugan?

"Oy, nabalitaan ko ang nangyari kahapon," bulong ni Cha sa akin.

"Oo na, lagot ako kay Fiona," I hissed.

"Not on Gael's watch. Simula yata nang kumalat ang balita sa campus na 'the SSG President and achiever Gael Dominick Veda is in love with ganda lang ang ambag Aliviana Dianne Fallon' ay hindi ka na nilubayan ng tingin ni Mr. President." She made a funny reporter-wannabe voice.

Napalingon ako kay Gael na dito na sa classroom namin ginagawa ang mga reports na kailangan niyang ipasa sa school management na dati niyang ginagawa sa faculty room. He looked at me then raised an eyebrow, nairapan ko siya nang hindi sinasadya. Tumayo siya at mabilis ang paglakad papunta sa direksyon namin. Napaupo ako nang maayos at nanliit ang pakiramdam nang tumayo siya sa harapan ko at tinukod ang dalawang kamay sa dalawang mesa ng armchair na nasa magkabilang gilid ko.

"Ano'ng iniirap-irap mo d'yan?" pabulong na tanong niya.

Tumayo si Cha at walang imik na iniwanan kaming dalawa ni Gael sa loob ng classroom. Kaming dalawa na lang ang nandito dahil recess at nasa labas ang lahat.

Napalunok ako bago nagsalita. "W-wala, hindi ko sinasadya." Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil para akong nagagayuma ng kulay abo niyang mga mata.

"Gael Veda, type mo 'yang si Viana Landi?"

Pumasok ang mga lalakeng madalas ay kalaban ng team nila Gael sa basketball dito sa school. Nakangisi si Larry habang papalapit sa amin kasama ang mga kaibigan niya. Sa pagkakaalam ko ay second cousin ito ni Fiona. Kaya malakas ang loob ng maldita na mang-away dahil alam niyang may magtatanggol sa kanya. Dati kong kaklase si Larry, isa sa mga tinanggihan kong manligaw sa akin dahil madalas ay amoy-pawis.

"Ano naman iyon sa iyo?" balik tanong ni Gael.

Nagtawanan sila at dinuro ako ni Larry. "Sigurado ka? Eh, halos lahat ng lalake sa lower section noon ay natikman na si Viana. Galgal na 'yan."

Nag-init ang ulo ko at halos manlambot sa kahihiyan. "Hindi iyan totoo! Hindi nga kita pinatulan kasi ang asim mo!" Hindi ko napigilang sumigaw.

Sinamaan ako ng tingin ni Gael kaya napabalik ako sa maayos na pagkakaupo. Napayuko ako at inalala na baka paniwalaan ni Gael ang mga sinasabi ng mga lalakeng ito. Paano ko magagawang lumandi ng ibang lalake kung puro si Gael ang nasa isip sa buong taon ko sa high school? Maraming nagtangkang manligaw, pero iilan lang pinayagan ko, tapos hindi ko pa sinagot dahil hindi ko type at iba ang laman ng isip ko, ayokong maging unfair sa kanila. Isa sa mga tinanggihan ko noon ay si Larry kaya ganyan na lang ang galit niya sa akin.

"Hindi ko alam na ganyan pala kabulok ang taste mo sa babae. Ano kaya ang nakita sa iyo ng pinsan ko at baliw na baliw sa iyo?!" Tinalikuran nila kami at umupo na sa kani-kanilang upuan dahil tumunog na ang bell hudyat ng pagtatapos ng recess.

Umalis si Gael sa harapan ko at pumunta na sa upuan niya. Hindi ko man lang nakausap at naipagtanggol ang sarili ko. Paano kung naniniwala siya sa mga sinasabi ni Larry? Hindi ako malandi! Wala akong nilandi sa mga lalake noon! Sa katunayan ay kinailangan ko pang mag-aral ng self-defense at magdala ng kung ano-anong spray para maprotektahan ang sarili ko sa mga lalakeng ito. Panay ang sabi nila na ire-rape nila ako kahit na pabiro lang ang tono nila. Sobrang takot na takot kaya iniiwasan kong umuwi ng gabi o mag-isa lang dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Sinabihan ko na rin ang mga teacher ko noon sa mga bastos na biro sa akin ng mga lalake kaya siguro natigil sila. Wala naman akong mapagsabihan sa bahay kaya nahihirapan talaga akong gumalaw dahil sa mga pangamba.

"By partner, activity will be given to you today and the output is expected tomorrow. You'll gonna draw something you love seeing every day, then by tomorrow, you'll have to explain it in front of the class. You can choose your desired partner for this activity." Lumabas si Ma'am Flores para kumuha ng tubig niya sa faculty room.

Tumayo ako para makapaghanap na ng partner, gusto ko sana si Yena dahil magaling mag-drawing. Ako na lang bahalang magpaliwanag.

"Sorry, Viana. Partner ko na siya," sabi sa akin ni Zeno.

"Kaya mo lang naman siya gustong maging partner kasi pangit ka mag-drawing." Umirap ako sa kanya.

"Parang siya, hindi iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang maging partner," sagot ni Zeno sa akin.

Natawa si Yena kaya napaharap ako sa kanya. "Lagi mong kinakampihan 'tong si Zeno. Ginagamit ka lang niyan! Halika na, Yena! Ako na lang partner mo." Pinaghihila ko ang kamay ni Yena pero hagikgik lang siya nang hagikgik.

"Tumigil ka nga, Viana! Akin na si Yena, hanap ka ng iyo!" Inalis ni Zeno ang kamay ko.

Nang tumalikod ako ay sabay pa silang nagtawanan. Mga baliw!

Hinintay ko na lang na may lumapit sa akin na wala pang kagrupo dahil si Cha ay mayroon na rin. Sino pa ba ang magiging partner kung hindi si Jude?!

Wala akong ginawa kung hindi ang sumulyap nang sumulyap kay Gael, tinitingnan ko kung may partner na ba siya. Busy lang siya sa binabasa niyang libro at parang walang paki kahit hindi pa nakahahanap ng kapareha. Nahihiya akong lumapit at ayain siya, hindi ko pa kasi alam kung ayos lang ba na lumapit pa ako sa kanya pagkatapos ng mga sinabi ni Larry.

Sana lang ayos pa ang tingin niya sa akin. Pinaghirapan ko ng tatlong taon para lang mapansin niya ako, I was there even if he was not looking, I was on his side when everybody was against at him. Alam ko na masisira ang tingin niya sa akin sa oras na sabihan siya ng mga dati kong kaklase kung anong klaseng estudyante ako noon. I was no one. Hindi ko hilig mag-aral pero pinipilit ko kasi gusto kong maging kabilang kung saang grupo nabibilang si Gael.

"Ano? May nahanap ka ng partner?" tanong niya at sinara ang librong binabasa.

Umupo ako sa upuan ko at umiling. "Meron ka na ba?" tanong ko at ngumuso. Sana ay wala pa.

Ngumisi siya at inayos ang salamin sa mata. "Meron na," sagot niya.

Bumagsak ang balikat ko. "Okay, magso-solo na lang yata ako."

Tumikhim siya at may inabot sa likod ko. Umiwas ako pero hinawakan niya ang balikat ko para hindi ako makagalaw. Kinuha niya kung ano man ang nakapakat sa likod ko at mabilis na nilukot iyon.

"Uy, ano 'yon?" tanong ko at sinubukang abutin ang nilukot niyang papel.

Umiling siya at tinago sa bag ang papel. Kukulitin ko pa sana siya pero dumating na si Ma'am Flores para magpaalam na at kuhanin ang mga gamit niya. Malapit nang mag-uwian pero wala pa rin akong nahahanap na ka-partner ko kaya problemado na ako. Hindi pa naman ako marunong mag-drawing, lagi kong iniiyakan ang mga activity or project na about sa arts. Hindi ako magaling sa kahit ano!

"Problema mo?" tanong ni Cha habang naghahanda sa pag-uwi.

"Wala pa akong ka-partner!" Ginulo ko ang buhok ko at padabog na nagtatalon sa inis.

Kumunot lang ang noo niya sa akin. "Si Gael. Bakit? Hindi na kayo mag-partner?" tanong niya na ikinalito ko.

"Hindi naman kami mag-partner talaga." Bumuntonghininga ako. Hindi nga niya ako inaya nang malaman niyang wala pa akong kapareha.

May isinulat si Yena sa kanyang whiteboard. Hinintay ko muna siyang matapos bago ko iyong binasa.

'Hindi ba siya ang naglagay ng 'reserve' sign sa likod mo kanina?' sabi ng isinulat niya.

"Oo nga, hindi ba galing kay Gael iyon?" tanong pa ni Cha.

Bakit naman gagawin Gael iyon? Ano'ng trip niya? Ano 'yon? Ayaw niya akong magka-partner?

"Hindi ko alam! Pero nakakainis siya, ah!" Napairap ako sa hangin.

"Bakit high blood na naman itong si Viana? Hi, Yena!"

Dumating si Jude at unang nilapitan si Cha. Basa ang buhok niya dahil sa malamang ay katatapos lang nitong mag-shower. Kagagaling lang nila sa basketball practice nila dahil malapit na naman ang Intramurals.

Sunod na dumating Zeno at kumaway kay Yena. "Hi, Viana! Nakasunod na si Gael sa amin. Huwag ka nang sumimangot d'yan!" sabi niya at inaya ng umuwi si Yena.

Pagkalayo nilang apat sa akin ay siya namang pagdating Gael, basa rin ang buhok niya at hindi na uniform ang suot. He is now wearing casual clothes, a gray shirt and a brown pants. Naglalakad siya papunta sa akin habang sinusuot ang salamin. Dahil sa suot niya ngayon ang kitang-kita ko kung gaano kaganda ang katawan niya. Bata pa lang ay nasa tamang hugis na ang katawan niya. Ang mga muscles! Hmm! Yummy! Ang hot pa niya lalong tingnan dahil sa suot niyang salamin.

"What?" tanong niya nang makalapit sa akin.

Napapikit ako nang ilang beses bago ko siya sinamaan ng tingin. "Bakit mo ako ni-reserve? Ano'ng trip mo?"

"So that you will be my partner," he simply said then shrugged his shoulders.

"Pwede namang ayain na lang ako! Akala ko tuloy walang may gusto sa akin. Gosh! Torpe mo rin, 'no?" Pinagsiklop ko ang kamay ko at tinaasan siya ng kilay, hinihintay ang sagot niya.

"Ano? Gagawa ba tayo ng project o hahanap na lang ako ng ibang partner ko? Ang arte mo!" Tinalikuran niya ako at nagsimula nang maglakad paalis.

"S-sandali lang naman!" Nawala ang angas ko. Wala na pala akong karapatang magtaray, mas mabagsik pa si Gael kaysa sa principal namin. Kahit siguro presidente ng Pilipinas kaya niyang tarayan.

Hindi na niya ako kinausap, basta na lang niya akong pinasakay sa kotse niya. Kumaway ako sa driver niya na nagmamaneho sa direksyon papunta sa burol na lagi kong pinupuntahan kapag ayoko munang pumunta sa bahay. Kapag gusto kong mapag-isa dahil naririndi na ako sa ingay ng palagid, to escape when it is hard to swallow the reality.

"I love landscapes," he said while we are sitting on a big rock, facing the sun that this readying itself to set.

"Me too." I smiled and then look at him. "How did you discover this place?"

He breathes. "I followed you once," he answered which shocked me.

"Sinundan mo ako? Bakit?" Ang lakas ng tibok ng puso. Ni hindi ko na alam kung posible pa pa lang tumibok ito nang ganito kabilis.

Tumingin siya sa akin at ngumiti nang pagkatamis-tamis, unang beses na makita ko ang mga ngiti niyang iyon. Kahit palagi ko siyang nakikita noon pa, walang katumbas ang mga ngiti niya ngayon.

"Gael." I bit my lower lip. "I like you." I swallowed really hard. "I like you so much. Masaya ako na kahit papaano ay napapansin mo na ako. Sana nakikita mo ako noon, lagi akong nakasunod sa iyo. Palagi akong nandoon tuwing may mga sinasalihan kang contest. Chini-cheer kita palagi kapag may laban kayo sa basketball. Alam ko, hindi mo nakikita pero nandoon ako, Gael." Hinawakan ko ang isang kamay kong nanginginig dahil sa kaba. Yumuko ako dahil ngayon naman ay nilamon na ako ng kahihiyan.

Hinaplos niya ang mukha ko at hinawakan ang baba ko para magtagpo muli ang mga mata namin. Pinigilan ko ang pagbuka ng mga labi ko para makahinga nang maayos. He is too near, konti na lang ay maghahalikan na kami.

"Huwag kang maniniwala sa mga sinabi ni Larry. Hindi iyon ang totoo dahil ikaw lang gusto ko," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Hindi naman ako maniniwala kung hindi ikaw ang magsasabi. Sa 'yo lang akong maniniwala, Adi." He smirked.

"Adi? You call me Adi." I cannot contain my happiness anymore. I didn't even know how we ended up here.

"I don't want to leave your second name, that's why. Adi suits you more than Viana for me." Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko kaya napalunok ako.

"Gael," tawag ko sa kanya para mapatingin siya sa akin. Parang sasabog na ako ano mang oras.

"Adi, I see you every time you are there for me. I got curious about you since the day I first saw you sitting alone, watching a boring contest I was joined. Nakikita kita palagi, I always make sure you can get home, safely. I followed you here and watched you crying for whatever reason."  He caressed my face, then my lips with his thumb.

"Nahalikan ka na ba, Adi?" tanong niya.

"Huh?" Sa gulat ko ay wala man lang akong naging reaksyon.

"Tinatanong ko kung nahalikan ka na ba?" Mabilis na pumula ang mukha niya habang naghihintay ng sagot ko.

Umiling ako. "Hindi pa."

Napahawak ako nang mahigpit sa kamay niyang nasa pisngi ko nang mabilis niyang pagtagpuin ang mga labi namin. Mariin akong napapikit habang dinadama ang maiinit at malambot niyang mga labi na nakalapat sa mga labi ko.

This is exactly how I wanted my first kiss will happen. In front of a setting sun, at my favorite, to my favorite person, with Gael.

Humiwalay siya sa akin pagkatapos ng ilang segundo. It was a quick kiss but I felt like it consumed my lifetime. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakalma ang sarili, siya naman ay sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri at naghabol ng hininga.

"Let's finish this activity before darkness reigns in this place," he said.

Binuklat niya ang sketchbook niya at nagsimulang gumuhit. He wrote at the top side of the paper 'my favorite scenery'.

It was me, looking at the setting sun while smiling, on his point of view.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro