Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Morris' POV:

"What are you doing here?", nagtataka kong tanong kay Ashley.

"I invited her. Bakit hindi mo naman sinabi sa kanya ang tungkol sa okasyon ngayon?", biglang pumasok si daddy sa bahay at lumapit sa amin.

Ito siguro ang sinabi ni mommy kanina na may pinuntahan ito.

"Why should I, dad? Hindi naman ho tungkol sa akin ang okasyon na ito kundi kay kuya", tiim-bagang kong sagot dito. Hindi ko na alintana na may iba palang tao sa paligid namin.

"She's part of the family. Nakalimutan mo na ba?"

Kumunot ang noo ko sa sagot ni daddy. "What?! This is ridiculous"

Lumapit si Ashley kay dad at kumapit sa braso nito.

"Tito, I told you I'm not welcome here. Besides, sinabi niya sa akin na may girlfriend na siya", sabi ni Ashley dito.

Pumagitna si mommy sa amin.

"Okay, taman na iyan. Nakakahiya sa mga bisita natin. Enrique, mamaya mo na kulitin si Morris. Tara at kumain na tayo"

"Tama si Mommy. Tayo na po", lumapit ang kapatid ko sa magiging in-laws niya at sinamahan sa dining area.

Bumitaw naman si Ashley sa pagkakahawak kay dad at nagpaiwan nang hilahin ni Mommy si daddy.

Naiwan kaming dalawa.

"What are you planning to do? At bakit ka pa nagpunta dito?", tanong ko dito.

Ngumiti ito sabay halukipkip. "Well, tulad ng sabi ni Tito, I'm part of the family. And... I still don't believe you sa sinabi mong may girlfriend ka na nga"

Inilagay ko ang mga kamay sa bulsa ng pantalon ko.

"It's up to you. Hindi ko naman kailangang ipakita at ipakilala sa iyo kung sino ang girlfriend ko. I don't have the time to do that", pagkasabi niyon ay sumunod na ako sa dining area at iniwan ito.

Tama nga naman ang sinabi ko. Hindi ko na kailangan pang ipakita dito na may bago na akong girlfriend. Pero kung sakaling kukulitin at kukulitin ako nito, sino naman ang ipapakilala ko?                        

                              --------------

"Ano? Sigurado ka ba sa gagawin mo, bro? Alam mo bang may masasaktan ka sa mga binabalak mo?", tanong sa akin ni Daniel. Nagulat ito sa sinabi ko.

Nasa bahay ko siya ng mga sandaling iyon. Ikinuwento ko dito ang nagyari kahapon sa bahay ng mga magulang ko. At kung ano ang plano ko upang matigil na si Ashley. Isa lang ang pag-asa ko ngayon. Maybe my plan will work out kung gagawin ko nga ito.

"Kakausapin ko siya. Oh, di kaya ay liligawan ko siya upang maniwala siya sa akin na may pagtingin nga ako sa kanya", sagot ko naman. Nagmumukha akong desperado sa binabalak ko.

Napabuntong-hininga ang kaibigan ko. Ramdam kong labag sa kalooban nito ang pinaplano kong gawin.

Ipinatong niya ang kamay sa aking balikat.

"Bro, hindi ko alam kung paano kita paaatrasin sa plano mo. Pero think of her feelings. Masasaktan siya kapag nalaman niyang niloloko mo lang siya, okay?"

Tumango ako.

"Sabihin mo na lang kasi kay Ashley na wala na talagang pag-asa na magkabalikan kayo. Ipaliwanag mo sa kanya. Baka sakaling maiintindihan niya", dagdag pa nito.

"I already did it. But she really wants me to go back to her", sagot ko.

Natahimik sandali si Daniel. Tumitig sa akin na parang may gustong sabihin ngunit nagdadalawang-isip ito.

"What?', tanong ko dito.

"Are you still inlove with Ashley?"

Napakunot ang noo ko.

Mahal ko pa ba talaga ito? Oh ayaw ko lang masaktan ulit?

"I'm not. Whatever you are thinking right now, I have to go on with my plan", sagot ko at ininom ang isang baso ng whisky na nasa mesa.

"Bro, I'll warn you. Kapag gagawin mo iyan, masasaktan mo si Mia. At kapag iyan nangyari, Suzy will hate me", sagot nito at uminom na rin ng whisky.

                                ------------

Mia's POV:

Nag-aabang ako ng taxi sa labas ng school namin. Kakatapos lang ng huling klase ko. Gusto ko pa sanang magpunta ng library dahil may isesearch ako kaso nang makita ang grupo ni Hannah ay umatras ang mga paa ko. Iiwas na lamang ako dahil ayoko ng gulo. Mas lalo pa kasi itong nang-iinis nang makita nito na nakikipag-usap sa akin si Ethan.

"Look who's here"

Napatingin sa likuran ko upang tingnan kung sino ang nagsasalita. Si Hannah lang pala. Kasama ang mga kaibigan nito. Talagang ayaw akong tantanan ng mga ito.

"Ano na naman ngayon?", pinilit kong irelax ang sarili. Pinaalala sa sarili na mas matanda pa ako sa mga ito.

Humalukipkip si Hannah. "Naiinis lang ako sa iyo. Nakakainis ka, alam mo ba iyon?"

Tumaas ang kilay ko.

Aba! At ito pa ang naiinis ngayon?

"Excuse me? Ano naman ang ikinaiinis mo eh wala naman akong ginagawa sa iyo? Oh.... is it about Ethan?", tanong ko at bahagyang ngumisi.

Napansin kong nag-iba ang aura nito.

"What?!"

Ako naman ang humalukipkip.

"For your information, kung ang ikinaiinis mo ay ang tungkol kay Ethan, ay wala na ako doon. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Iyong-iyo na siya kung gusto mo. Narinig mo? Iyong-iyo na si Ethan", at talagang inulit ko pa ang huling sinabi ko.

Mukhang effective naman ang sinabi ko dahil biglang nawala ang masamang aura nito sa mukha.

"Mia!"

Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses. Sabay kaming napatingin sa direksyon ng taong nagsasalita.

"M-morris?", sambit ko.

Nanlaki ang mga mata nina Hannah. Nagulat rin kasi ito nang makita ang lalake.

Nakangiti pa ito nang lumapit sa akin.

"Hi! Pauwi ka na?", tanong nito.

"Ha? Ah o-oo", hindi ko tuloy malaman kung ano ang isasagot. Napatingin ako kina Hannah. Ang masasamang aura nito kanina ay napalitan ng kilig. Nagpapacute na ngayon ang mga kasama nito.

Napatingin na rin sa mga ito si Morris. "Friends mo?", tanong nito.

"Hi Morris! Yeah, we're friends!", kinikilig na sagot ni Hannah.

Aba! Ang kapal ng mukha ng isang to! Kailan pa kami naging friends??? Kailan???

"Hi!", masiglang sagot naman ni Morris.

"Ang gwapo mo pala sa personal. Pwedeng magpapicture?", tanong ng kaibigan ni Hannah.

"Sure", pagkatapos nitong sumagot ay isa-isa ng nagpapapicture ang mga ito dito.

Bigla akong nag-alala dahil isa-isa ng naglalabasan ang mga tao. At sigurado ako na pagkakaguluhan ito. Pinutol ko na ang picture taking ng mga ito. At biglang hinila si Morris.

"Let's go!", sabi ko at dinala ito sa kotse nito. "Buksan mo na ang kotse mo, bilis!", sabi ko.

Agad naman nitong binuksan ang kotse at mabilis ko siyang pinapasok saka sumunod ako.

"Hindi ka ba natatakot na baka magkakagulo sa labas?", tanong ko kaagad dito pagkatapos i-lock ang pinto ng kotse.

"Bakit naman ako matatakot? Sanay na ako sa mga ganoong  eksena. At saka hindi naman ako artista na talagang pagkakaguluhan ng lahat"

"Kahit na. Nag-aalala lang ako. At saka, bakit ka nga pala nagpunta dito sa school?", nagtataka kong tanong.

Ngumiti ito. May kinuha ito sa likod. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa harapan ko ang iniabot nitong bouquet.

"W-why a-are you giving me this?", biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumingin ito sa mga mata ko. Parang gusto ko na tuloy himatayin sa mga titig nito. Lalo na nang kinuha nito ang isang kamay ko at hinawakan.

"Mia, gusto kitang ligawan. I want you to be my girlfriend..."

          

                            ♡♡♡♡♡♡









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro