Chapter 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(Axe's POV)

Nandito ako ngayon sa airport. Bakit?

Eh kasi, hinihintay ko lang naman si Michael, 'yong bunso kong kapatid. Tatlo kaming magkakapatid actually. Four years after Iron, my late brother, died, Michael was born. Like Iron, gustong-gusto ko rin siya. Para kasing nabuhay sa kanya 'yong kaluluwa ni Iron. 'Yon nga lang, medyo may pagkamasungit si Micahel. Ewan ko kung bakit ganun.

Siguro no'ng ginawa siya ng mga magulang namin, tag-sungit sila. Hahaha!

Okay, medyo bastos na.

'Di kalayuan sa kinatatayuan ko, natanaw ko na ang seryosong Michael. Kasama niya nga pala 'yong pinsan kong ang lakas ng trip. No'ng umalis kasi siya dito sa Pilipinas, pinabantayan ko siya sa pinsan ko.

Habang papalapit sila nang papalapit sa direksyon ko, mas nasisilayan ko ang ngiting aso ng pinsan ko. And just as I expected...

"Rexona!" yan ang tawag niya sa'kin.

Galing 'no? Gawin ba daw akong deodorant?

Tumakbo naman siya at niyakap ako pero hindi lang basta yakap. Talunan ba daw ako?! Ano 'to? Smackdown lang? Di halatang mas excited siyang makita ako kesa sa kapatid ko 'no?

"S-Sean... K-Kalma!" sabi ko naman at bumitaw na siya sa pagkakasabit sa'kin.

Tss. Isip-bata parin talaga.

Tumingin naman ako kay Michael na nakatingin lang sa'ming dalawa. Nag-open arms naman ako sa kanya kaso...

He furrowed his brow, scrunching up his nose. "Pfft... hanggang ngayon ba naman ganyan parin kuya? Seriously..."

Kagrabe talagang bata e? Sobrang sungit!

"Alam mo, ikaw talaga! Daig mo pa may PMS!" ginulo ko naman yung buhok niya at ngumisi naman siya sa'kin.

Bumili muna sila sa Duty Free ng mga chocolates bago kami umuwi. Ewan ko kung ba't pa sila bumili no'n. Wala namang pagbibigyan. Wala naman silang mga girlfriend dito sa Pinas. Sayang lang pera, mga brad!

E kung binigay na lang nila sa'kin?

Pagkatapos naman nila bumili, dumiretso na kami sa sasakyan. Habang nag-di-drive, napag-usapan namin ang tungkol sa ipapagawa ko sa kanya.

"Sino bang novice 'tong papaturuan mo sa'kin?" seryosong tanong ni Michael, hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Basta malalaman mo na lang. Bukas ko na lang sasabihin para surprise."

"May surprise pang nalalaman e. Just spill it out. I don't like surprises, at hindi siya special kaya tigilan mo na ko, Kuya. Just tell me who he is," utas ni Michael nang nakakunot ang noo.

"Tch... ang sungit mo talaga." Nasabi ko na lang.

Napatingin naman ako kay Sean na kasalukuyang nakatingin sa cp niya. Himala? Hindi niya yata ako ginagambala ngayon?

"Hoy, Sean!"

"Oh?" napatingin naman siya sa'kin.

"Hmm... gusto mo ulit ng trabaho?"

Bigla naman siyang napakunot ng noo sa sinabi ko at binaling ulit yung atensyon niya dun sa cellphone niya.

"You know what? Ayoko ng magtrabaho sayo. Lugi ako lagi sa mission ko. Nung nakaraan, you made me clean the whole mansion and in return, you gave me a penny. Wow? Ang kuripot mo para sa isang boss. That's why nagswear ako sa sarili ko na hindi na ulit ako magtatrabaho sayo. Di baling maging domestic helper ako at maghugas ako ng pwet at least yun pounds. Eh ikaw? Penny for cleaning the whole mansion. Amazing!" Sabi niya with a poker face.

"Hindi, iba 'to. Promise, bibigyan kita ng benefits. Big benefits and I'm sure matutuwa ka."

"Continue."

"I'll give you your own car and condo." I offered.

"Meron na ko. Don't trouble yourself."

"Hmm... one hundred thousand para sa mission na 'to."

"Mas mapera pa ko sayo." Pambabara niya.

Napaka-choosy naman ng lalaking 'to! Ang gaganda ng offer ko tapos ni isa wala siyang gusto? Ano bang gusto ng lalaking 'to? Katawan ko?

What else can I offer to him?

My face suddenly lit up when I had a light bulb moment. Umangat ang gilid ng aking labi sa naisip na offer sa kanya.

"How about a piano? A grand piano?" 

Napatingin naman siya sa'kin nang nanlalaki ang mga mata.

"Sure! Ano bang mission yan?!" 

Hahaha! Sabi na nga ba e! Kumagat din!

Isa kasi siyang pianist lover. Sa aming magpipinsan, siya yung pinakana-involve sa music. Nagmana kasi siya sa lola ko na music lover. And ang pinakagusto niyang instrument? Piano. Nagcocompose siya ng sarili niyang piyesa sa piano. Eh dahil sa ayaw nila tito na bilhan siya dahil disagree yung mga magulang niya sa gusto niya.

And dahil siya ang favorite cousin ko (Dahil napamasunurin niya), ayan binibigay ko sa kanya yung mga gusto niya. Hindi lang 'tong piano ang kauna-unahang naibigay ko. Pati na rin yung condo namin malapit sa MOA, binigyan ko siya ng isang unit dun. Di ba ang bait ko?

"Aish! Sige, kayo na lang mag-usap na dalawa. Tutal kayo lang rin naman ang nagkakaintindihan..." nagheadphones na lang si Michael dahil Na-OP.

Kami namang dalawa ni Sean, napangiti na lang.

"Mamaya na lang natin pag-usapan 'yong gagawin mo," sabi ko naman kay Sean at tumango siya.


(Iron's POV)

Maaga kaming pumasok nila Terrence at Cade. Nalate ng konti si Axe dahil sinundo niya pa yung bunso niyang kapatid sa airport. Nandito na rin yung mga babae at mukhang nasa good mood yata sila ngayon?

Masira nga. Hihihi! Joke!

"Okay go back to your seats, class." Bigla namang dumating si Professor Rakista.

Ba't nandito siya e mamaya pa yung PE class?

"Erhm... anong month ngayon?" Seriously? Nagpunta siya para lang tanungin yun?

"Did you come here just to ask that? WHAT KIND OF TEACHER ARE YOU?!" 

Bigla na namang umatake ang pagkabaliw nitong si Bratinellang Grumpy kaya naman nadiin na naman sa pader yung Professor.

Hays, grabeng babae 'to! Bawat Professor na pupunta laging nadidiin sa pader. Hays, napakanotorious ni Ateng ha?

Lumapit naman kaming pito kay Claire para pigilan siya. Hatak-hatak niya yung kwelyo ng Professor. Di naman niya siguro crush yung mga Professor dito noh? Habit niyang manugod ng Professor? Ano bang tinira talaga ng babaeng 'to?

"M-Miss Dela Merced... m-mag-aannounce ako. H-Hindi lang 'yon ang g-g-gagawin ko!" nagpanic naman yung Prof.

Biglang nabading eh. HAHAHA. Biglang nanlambot si Prof!

Binitawan naman niya yung Professor at kumalma na ulit. Alam niyo yung may saping babae? Si Bratinellang Grumpy yun e. Bigla na lang nananakmal. Parang aso lang ah?

"Siguraduhin mo lang matutuwa ako diyan sa magiging pakulo mo, Rakista!" bastusing bata talaga eh noh?

Ugaling iskwater 'tong si Bratinellang Grumpy e. Mas mapapagkamalan pa siyang pulubi sa'ming dalawa e.

Inayos naman ni Prof Rakista yung kwelyo niya at nagsalita ng magsalita.

"I'm here to tell you that there will be a battle of the bands dito sa MP Academy. Mahahati kayo sa apat na group. Two groups for boys and Two groups for girls. Dalawang banda lang ang mananalo, isa sa boys, isa rin sa girls. Yung mga mananalong yun, sila ang ipang lalaban sa championship na magaganap sa Araneta Coliseum at kung sakaling manalo pa sila sa championship, mananalo sila ng trip sa tatlong lugar. Yung tatlong lugar na yun, 'tsaka ko na sasabihin. It's our little secret."

Bigla namang naging alive yung mga spirit ng mga tao rito. Ako? Hindi naman masyadong excited di tulad nila. Silang lahat including sila Claire's side and our side. Ewan ko pero yung mga ngiti nila, parang nakakatakot. Nagtinginan sila Terrence, Cade at Axe, ganun rin sila Erielle, Natalie, Allison at Claire. Mukhang nakaisip na naman yung dalawang kampo ng pakulo eh.

"So who will be the four leaders?" tanong ni Prof Rakista.

Unang tinuro ng lahat si Claire at yung magiging kalaban naman niya, yung karibal niya dati sa haliparot na si William. Di ko siya kilala eh! Pake ko ba sa kanya? Di ako interesadong malaman yung pangalan niya.

Sunod namang tinawag, ako. Oo ako. Nakakahayop 'no? Tapos kung malasin ka pa, si William pa talaga kalaban ko. Galing! Fate! Sarap mo sapakin!

I gave an evil grin to William. He smirked at me and nakinig na kami kay Prof Rakista.

"And now, puntahan niyo yung mga gusto niyang maging leader." And as usual...

Tumakbo naman sa'min yung mga kabarkada namin. Si Natalie, Erielle, at Allison na kay Claire at sa'kin naman yung tatlong kumag. Hahaha!

'Yong tatlo pang na sa'min. Nagvolunteer na sila na lang bahala dun sa magiging practice room namin at yung food daw basta ipanalo daw namin. Galing ah? Ano kayo boss?

"Oh, I almost forgot! The theme of the song you'll choose must be about sa bitterness between sa dating lovers. Example, 'yong guy gusto niyang magsorry or mag-effort kung paano mababalik 'yong dating relationship nila. Pero imbis na gawin niya yun, nagpakabitter siya. But in the end, kakainin rin niya 'yong pride niya just to get the girl back. Kayo na bahala kung paano gagawing bongga ang labanan na ito! Goodluck Seniors!"

Napanganga naman ako sa sinabi nung Prof.

Fuck! I've never been in that situation! At wala akong kinalaman diyan! Inosente ako diyan! Tumingin naman ako sa tatlong kaibigan ko at ang reaction nila?

Laglag panga rin. Hindi makapaniwala siguro sa narinig nila? Oh ayaw lang nila 'yong... narinig nila?

E kasi di ba? Ang galing ng timing eh! Saktong-sakto sa mga sitwasyon nila. Hahaha! Ang saya nito for sure. And since sila ang may alam dito, hindi ako mahihirapang mag-isip nung kakantahin.

"So... sinong vocalist sa unang laban?" pagtatanong ko.

Tumingin naman sila sa'kin at tinuro si Terrence.

"Huh?! The fuck?! Ba't ako?!" si Terrence

"E ikaw ang pinaka-relate diyan pre!" Cade tapped his shoulder.

"At ako talaga ang target niyo ah! Bakit ako lang ba super relate dito?!"

"Oh, yes you are. Di ba ikaw lang naman 'tong nagkaroon ng relationship sa'ting apat?! Alangan namang si Iron e alam naman nating virgin pa yan!" napatingin naman ako kay Axe.

Ay grabe ah? Ang hard ah!

"So, you mean hindi na ko virgin ha?!" ani Terrence at binatukan siya ni Cade.

Wow ha? For the first time, siya 'yong nananakit.

"Bombilya nito! Hindi literal na virgin! Bayagan kita diyan eh! Ibig sabihin niya, he's never been in a relationship before so how can you expect na siya yung vocalist?! For sure mahihirapan siyang mag-adjust dun  at kung ikaw yung vocalist, mas feel na feel yung kanta for sure! Relate ka e!" sabi naman ni Cade sa kanya.

"Eh teka nga! Hindi naman ganun kalala yung sitwasyon ko ha?! Hindi naman sa'kin talaga sentro ng theme eh! Atska sino ba yung pinakabitter sa'tin dito?! Di ba ikaw Axe?! Ikaw 'tong mapride pero deep inside" tinakpan naman ni Axe yung bunganga ni Terrence.

Nagpupumiglas naman si Terrence.

"Hays... shit ka talaga, Terrence! Oo na 'wag ka ng maingay! Ako na! Putsaragis!" nainis naman si Axe at lalong hinigpitan yung pagkakatakip nung bunganga ni Terrence.

"So settled na yan ah! Bukas na tayo magstart ng practice." Sabi ko naman at tumango naman silang lahat including Terrence na nakatakip parin yung mukha ng kamay ni Axe.

Hays, ang daldal kasi!

Nang mag-break time, magkakasama rin kaming pumunta sa rooftop. Well, bagong tambayan dahil dito kumakain 'yong mga girls. Do'n daw kami pwedeng mag-usap e basta ba walang personal business na masasama. Wala pa nga pala yung mga girls. Ewan namin kung ba't wala pa sila.

Basta ako...

"Aish! Ang sarap nito! Kakain na kitaaaaa!" kakagatin ko na sana yung manok ng biglang...

"IRON!" may sumigaw ng pangalan ko na sobrang tagal at lakas kaya naman napatakip kaming apat ng tainga.

Nang tumigil 'yong sigaw, lumingon ako agad sa likod at sinimangutan siya. I knew it! Siya na naman.

Lumapit si Bratinellang Witch slash Grumpy. Ang dami ko ng tawag sa kanya! Witch dahil yung boses niya pang-witch!

Hinatak niya ang kwelyo ko, dahilan para mapatayo ako't malayo sa pagkain ko.

"What the?! Ano bang trip mo?! Hinihintay ako ng manok ko!" sigaw ko naman habang hatak-hatak niya ko.

Huminto naman siya sa paghatak sa'kin. Nakatawa lang sa'min sila Axe pati na rin sila Natalie. Kasama ni Claire 'yong tatlong babae. Hinawi ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kwelyo ko at huminto naman siya para harapin ako.

"Listen! My father arrived just now!" nagpapanic na si Claire.

"Oh? Anong gusto mo ngayon? Latagan ko sila ng red carpet mula airport hanggang sa mansion niyo?" Binatukan naman niya ko't napadaing ako, "Aray ah! Makabatok ka close tayo?!"

"Tumigil ka na kase! Magseryoso ka nga! Kailangan na nating mag-ayos para sa dinner mamayang gabi!" hinatak naman niya ko ulit.

Kumaway lang sa'min sina Erielle at Axe. Mga loko-loko talaga e!

CONDO UNIT 143

Maaga kaming lumabas ngayon ng MP Academy. Wala ng paalam na naganap at dinala na agad ako ni Claire dito sa condo unit. Ni hindi ko nga natikman yung manok kong mahal na mahal ko. Bwisit kasing bratinella 'to e. Kung pwede lang manapak ng babae, ni-samplelan ko na 'tong babaeng 'to!

"Maghanda ka na! Bilisan mo! Malayo-layo pa 'yong venue no'n bakla!" ano daw?!

"Anong tawag mo sa'kin?! Bakla?! Wow ha?! Baka pag naghubad ako dito, lunukin mo yang sinabi mo! Maglaway ka pa sa abs ko?!"

"Ahuh? Gawa muna kase! Bago sat... sat..." naging marahan naman ang bawat salita niya dahil sa ginawa ko.

Well ayon, nganga mode na po siya. HAHAHA! Ako pa hinamon niya ha?


(Claire's POV)

Napanganga ako nang marahang tinaas  ni Iron 'yong damit niya at hinubad 'yon, revealing his vigorous upper extremeties and majestic torso.

Bigla naman akong napalunok. Takte! Ano ba 'to?!

Hindi ba niya alam 'yong word na BIRO?! Nagbibiro lang ako e! Naman 'tong lalaking 'to eh! 'Di naman 'to marunong magbiro!

"Oh? Ano ka ngayon? Ngayon ka lang nakakita ng buns? You asked for it di ba?" sabi niya habang nakangisi.

"H-Ha?! A-Ang kapal ha! Hoy! 'D-Di lang ikaw ang nakitaan ko ng ganyan! A-asa ka p"

"Ay ha? Napapaghalataan ha! So you mean, hindi lang pala ako ang lalaking naghubad sa harap mo? Okay medyo... perver" hindi ko naman siya pinatapos sa pagsasalita niya.

My face flushed and I groaned in frustration "JUST SHUT UP AND GET DRESSED! GET OUT OF MY SIGHT!" sabi ko naman at pinagbababato ko siya bawat bagay na mahawakan ko.

"Aray! Oo na! Hahahaha! Pikoness!" sabi naman niya at nagmadali siyang pumasok sa loob ng kwarto.

Pagpasok niya, napabuntong hininga talaga ako. Ang init ng pakiramdam ko tas pinagpapawisan ako. Takte ano bang nangyayari sa katawan ko?! Ba't ako pinagpapawisan eh ang lamig dito! Eighteen degrees celsius na nga temperature dito taps pinagpapawisan ako?! Naabnormal na yata kondisyon ng katawan ko.

Hinayupak naman kasing Bakal yun eh!

Nabigla naman ako nang biglang bumukas 'yong pinto at niluwa no'n si Kuya.

"Kuya?" napataas naman yung kilay ko sa kanya.

"Nasa'n na si Iron?" hingal na hingal siya.

"Bakit? Anong meron? Trip mo?"

"Hays! Ikaw! Maghanda ka na! At marami pa tayong..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya at nag-iba bigla ang timpla ng mukha niya.

Nabigla naman ako nang biglang humalakhak nang pagkalakas-lakas 'tong si Kuya habang nakaturo nang lagpas sa'kin.  Napatingin naman ako sa tinuturo niya at ng makita ko kung ano 'yon...

What the fuck?! Si Iron... nakasuot ng...

TUXEDO NA SLEEVELESS TAPOS NAKA-BOXER?!

WHAT THE!

ANO BANG TRIP NIYA?! WHAT'S GOT INTO HIM?! NAKA-DRUGS BA 'TONG LALAKING 'TO?!

"TAKTE?! ANO BANG TRIP YAN BAKAL?!" napasigaw at napadabog naman ako.

Tangina! Nakakabadtrip naman 'tong lalaking 'to oh!

"This is passion! Eto ang malufet na passion!" pumose pa siyang pang-macho.

Putcha naman oh! Nararamdaman ko namang umaakyat yung dugo ko sa ulo kaya naman...

"THE F*CK BAKAL! MAY BALAK KA BANG MAGING MACHO DANCER SA ISANG GAY BAR?! WHAT THE HECK IRON?! DINNER YUNG PUPUNTAHAN NATIN! FAMILY DINNER YUN AND DUN NAKASALALAY YUNG IMAGE NG PAMILYA KO! HINDI 'YON JOB INTERVIEW SA GAY BAR! ANO BA NAMANG KLASENG... AISH! EWAN! NAKAKABWISIT NA! TAPOS ANO PANG PASSION NALALAMAN MO DIYAN?! FASHION 'YON! HINDI PASSION!" ⁠Napagulo ako ng buhok at napasigaw sa iritasyon. "DIYAN KA NA NGA! NAKAKABANGAG KANG KASAMA! MABABALIW AKO SAYO NG WALA SA ORAS! WHAT'S WRONG WITH YOU?!"

Sumabog na talaga ako this time. E kasi alam niyo yung sobra na kong pressure na pressure tungkol sa nakakalokong pakulo nitong kapatid ko! KAPATID ko pa talaga!

Tapos dumadagdag pa siya sa stress ko! Ano ba namang klaseng tao 'to si Iron?! Talaga bang wala na siyang ibang gagawin kundi bwisitin ako?!

"Okay! Ito naman di mabiro! Sorr"

"I don't have time for your fucking jokes! Wala ng natitirang oras sa'kin para makipagbiruan! Hindi ko kailangan ng jokes mo! Kailangan ko seryosong tao sa ganitong seryosong sitwasyon! Hindi mo alam na dahil sa fake relationship na 'to, sobrang napipiga na 'yong brain cells ko! Ni hindi ko na nga makain yung favorite kong pagkain, prutas, desserts, at lahat ng pagkain na naging parte na ng buhay ko!" Teka hiningal ako, hinto lang ako saglit.

"'Di ko na rin napapanood yung crush na crush kong si Do Min Joon sa My Love From The Stars at 'yong love na love kong pusang blue na si Gumball dahil sa ginagamit ko yung oras nun para magpractice magpanggap! Imbis na kumain ako ng masarap at magpakabusog, eto nag-iisip ng paraan para maging maganda yung kinalabasan ng lintik na fake relationship na 'to!"

Nanatili namang nakakatitig ang dalawa sa'kin, napawi ang ngisi sa labi nila pareho.

"Ako sobrang bangag na dahil hindi ako nakukumpleto ng tulog kakaisip diyan tas ikaw?! IKAW?! Dadaanin mo lahat sa biro! Puro ka biro! Magsama kayo ng joker sa baraha! I quit! Ikaw ng bahala diyan, Kuya! I'm so over with it!" I gave him a tongue-lashing.

Nasobrahan na sa taas ng temperature yung dugo ko. Feeling ko nga mas hot pa ko sa temperature ng Sun.

Nakatingin lang siya sa'kin at ganun rin si Kuya. Ako naman, I can't stop glaring at him. In the end, I went outside and ran. Naramdaman kong may sumunod sa'kin pero binalewala ko 'yon. Kahit pa panay ang tawag niya sa'kin.

"Claire!" Iron shouted.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamartsa at mas binilisan pa ang pagkilos. Agad akong pumasok sa elevator. Nagpupuyos ako sa galit. I was completely in a black mood.

"Wait Claire! Sorr" hindi ko na pinakinggan pa si Iron at pinundot ko na yung close sa elevator.

Ayoko muna siyang pakinggan ngayon. Naiinis lang ako at parang gusto ko siyang sapakin. Kaawaan nawa ng Diyos! Parang awa na niya! For crying out loud!

Pwede bang magseryoso naman siya kahit ngayon lang?! I need him. I need him so much...


(Iron's POV)

Tingnan mo talaga 'yong babaeng yun noh! Masyadong pikon! Di marunong sumakay sa trip.

But on the other hand, tama siya. I should be serious with this one. Wala naman talaga akong intension na inisin siya. I just want to calm her down dahil napansin ko nga na kanina pa siya nawawala sa sarili niya. Kanina kaya nung nagkakaroon ng discussion ang bawat group para nga dun sa magaganap na battle of the bands, wala siya sa sarili niya. Her groupmates were trying to say something to her but it seems like she's not in herself. Kaya si Erielle na lang muna ang namuno sa kanila.

Masyado kasi niyang iniisip yung tungkol dun. Unlike me na, pa-easy-easy lang. But don't get me wrong guys, hindi porket nakikita ko niyo kong nagloloko sa Oplan na 'to, ibig sabihin eh masyado akong confident. Ako rin, kinakabahan, natatakot at natotorete sa sitwasyon ko. Pero dahil sa ayokong masyadong istressin ang sarili ko dahil dun, dinadaan ko sa pagiging energetic ko. Kahit na nasasabihan ako nila Axe na para daw akong suminghot ng baygon.

And as I've said earlier, hindi ko siya iniinis. Gusto ko lang siyang mapakalma but she got it all wrong. Ewan ko pero nung nakita ko siya kung paano magalit sa'kin, I felt guilty. Oo aaminin ko, masyado akong umover the limit but I didn't expect that it'll turn that way. And now, namumroblema ako dahil nagalit siya and I don't know how am I going to approach her. Haist!

"Pards, promise. 'Di ko naman talaga intensyong"

"I know, Iron." Napatingin naman ako kay Evander.

"How did you know?"

"Baliw, eh kanina ka pa daldal nang daldal diyan! Pang-MMK ka na nga eh! Ginawa mo kong si Charo!" bulyaw niya

Napabuntong hininga naman ako. Hays, ba't ba every time na lang na magshashare ako ng thoughts sa inyo, naririnig ng mga character dito sa story na 'to?

Napatingin naman ako kay Evander dahil biglang niya ko ni-tap sa balikat.

"Magtapat ka nga sa'kin. Inlove ka na ba sa kapatid ko?" I raised eyebrows as I heard his words.

Bigla naman akong nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso ko. And seriously, hindi ko maexplain kung ano 'tong nararamdaman ko. Or maybe I know, but I don't want to acknowledge and explain it.

"A-Ano ka ba naman, Pards! 'Di ba sabi ko naman sayo, I-I won't eat my words." Sabi ko naman.

"Asus! Talaga lang ha? Then, why are you blushing?" ngumiti naman ng malapad 'tong si Evander.

"Hays! Anong nagba-blush?! H-Hindi naman ako gumagamit ng blush on ha! Wag ka nga!" tinanggal ko naman yung kamay niya sa balikat ko tapos dumiretso na ko sa kwarto ko.

Sumandal ako sa pinto at napahawak ako sa pisngi ko.

Talaga bang... nagba-blush ako?

Aish! Nagulo ko na lang yung buhok at napahinto nang maisip ko si Claire. May problema pa pala ako. Dapat hindi muna ako nag-iisip ng kung ano-ano na hindi naman makakatulong sa pagresolba ng problema ko. 

"Shemay... how am I going to talk to her..." napabulong na lang ako sa sarili ko.

Napatingin naman ako sa paligid ko. Kaliwa't kanan ang tingin ko at pagod akong pumirmi ng tingin sa isang sulok. Nakita ko 'yong gitara na nakalagay sa gilid ng cabinet. Kinuha ko 'yon at umupo ako sa kama. Iniistrum-strum ko lang 'yon hanggang sa nagliwanag bigla ang pag-iisip ko. I suddenly had a light bulb moment.

Alam ko na kung anong gagawin ko! Napangiti naman ako at hindi na halos maipinta yung mukha sa sobrang kagwapuhan lalo na ngayon nakangiti pa ko. HAHAHA!

Ano daw?

"Gomawo guitar!" hinalik-halikan ko naman yung gitara ko sa sobrang saya ko.

Just wait... Claire. Hehehe!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro