Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Mia's POV:

"Hi!", bati ko sa kanya nang masiguro kong siya talaga ang nakaupo.

Nag-angat siya ng paningin. Tinitigan muna niya ako ng ilang segundo bago napagtanto na ako talaga ito. At pagkatapos ay ngumiti ito.

"Hi! Have a seat", sabay turo sa upuan na nasa harap nito.

Sumunod naman ako at umupo.

"Thanks", mahinhin kong sabi sa kanya. Feeling dalagang Filipina lang ang peg.

"You're Mia, right?"

Tumango ako sabay hawi ng buhok sa tenga.

"Well, I assume kilala mo na ako. Thank you for coming pala. What would you like to eat?"

"Ah, hindi na. Busog pa ako eh", pero sa totoo lang, nakaramdam ako ng gutom.

"Are you sure?"

"Yeah. Pero pwedeng iced coffee na lang. Okay na ako doon"

Tinawag nito ang waiter at inorder ang iced coffee. May inorder pa ito sa waiter na hindi ko maintindihan dahil nakafocus ang paningin ko sa mukha niya. Parang nagayuma ako bigla.

Ang guwapo talaga! Ang tangos ng ilong. Ang kinis ng mukha. Perfect na perfect.

Lumipat ang paningin ko sa mga labi nito.

And those kissable lips.

Wait! Kissable lips? Bigla ko tuloy naalala ang dinidaydream ko dati sa klase ni Ma'am Agua.

"Are you okay?", tanong ni Morris nang mapansin nitong kanina pa ako nakatutok sa kanya.

Kunwari ay naubo ako. 'Langhiya talaga itong isipan ko. Kung saan-saan lumilipad. 'Yan tuloy.

"Uh, y-yeah. May naisip lang ako", pagsisinungaling ko.

Bahagya itong natawa. Maya-maya ay sumeryoso.

"Sorry nga pala sa naging attitude ko noong araw na iyon. Medyo uminit lang ang ulo kaya ganoon ang tono ko. Natakot ka yata kaya ka tumakbo"

Umayos ako sa pagkakaupo. Feeling ko mabait naman talaga siya. So I decided to tell him the truth. Baka kasi hanggang ngayon eh inakala pa nitong stalker talaga ako. Kahit hindi naman.

"Okay lang iyon. Nabigla lang din ako. At saka kasalanan ko naman talaga. Mula nang mabasa ko ang libro mo, naging fan mo na ako. Pinupuntahan talaga kita dito sa coffee shop. Ginusto ko na talagang lapitan ka dati. Kaso, akala ko, suplado ka. Naging hobby ko na tuloy ang kunan ka ng litrato. Pero promise, hindi talaga ako stalker. Ni hindi ko nga alam ang lahat ng tungkol sa iyo", mahaba kong salaysay sa kanya.

Tumango ito.

"I understand. That's why I wanted to talk to you and personally say sorry. Kaso, 1 week din bago ka nagtext. I thought hindi ka interasado na makilala ang isang tulad ko", at saka pilyo itong ngumiti.

Inikot ko ang eyeballs ko. At natawa. "Naks! Mahangin ka rin pala, no?", tanong ko.

"Hmmm. Hindi naman. Nagpapatawa lang. Napakaseryoso mo kasi. Are you a college student?"

"Yeah. Graduating student na ako. Actually, matagal na sana akong natapos sa school, kaso nagshift ako ng course. Kaya, heto"

"I see. Okay lang iyan. Ano bang course  mo?"

"MassCom", sagot ko. Siya namang pagdating sa inorder ni Morris at ng iced coffee ko. Agad kong ininom ito.

"Sa totoo lang, we almost have the same situation. The only difference is, tinapos ko talaga 'yung course ko. Pero hindi ko ginamit. I pursue my other dream. Which is writing"

"Oh?"

"Yeah. Are you single?"

Naubo ako sa tanong niya. Muntik ko tuloy maibuga sa kanya ang iniinom ko.

"Okay ka lang?", tanong nito. Iniabot nito ang tissue.

Why on earth he's asking me this???

"Thanks. O- Okay lang ako", pero hindi ako okay. Hindi. Ang weird ng tanong mo. Gusto kong sabihin sa kanya. Nagpatuloy ako sa pag-inom ng ice coffee ko. Para kasing naubusan ako ng laway sa naging takbo ng pag-uusap namin.

Maya-maya ay biglang nagring ang cellphone nito. Sinagot nito ang tawag.

"Hello? Who's this?- Who?-", biglang sumeryoso ang mukha nito. Tiningnan ko lang siya.

Nagtaka pa ako nang tumayo ito. "Excuse me", sabi niya sa akin at tumalikod.

Tumango lang ako.

Hindi ko alam kung sino ang kausap nito dahil bigla na lang nag-iba ang mood. Basta sigurado ako, para akong  nakalutang sa ulap ng mga oras na iyon dahil ang favorite author ko, nakasama at nakausap ko ngayon.

Mga sampung minuto rin ang tinagal bago ito bumalik sa pagkakaupo.

"Ahm, Mia. I'm sorry. I have to go. May importante lang akong gagawin. Can we talk next time?"

Wow! May next time pa pala?

"It's okay. Naiintindihan ko. At saka may gagawin rin ako sa bahay", nakangiti kong sagot dito kahit na medyo nalulungkot ako dahil aalis na ito.

"I'll call you. Okay? Nice meeting you", kumuha ito ng pera sa wallet upang bayaran ang inorder namin at pagkatapos ay umalis na. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa makalayo.

                       

                           -----------

Morris' POV:

Binilisan ko ang takbo ng sasakyan. Hindi ko inaasahan na makatanggap ng tawag mula sa taong isinumpa ko na at kinalimutan. It was a call from my ex. She was crying, begging to see me. At nandoon siya ngayon sa labas ng condo ko.

Tinapos ko na ang lahat 5 years ago when she chose her dream. Akala ko okay lang sa kanya ang naging desisyon ko. Dahil tumagal ito ng limang taon sa Paris.

Bumaba agad ako ng sasakyan at umakyat ng condo. Palagay ko ay nakainom ito base na rin sa tono ng pananalita nito kanina.

At hindi nga ako nagkamali. Pagdating ko sa labas ng condo ay nakita kong nakaupo ito sa harap ng pintuan. Medyo magulo ang buhok at umiiyak.

"What are you doing here?", tanong ko kaagad dito.

Nagtaas ito ng ulo. Nang makita ako ay pinilit nitong tumayo at mabilis na lumapit sa akin. Agad itong yumakap.

"Morris! I missed you!", sambit nito.

Huminga ako ng malalim. Amoy na amoy ko ang iniinom niyang wine.

"Stop it, Ashley! We're done. Tapos na ang lahat sa atin. We both made a decision 5 years ago", pinipilit ko siyang ilayo sa akin.

Pero ayaw nitong umalis mula sa pagkakayakap sa akin.

Napatingin ako sa CCTV na nasa taas. Napapikit ako. Ayoko ng ganitong mga eksena. Kaya binuksan ko na lang ang condo at pinapasok ito.

Pinaupo ko ito sa sofa. Kahit na ayaw pa itong lumayo sa akin. Pero pinilit ko.

"Look! I have no time for this. Lasing ka. And pagod ako. Kung gusto mong makipag-usap, mag-usap tayo kapag okay na 'yang pakiramdam mo. You can sleep inside my room"

"Huh! I know you also missed me. Tinatago mo lang. Am I right?"

"Kung ayaw mong pumasok sa silid, wala akong magagawa. Diyan ka na. Pagod ako", at dumiretso na ako sa silid ko.

Alam kong  mahihirapan ako sa pagpapaalis nito lalo na at lasing ito. Hahayaan ko na lang muna ito. Kakausapin ko ito bukas.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Daniel. May duda ako na ito ang nagbigay ng number ko kay Ashley. Siguro ay nakabalik na ito mula sa States.

 

                    -----♡♡♡♡♡-----

Author's note:

Bibilisan ko ang pag-aupdate nito. Singbilis ng paghabol ko sa iyo.

Charoooot!

Naku guys, hindi pwedeng walang kontrabida. Kaya heto at pumasok na sa eksena si Ashley.

Hehehe

😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro