63

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Mabilis akong umiwas sa kanya. Dahil lumalapit na siya sa akin at ramdam ko na yung lumalabas na galit mula sa kanya.

Ano nanaman ba 'tong pinagsasasabi nito? Nabugahan ba to ng tambucho sa mukha, kaya paiba iba yung mood niya? Kani kanina lang ay nakikipag kwentuhan pa siya tapos ngayon nang aaway na naman?

"Anong ako? Ngayon lang ako nakarating dito sa mundo niyo, i mean, kahapon din pala,"

"Hindi mo talaga nauunawaan ang ibig kong sabihin?" aniya at tumigil na rin sa pag lapit sa akin. "Hindi mahalaga kung kailan at gaano ka na katagal namalagi dito, ang importante lang dito, ay sana tigilan mo na ang pag sira sa mundo namin!"

"Pero.. Hindi talaga kita maintindihan Chriziel, paano ko masisira ang mundo niyo? Isa lang akong hamak na tao no! Wala akong kakayahan at kapangyarihan para gawin yung sinasabi mo!"

"Hindi mo kailangan ng kapangyarihan para masira ang Philipma, ganoon ka kadelikado para sa amin at ang buhay mo ang dahilan ng lahat ng ito! Nabubuhay ka, kaya  nasisira ang Philipma!"

Natahimik ako. Halos hirap na lunukin ang sariling laway. Ano ba to? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, paano ako ang dahilan?

Baliw na ba siya?  Siguro nga ay tama sila Alerio, delikadong uri si Chriziel, hindi na dapat ako sumama sa kanya. Pero hindi naman ako sumama sa kanya, kinaladkad niya ako. Kung kaya ko naman umiwas bakit hindi diba.

"Ewan ko sayo, baka gutom lang yan Nene," sabi at tinapik pa siya sa balikat. "Don't worry, ganyan din ako pag gutom, kung ano anong mga sinasabi.. Yaan mo, gets kita girl!"

Pero nagkamali ako, dapat pala ay hindi ko na iyon ginawa dahil lalong lumukot ang mukha niya parang mas lalo yata siyang nagalit dahil sa sinabi ko.

"Tanyepu! Lapastangan ka talaga!" aniya at nakita kong huhugutin niya ang kung anong nakasabit sa kanyang beywang.

Nanalaki ang mata ko, parang alam ko na kung anong huhugutin niya kaya instinct ay mabilis akong lumayo sa kanya. At hindi nga ako nagkamali, nakita kong hawak na niya ang isang patalim, tulad ito ng hinahagis nila Jarred sa kalaban nila. Isa siyang hugis karayom yun nga lang ay kasing laki ito ng palad at malapad lang ang dulo nito, nangingintab sa sobrang tulis.

"Chriziel, kumalma ka nga pwede? Itago mo 'yan! Wala naman akong ginagawa sayo!" hiyaw ko sa kanya ng makalayo ako.

Nakakatakot dahil inuuma na niya sa akin yon. Sa hitsura pa naman niya ay parang itutuloy talaga niya, wala siyang pakielam kung anong mangyari sa akin. Galit na galit siya.

"Sa tingin mo matatakasan mo ako? Kahit gaano ka man lumayo ay balewala 'yan.." nakangiti man siya pero alam kong handa niya akong saktan para sa kung ano man na hindi ko maintindihan. "Hindi ko maintindihan si Chrislyn, kung bakit hindi niya nakikita kung paano kita nakikita, pero wala na akong oras para kumbinsihin pa ang aking kakambal tungkol sayo." sabi niya at sa iglap lang nasa harap ko na siya at sakal sakal na ako sa leeg..

"At gagawin ko na ang  matagal ng dapat ginawa sayo!

"Tu-tulong!" napapapikit na sabi ko at hinahampas ko na ang kanyang isang kamay ngunit ayaw pa rin niyamg alisin. Walang kahirap hirap niya akong inangat mula sa lupa nakakadagdag pa iyon ng hirap sa akin kahit mahirap ay pilit akong kumakawala.

Nakakatakot ang hitsura niya. Sino bang matino ang sumasakal sayo tapos nakangiti pa, masaya ba yun?

"Al..al..alerio!!"

"Tawagin mo kung sino man ang gusto mong tawagin hangal, wala silang magagawa.." aniya at nanlalaki pa ang mga mata..

Kahit ni minsan ay wala akong nakaaway sa tanang buhay ko, tapos pagpunta ko dito, ay meron palang may galit sa akin? Ni hindi ko man alam kung anong kasalanan ko, kung deserve ko ba itong galit niya sa akin.

Katapusan ko na yata talaga!

Lord please! Kung kukunin niyo na po ako, okay lang po sa sa akin.. but please po, favor naman, gusto ko pong mamatay sa mundo ko, hindi dito..

Gusto ko kung mamamatay ako, makasama ko ang magulang ko sa libingan, please Lord! Kung hindi naman po, tulungan niyo na lang ako makaligtas dito! Pektusan niyo po ang utak ni Chriziel ng tumigil na siya.

Nandidilim na ang paningin ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung tatagal pa ba ako o hanggang dito na lang,

Kinukurot at pilit na tinatanggal ng kamay niya sa leeg, kahit na wala naman epekto 'yon sa kanya ay sinusubukan ko, pilit ipinaglalaban ang buhay na meron ako..

"Tam..a na pl...ease.. Acck!"

"Chriziel!"

hiyaw ng kung sino man sa kung saan pero laking pasalamat ko doon dahil nabitawan ako ni Chriziel at napahiga sa lupa. Agad kong hinabol ang aking hinga.

Halos iluwa ko na yung baga ko sa paraan ng pag ubo ko. Shit! Hindi ko akalain na mabubuhay pa ako, na makakahinga pa ako ng ganito,

Dahan dahan ay sinubukan kong umupo, pinapakiramdaman kung totoong buhay pa ako.

Hinaplos ko ang aking leeg na pakiramdam ko ay nanipis na dahil sa nangyari kanina.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa mortal?!" si Diyosa Cecilia pala.

Siya ang nagligtas sa akin. Nandoon siya nakatayo kung saan nakatayo si Chriziel nung lumayo ako sa kanya.

Napatingin din ako sa paligid at parang nahinto ang mga nandoon sa mga ginagawa nila, lahat sila ay nakatingin sa amin na para bang gumagawa kami ng pelikula. May ibang nag bubulungan at ang iba naman ay nakatayo lang.

"Ikaw pala Diyosa Cecilia," natatawang sabi ni Chriziel. "Isang Diyosa na hindi naman kayang gampanan ang ibinigay na tungkulin!" nandidiring sabi niya.

"Iba talaga ang nagagawa ng inggit. Lahat gagawin para lang makuha ang hindi naman para sa kanya!" ani ni Cecilia. Nang ngingitngit na rin siya sa galit.

"Pati ang inosenteng mortal idinadamay mo!" unti unting lumalapit si Cecilia sa kanya. Ako naman ay dahan dahan na ring tumayo kahit na nanghihina pa..

Humalkhak naman si Chriziel. "Alam nating dalawa na hindi lang siya isang mortal. Hindi ko alam na nakaka tanga pala ang pag punta sa mundo ng mga tao. Tulad ng nangyari sayo ngayon, hinahayaan mong pagala gala siya dito sa Amstereece habang naghihirap si Bathalang Philipma!"

"Wala siyang alam sa nangyayari-"

"Hindi dahil wala siyang alam ay wala na siyang kasalanan! Bakit hindi mo gawin ang tungkulin mo? Bakit hindi mo pa siya paslangin!" hiyaw nito at lumingon sa akin.

Halos mangatog ang tuhod ko sa tingin niya.  Ramdam ko ang poot niya sa kanyang mga mata.

"Beau.." si Cecilia na nag aalala ang mukha..

"Alam nating dalawa ang katotohanan Cecilia," ani ni Chriziel at binalik ulit ang tingin kay Cecilia.

"Hindi ako katulad niyo na kayang tikisin ang Philipma maprotektahan lang ang walang halaga na mortal na ito!"

"Alam nating dalawa  kung ano ang lunas sa suliranin natin! At siya ang Maredell na matagal na nating hinahanap!"

Ha?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro