Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 4: Soleo


"'Yan na lang talaga? Ang yaman-yaman mo tapos 'yan lang bibilhin mo? Akala ko ba wala ka ng pagkain sa bahay?"


Tig-isa kami ng cart at dalawa pa lang ang laman ng cart ko sa dalawang oras naming paglilibot sa supermarket. Isang can ng mais at butter pa lang ang nilalagay ko.


Inirapan ko siya. "Pamilya ko lang ang mayaman, hindi ako"


She knows that I don't want to talk about my family. Alam niya ang mga pinaggagawa ng mga magulang ko sa akin dati. Pakiramdam ko ay mas kilala pa ako ni Belle kaysa sa sarili ko. I've been waiting for 6 damn years hoping they'd come back, pero wala. I never heard from them. Not even from my brother. I just benefit from the money that my brother transfers to my card. Iniisip ko nga na baka ang tingin nila sa akin ay alkansya na pinaglalagyan ng pera.


"Punta kaya tayo sa Soleo" biglang tanong niya, changing the topic. Soleo is where we hang out on our free days and kapag gusto naming magwalwalan. "Ang tagal ko nang 'di nakakapunta sa Soleo! Nakaka-miss ang lasa ng alak" humalakhak siya at dinilaan pa ang labi niya.


"Sige" tumango lang ako. Kagagaling ko lang sa bar 2 days ago and I'm still embarrassed of what happened that day! Nakaka-trauma nang magpunta sa bar.


"Don't worry. 'Di tayo pupunta sa kuwarto"


I bought all my necessities and placed them on my cart. Napuno agad ang cart ko in less than 10 minutes. Tulala lang talaga ako for the past 2 hours.


We carried our paperbags on our way to the parking lot. We went to my condo first to change our clothing. We can't go to a bar looking musty and funky.


Naligo ako habang nilalagay ni Belle ang groceries sa kitchen ko. Pagkatapos ko ay siya naman ang sumunod. Nag-uusap pa kami sa loob ng bathroom kahit ang tunog ng blower ay malakas.


"Tanginang shampoo 'to! Bakit ka gumagamit ng shampoo ng kabayo?" inis na aniya.


"Nakakakinis 'yan ng buhok, wala kang choice! 'Yan lang ang shampoo ko" sigaw ko.


"Kabayo ka ba sa past life mo?"


"Siguro"


She ended up using it on her hair. Mabango naman ang shampoo ng kabayo at marami pang benefits.


I found a black-colored backless spaghetti strap satin dress with a deep v-neck at my closet . I didn't even know it was there. Iyon ang sinuot ko at niladlad ko lang ang mahaba kong buhok at nagsuot ng black peep-toe stiletto to match my outfit. Binlower ko rin ang buhok ko para mabilis itong matuyo.


Belle is wearing a red lace patterned crop top with high waist jeans and a high-heeled gladiator. She looks so elegant! Mabilis kong kinuha ang purse ko at ni-lock ang pinto.


"Okay din pala shampoo ng kabayo, noh?"


We arrived at the bar around 10:30 pm and a lot of people were already drinking and dancing. We ordered a few drinks but I already felt slightly dizzy on my 5th shot. Ang plano lang talaga namin ay sumayaw at hindi magpakalasing.


"Mei, sayaw tayo!"

I stood up and went with her to the dance floor. It was fun hanging out with her. We haven't been hanging out together for months. It felt like centuries. Ang bonding lang namin ay pagg-grocery at trabaho.


Everybody's swaying their bodies and feeling the beat of the music. They all look expensive and classy! The drinks here at Soleo are also pricey. But it's my treat naman so no one cares about the number.


Belle doesn't have an interest in love. She treasures her family more than anyone. Kahit na kanino pa siya i-reto ay wala talaga siyang interes.


"Inom pa tayo!"


"Sinong mag-uuwi sa'tin kapag pareho tayong nalasing?"


Napakamot siya sa ulo niya. "Duh? Sino pa ba? As if namang mababa ang alcohol tolerance ko!" pagyayabang niya.


"Siguraduhin mo lang, Larcon" tukoy ko sa apelyido niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro