Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Morris' POV:

I don't know why. Pero pakiramdam ko magaan ang loob ko habang kasama kanina si Mia. Nakakatawa lang kasi 'yung mga reaksiyon niya kapag kaharap niya ako. Siguro dahil na rin sa hindi niya ineexpect na makakausap at makakaharap niya ang isang tulad ko.

Hinatid ko na lang siya ng tanaw habang nagmamadaling pumasok sa bahay nito. Hindi man ito singtangkad at singsexy tulad ng ibang babae pero alam ko na mabait naman ito. Actually for me, she's cute.

Pagkapasok ko sa kotse ay siya namang pagtunog ng cellphone ko. When I check it kung sino ang tumawag, nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba iyon. It was Ashley.

But then, naisip ko, it would be better to talk to her and tell her to stop calling me again.

"Where are you right now? - okay, I'll go there", at agad pinutol ang tawag. There's no reason na pahabain pa ang pag-uusap namin sa phone kung magkikita rin lang naman kami.

Dumiretso ako sa lugar na sinabi niya. Iyon 'yung lugar na madalas naming pinupuntahan dati.

Agad ko siyang hinanap nang makarating ako. At nang makita ito agad kong nilapitan. Tumayo si Ashley ay hahalik sana sa pisngi ko ngumit umiwas ako.

"Why Morris? You know, you really changed a lot. I used to kiss you before naman, di ba?", tanong nito.

"It's all in the past, Ashley. At tapos na rin ang lahat sa atin. There's no need to do that", tiim-bagang kong sagot.

"Are you still mad at me? Hmmm?", she asked habang inaayos ang kwelyo ng polo ko.

Tinabig ko ang kamay niya at umatras. Tiningnan ko ito. Parang ito yata ang nagbago at hindi ako. Napailing ako.

"Pumunta ako dito dahil sabi mo gusto mong makipag-usap. At pumayag ako dahil may gusto rin akong sasabihin"

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. But Morris, I-I still love you. All these years, ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. Can we give our love a second chance? I know that you're still single--"

"You're wrong. I already have a girlfriend", putol ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon, pero kailangan kong pigilan ang plano niyang makipagbalikan sa akin.

Kumunot ang noo ni Ashley. "Pero ang sabi ni Daniel, wala ka pang girlfriend", mukhang naguguluhan ito sa sinabi ko.

"He doesn't know about it. Dahil kanina pa lang ako sinagot ng girlfriend ko"

Nakakatawa ang mga iniisip ko. But I have to end our conversation.

"Hi-hindi ako naniniwala. Sinasabi mo lang iyan dahil ayaw mo na talaga sa akin", may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. Parang gusto kong magsisi sa sinabi ko.

Huminga ako ng malalim. "You'll know about her one day. I-I'm sorry kung nabigo kita ngayong gabi. I have to go. May tatapusin pa akong trabaho", sabay talikod pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.

Pero hinabol niya ako at biglang yumakap sa likod ko.

"I'm really sorry about what had happened 5 years ago. Please be with me again, Morris. I need you", ramdam ko ang pagpipigil sa sariling maiyak dahil na rin sa tono ng boses nito.

Ipinikit ko ang mga mata saglit. Bigla akong naguguluhan. Napapaisip kung babawiin ang sinabi ko kanina na may girlfriend na ako o ipagpapatuloy na lang iyon.

"Nanghihinayang ako sa naging desisyon ko noon. Yes, naging succesful ako sa Paris pero araw-araw naman akong  umiiyak dahil iniwan kita dito. Please, Morris. Give me a second chance", pagpapatuloy nito.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at unti-unting inalis mula sa pagkakayakap.

"I-I can't. I love my girlfriend now. At hindi ko siya sasaktan gaya ng ginawa mo sa akin dati. I'm sorry", pagkasabi nun ay agad akong lumayo sa kanya.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Ang alam ko lang ay ayaw ko ng masaktan uli kung sakali mang makipagbalikan ako sa kanya. Dahil alam ko, hanggang ngayon ay importante pa rin sa kanya ang career niya.

Dumiretso ako sa bahay at agad kumuha ng maiinom na alak. Gusto kong kalimutan ang naging pagkikita namin ni Ashley ngayong gabi.

                             

                                --------------

Mia's POV:

Kumakain ako sa school canteen ng araw na iyon habang nagbabasa ng librong sinusulat ni Morris. Suspense ang genre nito pero I find myself smiling at tila kinikilig. Eh kasi naman, naaalala ko pa ang naging eksena kagabi nang nagselfie kaming  dalawa.

Biglang nawalang parang bula ang iniimagine  ko nang marinig ang boses ni Hannah. Nag-angat ako ng paningin at itiniklop ang libro.

"Aba, masaya yata ang matandang ate", pang-iinis nito.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Excuse me? Dalawang taon lang ang tanda ko sa inyo. So you better shut your mouth, okay?", mataray kong sagot dito.

Kinuha nito ang libro na hawak ko. At ngumisi ito nang makita ang pangalan ni Morris.

"Kahit ilang kopya pa ng libro na gawa ni Morris ang bibilhin mo, hindi ka pa rin niya mapapansin. Dahil hindi ka naman maganda", at tumawa ito pati na ang mga kasama nito.

Inikot ko ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo nito sa  akin. Dahil ba mas mataas lage ang nakukuha kong grades dito? O mas matalino ako kesa kanya?

"Alam mo, wala kang alam sa sinasabi mo. At saka, huwag ako ang iniinis mo ha. Wala naman akong ginagawa sa iyo. Oo, hindi nga ako maganda, matalino naman. Eh ikaw, maganda ka nga, simpangit naman ng zombie ang asal mo. Wala ka bang values education na subject noong elementary at high school days mo?"

Biglang nawala ang pagkakangisi nito. Nagalit yata sa sinabi ko.

"Aba! Nagmamagaling ka ba?"

"Hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo. Excuse me, mukhang pumapangit ang atmosphere dito", hinablot ko ang libro na hawak niya at umalis sa lugar na iyon.

Inhale. Exhale. Konting tiis na lang. Ga-graduate na ako. Hindi ko na makikita ang pagmumukha ng babaeng iyon.

Mabilis akong naglalakad nang biglang may tumawag sa akin.

"Mia!"

Lumingon ako. Nakita ko doon ang nakangiting si Ethan. Nagwi-wave siya sa  akin.

Nagwave din ako sa kanya. Tumakbo ito palapit sa akin.

"Saan ka pupunta?", nakangiting tanong nito.

"Hmmm. Sa labas ng school", sagot ko.

Varsity basketball player si Ethan ng school namin. Maraming nagka-crush dito dahil sa galing nitong maglaro. Lately, palagi itong nakikipag-usap sa akin. At hindi ko alam kung bakit ito nakikipag-close sa akin.

"Ganoon ba? Hmmm, pwede ba kitang ihatid pauwi mamaya?"

Nagulat ako sa tanong niya.

"What? Bakit naman?"

Napakamot ito sa ulo na parang batang napagalitan ng ina.

"Eh, kasi.. Matagal na kitang crush. At, at hindi ko alam kung paano simulang manligaw sa iyo", medyo nahihiyang sabi nito sa akin.

Bigla akong napabulinghit ng tawa dahil sa narinig. Siya? Ang isa sa mga crush ng campus , gustong manligaw sa akin?

"Wait, wait. May lagnat ka ba?", sabay hipo sa noo nito.

"Wala ah!", at medyo lumayo ito ng kaunti sa akin.

Bumuntong-hininga ako.

"Alam mo Ethan, parang ate mo na ako dahil sa age gap natin. Sana narealize mo iyan. At saka, may gusto na ako eh. Hinihintay ko lang 'yung tamang panahon para sa amin", sabi ko.

At hindi sinasadya ay nakita ko si Hannah na nakatingin sa amin ni Ethan. Mukhang masama ang pagkakatingin nito sa amin.

Hindi kaya at may gusto ito kay Ethan?

"Oh siya. May pupuntahan pa ako sa labas ng school. Maiwan na kita", paalam ko dito.

Dumiretso ako sa labas ng school. Parang alam ko na kung bakit palagi akong iniinis ni Hannah.

Pupunta sana ako sa isang coffee shop na nasa harap ng school nang biglang may tumawag ulit sa pangalan ko. Bakit parang in-demand yata ang pangalan ko ngayong araw na ito?

"Mia!"

Mabilis akong lumingon. Napanganga ako nang makita kung sino ang tumawag sa akin this time.

"M-Morris?", ang tanging lumabas sa bibig ko.

                   
                        ------♡♡♡♡♡-------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro