42

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


*****

Kahit na malayo ang agwat namin dalawa ramdam ko yung galit na tumatagos galing sa mata niya papunta sa akin.

Kumakalabog yung puso ko. Diba wala naman akong ginagawa? Bakit ako kakabahan? At bakit ganun siya kung makatingin sa akin? Inaano ko ba siya?

"Arnaldo kinakau-"

"Dos Arnaldo." pagtatama niya kay Jarred. Nag salubong yung kilay ko.

Nakita kong natigilan si Jarred. Pero agad din namang nakabawi. "Dos Arnaldo." sinabayan niya iyon ng pag yuko ng ulo.

"Matuto kang rumespeto." ani ni Arnaldo na nag palaki sa mata ko. Ngayon ko lang siya nakitang nag salita sa mga kasamahan niya ng ganoon. Pinapamukha pa niyang mas mataas ang antas niya kay Jarred. Ang sama talaga ng ugali.

At naguluhan dahil nakita ko si Dyosa Cecilia na nakangiti. seryoso? Natutuwa siya na nakikita ang kapatid na nangmamata? Wow.

"Anong ginagawa mo dito ARNALDO?" diniinan ko talaga ang pag banggit sa pangalan niya. Ha!

Mula kay Jarred ay lumipat sa akin ang matalim niyang titig sa akin. Tumataas baba pa ang dib dib nito tila nagpipigil ng kung ano. Galit? Sa akin?

Ang tahimik ng paligid.

Bigla akong napatingin kay Dyosa Cecilia ng bigla itong humagikhik.

"Magtigil ka Cecilia." parang kulog na sabi ni Arnaldo.

Ako naman ay tunay nang naguguluhan. Ang weird.

Baliw ba itong dalawa na to. Na bwiset naman ako lalo ng ngumiti rin si Jarred. Sa sobrang inis ko ay pinalo ko si Jarred sa braso.

"Aray.." daing ko ng masaktan ako dahil doon pero parang wala lang kay Jarred dahil hinde ko non pinansin.

"Anong meron ba? Bakit kayo nag ngingitian?" frustrated kong sabi. Nakakaasar, parang ako lang yung walang alam sa mga nangyayari.

"Wag mong intindihin iyon Beau." sabi ni Cecilia. "Pumunta kami rito para yayain ka sa baba. Kailangan natin mag usap usap."

Tumango ako. "Sige."

"Jarred sumunod ka sa akin sa kabilang silid." aya pa nito kay Jarred.

Naiwan kaming dalawa ni Arnaldo. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa akin.

"Ano ba?" hiyaw ko sa kanya. "Kanina ka pa gamyan makatingin sa kin. May problema ka ba?"

Pero hinde siya sumagot kaya nag saluta ulit ako. "Huy, para kang ano diyan. Napano ka ba?"

"Wala ka na talagang ginawang tama sa buhay mo." malamig na sabi nito.

Putik na yan. "Napaka masmado talaga niyang bibig mo no? Ano bang ginawa ko sayo? Pupunta ka  dito na mainit nanaman ulo mo? Bipolar ka no? Napaka- Ayy!" napahiyaw ako. Ng mabilis siyang lumapit sa akin at kabigin ako sabatok.

Shet. Halos parang hangin siya gumalaw.  Kinabahan ako ng makita ko yung mata niya.

Nanlilisik.

Matalim.

Galit.

"Wala ka nang ginawang tama.." ulit niya y
Ulit. Napapapikit ako sa tuwing nararamdaman ko yung hangin niya sa muka ko.

"O-o na.." sabi ko pa. Ang sakit na nang katawan ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. "Sorry na kung ano man ang na-gawa ko sa-yo.." bulong ko na nakapikit pa rin. Hinde ko kayang salubungin yung mga titig niya. Takot akong mapaso.

"Galit pa rin ako."

Napapadyak na ako. "Sabi ko so-"

Bigla akong natigil sa pagsasalita ng may maramdaman ako sa ibabaw ng labi ko.

Malambot.

Magaan.

Dinilat kong pilit ang kaliwang mata ko para tignan kung ano yun.

At halos maduling ako ng tumama sa pisnge ko ang ilong niya.

Hinalikan ako ni Arnaldo.

Naitulak ko siya. Shet. Bakit ganon? Napahawak ako sa dibdib ko. Siya naman ay naiwan s ere ang kamay.

"Ar-naldo.." anas ko.

"Pinapatawad na kita." sagot nito at tsaka iniwan akong mag isa sa kwarto ko.

Napa upo ako at natulala. Hinawakan ko ang ibabang labi ko.

"Gosh.."

*****

Tulala pa rin akong bumaba sa may sala. mintik pa nga akong madapa dahil wala ako sa sarili ko. Lumutang ako dahil sa nangyare. Ang daming nangyare sa araw na ito. Nakakataranta. Isama mo pa yung nangyari sa amin ni Arnaldo. My gosh! Nangyare talaga?  Eew.

Erase, Erase! Kinatok ko pa ang ulo ko par matauhan talaga. Tsaka para magising na rin.

Nabalik lang ako sa katotohanan nang may kumatok sa ulo ko.

"Putik aray ha!" singhal sa kung sino man iyon. Nakita kong nakatayo sa harapan ko si Alerio. Naka hang pa iyong kamay niya.

Siya iyon. Sinabunutan ko siya. "Bwiset ka! Inaano kita?"

"Yung buhok ko Beau.." hinawakan pa niya yung kamay ko para pigilan pero tinulak ko iyon tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Kakalbuhin kitang siraulo ka!"

"Bakit kasi wala ka sa iyong sarili?" tanong nito. Binitawan ko na siya nung nangawit ako.

"Pake mo ba?! Epal to." sabi ko bago umupo sa sofa. Nasa harap ko pa sila Jensen na nakangiti rin.

"Bakit nakangiti kayo?" tanong ko.

"Bakit ang sungit mo Beau?" sabat ni Jensen.

"Wala!" hiyaw ko.ay naku! Naiirita talaga ako. "Pwede ba huwag niyo muna akong pinag kakakausap? Wala ako sa mood."

Mas lalo akong nairita ng makita kong ngumisi ni Chrislyn. "Argh! Bakit ba ang hilig niyo ngumisi?!"

"Relax ka lang Beau. Ano ba nangari bakit ang init ng ulo mo?"

"Basta nga!" napapadyak kong sabi.

Ano pa ba pwedeng mangyari ngayon araw? Ha? Ano pa?!

"Beau."

"Ano?!" sigaw ko sabay lingon sa tumawag. Pero dapat pala hinde na lang kasi delikado.

Yung mga mata nanaman niya. Napayuko ako. Naka ramdam ako bigla ng hiya. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko ng maalala yung nangyari kanina.

"Aray!" pakiramdam ko tumagos yung ngipin ko sa labi ko. "Ouch.."

"Beau anong nangyari?"  lumapit sa akin si Alerio tsaka hinawakan ang mukha ko. "Napaano ka?"

"Yung labi ko.." mahinang sabi ko. Napanguso ako. "Masakit."

Hinawi ni Alerio ang nakaharang kong buhok bago niya inilapit ang kanyang muka sa muka ko para matignan iyon ng maayos. Pero habang ginagawa iyon ni Alerio ay may narinig kaming nabasag.

Tinignan ko iyon. "Yung tv ko.." bulong ko.. Sira sira na.. Kabibili lamang nun e.

"Ayos lamang yon Beau, Kailangan natin magamot yung labi mo." patuloy pa rin si Alerio sa pag tingin sa akin.

Bigala akong nakaramdam ng init sa paligid.

"Igate ole."  napatingin kami sa nagsalita. Si Arnaldo. Walang anu anuy mabilis na umalis sa harap ko si Alerio.

"Wait. Ano nanaman yung sinabi niya? Nakatingala ko siyang tinignan. Seryoso ang muka nito at nagtatagis ang bagang.. Galit ulit siya?

Hinde ko na siya maintindihan, galit nanaman ba siya, sa akin?

Umiwas ako ng tingin. Ibinaling ko na lang sa kina Chrislyn ang paningin ko. Pero bakas sa muka nila yung gulat habang nakatingin sa kay Arnaldo. 

"Umayosin mo na ang sarili mo Beau, Uumpisahan na natin ang pagpupulong. Masyado ka nang nakaka abala." masungit na sabi nito bago umupo sa tabi.

Umiirap naman akong umurong para hinde ganun kasikip yung space. Napatingin ako sa kanya ng umurong din siya. "Huy," sabi ko bigla.

Pero tinignan niya lang ako at ngumisi ng nakakaloko.

"Tumigil ka na sa paglayo, Walang ka nang magagawa. Dahil hindeng hinde ako mawawala sa tabi mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro