13.5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nandito ako ngayon sa harap ni Jared pinapanood ko siya habang nilalantakan niya ung supposedly paninda ko na yema. Ayun pala ung Maye na paulit ulit na sinasabi.

"Huy, Jarred! San ka ba talaga galing?" out of nowhere kasivtalaga siya.

"Sa Philipma."

"San yun?"

"Dun oh!" Sabi niya sabay turo sa bintana kung san makikita yung puno nila mama.

"Nagdadrugs ka ba?" Tanong ko. "Uy, bawal na yun ah! Pinapatokhang na yun ni Duterte."

"Anong drugs?" Tanong niya. Kumunot yung noo ko. "Di mo alam yun?"

"Hinde."

"Drugs yun yung hinagamit ng mga adik."

"Ano naman yung adik?"

"Yung taong mahilig sa isang bagay. Yung parang hinde siya mabunuhay ng wala yung bagay na yun."

Tumatango tango naman siya. "Parang ako?"

Umiling akk."hinde. Adik yung nag dadrugs. Ikaw di mo naman alam yung dru--"

"Adik ako kasi, mahilig ako sa Maye. Di ako mabubuhay ng wala to." paliwanag niya.

"Ah oo.. parang ganun." Sabi ko. Bigla kong naalala yung mga kasam nita.

"Anyway.. asan yung mga kasama mo?"

"Nasa Philipma, naghahanda sa himagsikan."

Bigla kong napangiti. " lalim ng himagsikan mo ah! Tsaka ang gagwapo niyo pati nung mga kasama mo. Hot."

"Ikaw maganda ka." sabi ko

"Uy! Maliit na bagay."

"Ubos na."

Napayltingin ako sa plato. Lanya.. ang bilis naman.

"Wala na kong panggawa no. Tsak----" di ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla na lang bumukas yung pinto sa sala. Kita kasibyung sala frim here.

Napatayo si Jarred. At pumikit. Biglang may hinugot siya sa bewang niya. Namangha ako ng makita ko na parang pana iyon.

"Wala naman iyan kanina ah?!"

"Wag kang aalis dito." sabi niya

Napatili ako ng may narinig akong putok. Mas malakas pa iyon sa putok ng baril.

Nag tumakbo si Jarred pa sala, di ko napigilan at naguna yung pagiging chismosa ko sumunod ako sa kanya.

Nakita ko siya nakikipag laban sa apat na lalaki. Wala din silang damit.

Di ba uso sa lugar nila yung damit?!

Nakita ko si Jarred na tumalon sa ibabaw ng tv ko at umikot papunta sa isa pang lalaki at may binato siya duoon. Hinde naman nagtagal naglaho naman na yungvisang lalaki.
Nanlaki yung mata ko. Shit.. totoo ba ito.

Nakita ko sa likod ni jarred yung isa pang lalaki na may hawak na parang katulad  ng hawak ni jarred. Nakatalikod si Jarred sinusuntok yung isa pang lalaki.

"Jarred sa likod mo!!"hiyaw ko.

Mabilis naman humarap si Jarred at sinapak yung nasa likod niya iyo at mabilis na hinila yung pana at itinarak iyon sa dibdib ngvlalaki. At tulad ng nauna. Nagalaho din iyon.

Humarap sa akin sI Jarred. "Salamat beau."

Ngumiti ako kahit natatakot ako.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

Mag sasalita na sana ako nun nang makita ko ulit na bumabangon yung isa pang lalaki.  Nakita kong may hawak itong kulay abo na hugis baril ngunit mahaba ito at malapad.

"J..Jarred sa likod mo.."

Naging alisto naman si Jarred, hinde na ito humarap bagkos hinagis na lamang nito yung hawak niyang parang pinalaki na karayom ang hugis.

Napaurong pa ako ng kaunti ng makita kong tumama iyon sa gitna ng noo nung lalaki.  Tulad kanina naglaho din ito na parang abo.

Napatingin ako kay jarred. Parang walang bakas na may kinalaban siya.

"Jarred sino sila?"

-----------

Nagising na lang ako na may yumuyugyug sa akin.

"Hoy babae ka!" Hiyaw sa akin. Alam ko na agad kung sino iyon. Si Gissele.

"Ano ba?!" pano ba naman kasi  hinde pa rin siya tumitigil kakayugyug sa akin.

Bigla niyang hinila yung buhok ko.

"Arouch! Ano ba?!" Sigaw ko. Tsaka hinila pabalik yung buhok ko.

"Ikaw ang lantod mo ah! May Apat kang lalaki sa baba! At hinde lang yun, puta ang popogi pa! Tas yung katawan putik ang sarap dilaan!" O.a na sbi niya.

"O.a mo ah? Bakit nadilaan mo?" I asked.

"Hinde." Mabilis na sagot niya. "pero yung point dito, ang dami mong lalaki. Ayaw mag share?"

"Pwedw ba?! Ang gulo mong babae ka!" Tumayo ako sa kama t nagpasyang bumaba na lang sa sala.

Tsaka Apat? Eh Jarred nga lang yung kasamako kani----

"Shit."

Totoo nga. Apat. na sila ngayon.

Si Jarred, Jensen, Alerio, Eduardo at yung isa nakalimutan ko kung sino siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro