CHAPTER 02

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

I cover my eyes as the sun rays hit my face. I immediately get up from my bed, as I realized that today is Friday. Akala ko pa naman wala kaming pasok ngayon.

Bumaba ako sa kama at pumasok sa banyo. I lived in my grandmother care. Sa pagkakaalam ko, side ito ni mama. Tinanong ko si lola noon kung na saan ang mama ko at bakit ni kailanman ay hindi ito nagpapakita sa akin. Kaya pala, anak lang pala ako sa isang pagkakamali.

Dating waitress din ang aking mama sa isang bar doon sa manila. Doon daw din palaging nagtatambay at umiinom ang aking ama. Isang araw, nagkamabutihan ang aking ama at ina, hanggang sa nauwi ito sa isang sensual na pagtatagpo.

Ang hindi alam ni mama ay may asawa pala itong papa ko. Nang malaman ni mama na nagdadalang-tao siya ay ipinaalam niya ito kay papa, ngunit ang sabi lang ni papa kay mama ay ipalaglag lang daw ako.

Mabuti na lamang at nakumbinsi ni lola si mama na buhayin ako. Si lola din kasi ang nagpresinta na siya ang magpapalaki sa akin kung sakaling ayaw ni mama. Kaya 'nung isinilang ako ay ibinigay daw kaagad ako ni mama kay lola. At, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakita sa akin.

Nakaya nitong hindi ako makita ng ilang mga taon. Hindi ba ako nito na miss? Kasi ako na miss ko siya, kahit ayaw niya sa akin.

"Maya, gising kana ba! Mag a alas otso na, baka ma late ka niyan!"

Nagising ang aking diwa dahil sa boses ni lola mula sa labas. Tapos, na akong maligo at kasalukuyan akong nasa aking vanity table.

Mabuti na lamang at lumaki ako sa isang may kaya na pamilya. Si lola ang nagpapa-aaral sa akin. I immediately do my morning routine, before decided to go downstairs. Gusto ko kasi na kapag tapos na akong kumain ay aalis na ako kaagad.

"What you guys are doing here?" Tanong ko sa aking dalawang kaibigan nang makita ko sila sa sala ng aming bahay, umiinom ng kape.

"Kanina pa ang mga iyan naghihintay sa'yo. Ano ba ang ginawa mo sa itaas at napakatagal mo naman ata?" Tanong sa akin ni lola nang lumabas ito mula sa kusina.

"Nagmuni-muni lang sandali, la." I told her. Hindi pa ako nakapagsinungaling kay lola. All my doings ay sasabihin ko talaga sa kanya—kapag tinatanong lang ako nito.

Napailing na lamang si lola sa akin. I excused myself and walk towards the kitchen. Mamaya ko na tatanungin ang aking mga kaibigan kung ano ang ginawa nila rito.

Kinain ko ang hinanda sa akin ni lola. She prepared pinakbet at tinolang manok for me. May mga katulong naman kami dito sa bahay, kaya nga lang pagdating sa mga lutuan ay si lola talaga ang maghahanda 'nun.

"Anong oras ka makakauwi mamaya, Maya?" Tanong sa akin ni lola. Nilagay ko muna ang aking toothbrush sa lagayan saka ko pinunasan ang aking bibig.

"Mga alas dos po, La. Bakit may gusto ho ba kayong ipabili sa akin?" Tanong ko naman pabalik kay lola.

"Wala naman. Mamaya pag-uwi mo dito magpahinga ka kaagad, lalo pa't may pasok ka sa bar." Paalala sa akin ni lola. I smiled sweetly at her and hugged her tightly. I am lucky to have her in my life.

Masaya nga ako't supurtado ako ni lola sa lahat ng aking mga desisyun. Basta daw ay huwag ko lang kalimutang mag-aral ng mabuti lalo pa't importante iyun sa lahat.

"Bye, La!" Kinawayan ko si lola bago ako pumasok sa kotse ni Krisha Jane.

Mabuti nalang rin at pinuntahan nila ako dito sa bahay, lalo pa't siksikan ngayon sa jeep.

"Siya nga pala, bago ko ito makalimutan. Ano pala ang ginawa niyo sa bahay kanina? I know there is a deep reason, hindi lang ang pagsundo niyo sa akin ang rason."

"Ito kasing si Edesa Mae, may sasabihin daw sa'yo. She cannot wait to tell it to you, that is why I decided to pick you up nalang rin." Sabi ni Krisha Jane habang naka focus ang tingin nito sa daan.

Tumagilid ako ng upo—facing Edesa Mae, who's quietly eating a lollipop. Hindi talaga mabubuhay ang kaibigan ko 'tong pag hindi naka sipsip ng lollipop. Nag p-practice ata 'to?

"So, what is it?" I asked her.

"Nabalitaan ko lang rin ito, ha. Pero, ang sabi ay bibisita daw ngayon sa bar ang may-ari ng T&E Bar!" Saad nito may halong excitement iyun.

Kunot-noo ko namang tiningnan si Edesa Mae. Ano naman ang meron kung bibisita sa bar ang may-ari? Malamang, owners will visit there businesses sometimes.

"So, bakit excited ka?" Tanong kong muli.

"Duh, aren't you excited to meet the president of the bar? What if binata pala ito, tapos gwapo? Shit!"

I rolled my eyes at her. I saw how Krisha Jane changed her mood.

"Saan kaba nakakita na binata ang owner sa mga businesses? Lahat ng businesses ay mga matatanda ang may-ari 'nun. Pwera na lamang kung ipapasa ito sa mga anak nila." Saad naman ni Krisha Jane kay Edesa Mae.

"Duh, what if lang naman, eh! Wala kayang masama kung papangarapin natin."

Pinitik ko ang noo ni Edesa Mae nang may papikit-pikit pa itong nalalaman. Nakakadiri naman ito kung sa matanda lang ito mangarap. Walang taste!

Alas otso y media kami nakarating sa ACT. Alas nuebe pa naman ang klase naman kaya may oras pa kami upang makapaghinga. Sabay kaming pumasok sa lobby at dumeretso kaagad kami sa elevator.

"Maya, gusto ka daw ng kaibigan ko. Baka daw pwede siyang manligaw sa'yo." Sulpot ng isang lalaki sa harap namin. Kakalabas lang namin sa elevator, at ito kaagad ang bumungad sa amin. He is from the Engineering department.

"Pakisabi sa kaibigan mo na taken na itong kaibigan ko." Edesa Mae was the one who answered the guy. I secretly pinched Edesa Mae on the back.

"Si Edesa Mae nalang ang single sa aming tatlo. Ito nalang ang ipaligaw mo sa kaibigan mo." Ani naman ni Krisha Jane kaya natawa ako. Parang gamit lang ipapamigay.

"Si Maya kasi ang type 'nun. Segi, mauuna na ako sa inyo. Bye, girls!" Paalam nito sa amin sabay kaway sa kanang kamay nito.

"Womanizer." Sabi ko nang lumayo na ito sa amin. Ayaw ko pa naman sa lalaking babaero.

Pumasok na kami sa aming silid-aralan at umupo sa likod ng pinakadulo na upuan. We sometimes socialize our classmates but most of the times ay kaming tatlo lang talaga ang mag usap-usap.

May ilan na alam nilang sa bar kami nagtatrabaho. And, we don't really care kung ano ang iniisip nila. Ang importante ay wala kaming tinatapakan na tao, o sa kapwa namin babae.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro