58

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

HINDI ko alam kung gaano ako katagal natutulog pero nagising na lamang ako sa marahang haplos sa aking buhok. Hirap pa akong idilat ang mga mata ko dahil pakiramdam ko'y napakabigat nun. Unang bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Chrislyn.

"May malay na siya." narinig kong sabi nito sa kasama.

Pinilit kong bumangon sa pag kakahiga. Nakita ko na nasa kwarto rin pala sina Cecilia at sina Alerio, mga nasa walo palagay ko ang tao na nandito kasama rin sina Elliezer. At kung hinde ako ng kakamali yung babae na sumalubong sa amin ni Alerio nung minsan na pumunta kami rito. Sa kanya nag tagal yung tingin ko.

Sa palagay ko'y napansin nila iyon kaya may sinabi sila sa akin. Lumapit sa akin si Cecilia.

"Beau, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin na hinde ko pinansin Hinde ko pa rim maialis ang tingin ko dun sa babae. Pamilyar talaga siya. Sa tingin ko nakita ko na siya bago pa man snamin siya nakita ni Alerio. Hinde ko lang alam kung saan at kailan. Pero kilala ko siya..

"Beau.." tawag sa akin. Napatingin ako dun sa tumawag.

si Arnaldo. "May problema ba?"

"S-sino siya?" tanong ko habang tinitignan pa rin yung babae.

Hinde ko siya maialis sa paningin ko. Sobrang pamilyar siya akin.

"Bakit, Beau?" si Chrislyn.

"Sino siya?"

"Siya si Chriziel, kakambal ko."

"ka-mbal mo?"

Tumango lang si Chrislyn sa akin. Napatingin naman ako dun sa babae.

Napaurong ako sa kama ko ng bigla itong gumalaw papalapit sa akin. Nakangiti pa siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Natatakot ka na ba?"

Napalunok ako.

"Chriziel, ano bang pinagsasasabi mo?" pigil sa kanya ni Chrislyn. "Tigilan mo ang pananakot kay Beau!"

Napailing itong tumingin kay Chrislyn. "Sa tingin mo tinatakot ko siya?"

"Oo. Gamit ang salita mo. Isa lang siyang Normal, Chriziel!" si Alerio naman ng sumagot.

Nagulat kami ng bigla itong itong tumawa ng pagka lakas lakas. Parang may narinig siyang nakakatawa. Patuloy lang kaming nakatingin sa kanya. Lumapit sa akin si Cecilia at hinawakan ang kamay ko.

"Huwag mo na lang siyang pansinin. Ganyan talaga iyang kakambal n-"

"Naniniwala talaga kayong isa siyang Normal?" pagkaraang sabi ni Chriziel pag katapos niyang tumawa. Bigla siyang sumeryoso sa amin.

"May normal ba na kayang pumatay ng isang Regiouse?"

Napatayo si Jarred. "Anong ibig mong sabihin?"

Lahat kami ay nalilito na sa mga pinagsasasabi niya.

Sino ba ang tinutukoy niya?

Ako ba?

Kung ako nga, eh halos mawalan na nga ako ng malay pag nakikita kong nakikipag laban sila sa mga Regiouse e, tapos ako pa ang papatay? Baka ako kamo ang maunang mamatay bago sila!

"Tumigil ka na Chriziel sa mga pinag sasasabi mo, isa lang siyang normal na tao! Hinde niya kayang gawin ang sinasabi mo!" pagdidepensa sa akin ni Cecil.

"Huwag kayong tanga! Alam ko na alam niyo na hinde siya isang normal na mortal lamang! Huwag kayong mag bulag bulagan! Isa siya sa ating mga kalaban!" pagkatapos nun ang bigla na kamang itong naglaho.

"Hahanapin ko lang siya at pag sasabihan.." si Chrislyn at mabilis din siyang naglaho.

Ako? Kalaban.. Nila..

----

Pasensya na.. Maikli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro