Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(Natalie's POV)

"Hays... what a disaster..." napabuntong hininga na lang ako. Ano ba naman 'tong pahirap na 'to?!

Ba't pa kasi kailangang makipag-ayos sa mga bading na yun?

Not literally. Hindi sila bading. Yun lang gusto kong itawag. Ba't ba?!

Lalo na yung Axe na yun?! Hays patawarin nawa ako ng Maykapal pero talagang mapapatay ko yung lalaking yun! Kung bakit?! Ang laki ng kasalanan nun sa'kin! Sobra!

Nagkakilala kami ni Axe sa isang get-together. Sapilitang pinasama ni Kuya Evander. Well, siya yung pinakamalakas uminom sa kanilang lima. Isa siya sa mga kabarkada ni William dati. Ewan ko kung ba't nabuwag yung samahan nila. Pake ko? Basta nagkukwento ako!

Nauna ng umuwi sila Evander kasama pa yung mga nalasing niyang kabarkada. Katulong niya si William na naghatid sa mga yun. Kawawa nga si Evander eh. Pero may hindi kami inaasahan na mangyari...

*KRRRRRRSSH! KRSSSSSH!*

Hayop naman na bagyo 'to oh! Ngayon pa dumating!

Na-stranded kami sa daan, eh sakto malapit na ko sa condo ko.

"Evander, tatakbuhin ko na lang papuntang Condo. Hindi naman ganun kalakas eh."

"Teka wait!" bumaba na ko agad. Hindi ko na pinakinggan si Evander.

Ang malas ko lang, lumakas yung ulan. Kaya ang labo ng daan at hindi ko na makita yung dinadaanan ko. Sobrang basang-basa na ko at nilalamig. Ang lakas kaya ng hangin!

Sumilong muna ako sa isang waiting shed. Nakahawak ako sa mga braso ko. Pero nagulat ako ng biglang may yumakap sa'kin. Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko kung sino yung yumakap sa'kin.

"Axe?!" tatayo palang sana ako ng pigilan niya ko.

"Wag ka ng maarte. Nagmamalasakit na nga ko." Narinig kong sinabi niya pero hindi ako nakatingin sa kanya.

My heart starts to beat fast. Hindi ko alam kung anong feeling yun pero parang deep inside, nagtatatalon na yung puso ko sa tuwa. And to be honest, siya ang kauna-unahang gumawa sa'kin nito. Body heat nga daw kung tawagin.

Mga ilang oras pa, hindi parin tumitigil yung malakas na ulan. Bumitaw siya sa pagkakayap sa'kin at nagulat ako ng bigla niya kong buhatin. Parang bagong kasal.

"Axe! A-anong ginagawa m—"

"Wag ka ng maingay. Anong pangalan ng condo mo?" seryoso niyang tanong sa'kin.

Wala na kong nasabi pa. Sinagot ko na lang yung tanong niya at kahit na malakas yung ulan, sumugod siya. Nararamdaman kong pagod na siya kaya naman...

"Ibaba mo na ko. Hinihingal ka—" again hindi na naman niya ko pinatapos magsalita.

"No. Not until makarating tayo sa condo mo." He insisted. Ang kulet talaga ng lelang nito!

Nanahimik na lang ulit ako. Nang makarating kami sa tapat ng condo, marahan niya kong binaba at tumakbo kami sa loob ng condo. Thank goodness! Nakawala na ko sa awkwardness.

Kinuha ko na yung susi ng condo ko. Pagkakuha ko...

"I have to go." Yan lang ang huling sinabi ni Axe.

"Wait!" pipigilan ko pa sana siya pero nakalabas na siya ng condo building.

Pagkapasok ko sa condo unit, nagshower ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos kong magpatuyo, humiga na agad ako. Habang nakahiga, hindi ko maiwasang maalala yung mga nangyari. This is the first time na may nagbuhat sa'kin.

Napahawak ako sa dibdib ko and I just found myself smiling. Hala... ano na 'tong nangyayari sa'kin? Nababaliw na yata ako.

Kinabukasan...

Naglalakad ako sa hallway ng bigla akong mapahinto dahil may nahagip yung mata ko sa music room. Sumilip naman ako at nakita ko si Axe. May hawak siyang gitara. Parang bigla akong napatigil sa paghinga ng magsimula na siyang magstrum at kumanta.


Saying I love you...

Is not the words I want to hear from you...

It's not that I want you not to say

But if you only knew...


Parang bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. He gave me goosebumps. Grabe ang ganda ng boses niya. Tinataasan ako ng balahibo sa sobrang galing niyang kumanta. Feel na feel niya pang kumanta. Para kanino kaya yang kanta niya? Ang swerte naman nung girl...


How easy it would be to show me how you feel...

More than words is all you have to do to make it real...

Then you wouldn't have to say that you love me...

Coz' I'd already know...


Napapanganga na lang talaga ako sa kanya. Grabe di ko akalaing kumakanta 'tong lalaking 'to? Eh nung time naman kasi na lasing siya halos sumabog na buong karaoke bar sa pangit niyang boses. Parang mga lasinggero lang sa daan.


What would you do if my heart was torn in two...?

More than words to show you feel...

That your love for me is real...

What would you say if I took those words away...?

Then you couldn't make things new...

Just by saying I love you...


Napahinto naman siya ng bigla akong pumalakpak. Napatingin siya sa'kin.

"Ang ganda pala ng boses mo." Pamumuri ko naman sa kanya.

"Tsk. Anong ginagawa mo dito?" ay kagrabe? Ang sungit! Parang kahapon lang ang sweet niya tas ngayon...

Daig niya pa may PMS!

"Eh wala! Napadaan lang ako eh nakita kita rito kaya napahinto ako tas huminto ako tas sumilip ako tas—"

"Hay ang daldal mo. Kailangan buong pangyayari ikwento? I'm just asking kung ba't ka nandito pero ang dami mo ng sinabi." Napahinto naman ako at natahimik.

Walang umiimik sa'ming dalawa. Pero maya-maya pa...

"Did you have some breakfast?" napalingon naman ako sa kanya at umiling.

"Tara. Kain tayo. Nagugutom ako." Tumayo siya at naunang naglakad.

Bigla naman akong napangiti ng bahagya at sumunod na sa kanya.

Bumili kami ng pagkain sa 7-11. Malapit lang kasi yun sa MP Academy. I thought we're going to eat there pero nagulat ako nung sabihin niyang sa loob na lang kami ng Academy kumain. Nagpunta kami sa playground ng Academy. Pero nagulat ako ng bigla siyang huminto at nahulog yung pagkain niya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko yung gulat niyang expression. Tumingin naman ako sa tinititigan niya at nanlaki ang mata ko...

Si Leni at William. Girlfriend ni Axe si Leni.

Napasara ng kamao si Axe at akmang susugod ng pigilan ko siya. I hugged him from behind.

Hindi ko alam kung ba't ko ginawa yun. Maski ako nabigla sa ginawa ko.

After nung mangyari yun, days have passed, walang Axe ang nagpapakita. Knowing that he's been hurt too much dahil sa nangyari, syempre inintindi ko na lang. Pero habang tumatagal, hinahanap-hanap ko yung presence niya. May mga times na nag-sstay ako sa loob ng music room at inaantay ko kung may darating na Axe. Pero lagi akong bigo.

Then one time, papunta ako ng music room. Pagbukas ko ng pinto...

"Axe!" tumakbo ako papalapit sa kanya pero napahinto ako ng bigla siyang magsalita.

"You stay away from me!" sigaw niya sa'kin. Nanlilisik yung mga mata niya.

"Huh? A-anong ginawa ko?" pagtataka ko naman.

"From now on, don't show your face to me! I don't wanna see you again!" pagtataboy niya sa'kin pero I insist. Instead, lumapit pa ko at niyakap ko siya.

"Axe kung ano man yung nagawa ko, sorry. Wala akong alam sa ikinagagalit mo pero kung ano man yun, humihingi ako ng sorry. Please naman wag mong gawin 'to oh." Basag na yung boses ko. Nanggigilid na yung mga luha ko at bumagsak lang yun ng itulak ako ni Axe.

"If it weren't for you, hindi sana kami magbebreak ni Leni!" nagulat naman ako ng sabihin niya yun. Anong kinalaman ko dun? Ni wala nga akong alam dun.

"Wh-what are you talking about?"

"Nung araw na yun, niyakap mo ko! I thought you did that para i-comfort ako! But I was wrong, I never thought that you're under him. Hindi ko akalaing kasapakat ka pala ni William at niyakap mo ko para palabasing may relasyon tayo! You should be ashamed of yourself!" galit na galit niyang sinabi.

At that time, bigla akong nakaramdam ng crack sa loob ko. Ang sakit nung mga sinabi niya. Hindi ko akalaing magagawa niya kong akusahan. Hindi ko akalaing aakusahan ako ng taong mahal ko. MAHAL KO NA.

Ang sakit... sobrang sakit. Dahil sa hindi ko kinaya yung mga narinig ko, I ran in pain.

Hindi na ko nakapasok nun dahil sa sobrang maga ng mata ko kakaiyak. Nagpaalam na lang ako kay Nicola at nagkunwaring masakit ang ulo ko. Kahit hindi naman talaga yun ang masakit sa'kin.

Buong maghapon akong umiyak. I should'nt have trusted my heart in the first place. Dapat hindi ko muna hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya. Ngayon, mukha akong unggoy dito, iyak ng iyak.

Ayun! Yun ang dahilan kung ba't ako nagpapakabitter ngayon. Hello? Ako kaya yung pinagmukhang tanga?! Wala naman akong ginagawang mali! Actually ako pa nga yung dumadamay sa kanya tas gaganunin niya ko?!

ABA EH?! SUMOBRA NAMAN YATA!

Tapos ngayon, ayaw naman akong patulugin! Tingnan mo naman yung perwisyong dala sa'kin nung lalaking yun! Kung bakit ba kasi anong nakain nitong si Evander at inuutusan kaming makipagbati sa mga yun.

BADTRIP! Sarap manapak!

Hindi naman ako ganun ka-bitter katulad ni Erielle pero syempre hindi ko maiwasan 'tong bitterness na 'to lalo na pag nalalapit ako dun sa Axe na yun. And now, ako pa nga ang kailangan magsorry sa kanya?!

ANO SIYA?! VIP?! SINUSWERTE?! KAPAL!

Ako na nga yung sinaktan, naakusahan, or whatsoever tapos ako pa ngayong ang lulunok ng pride para sa kanya?! Ina niya!

UROR! Mamatay muna siya bago ako magsorry sa kanya!

--

A/N: Sorry po kung maiikli yung updates ko. Medyo busy lang po kasi may summer job. Bawi na lang ako next time! Thanks po sa mga sumusupport at yung nagvovotes :) Thanks po! :) Penge na rin po votes and comment kung may gusto po kayong sabihin XD Bye! :****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro