Chapter 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

“How’s your day?”

'Yan ang bungad na tanong sa’kin ni Gabe pagkabukas niya ng pinto, dito sa kanyang apartment ako dumiretso matapos ang meet-up na 'di ko pa rin maintindihan hanggang ngayon.

“Epic?” Patanong kong sagot bago tuluyang pumasok sa kanyang apartment.

“Or been on a bad trip?” Segunda naman niya matapos kong marinig ang pagsara ng pinto at pagsunod sa’kin.

Naupo siya sa couch at alam kong nag-a-anticipate na siya ng maikukuwento kong nangyari sa araw ko. Ako namang pabitin at walang hiya ay nagtungo muna sa kinaroroonan ng maliit niyang fridge para humalungkat ng maisasali sa usapan.

“Have you met three different girls and each of them telling you they’re Sanet?”

Natigilan ako’t napatingin kay Gabe. “Pa’no mo alam?” Basta ko na lang kinuha ang isang tupperware na may lamang assorted minis chocolates, isinara ang mini-fridge at mabilis na bumalik kay Gabe saka sumalampak sa isa pang couch.

“Just like you, I thought it was a usual meet-up but no.”

“Nangyari na rin sa’yo?” Medyo nagulat ako kasi ngayon lang niya nabanggit sa’kin ang tungkol do’n. “So mas nauna mo pang nakilala si Sanet? Ano? Alam mo na ba kung sino talaga siya?”

“'Yes' for your first question and 'No' for the rest.”

“Pero may nakilala ka ding tatlong chics?” Pang-uusisa ko.

Saglit na nagsalubong ang mga kilay niya bago makapagsalita, saka rin naman bumalik sa dati. “You have to guess who she really is among the three. And warning; The more you delve about Sanet, the higher the chance you’ll get attached to one of them.”

“So…” Napangiting demonyo ako. “Nagkaroon kayo ng something?” Saka ko siya binato ng Snickers minis para asarin. “Sino do’n?”

“No,” Sagot niya matapos pulutin ang tsokolateng dumako sa bandang tiyan saka ibinato pabalik sa’kin na tsamba namang nasalo ko kaya binalatan ko na lang at deneretso sa bunganga ang laman sabay tapon ng wrapper sa ere. “I went further, but I still didn’t figure out who Sanet is. Blame my disability.”

Malaking balakid nga sa pagkilala ang kondisyon ni Gabe. Prosopagnosia. Hindi siya makatanda ng pagmumukha ng tao. Mabuti na lang at pagdating sa’kin ay may technique siya kung pa’no ako makilala at masigurong ako ang walang hiya niyang kaibigan. Alam niyang ako na si Rafaella ang kaharap kapag nakita ang suot kong bigay niyang white-gold necklace na may pendant na letter ‘R’ - dito siya unang napapatingin para maniguro bago siya magsalita. Medyo nakakaasiwa nga lang kasi minsan feeling ko sa dibdib ko na talaga siya nakatitig, hindi sa pendant.

“Wait lang,” Bigla akong natigilan dahil sa naalala. “sabi mo, the more na alamin ko kung sino si Sanet, the more na baka ma-attached ako sa isa sa kanila?”

“Or maybe to all of them. Malandi ka e.”

“Sira.” Balik ko sa pag-interrupt niya sa’kin. “Pero ba’t mo nasabi ‘yon?”

“That you’re a vamp? ‘Cause you can be with Happy even when you have Traleen.”

Sa halos kalahating taon naming magkakilala, ngayon ko lang na-realized na an'dami ko na palang naikwento kay Gabe. Ultimo yung sa amin ni Traleen.

“Hindi ‘yon. About sa decoys.” Paglilinaw ko. “Si Sanet ‘yong topic, okay? Hindi ako.”

“I used to get along with them just to know them better, at para may mapag-basehan kung sino talaga sa kanila si Sanet. It’s actually like a game. Because whenever I ask something―take note, via email.” In-emphasized pa niya ang mga huling salita bago magpatuloy. “she answers it by sending cryptic messages for me to use as a clue, while I’m hanging out with the three possible Sanet in person. Sila din, parang nagbibigay ng hint or mix signals na connected sa mga messages na nare-recieved ko from email.”

Nanumbalik ang isip ko kanina sa café. Parang gano’n nga din ang nangyari kanina; Sa akin nanggagaling ang tanong. Ang tatlong babae ay nagsisilbing multiple choice. Ang message ni Sanet ay ang clue sa sagot.

“Tama.” Tugon ko sa mga sinabi ni Gabe. “Kasi no’ng nagtanong ako kung sino sa kanila si Sanet, biglang sabay-sabay gumamit ng phone ‘yong tatlo tapos naka-recieved ako ng email from Sanet kuno.”

“What did you get?”

“Ewan. Di ko gets e.” Inilabas ko ang phone para muling tingnan ang message sa email ko. “Tingin ko riddle. Ito siguro ‘yong sinasabi mong parang clue.” Lumapit sa’kin si Gabe para basahin ang message.

A message delivered to the people by raven.
A message delivered to the people by eagle.
Be cautious and remain on the right path.
Stay and you will know.
Questions are my answers.

“Gets mo ba?” Tanong ko kay Gabe.

“No, but yeah, it seems like a cryptic message. And this might be the first clue.” Tumingin siya sa’kin. “Anong nangyari after you received this?”

Inalala kong mabuti ang mga naging pangyayari kanina. “Pinakita ko rin ‘to sa kan'la. Si Naz ‘yong natatandaan kong nagsalita pero tanong din naman ‘yong sagot niya.”

“Naz?”

Sa naging reaksyon ni Gabe, parang ‘yong pangalang nabanggit ko ang talagang nakakuha ng kanyang atensyon. Kilala na niya marahil ito. Malamang! E mas nauna nga siyang napag-trip-an ni author.

“Oo. ‘Yong naka-RBF lagi na walang duda namang maganda kasi maliit at matangos ang ilong tapos perfect at natural ‘yong kilay at ang pupungay ng―” Bigla akong natigilan nang ma-realized na face-blind pala 'tong kausap ko. “Okay. Basta si Naz. Kilala mo na siguro siya.”

“What did she say?” Pagbabalik ni Gabe sa kaninang usapan.

Ano sa tingin mo?” Paggaya ko sa monotone na boses ni Naz pati sa poker-faced nitong pagkakasabi pero di man lang napangiti ‘yong gusto kong patawanin. Nakatitig si Gabe sa screen ng phone ko at para bang ini-intindi kung ano’ng ibig sabihin ng message. “Ay! Pero bago pa pala ‘yon, sabay-sabay silang sumagot saka naglabas ng phone.” Sambit ko nang maalalang maigi ang pangyayari. “Sinabi lang ‘yon ni Naz pagkatapos ko ma-recieved ‘yong message at pinakita.” Paglilinaw ko.

“So?”

“Kasi naalala ko, si Kara talaga ‘yong sumagot na patanong. Ang sabi, 'Sino sa palagay mo?'.” Paliwanag ko. “So, baka siya si Sanet kasi diba nakalagay sa message 'Questions are my answers'?”

“Pero ano ibig sabihin ng 'A message delivered to the people by raven. A message delivered to the people by eagle'?” Tanong sa’kin ni Gabe bago balikan ang message. “I think I understand this a bit.” Itinuro at binasa niya ang mga kasunod na salita. “'Be cautious and remain on the right path. Stay and you will know.' Perhaps, it means you have to be observant and don’t let the other two fool you. In order to know who Sanet really is, you have to be with the three.”

Hay naku… Binawi ko ang phone at nagsimulang magtipa. “Nagpapakahirap kang mag-isip e kung tanungin na lang natin. Kung sino o anong klaseng tao ba siya at hindi directly magpakilala? An’dami niyang arte.”

Aabalahin ko pa ba ang sariling makipagkaibigan do’n sa tatlo para lang malaman kung sino talaga do’n ang hinahanap ko? Masyadong energy-consuming. Ano lang naman ba ang mag-type ng message sa keyboard screen gamit ang daliri? Mas madali ‘yon.

Ilang minuto matapos kong i-sent ang mga katanungan at post-script na sana wag na siyang sumagot ng kaartehan, naka-recieved ako ng message mula kay Sanet.

From: [email protected]
To: [email protected]

Subject: Answer

INFANTA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro