Chapter 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: Sabaw, walang pumapasok sa brain cells ko. Buti na lang napanood ko yung My Love From The Stars! Na-inspire ako kay Do Min Joon! Hihihihihi! Sorry for the slow updates. As I said nung mga nakaraang araw, BUSY po ang lola niyo ^________^ BTW, enjoy reading parin! :D Dedicated to PrettyLittleGumiho! Ang hyper kong cyber friend/wattpad friend XD HAHAHA. Natutuwa ako sa lakas ng trip mo be! Hyper ka XD Lakas ng energy nitong babaeng 'to XD

--

(Claire's/Nicola's POV)

"Argh!" I screamed as I buried my face on the bed.

E paano naman kase? Hindi ko na alam yung gagawin ko! Bukas na uuwi si Papa and still, hindi ko parin naayos yung mali sa Hans—este Iron na yun! He's still stubborn as ever! And now, ayaw akong patulugin ng problemang 'to! Hayop naman kase sa idea 'tong kapatid ko eh! Sa lahat ng ipapartner sa'kin...

Yung napaka-argh! Ang hangin niya! Shemay naman na buhay 'to oh!

"What am I going to do with him?" tinaas ko yung dalawa kong kamay na parang nagtatanong sa kalangitan.

Bakit ako hapong-hapo for two days kay Iron? Well, ganito lang naman kase 'yon...

Monday, six PM.

After ng class no'ng Monday, nagpahuli ang bakal. Nang dumating siya, sakto namang paalis na sila Natalie dahil hindi na daw kaya ng sikmura nilang nakikita 'tong sina Terrence at 'yong iba pang mga lalaki. Kanina pa kasi sila binubuyo ng tatlo pero sila todo deadma. E kesa naman daw makabasag sila ng itlog ng wala sa oras, uuwi na lang daw silang mauna.

And now, kaming tatlo na lang yung nandito at hinihintay nga yung bakal. Pa-VIP si bakal eh! Sarap tapyasan ng mga makakapal nilang mukha!

"Nic." Napatingin naman ako kay Axe.

"Oh? Bakit?"

"Ahm... si Nat ba mag-isa lang sa bahay nila?" humarap naman ako kay Axe at tumingin sa kanya ng diretso. Samantalang yung dalawang lalaki naman, ngumiti ng patalikod.

"Ikaw Axe, alam mo, I'm quite curious. You've been acting peculiar lately."

"What do you mean?" napalunok naman siya.

"Hmm... galit ka ba talaga sa bestfriend ko? O you're just afraid to admit to yourself that you have something for... her?" tinaasan ko naman siya ng kilay at lumapit ako sa kanya.

At kung titingnan ko siya, I therefore conclude that he's hiding something...

Medyo may tinatago si Kuya! Hihihi!

Kung paano ko nasabi? Well ganito lang naman kase yun.

Una, yung pinagpapawisan siya! Samahan mo pa pati yung pawis niya nanginginig. Napakaimposible namang pagpawisan sa ganito na kalakas na hangin 'no?

Ang weird ng katawan niya ha? Hahaha!

Second, hindi mapakali ang mata! Sabi nila kapag ang tao raw kinakabahan o may tinatago, pag tinitigan mo sila sa mata hindi mapakali just like if someone's telling a lie. Oh di ba? Nakakatuwa!

And last but not the least, yung tuhod niya, nangangatog. Hahahahaha! Naiihi ka ba Axe?

Nakatingin pa rin ako sa kanya and siya naman, umiwas ng tingin sa'kin at huminga ng malalim.

"Pwede ba? It's none of your business at isa pa, no personal businesses, right?" siya naman ang lumapit at napapout naman ako ng lips.

Pssh... in denial!

Maya-maya pa, nakita na naming papalapit si Iron. Ngiting tagumpay pa ang ulupong!

"Sorry for the long wait." Sabi naman niya.

"Anong sorry-sorry ka diyan?! Pa-VIP ka ha! Muntik na kaming maging bato sa paghihintay sayo!" inambaan ko naman siya at umiwas lang siya.

"Kaya nga nagsosorry, 'di ba? At isa pa, walang nagiging bato sa paghihintay. Be realistic... CutiePatootie." He said cooly.

"Wow! Grabe na talaga yung level ng hangin mo sa utak bakal! Stop calling me CutiePatootie! Sends me shivers down my spine!" kinilabutan pa ko niyan.

"Wow naman! Ang sweet mo naman talaga CutiePatootie! Kilig na kilig ka pa ha! Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-head over heels sa'kin?" pangangasar naman niya at tumawa naman sila Axe.

"Yuck! Ew! Over my dead body, CutiePatoo—argh! Nakakainis ka talaga ever!" sabi ko at nauna na kong maglakad.

Narinig ko namang tumawa silang apat. Eh wala eh, iniwanan ako ng mga backups ko. Yan tuloy ako napapagtripan dito!

Nauna namang nagpaalam yung tatlong lalaki at kaming dalawa na lang ni Iron ngayon dito. Nauuna pa rin ako ng lakad dahil baka pag di ko na-hold yung temper ko, baka makabasag ako ng itlog.

"Hey..." narinig ko namang sabi ni Iron pero dinedma ko lang.

Ewan ko! Inis na inis ako sa kanya!

Pero bigla akong natigil sa paglalakad ng magsalita siya ulit...

"Claire..." tinawag niya ko sa first name ko? Am I having hallucinations already?

"What did you just call me? Paano mo nalaman yung first name ko?" I asked him with a serious expression.

Staring at me with serious eyes as well, he put his hands in his pockets. Ano gaya-gaya lang, Iron?

"Talk." Sabi ko sa kanya.

"Malamang nag-introduce yourself tayo kanina sa room, 'di ba? You said your name in front. Ano may Alzheimer's ka na?" seryoso niya kong sinagot.

I smirked at him. "Alam mo bang no one dares to call me in that name?"

Humagalpak naman siya sa tawa at umiling. "Really? Gaya-gaya lang kay William? Tigilan mo nga ko! Hahahaha!"

Bigla namang nag-init yung ulo ko at inambaan ko siya. Tawa parin siya ng tawa. Gustong-gusto ko na siyang tadyakan ngayon sa totoo lang! Pang-asar talaga kahit kailan eh!

Badtrip!

Napakunot noo naman ako at wala ng nagawa kung 'di iwanan siya dun. Tumawid na ko lahat-lahat, wagas parin makahalakhak ang bakal!

Sige lang Iron! Mukhang masaya ka pa diyan eh! Labas mo lang yan ha? Pakasaya ka! Putcha nakakainis ka lalo eh! Nako!

Susuntukin ko na siya sa lungs eh! Babalatan ko siya ng buhay tas ipapalapa ko siya sa aso!

"Uy! Claire! Ito naman 'di mabiro!" narinig ko namang sumigaw siya pero di ko pinansin.

Narinig ko namang may tumatakbo pero alam kong siya yun. Nagulat ako ng bigla niya kong... akbayan.

And that weird feeling starts to bother me... again.

"A-Ano bang ginagawa mo..."

"Hmm?" napatingin naman siya sa'kin at eto na naman siya...

His smile melts my effing heart! Argh! Why does he keep smiling like that?! Why is he acting like this towards me?!

This is so confusing.

"Hays! Alam mo ikaw, these days nababangag ka e. Alam mo, kain lang yan. Tara!" pag-aaya naman niya sa'kin tapos hinatak na niya ko.

All along, habang naglalakad kami hindi naman niya ko tinantanan ng endless stories niya. Kung ano-ano naiisipan niyang ikwento! Grabe ang daldal niya para sa isang lalaki ah?

Ang tanong... lalaki nga ba siya? Hahaha! Joke!

Pumunta kami sa isang lugar na matao and...

"Ang baho naman dito!" oo mabaho sa lugar na 'yon.

Para kasi siyang tambayan ng mga lasinggero. At 'don sa isang malaking tent, hinatak niya ko papasok dun.

May tindang... bilog-bilog do'n na color orange na hindi ko alam ang tawag, hamburger na ang liit ng patty, at kung anu-ano pang pagkain na out of this world.

"Ano bang lugar 'to?" I asked.

"Ah, street foods section. Masasarap 'yong pagkain dito! Wag ka! Baka makalimutan mong mayaman ka pag natikman mo 'yong pagkain dito!" sabi naman niya at kumuha siya ng isang stick na may bilog-bilog na maliliit.

Nabigla naman ako ng inakbayan niya ko at inalok nung kinuha niya.

"Oh heto, tikman mo. Masarap yan," aniya at nilapit sa'kin 'yong stick.

"Ay nako! Ayaw ko mamaya pinagtitripan mo na naman ako! Ikaw na la"

"Hmm... ganun ba?" umalis naman siya sa pagkakaakbay sa'kin. "Okay, if you say so."

Alam niyo yung feeling niya parang kakaiba yung reaction niya? Well, siya yun eh. Nakakatakot yung reaction niya eh. At hindi nga ko nagkamali...

"Masabi nga kay Tito Fred yung tungkol sa fake rel" pinutol ko naman yung sasabihin niya.

"Aish! Oo na! Sige na! Kakain na nga eh!" ngumiti naman siya ng malapad at inilapit sa'kin yung bilog-bilog something na may pagkablack.

Pumikit ako at kinagat yun. At yung reaction ko...

"Hmmm... masarap pala!" napatango naman ako sa sarap. "Anong tawag diyan?"

The corners of his lips rose. "Bato ng manok."

Laki mata. Ubo. Nganga.

Tumawa na naman ng wagas ang demonyito.

Hindi ko alam pero imbis na mainis ako, napangiti na lang din ako.

Kung anu-ano yung pinatikim niya sa'kin. Yung orange na bilog which is kwek-kwek ang tawag, yung isaw, fishball and all kinds of food na nandun. Kahit ganun yung mga itsura, well masasarap naman! Kaya pala, don't judge the book by its cover nga naman. Bumili rin kami nung panulak at kung tawagin yun, palamig sa kanila.

Kagrabe siya! Ang lakas kumain ng mokong!

Pagkatapos naming lumapang dun, dumiretso na kami sa condo niyang tinutuluyan na binigay ng kuya ko sa kanya na wala siyang maiiaangal dahil kuya ko yun at karapatan kong pumunta dun.

Hahaha! Daming satsat!

Today. Tuesday, eight-thirty PM.

Nandito na kami ngayon sa sala kasama si Yodo. Nag-aaral pala si Yodo kaya madalas wala siya dito. Gumagawa siya ng assignment sa kwarto niya at kami naman ni Bakal nandito sa living room. We're talking about the fake relationship na pakana ng magaling kong kapatid. Kung sa school may getting to know each other, well dito rin meron.

"Favorite food?" Iron asked.

"Lahat except veggies. Ikaw?"

"Lahat except garbage." Pinaglololoko ba ko nito?

"Malamang! Sino naman kakain ng basura?!"

"Alam mo, alam ko iniisip mo. Pag sinabi kong lahat, sasabihin mo 'pati basura?', sabihin mong hindi?" seryoso namang sagot ni Iron.

Oo nga naman! Aba? Mautak 'tong lalaking 'to ah? How could he read my mind?

Matapos yung mala-slam book naming tanungan (pwera lang yung crush and other personal experiences) nagdecide naman kaming mag-usap sa mga rules naming dalawa. Kung ba't nga ba namin ginagawa 'to? E alam niyo namang nagkalat ang mga intrigers sa mundo! Daming tanong, daig pa Q and A sa isang pageant.

"Makinig ka, Bakal. Bawal mo kong halikan, yakapin, or any foul play sa loob ng fake relationship na 'to."

"I know it already. And as for you, isa lang ang rule ko." Humalukipkip siya.

"Ano?"

"You can't fall in love with me."

Bigla naman akong nakaramdam ng something weird nung marinig ko yun. Para bang may part sa'kin na... hays! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko na naman?! Nahihibang na ba ko?!

At ba't naman ako maiinlove sa kanya?! Kagrabe! NAPAKAIMPOSIBLE naman nun noh! Asa pa siyang maiinlove ako sa kanya! E kinakainisan ko nga siya... di BA?!

I smirked. "Nagpapatawa ka ba? Ba't naman ako maiinlove sayo? Let me clear this to you. Kahit na nagbago ka pa sa physical appearance mo, it doesn't mean na mababago na niyan ang lahat." Humalukipkip ako bago nagpatuloy, "You'll always be that pauper na kinakainisan ko. Nothing more, nothing less. Ako maiinlove sa isang guy like you? Well that's... awkward." Sabi ko at tumayo naman na ko, kinuha ko yung bag ko.

Kumunot ang noo niya sa paggalaw ko. "Oh? Where are you going?"

"Saan pa ba? Eh 'di sa mansion! Tch..." sabi ko at naglakad na ko papunta sa pinto.

"Wait!" nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay.

At yung sumunod na nangyari...

"Ano... wala na kaming groceries sa loob. Inubos mo kaya pwede pahingi ng pambili?" napabuntong hininga naman ako.

Since na kami ang in-charge sa mission na 'to, kami rin ang bahala sa mga expenses namin. Si Kuya naman sa mga gamit namin at lahat ng kailangan namin. Samin lang pala yung kakainin.

Hays! Di ko alam kung ano talagang trip ng kapatid ko eh!

Parang mag-asawa lang ang peg?

Binigyan ko siya ng sampung libo at lumabas na ng condo. Ewan ko bigla akong nakaramdam ng pagkainis. Nakakainis naman kasi eh!

Hindi niya ba alam na—hays! Pahirap naman talaga kahit kailan oh! Ewan ko pero nung sinabi niya bawal akong mainlove sa kanya, I felt something has cracked inside me. Napahawak naman ako sa dibdib ko pero di ko pinansin yun. For now, all I know is...

It hurts. Parang may punyal na tumusok sa puso ko. And I don't even know why I felt that.

Hanggang ngayon na nakauwi na ko, hindi parin mawala sa isipan ko 'yong mga 'yon. Para kasing... aish! Ang weird ko na talaga! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?!

Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin, Iron?


(Iron's POV)

"Aish..." hindi ako mapakali dito sa kama ko.

Hindi ko alam kung anong pwesto ng higa ang gagawin ko. Sa sobrang inis ko, nagpunta muna ko sa veranda. Kumuha ako ng kape at tumingin sa city lights. Naalala ko na naman yung sinabi ni Claire...

"Kahit na nagbago ka pa sa physical appearance mo, it doesn't mean na mababago na niyan ang lahat. You'll always be that pauper na kinakainisan ko. Nothing more, nothing less."

"Kahit na nagbago ka pa sa physical appearance mo, it doesn't mean na mababago na niyan ang lahat. You'll always be that pauper na kinakainisan ko. Nothing more, nothing less."

"Kahit na nagbago ka pa sa physical appearance mo, it doesn't mean na mababago na niyan ang lahat. You'll always be that pauper na kinakainisan ko. Nothing more, nothing less."

Aish! Ba't ba paulit-ulit sa utak ko yan?! So what kung hindi siya mainlove sa'kin?! Ano naman para sayo yun Hans ha?! Eh di masaya kung hindi siya mainlove! Di naman siya kawalan... di ba?!

"Aish! Ba't pa kasi nabuo 'tong mission na 'to eh?!" ginulo ko yung buhok ko sa sobrang inis.

Paulit-ulit na nagrerewind sa utak ko yang mga sinabi niya. Hindi ko nga alam eh kung ba't ko nararamdaman 'to ngayon.

Why did I feel like nasaktan ako sa mga sinabi niya? Why am I so affected? Eh di ba... ito naman talaga ang gusto ko?

Napayuko na lang ako at napahawak sa ulo ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko lately. Lagi na lang akong naguguluhan, confused because of the happenings around me. Napakabilis naman kasi. Ni hindi ko na nga rin alam kung bakit ba ganito pumapasok sa isip ko eh. Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Claire, Nicola, Bratinella, Grumpy, etc.

What have you done to me, Claire?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro