3 - annoy me not

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

How about you go away for a second?

- c h a p t e r   t h r e e

dawne

Noong bata pa 'ko, sabi ng nanay ko masama raw pumatay. Pero malaki na 'ko ngayon, pwede na siguro.

"Oy, oy,oy, ano na? Pa'no natin gagawin 'yang altin na 'yan? Ha? Ha?" Pang-sampung ulit na yata niyang tanong 'yan. Bakit kaya hindi rin siya magisip?

Binigyan kami ni Ma'am Ashford—'yong nag-iisang teacher namin—ng time para masimulan 'yong binigay niyang project. At buti nga't nagdala ng camera itong ugok na 'to nang may silbi naman siya. Nandito kami ngayon sa isang table na nasa likod ng Academy. Naglibot libot na 'yong iba, pati 'yong pito. Natira kami rito dahil itong kasama ko ay 'masakit ang binti dahil sa training'.

"Pinaliwanag ko na sa'yo 'di ba? Mag-isip ka muna ng quote," Binigyan ko siya ng pen at papel para sa quote na maiisip niya. Sa katunayan, wala pa rin akong naiisip.

Sa lahat ba naman kasi ng mapupunta sa'min, ginto pa. Ano namang maisusulat ko tungkol doon?

Pero hindi naman madali lahat ng binigay ni Ma'am. Ang alam ko may nakakuha pa ng 'chair'. Ang lakas ng trip ng teacher namin.

"Tsk wala ka rin naman maisip 'e," Rinig kong bulong ni Fermin. Hindi talaga siya marunong bumulong.

"Akala mo ba madali? Parang ikaw meron na," Balik ko sa kanya. Parang kailangan ko pa ng isang bagay na mapagkukuhanan ko ng ideya.

"Maglakad na kasi tayo!" Pakiusap ko sa kanya dahil wala kaming mapapala kung uupo lang kami rito.

Tiningnan muna niya ako ng masama saglit, umirap, at tsaka tumayo at umakto na nahihirapan. Hindi ako naniniwala 'no, ilang taon na niyang ginagawa 'yan, dapat sanay na siya.

Nagsimula na kaming lumakad, pinili naming magsimula sa corridor kasi naisip namin na wala namang koneksyon sa ginto ang mga halaman o kung anoman sa grounds.

"Are we supposed to be looking at trophies and the likes?" Tanong ni Fermin na mukhang walang interes sa ginagawa namin.

Parang may sense naman ang sinabi niya kaya tiningnan ko ang case ng trophies. Tumigil ako at tumigil din siya.

Ang mga trophy na nakalagay sa case ay ang mga pinaka magaling at mataas na achievements ng academy. Ang ibang trophy naman ay nakatago lang sa office ng prefect.

Iniangat niya ang camera at kumuha na ng litrato. Binigay niya sa'kin ito para makita ko ang kuha. Maayos naman kaya hindi ko na pinaulit sa kanya.

"Third one from the left," Bigla niyang turo sa isang trophy na isa sa malalaki. Tiningnan ko ito, 1986-1987 Basketball Team.

"Dapat sila Dad 'yan, kaso 'yong sumunod na batch sa kanila ang nilagay diyan. His team got 108 in twenty minutes, pero dahil anak ng prefect noong panahong 'yon ang isang player ng sumunod na batch, sila ang nilagay diyan," I wanted to laugh at how overly dramatic he is right now. Pero mukha kasing seryoso siya kaya nanahimik nalang ako.

I forgot how important gold is to this person.

"So, nakaisip ka na?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa case.

"Yeah," Lumakad na kami ng mabagal pabalik sa pwesto namin kanina. Nakasalubong pa namin sina Avrine at sina Ainee na parehas may kahulugan ang tingin sa'kin.

Nang makaupo na kami ay nilapag ko na ulit ang papel at pen sa harapan niya. Kinuha naman niya ito at nagsulat na. Aba, may naisip na nga siya.

Seryoso siya habang nagsusulat, tumitigil pa siya saglit na parang nagiisip. Sa katunayan, wala pa akong buong naiisip. Iisip nalang ako kapag tapos na siya, kailangan kasi konektado ang isusulat namin. Wala pa naman kaming output na scrapbook, plano ko sanang itanong kung kailan kami magsisimula.

"Here," Tinulak niya ang papel at pen papunta sa'kin. Kinuha ko naman ito at binasa. Nang mabasa ko ito, tumingin ako sa kanya, at as expected nakaiwas siya ng tingin habang namumula ang tenga.

You don't have to have gold to be gold

Akalain mo nga naman, ang ganda ah. Ano naman kaya ang isusulat ko?

Tahimik lang kami habang nagiisip pa ako. Nakatingin pa rin siya sa malayo. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa papel at nagsimulang magsulat.

"Hey, kailan tayo gagawa?" Buti naman at inunahan na niya ako sa pagtanong.

"Um, bukas siguro. Ngayon tayo bibili ng materials." Sinara ko ang pen pagkasulat ko ng huling salita.

"Okay, so the materials?"

"Buy anything in gold, 'yong mga pang-design. Ako na sa mga panggawa ng scrapbook. And please, if possible ask your girlfriend to help you choose para hindi kung ano-ano ang bilhin mo," Wala kasing pakielam sa arts ang taong 'to. At least 'yong girlfriend niya may taste naman siguro sa mga ganitong bagay.

"Grabe ka ah! Marunong naman akong pumili ng gano'n!" Pagpupumilit niya na hinding hindi ko paniniwalaan.

"Hey, let me see yours," Kinuha niya sa'kin ang papel at binasa ito. Nang mabasa niya ay tiningnan niya ako at tumawa.

"Hindi ko gets," Ang sinabi niya pagkatapos niyang tumawa ng malakas. Gusto ko na talaga siyang batukan pero ayokong magkaroon kami ng skin contact. Germs.

"Hindi talaga kaya ng utak mo 'to," Sumama naman ang tingin niya sa'kin.

"Magegets ko rin 'yan, makikita mo," Tinanguan ko nalang siya para tumigil na. Ilang sandali lang ay tinawag na kami ni Ma'am para bumalik sa room.

If gold was your light
What if it's not as bright

________

Lumipas ang mga oras ng klase at ngayon ay kailangan na naming ayusin ang booth ng mga club. Pupunta na kami ni Yezsa sa storage room para kumuha ng lamesa. Nauna na kanina 'yong anim dahil hinintay ko pa si Yezsa na matapos sa meeting nila. Mayroon naman daw sapat na lamesa kaya hindi na ako nagalala.

"So, any plans?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa storage. Mayroon na kaming mga nakakasalubong na nagbubuhat ng lamesa.

"Nope! Ikaw ang magiisip!" Masayang tugon niya. Sinimangutan ko siya but I understand, ako nga naman ang assigned na head.

Hindi naman ako nagaalala sa pagiging head ng club na 'to. Naisip ko rin kasi na parang wala namang masyadong gawain kung puro graphics lang din ang gagawin namin. And it's a fresh club, what can go wrong?

Nang makapasok kami sa loob ay nadatnan namin ang dalawang lalaking nagtatalo. Ang mga hahawak sa basketball team. Nagtatalo sila kung aling lamesa ang kukuhanin kahit pareparehas lang naman ang mga 'to, sa kulay lang nagkaiba.

Hindi nila kami napansin kaya kinuha na namin ang isang lamesa. Nang bubuhatin na namin ang lamesa, biglang may nagsalita at si Fermin 'yon.

"'O baka hindi kaya ni Dawne 'yan," Asar niya sa'kin. Napaka isip bata talaga niya. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy na lang namin ang pagbubuhat.

H

indi naman mabigat ito, plastic lang naman. Maraming tao sa daan kaya hindi namin mabuhat ang lamesa ng nakaharap kami parehas, si Yezsa ang nakaharap habang ako naman ang nakatalikod.

Nang makaabot kami sa unang building na dadaanan namin ay may nabangga akong pader—na gumalaw. Tumalikod ako para makita kung sino 'yong nabangga ko.

"Hey, um, tulungan ko na kayo," Sabi niya habang nakangiti. Teka, siya 'yong lalaki sa elevator!

"Ah, hindi ayos lang kami. Sorry nga pala hindi kasi ako nakalingon," Nakakahiya naman 'no, ako na nga 'tong nakabangga.

"Hindi ayos lang! Doon din naman ako pupunta sa harap," Tama siya na sa harap kami pupunta para sa pag-aayos ng booth, pero parang hindi naman siya doon papunta kasi nakaharap siya nang mabangga ko siya, meaning sa kabilang direksyon papunta. But oh well, at least tutulong siya.

"Ah, um, okay kung ayos lang. Salamat," Sabi ko nalang. Awkward ako, hindi ko alam ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon at mukhang walang plano si Yezsa na magsalita.

Kinuha na niya ang lamesa. Binuhat niya 'to gamit ang isang kamay lang. Ngayon ko lang na-realize na malaking tao pala siya. Sino kaya 'to?

"Yez, kilala mo ba 'to?" Pabulong kong tanong kay Yezsa nang medyo malayo na siya sa'min.

"Yeah, but I forgot his name, siya 'yong isa sa mga transfer ng Section C, actually siya 'yong requested ng school na mag-transfer dito. Galing kasi siya sa provincial school." Paliwanag niya.

"Requested?"

"Yup, anak siya ng isa sa mga share holders natin. Nakita kasi ng Prefect ang laro niya ng volleyball kaya inalok niya talaga ng magandang offer." Naku, unfair talaga 'yong Prefect na 'yon. Ano naman kayang special treatment ang binigay niya? Well, better not get my nose into his life. Curious lang ako kasi, well, kilala niya ako and he seems, um, cool.

"Saan ang pwesto ninyo?" Tanong niya sa'min kaya itinuro ko nalang ang pwesto na medyo malayo sa iba. I want to attract less members as possible.

"Thank you, um," Tumigil si Yezsa na parang tinatanong ang pangalan niya.

"Ah, Ruther po."

________

zylan

"Pre, sino 'yon?" Tiningnan naman ni Yestin kung sino ang tinutukoy ko at tsaka ibinalik ang tingin sa'kin.

"Si Ruther Cruz, transfer," Sagot niya. Ang bait naman no'ng transfer na 'yon, tinutulungan anh kapwa niya estudyante. Ano kayang pakay nitong mokong na'to?

"Hey, hey dude, kalma ka lang. Mabait naman yata 'yong tao 'wag mo munang pataying niyang tingin mo." Biro sa'kin ng kasama ko.

"Hindi ako doon nakatingin!" Tanggi ko.

Dalawang lamesa ang kinuha namin dahil kasama namin ang Women's group. Gentleman kasi ako kaya ako na ang nagpresintang kumuha ng kanila.

Nakarating kami sa harap at agad akong humanap ng magandang pwesto. Pinili ko na ang pwesto sa ilalim ng puno para may silong kami. At pagkalapag namin ng lamesa ay nakita ko ang mga kaharap namin. Si Pres at si Dawne, na nakikipag-usap doon sa Ruther. Akalain mo nga naman, lagi nalang may koneksyon sa babaeng 'yon ang lahat ng desisyon at gagawin ko.

"Pre, tulong na kami," Dumating na ang tropa kong kasama ko rin sa team. Goals 'di ba?

"Nga pala, saang club ka pa sasali?" Tanong sa'kin ni Clive. Pwede kasing sumali ng isa pang club ang mga nasa sports club dahil hindi naman namin kailangan na laging mag-training. 'Yon ay kung gusto lang naman namin.

"Ewan ko lang, baka hindi na ko sumali sa iba. Nakakapagod na," Ako ang Vice ng Council at Captain ng team, ano pa bang gagawin ko para mapagod?

"Sucks. Ayaw mong sumali sa club nila Dawne?" Sabat naman ni Fuse. Napatingin naman ako sa kanya ng masama.

"At bakit naman ako sasali do'n? Anong gagawin ko do'n, malay ko ba sa graphics graphics na 'yan!" Sagot ko naman sa kanya.

"Okay, okay, easy ka lang," Tinatawanan na nila ako.

Ayoko naman talagang sumali doon. Bukod sa wala talaga akong alam sa gano'n, nandoon si Dawne at baka maasar lang ako.

The day will never come that we won't overlap with each other.

________

xxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro